ADC 11

Keith's Pov

Tatlong araw ang lumipas simula noong makita at maka-usap ko si Dale. Hinayaan ko na lang baka kasi busy siya.

"Woy, Kei..." Agad ko namang nilingon si Maica. "Parang hindi ka na yata hinahatid ni Dale ah?"

"Baka busy kaya hindi niya na maharap. At saka ayos lang naman sa akin, 'di ko naman siya jowa or manliligaw eh," sagot ko at tinuloy ang ginagawa ko.

"Para saan nga pala 'yan?" pag-iiba niya ss usapan.

"Wala lang, trip ko lang magburda." Sayang naman itong binigay ni lola na pangburda kung 'di ko gagamitin.

"What if gawan mo ng damit 'yong aso mo?" suhestyon niya.

"Iyan nga ang ginagawa ko eh," sagot ko at mahinang natawa.

"Ang tagal bumalik noong dalawa ah." Hinayaan ko na lang siya at nag-focus na lang sa ginagawa ko.

After 30 minutes, natapos ko na rin 'yong binuburda ko.

"I'm sure magugustuhan 'to ni Aki!" masayang sambit ko.

Inayos ko na 'yong mga ginamit ko at itinago na 'yong damit ni Aki.

"Saan na 'yong tatlo?" tanong ko sa sarili ko.

Kinuha ko na lang iyong cellphone ko sa kuwarto at nag-cellphone na lang habang hinihintay silang makabalik.

Busy akong nagtitingin ng p'wedeng ma-order na tops sa Lazada nang may tumawag sa akin.

"Bakit siya tumatawag?" Sinagot ko na 'yong tawag since ako lang naman ang narito.

"Hello? Napatawag ka?"

["Hi, ahmm... kumusta ka?"] tanong ni Dale mula sa kabilang linya.

"I'm fine. Ikaw ba?"

["O-Okay lang naman,"] mahina naman akong natawa. Bakit siya nauutal?

Saglit kaming natahimik nang magsalita siyang muli.

["Busy ka ba?"]

Wala naman akong activities na gagawin kaya malaya na akong gawin lahat ng gusto kong gawin nang walang iniisip na activities.

"Hindi naman, why?"

["Are you free tomorrow? May gusto lang sana akong sabihin sa 'yo,"]

"Bakit bukas pa eh kung p'wede namang ngayon na lang?"

["Kasi... m-mas maganda kung sa personal ko sabihin,"] sagot naman niya.

"Okay, sige."

["So, sunduin na lang kita bukas?"]

"Yeah, see you."

["See you, Keith. Good night."]

"Good night, Dale," sabi ko at pinatay na ang tawag.

Ano naman kaya 'yong sasabihin niya? Anyways, saan na 'yong tatlo at bakit hindi pa rin sila bumabalik hanggang ngayon?

Lalabas na sana ako upang sundan sila nang marinig ko na ang boses ni Maica mula sa labas.

"Saan kayo galing?" Nagulat naman silang tatlo sa pagsulpot ko sa harap nila.

"Bumili kami ng isaw at betamax," sagot ni Steph.

"Ang dami pang bumibili kaya natagalan kami," dagdag pa ni Ella.

"Tara na sa loob, nagugutom na ako." Nauna na si Maica sa loob kaya sumunod na kaming tatlo sa kaniya.

Nagsasandok na ng kanin si Maica noong madatnan namin siya sa kusina. Kaya naman kumilos na kaming tatlo upang tulungan siyang maghanda sa lamesa.

"Aalis nga pala ako bukas." Napatingin naman silang tatlong sa akin.

"Saan punta mo, aber?" tanong ni Maica habang nakataas ang isang kilay.

"Tumawag kasi kanina sa akin si Dale at may gusto raw sabihin sa akin." Nagkatinginan naman silang tatlo.

"Sabihin niyong mali ang iniisip ko," si Maica. Kumunot naman ang noo ko.

"Susunduin ka niya rito?" tanong ni Steph. Tumango naman ako.

Wala na ni isa ang nagsalita sa amin kaya mabilis na kaming natapos kumain. Sina Maica at Steph ang naghugas kaya naman pumasok na ako sa kuwarto upang kunin ang toothbrush ko.

