ADC 09
Keith's Pov
"Nakapag-review ka?" tanong sa akin ni Saida.
"Oo, pero kaunti lang." Hindi na kasi kaya ng utak ko eh, feeling ko nga anytime sasabog na eh.
Last na exam namin ngayon before break at sobrang daming activities ang binigay sa amin kasabay pa ang pagri-review.
"Tapos mo na 'yong mga activities?" balik kong tanong sa kaniya.
Tumango siya. "Oo, ginawa ko kagabi habang nagri-review ako."
Tumango ako nang magpaalam na siyang pupunta muna sa library. Katatapos lang naming nag-exam sa tatlong subject kaninang 8am at mamayang 1pm naman ang start ng susunod exam namin.
Hindi ko kasabay si Ella ngayon dahil bukas pa ang schedule ng exam nila.
"Keith, tara kain tayo," tawag sa akin ni Nigel.
Tumango na lang ako at nagsimula nang ayusin ang mga gamit ko bago tumayo.
"Saan tayo?"
"Ikaw bahala," sagot naman niya.
"Chowking na lang? Para maiba naman," sabi ko. Tumango na lang ito bilang pagpayag.
"Ano sa 'yo?" tanong nito habang nakatingin sa menu.
"Chao fan na lang ako." Dumukot ako ng five hundred sa wallet ko at binigay na sa kaniya. "Bayad ko," sagot ko nang kunot noo siyang tumingin sa akin.
"Ayaw mo na ng libre?"
I shook my head. "May kaunting hiya pa naman ako, 'no!"
"Parang hindi naman kaibigan ah?" Hinampas ko na lang ang braso niya.
"Mag-order ka na nga lang diyan at matitingin na muna ng mauupuan natin." Umalis na ako at hindi na hinintay ang sagot niya.
Habang hinihintay siya ay nahagip ng mata ko ang pamilyar na pigura ng lalaki na pumasok sa Jollibee at may kasamang babae.
"Si Dale ba 'yon?" wala sa sariling tanong ko.
"Sinong kausap mo?" Hindi ko namalayan ang paglapit ni Nigel.
Ngumiti ako at umiling. "Wala, akala ko kakilala ko 'yong nakita ko, hindi pala. Saan na 'yong order mo?" pag-iiba ko.
"Dadalhin na lang daw mamaya." Tumango-tango na lang ako.
"Nga pala, may reviewer ka sa subject ni Prof. Aguilar?" Iyong subject na lang kasi na 'yon ang hindi ko pa nari-review, eh.
"Oo, wait."
"Ito lang ba 'yong ire-review?" tanong ko, tumango naman siya. "Hindi naman pala ganoon karami." Akala ko kasi marami 'yong coverage ng exam eh.
Ilang saglit pa kaming naghintay nang dumating na 'yong pagkaing inorder namin. Tinago ko muna 'yong reviewer niya bago kumain.
Bigla naman akong nasamid nang aksidente akong mapatingin sa entrance ng Chowking at saktong pagpasok ni Dale kasama 'yong babae.
"Dahan-dahan lang kasi." Mabilis namang inabot sa akin ni Nigel 'yong nestea ko.
"Thanks," ani ko at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Ramdam na ramdam ko ang tingin sa akin ni Dale kaya naman pinipigilan ko ang sarili kong mapatingin din sa kaniya.
Nang matapos kaming kumain ay nagpababa muna kami ng kinain bago umalis. At noong palabas na kami ay umakto akong hindi alam na naroon si Dale.
"Palagi ka nga palang tinatanong sa akin Kikay kung kailan ka raw ulit dadalaw sa bahay." Speaking of that kid.
"Bukas, wala naman tayong pasok no'n eh," sagot ko.
"Sige, what time kita susunduin sa apartment niyo?"
"Kapag wala ka nang ginagawa." May business kasi silang bakery shop tsaka siya ang pinagbabantay kapag walang pasok.
"Palagi naman akong free para sa 'yo eh," sabi niya. Mahina ko namang pinalo ang braso niya.
"Chat na lang kita bukas," pagtatapos ko nang usapan.
