ADC 12
Keith's Pov
"So, kumusta 'yong lakad niyo kahapon?" si Maica.
"Okay naman, sobrang nag-enjoy ako."
"Hays, I wonder kung anong feeling nang maligawan," nakasalumbabang sambit ni Steph.
"Never mong mararanasan 'yan, Steph, hindi ka nga crush ng crush mo eh." Tatlo kaming tumawa habang ngumuso naman si Steph.
"Kingina mo talaga, Maica. Sabi na 'di mo 'ko mahal eh,"
At nag-drama na nga.
"Hay nako, bilisan na lang natin at may pasok pa tayo." Naunang tumayo si Maica at dumiretso na sa banyo.
Kami ni Ella ang maghuhugas ngayon kaya naman kinolekta na namin 'yong mga pinagkainan namin at dinala na sa lababo.
Ako ang nagsasabon habang si Ella naman ang nagbabanlaw.
"After natin dito, ikaw na muna ang maunang maligo. Baka kasi biglang dumating si Dale eh," aniya.
"Hindi ka ba sasabay sa amin?" tanong ko.
Umiling naman siya. "Dadaanan ako mamaya ni Carolyn eh,"
"Okay."
At nang matapos nga kami ay nagtungo na ako sa kuwarto namin para kunin 'yong damit at tuwalya ko.
Hindi pa ako nakakalimang buhos nang katukin ako ni Maica.
"Bilisan mo, nasa labas na si Dale," ani nito.
Ang aga naman niya?
Pinagsabay ko ang pagsasabon at pagsha-shampoo para mas mabilis akong matapos.
"Bakit hindi ka na nag-uniform?" takang tanong sa akin ni Ella.
"P'wede naman kahit hindi na mag-uniform eh," sagot ko.
"Oo nga pala, pupunta tayong LCR ngayon 'di ba?" Shocks! May event nga pala ngayon. "Maliligo na nga rin ako at baka mahuli ako," aniya at nagmamadaling pumasok sa banyo.
Natawa na lang ako sa kaniya at iiling-iling na pumasok sa kuwarto.
Hindi naman ako nagtagal dahil powder at liptint lang naman ang ina-apply ko sa mukha ko. Mas bagay ko kasi ang simple lang kaysa 'yong ang daming kolorete sa mukha.
Matapos ay lumabas na ako ng kuwarto at nagpaalam na kina Maica.
"Kanina pa siya nasa labas pero okay lang 'yan... mahal ka pa rin naman niyan eh." Agad naman akong pinamulahan sa sinabi ni Maica. Gusto pa lang niya ako, hindi mahal.
"Aguy! Namumula si ante!" pang-aasar ni Steph at nagtawanan sila ni Maica.
"A-Alis na ako," nagmamadaling paalam ko.
"Mahal ka namin, Kei!" dinig kong sigaw nilang dalawa.
"Bakit ka namumula?" Napaangat ako tingin nang may magsalita sa harapan ko. Nakayuko kasi akong lumabas eh.
"W-Wala. Inaasar lang ako nina Maica," sabi ko sabay iwas ng tingin. Hindi ko kaya 'yong paraan ng pagtitig niya sa akin.
"Kanino? Sa akin?" Nanlaki naman ang mata ko at naramdaman kong uminit ulit ang pisngi ko.
"W-Wala! T-Tara na," utal na sabit ko at tinalikuran siya.
"Cute mo." Napapikit naman ako sa sobrang kahihiyan.
Tama na, please... Magmumukha na akong kamatis dito.
Gaya ng lagi niyang ginagawa pinagbuksan niya ako ng pinto para makapasok ako.
"Thanks," sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya.
"Ano oras dismissal niyo?" tanong ni Dale nang makapasok siya.
"I d-don't know... May event kami ngayon eh," tugon ko habang nasa labas ng bintana ang tingin. I'm still blushing!
"Okay, mag-chat ka na lang sa akin." Tumango ako.
Tahimik lamang ako habang tinatahak ang daan papuntang UdD. Wala naman akong sasabihin eh kaya bakit pa ako magsasalita.
"How was your sleep? Napanaginipan mo ba ako?"
I shook my head. "Hindi." Natahimik naman siya sa sagot ko.
"See you later, Keith," aniya sabay kindat.
I smiled at him. "Bye. See you later," ani ko bago lumabas sa sasakyan niya.
"Oy, oy, sino 'yon ha?" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa gilid ko si Alexa.
"Jowa mo ba 'yon? Bakit hindi mo sinasabi sa amin ha?" Gatong naman ni Ivan.
"Hindi ko boyfriend 'yon," sagot ko sa dalawa.
"Eh ano?" sabay nilang tanong.
"He's my suitor." Parehas namang nanlaki ang mga mata nila.