Matapos akong mag-toothbrush ay bumalik na ako sa kwarto at nahiga na. Tapos na akong maglinis kanina kaya diretso higa na ako.

Nag-cellphone lang ako kaunti bago maisipang matulog na. Babawiin ko 'yong tulog ko ngayon.

***

Dale's Pov

"Nasabi mo na?" tanong ni Kirk. Umiling naman ako.

Sabay naman silang napahampas sa noo.

"Hina mo, gago!" Mahina ko namang sinuntok ang braso ni Trent.

"Tangina mo! First time ko ito kaya medyo kinakabahan ako," sagot ko na ikinatawa nilang tatlo.

Tatlong araw akong hindi nagparamdam kay Keith dahil inisip ko nang mabuti kung talaga bang may gusto na ako sa kaniya. Nakakahiya mang aminin pero totoo ngang may gusto na ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paano, kailan, at bakit.

"Binata na ang Dale natin!" Inirapan ko na lang si Trent.

"Tangina niyo. Mauuna na na akong matulog sa inyo," paalam ko sa kanila.

"Sus! Excited ka lang sa date niyo ni Keith eh," pang-aasar pa ni Kirk. Tinaas ko ang gitnang daliri ko at itinapat iyon sa kaniya.

Lord, palakasin mo sana ang loob ko bukas para masabi ko kay Keith itong nararamdaman ko.

Kinabukasan, nagising ako sa ingay ng alarm ko. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang tulog pa iyong tatlong gago. Mabuti iyon para walang gagambala sa akin ngayong umaga.

Nagluto muna ako ng umagahan bago ako maligo. Paglabas ko sa banyo ay nakaharap na sa lamesa 'yong tatlo at kumakain na.

Hindi nila ako napansin na lumabas ng banyo kaya dumiretso na ako papasok sa kuwarto upang magkapagbihis na.

"Ikaw nagluto nito lahat?" tanong sa akin ni Trent nang makita niya akong palapit sa lamesa.

"Malamang. Ako naunang gumising sa ating apat 'di ba?" pangbabara ko sa kaniya.

"Gagong 'to. Ang ayos ng tanong ko eh." Nginitian ko lang siya bago umupo sa puwesto ko.

Kumain lang ako nang kumain hanggang sa matapos na ako.

"Kayo na ang bahala maghugas ha?" Hindi naman na sila umangal kaya pumunta na akong kuwarto para kunin ang toothbrush ko.

Matapos akong mag-toothbrush ay naglagay muna ako ng pabango at kinuha na ang susi bago magpaalam sa kanila.

"Good luck!" dinig kong sigaw nila bago ako makasakay sa sasakyan ko.

Chinat ko na si Keith na paalis na ako para sunduin siya at ang sabi niya ay katatapos niya lang daw magbihis.

Pagkarating ko sa tapat ng apartment nila ay nadatnan kong nag-aabang sa labas si Maica. Shit! Lalabas ba ako o 'wag na lang?

"Hays. Bahala na nga." Paglabas ko ng sasakyan ay nakita kong napaayos siya sa pagkakatayo niya at nag-umpisa nang maglakad palapit sa akin.

"May gusto ka ba sa kaibigan ko?"

Tangina, ang straightforward naman niya.

Walang pag-aalinlangan akong tumango. "Yes, may gusto ako sa kaniya."

"Bakit?" Nagtaka naman ako.

"Anong bakit?" tanong ko. "Kailangan ba dapat may dahilan ako kung bakit ko siya nagustuhan?" dagdag ko.

"Mangako kang hindi mo siya sasaktan." Mabilis ko namang tinaas ang kanang kamay ko.

"I promise! Hinding-hindi ko sasaktan si Keith," sagot ko.

"Narinig niyo 'yon ha?" Nagulat naman ako nang lumabas mula sa likod niya sina Stephanie at Ysabella.

"Kami ang makakalaban mo once na sinaktan mo kaibigan namin," walang emosyong sabi ni Maica. "Tawagin niyo na si Keith," utos nito sa dalawa.