Bago kami tuluyang bumalik sa school ay dumaan muna bago ng department store para bumili ng pagkain para mamaya.
"Good luck sa exam." He tapped my shoulder and give me a wide smile.
I smiled back. "Good luck!"
Hwaiting, Keith!
***
Dale's Pov
"Kuya Dale, libre mo na ako!" Pangungilit sa akin ni Angel, pinsan ko.
Hindi ako titigilan ng isang ito kung hindi ako papayag eh. "Tsk. Tara na nga." Nagdiwang naman siya at nagmamadaling tumakbo pasakay sa sasakyan ko.
"Ang bagal mo naman... kanina pa nagugutom ang iyong napakagandang pinsan eh." Inirapan ko na lang siya at pinaandar na ang sasakyan.
"Sa SM na lang tayo, Kuya." Hindi ko naman siya pinansin at tuloy-tuloy lang sa pagmamaneho hanggang sa makalampas na kami sa SM.
"Saan pa tayo pupunta, Kuya? Nagugutom na talaga ako, promise!" reklamo niya habang nakahawak sa tiyan niya.
"Shut your mouth if you want me to treat you." Sinandal niya ang sarili sa upuan habang nakanguso.
Sa Nepo kami pumunta dahil malakas ang pakiramdam ko na makikita ko ngayon si Keith.
"Jollibee na lang tayo, Kuya." Wala na akong nagawa nang hilain niya ako papasok sa Jollibee.
"Ngie.. wala nang upuan," she said while pouting. "Lipat tayong Chowking, Kuya, wala masyadong tao roon eh."
Inilibot ko ang tingin ko at hayun nga si Keith. Kaso kasama niya ulit 'yong lalaki. Inabutan niya ng drink si Keith at nginitian siya nito matapos siyang uminom.
"Order ka na, ako na bahala maghanap ng upuan natin," ani Angel at iniwan na ako upang maghanap ng upuan.
Matapos akong mag-order ay naghintay pa muna kami ng ilang minuto bago i-deliver 'yong order namin.
Habang kumakain ay hindi ko maalis ang tingin ko kay Keith, at mukhang napansin naman iyon ni Angel.
"Type mo?" Napatingin naman ako sa kaniya at umiling. "Sus! Kilala kita, Kuya Dale. Eh, bakit grabe ka kung makatitig sa kaniya kung hindi mo type?"
"Kumain ka na lang diyan, daming napapansin eh."
Nakita ko sa peripheral vision ko na naghahanda na sila sa pag-alis.
"Palagi ka nga palang tinatanong sa akin Kikay kung kailan ka raw ulit dadalaw sa bahay." Napantig naman ang tainga ko sa narinig.
What? Siya 'yong dumadalaw sa bahay noong lalaki?
"Jowa niya 'yon?" mayamayang tanong ni Angel habang nakatingin din kina Keith. "Well, galing mamili ni Ate girl, ah. Ang cute noong guy," hagikgik niya.
"Hindi niya boyfriend 'yon." Kumunot naman ang noo niya.
"Paano mo alam? Kilala mo ba si Ate girl?" Of course, kilala ko.
Hindi ko na lang sinagot 'yong tanong niya.
At nang matapos kaming kumain ay sabay na kaming lumabas at bago ako makasakay ng sasakyan ay nakita kong muli si Keith habang pinapayungan siya noong lalaking kasama niya.
"Ang sweet naman noong guy roon kay Ate girl," ani Angel habang nakatingin kina Keith. "Sure kang hindi sila mag-jowa? Bagay pa man din sila,"
Malalim naman akong bumuntong-hininga. "Manahimik ka na nga lang, ang daldal mo eh."
"Oh, talaga ba? Selos ka lang eh," sabi niya pero ibinulong niya lang 'yong huli kaya hindi ko gaanong narinig.
Buong maghapon akong tulala habang paulit-ulit na tinatanong ang sarili ko kung bakit naiinis ako noong makita kong may kasamang ibang lalaki si Keith.
Dapat kasi ako lang 'yong lalaking kumakausap sa kaniya eh. Wala nang iba, ako lang dapat!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top