"Kailan pa?! Bakit hindi ka nagkekweto sa amin?" tanong ni Alexa.
"Kahapon lang siya nanligaw sa akin," sagot ko.
"Saan mo nakilala at saan nag-aaral?" sunod-sunod namang tanong ni Ivan.
"Sa Lyceum siya nag-aaral at nakilala ko siya sa Mcdo doon sa UPang."
"Taga-LNU pala eh papaanong napunta siya sa UPang?" tano naman ni Ivan.
"May kaibigan siyang nag-aaral sa UPang," sagot ko. Tumango-tango naman sila.
"So, kailan mo balak ipakilala sa amin? Alam na ba ni Nigel?" Umiling naman ako.
"Sasabihin ko pa lang sa kaniya." Kapwa naman kaming napalingon sa nagsalita sa likuran ko.
"Anong sasabihin mo sa akin?" takang tanong ni Nigel.
I was about to speak nang unahan ako ng dalawa. Sabi ko nga, sila na.
"May nanliligaw kay Keith na taga-LNU."
"Wow, congrats! Dalaga ka na," ani nito at tinapik ang braso ko.
"Baliw." Pabiro ko siyang inirapan.
"Kaninong sasakyan gagamitin natin?" Tanong ni Ivan.
"Iyong sa 'yo na lang, gel?" tanong ni Alexa.
"Hindi ko dala 'yong kotse ko eh," sagot naman ni Nigel.
"No choice, dy, 'yong sa 'yo na lang," saad ni Alexa kay Ivan.
Wala nang nagawa si Ivan kundi pumayag kaya naman sabay sa kaming nagtungo sa kung saan naka-park 'yong sasakyan ni Ivan.
---
Dale's Pov
"Ganda ng ngiti natin ah, may nagpapasaya na ba?" Mas lalo namang lumawak ang ngiti ko.
"Siyempre naman... ngayon ko lang na-realize na masarap palang ma-in love." Sumipol naman siya.
"So, who's that lucky girl?"
"Secret muna, baka ma-usog eh," ani ko tinalikuran siya.
"Madamot amputa, pangalan lang eh," pangungulit pa ni Rafael.
"Madamot na kung madamot, p're. Basta ayaw kong sini-share siya," sagot ko at ngumisi.
"Ibang klase ka palang ma-in love... dumadamot ka." Tinawanan ko na lang siya at hindi na pinansin.
Sa tatlong subject namin ay nagpa-quiz lang 'yong mga Professors namin. And guess what, halos ma-perfect ko 'yong tatlong major subject namin. Iba kasi kapag inspired, eh.
Noong mag-lunch na ay nagtungo ulit kami ni Christan sa UPang. Pero bago kami tumuloy ay hinintay muna namin si Kirk sa UL.
"Bagal mo naman," ani Christan nang makapasok si Kirk.
"Gago! Sisihin mo 'yong Prof namin, 'wag ako," iritadong sagot nito.
Natawa na lang ako sa kanila bago magmaneho paalis.
"Ang tagal niyo naman, wala na tuloy sila ano," ani Trent pero 'yong huli ay hindi ko na narinig.
"Sinong ano?" Mabuti na lang at malakas ang pandinig nitong si Kirk.
"Wala! Tara na, gutom na ako," ani nito at nauna ng pumasok sa Mcdo.
"Sino sa tingin niyo si 'ano'"? tanong sa amin ni Kirk.
"Anong malay namin kung sino mang 'ano' ang sinasabi no'n," sagot ni Christan.
Nakabusangot naman si Trent habang kumakain at hanggang sa matapos kami.
Nagpunta sa CR 'yong dalawa kaya naman lumapit ako kay Trent para tanungin kung sino 'yong sinasabi niya.
"Sino 'yong sinasabi mo? Baka may maitulong ako," sabi ko. Nahinto naman siya sa pagpindot sa cellphone niya at nilingon ako.
Bumuntonghininga muna siya bago magsalita.
"May gusto ako sa isang kaibigan ni Keith," sagot nito.
"Sino roon?"
"Stephanie,"
"Woah! For real? Don't worry, pare, I got you. Magpapatulong ako kay Keith." Ngumiti naman siya pero halatang pilit.
"Thanks. Pero mukhang malabo eh," malungkot na sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.
"Bakit naman?"
"Mukhang may ibang nagugustuhan eh, tsaka tuwing magkakasalubong kami palagi siyang umiiwas." Tinapik ko naman siya.
"Don't lose hope, p're. Malay mo nahihiya lang sa 'yo," pampalubag loob ko.
"Hays, ewan," aniya at bumalik na ulit sa pagsi-cellphone dahil bumalik na 'yong dalawa.
Don't worry, Trent. Tinulungan niyo 'ko dati kay Keith kaya ako naman ang tutulong sa 'yo ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top