Naiwan ulit kami ni Maica sa labas nang umalis 'yong dalawa para tawagin si Keith.

"Okay lang kung gabihin kayo pero ihatid mo rito si Keith, okay?" mahinahong sabi niya.

"Yeah, I will." Ihahatid ko naman talaga siya kahit hindi niya sabihin.

Natanaw na namin si Keith palabas kaya naman umayos na ako ng tayo.

"Mag-iingat kayo, hmm? Dale, ingatan mo 'to ha?" Nginitian ko siya at saka tumango.

Pinanood muna naming makapasok sa loob si Maica bago ako umikot para ipagbuksan ng pinto si Keith.

"Thanks," nakangiting sambit ni Keith.

Shit! Ang ganda niya. Wala siyang suot na kahit anong kolorete sa mukha pero ang ganda pa rin niya.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya nang makasakay na ako.

"Daan muna tayong mall. Arcade muna tayo," sagot ko.

Mamaya ko na sasabihin sa kaniya kapag nasa Calasiao kami. Maganda kasing umamin doon eh.

Lahat ng p'wedeng laruin ay nilaro namin kaya hindi namin namamalayan ang oras at 12pm na pala.

"Sa KFC na lang tayo?" Tumango na lang siya kaya tumungo na kami sa KFC.

Naghanap na muna kami ng upuan bago ko siya iwan para mag-order.

"Nga pala, okay lang bang pumunta tayong Calasiao? Don't worry, nasabi naman sa akin ni Maica kanina na okay lang sa kaniyang gabihin tayo basta ihahatid kita pauwi." Pumayag ka, please...

"Okay, sige." Malawak naman akong napangiti. "Ano nga pala 'yong sasabihin mo?"

"Mamaya na."

Nagsimula na kaming kumain nang ma-deliver na sa amin 'yong pagkaing inorder namin.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong sumulyap sa kaniya habang kumakain siya at mukhang napansin niya yata 'yon.

"M-May dumi ba ako sa mukha?" Sabi na eh.

Umiling naman ako. "Wala, wala... ang ganda mo pa rin kasi kahit na kumakain." Mahina naman akong natawa nang mamula ang pisngi niya.

"B-Bolero!" aniya at sumubo nang sumubo.

"Saan tayo next?" tanong ko sa kaniya nang makalabas kami ng KFC.

"Ikaw bahala," sagot naman niya.

"Gusto mong pumunta sa Beach?"

"P'wede ba?" Tila nagningning ang mata niya nang itanong niya iyon.

"P'wedeng-p'wede! Gusto mo ba?" Mabilis naman siyang tumango.

Sabay na kaming pumunta ng parking lot at gaya kanina ay pinagbuksan ko ulit siya ng pintuan.

Ilang minutes lang ang binyahe namin bago makarating sa Beach.

Parang bata namang nagtatampisaw si Keith kaya wala na akong sinayang na oras at nilabas agad ang cellphone ko para kunan siya ng litrato.

Hindi naman ganoon katindi 'yong sinag ng araw kaya hindi masakit sa balat.

"Nagsawa ka na?" tanong ko nang bumalik siya sa puwesto kung nasaan ako.

"Samahan mo ako magtampisaw ro'n," aya niya pero umiling ako.

"Mababasa ako."

"Bakit kasi naka-pants ka? Timang ka rin eh,"

Na-timang pa nga.

"Siyempre kailangan magmukha akong presentable kapag kaharap mo ako, 'no," ani ko sabay kindat sa kaniya. "Balik ka na roon."

"Mamaya na, uminit na bigla eh 'di pa naman ako nakapag-apply ng sunscreen," sagot naman niya at naupo sa tabi ko.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakatingin naman siya sa dagat. Hinding-hindi ako magsasawang titigan ang mukha niya.

"Bakit ba kasi ang ganda mo?" Gulat naman siyang napatingin sa akin. Kahit ako, nagulat din ako sa sinabi ko. Tangina, dapat sa isip ko lang 'yon eh.

"A-Ang weird mo ngayon ah," sabi niya at umiwas ng tingin. Kita ko namang namula ang pisngi niya.

