ADC 10

Keith's Pov

"Anong oras ka susunduin dito ni Nigel?" tanong ni Maica nang matapos siyang uminom ng tubig.

Maaga akong nagising ngayon para makapaglinis pa ako ng apartment bago umalis.

"Hindi ko alam eh, icha-chat ko na lang siguro siya."

"Sure ka, Kei, ikaw na maghuhugas?" si Steph.

I nodded. "Oo nga, para naman may magawa ako bago umalis." Nakangiting tugon ko.

***

Nang makaalis na sila ay nagsimula na rin akong maglinis ng apartment namin. Hindi naman ganoon karumi kaya mabilis lang akong natapos.

Naghahanda na ako para maligo nang biglang tumunog ang cellphone ko. At pagkatingin ko ay may ilang chat doon si Dale.

Dale:

Good morning, Keith.

Free ka ba mamaya?

Gusto sana kitang yayain lumabas, eh, kung okay lang naman.

Busy ka yata

Sige mamaya na lang.

Matapos kong basahin ang lahat ng message niya ay agad na akong nagtipa ng reply sa kaniya.

Keith:

Sorry, pupunta kasi ako kina Nigel ngayon eh. Tsaka baka hapon na rin ako makauwi.

Pagka-send ko noon ay agad naman niyang na-seen. Don't tell me inaabangan niya 'yong reply ko?

Dale:

Ganoon ba? Sige, next time na lang.

Keith:

Okay, sorry talaga.

Eh? Nag-out bigla?

Nagkibit-balikat na lang ako at itinuloy na lang ang paghahanda sa susuotin ko. At after noon ay pumasok na ako sa banyo at mabilis na naligo.

Paglabas ko ng CR ay sakto namang may kumatok sa labas. I think si Nigel na 'yan.

Dali-dali na akong lumabas upang pagbuksan ng pinto si Nigel.

"Wait ka lang muna diyan at mag-aayos lang muna ako." Tumango na lang ito kaya naman tumakbo na ako papasok sa loob.

Powder at liptint lang ang nilagay ko sa mukha ko at nag-spray na rin ng pabango then tapos na.

"Grabe naman, saan ang punta mo ineng?" Hinampas ko naman ang braso niya.

"Huwag ka ngang epal! Tara na nga," sabi ko at nauna ng sumakay sa kotse niya.

Fourthy minutes ang binyahe namin bago marating ang bahay nila. At pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay sumalubong agad sa akin ang kapatid niyang si Kikay.

"Huwaaa! Ate Keith, I miss you po!" magiliw na sabi niya at mahigpit siyang nakayakap sa akin.

"I miss you too, Kay. Sorry kung ngayon lang ulit ako nakadalaw," paumanhin ko sa bata.

"It's okay po. I know naman na you're too busy sa school mo eh." Nakangiti ko namang tinap ang ulo niya.

Hindi namin kasabay pumasok ni Nigel dahil kailangan niyang bumalik sa bakeshop nila.

"Ate Keith, laro po tayo ng dolls ko." Hinila ako paakyat ni Kikay sa kuwarto niya.

Buong maghapon kaming naglalaro ni Kikay hanggang sa pasukin kami ng mama niya at tinawag na kami upang kumain.

"You're here pala? Bakit hindi ka nagpakita sa akin kanina?" gulat na tanong ni Tita Bianca.

"Hinila po kasi ako ni Kikay paakyat kanina kaya hindi na po kita nabati kanina,"

"Ikaw talagang bata ka," ani nito at mahinang pinisil ang pisngi ng anak. "Let's go downstairs, lunch is ready na." Sumunod na lang kami ni Kikay sa kaniya pababa.

Habang kumakain kami ay daldal nang daldal si Kikay. Ang dami ng kinewento niya sa akin about sa studies niya, sa new friends niya, and so on.

"Kikay, p'wede bang patapusin mo munang kumain ang Ate Keith mo?" Mabilis namang ngumuso si Kikay.

"It's okay po, tita," ani ko.

Matapos kaming kumain ay inaya niya ulit ako sa kuwarto na para manood ng movie.

At habang nanonood kami ay napansin kong tahimik na si Kikay kaya nang tignan ko siya ay mahimbing na itong natutulog sa tabi ko. Napatingin naman ako sa cellphone ko at pasado alas kuwatro na ng hapon kaya kinuha ko na 'yong remote at pinatay na 'yong TV. Inayos ko siya sa pagkakahiga saka hinalikan sa noo bago lumabas ng kuwarto niya.

Nagpaalam na ako kay tita na uuwi na dahil magluluto pa ako ng kakainin namin.

"Mag-iingat kayo," ani tita bago kami tuluyang sumakay ni Nigel sa sasakyan niya.

"Mabuti at pinakawalan na no'n?" Patukoy nito sa kapatid.

"Tulog siya noong umalis ako," sagot ko at saka mahinang natawa.

"Kaya naman pala,"

Pagkarating namin sa tapat ng apartment namin ay may natanaw akong pamilyar na sasakyan pero hindi iyon pinansin. Baka namamalikmata lang ako tsaka ano naman ang gagawin niya rito?