Weird na ba 'yong mabaliw sa katulad mo?

Noong bandang alas singko ay nagbyahe na kami papuntang Calasiao.

Magdidilim na noong makarating kami sa plaza ng Calasiao.

"Ang ganda rito!" Bakas sa boses niya ang pagka-excite.

"Give me your phone, picture-an kita." Agad din naman niyang kinuha 'yong phone niya sa sling bag niya at ibinigay sa akin.

Busy ako sa pagkuha ng litrato sa kaniya nang may lumapit sa aming photographer yata.

"Sir, gusto mo bang kuhanan ko kayo ng picture ng girlfriend mo?" Ang sarap sanang pakinggan kaso 'di ko pa siya girlfriend eh.

"Hindi ko po siya girlfriend," kamot-ulong sagot ko.

"Ganoon po ba? Pero gusto niyo po bang picture-an ko kayo?" tanong ulit niya.

Tumingin naman ako kay Keith na nasa tabi ko na ngayon. "Gusto mo ba?"

Tumango siya. "Sure po." Malapad naman akong napangiti.

Maraming pose ang pinagawa niya sa amin gaya ng nakaakbay ako sa kaniya, nakahawak sa baywang niya, at ang pinakapaborito ko ay 'yong nakahawak siya sa baywang ko at nakaakbay naman ako sa kaniya.

Nang matapos maipasa sa amin 'yong mga pictures ay nagpasalamat kami roon sa lalaki bago umalis.

"Ang galing niyang kumuha ng pictures," ani Keith habang tinitignan ang mga pictures namin.

"Keith..." tawag ko.

Para namang nag-slow mo ang paglingon niya. Tinamaan na nga talaga ako.

"Iyong sasabihin ko nga pala sa iyo," sabi ko.

Nilagay niya sa loob ng sling bag niya 'yong cellphone niya at pagkatapos ay humarap sa akin.

"Ano 'yon?"

Huminga ako nang malalim. "Huwag kang mabibigla, okay?" Tumango siya.

"G-Gusto kita, Keith..." Nakatingin lang ako sa kaniya habang sinasabi 'yon.

Dalawang beses naman siyang napakurap. "H-Ha? Paano?"

"Anong paano? Hindi ko alam kung paano eh, basta ko na lang naramdaman na gusto na pala kita. Noong una, akala ko wala lang..." putol ko. "Pero sa tuwing nakikita ko kayong magkasama noong kaibigan mo... n-nagseselos ako," nakayukong sambit ko.

Napatingin naman ako sa kaniya nang mahina siya tumawa.

"Sira! Bakit ka naman magseselos doon eh may ibang nagugustuhan iyon,"

Napakamot akong muli sa ulo ko. "E-Ewan ko..."

"Tatapatin kita ha? Pero sana huwag sumama ang loob mo sa akin," aniya.

"Promise."

"Hindi ko pa kayang suklian iyang pagkagusto mo sa akin pero... malay mo, soon magkagusto rin ako sa 'yo."

Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"It's okay, maghihintay ako. Tsaka... may tanong sana ako,"

"Ano 'yon?" tanong naman niya.

"P'wede bang manligaw?"

"Nakapagpaalam ka na ba kina Maica?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay ngunit may ngiti sa labi.

"Oo naman! Pumayag sila basta huwag daw kitang sasaktan," sagot ko. Tumango-tango naman siya.

"Okay, sige. Payag na rin ako." Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.

"Thank you so much, Keith!" Thank you rin sa inyo, Lord!

Kumain muna kami ni Keith bago ko siya ihatid sa apartment nila.

"Thank you for this day, Dale, sobrang nag-enjoy ako." Nginitian ko naman siya.

"Ako nga dapat ang mag-thank you sa iyo eh, thank you kasi pinayagan mo akong manligaw sa iyo,"

"Basta keep your promise, ha? Sige na, pasok na ako sa loob. Ingat ka ha?"

"Yeah, I will. Sasagutin mo pa ako eh." Pareho naman kaming natawa.

"Sira! Sige na, ba-bye na." Tumango na lang ako at hinintay muna siyang makapasok bago ako mag-drive paalis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top