"Thanks sa paghatid." Nginitian ko siya.

Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok sa loob.

***

Dale's Pov

Kinabukasan ay parang ayokong pumasok ng school. Hindi ko alam kung bakit.

"Wala ka bang balak tumayo diyan?" Hindi ko pinansin si Kirk.

"Papasok ka ba o hindi?" tanong pa niya kaya naman inis akong bumangon sa kama.

Hindi ko siya tinignan at dinaanan lang palabas ng kuwarto.

"Problema no'n?" Dinig kong tanong niya kay Christan.

Hindi ko na narinig ang sagot ni Christan dahil pumasok na ako sa banyo.

Mabilis lang ang ginawa kong pagligo. At noong palabas na ako ay nagulat na lang ako nang makitang nakatayo silang tatlo sa tapat ng pinto.

"Anong ginagawa niyo r'yan?" iritadong tanong ko.

"Bakit ba ang init ng ulo mo?" tanong ni Kirk.

"Tss," singhal ko at nilagpasan silang tatlo.

"Kahapon pa ganiyan 'yan eh," dinig ko naman sabi ni Trent.

"Ano bang nangyari sa lakad nilang magpinsan kahapon?" dinig ko pa rin ang usapan nila kahit na nasa kuwarto na ako.

"Tanungin natin mamaya si Angel," sabi ni Trent.

Matapos akong magbihis ay kinuha ko na ang susi ng sasakyan ko at saka lumabas na.

"Woy, 'di ka kakain?" Sinulyapan ko lang saglit si Kirk bago lumabas ng apartment. Sa school na ako kakain.

Nang makarating ako sa school ay mukha agad ng pinsan ko ang bumungad sa akin.

"Ano na naman ba?" iritang tanong ko.

"Wala pa nga eh badtrip ka agad,"

"What do you want?" ulit ko.

"Lib–" Inunahan ko na siya bago niya matapos ang sasabihin niya.

"Wala ako sa mood manlibre ngayon kaya tigilan mo 'ko," walang emosyong sabi ko at naglakad na paalis.

Hindi naman na siya sumunod kaya mabilis na akong nakarating sa room namin.

Keith:

Sorry, pupunta kasi ako kina Nigel ngayon eh. Tsaka baka hapon na rin ako makauwi.

Fuck! Ano naman ang gagawin nila roon?

Dale:

Ganoon ba? Sige, next time na lang.

Pagka-send ko noon ay nag-out na agad ako dahil dumating na si Prof.

Buong umaga akong lutang at mabuti na lang hindi iyon napapansin ng mga Prof namin.

"Tan, hindi muna ako sasabay sa inyo," sabi ko kay Christan.

"Bakit? Dahil ba kasama namin si Angel?"

Tumango na lang ako kahit na hindi naman iyon ang totoong dahilan. Bakit ba ang bagal ng oras? Gusto ko nang umuwi eh.

***

Lumabas na ako nang matapos  mag-discuss ng last subject namin.

"Bakit parang nagmamadali ka, Dale? May date ka ba?" tanong sa akin ni Philip.

Peke naman akong ngumit at umiling. "Wala, gagi. May pupuntahan lang ako,"

"Ah, sige, ingat." Tinanguan ko na lang siya bago tumakbo paalis.

Pinaharurot ko na agad ang sasakyan ko nang makasakay ako. At nang makarating ako sa Street kung saan ang apartment nina Keith ay nag-park ako sa medyo kalayuan para hindi niya ako makita in case na dumating siya.

Mag-iisang oras na akong naghihintay rito nang may matanaw na akong itim na sasakyan ang huminto sa tapat ng apartment nila.

Nakatanaw lang ako sa kanila hanggang sa magpaalam na sila sa isa't-isa. Hinintay ko munang makapasok si Keith bago ako nag-drive paalis.

"Saan ka galing?" Iyan agad ang bungad sa akin noong tatlo nang makapasok ako.

"P'wedeng hayaan niyo muna akong makapagpalit?" ani ko at tinalikuran sila.

"Dahil ba kay Keith kung bakit nagkakaganiyan ka?" Nahinto naman ako at nilingon si Kirk.

"Bakit nadamay si Keith?" kunot-noong tanong ko.

"Nasabi na sa amin ni Angel." Yeah, right. Ano nga ba ang aasahan ko sa madaldal na 'yon?

"Umamin ka nga sa amin, Dale," si Christan.

"May gusto ka na ba kay Keith?" Mahina naman akong natawa.

"Anong pinagsasabi niyo?" Imposibleng mangyari 'yan.

"Stop being in denial, Dale. Hindi ka ganiyan noon," sabi ni Christan. Hindi naman ako umimik.

"Naging ganiyan ka lang talaga noong makilala mo si Keith," gatong naman ni Trent.

"Bahala kayo kung anong gusto niyong paniwalaan," sagot ko at tinalikuran na silang tatlo.

Ayoko mang aminin pero totoo 'yong sinabi ni Christan. Hindi ako ganito noon, not until makilala ko si Keith. Totoo nga bang may gusto na ako sa kaniya?

Hays, Keith ano bang ginawa mo sa akin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top