ADC 08
Keith's Pov
Halos dalawang linggo na akong hinahatid-sundo ni Dale. Siya na rin pala ang naghahatid sa akin sa terminal ng bus sa tuwing uuwi ako sa amin.
Medyo okay na rin sila nina Maica kaya kung minsan ay nakatambay kami sa tapat ng apartment namin. Bawal kasi sa loob eh.
"Graduating ka na pala 'no?" tanong ko bago kumagat sa donut ko.
"Yeah, why?"
Umiling naman ako. "Natanong ko lang naman."
Nandito ulit kami ngayon sa Starbucks.
"Taga-saan ka nga pala?" tanong niya.
"Mangatarem, bakit? Pupuntahan mo ba ako?" biro ko.
"P'wede ba?" pagsakay naman niya sa trip ko. "Uuwi ka ulit bukas?"
Tumango naman ako. Sabado na naman pala bukas.
"Gusto mo bang ihatid kita sa inyo?" Nanlaki naman ang mata ko at umiling.
"Huwag na! Masyadong malayo 'yon at saka baka maligaw ka pabalik ng Dagupan eh," sagot ko. Natawa naman siya.
"Anong silbi ng waze kung hindi gagamitin?" Umiling akong muli.
"Seryoso, huwag na," untag ko.
"Okay. So, tara na? Lagpas 6 na eh, baka magalit na naman si Maica." Tumango na lang ako saka inayos na ang gamit ko bago tumayo.
"Thanks, ingat ka." Nginitian ko siya bago pumanhik sa loob.
***
"How's my beautiful sister?" Mahigpit na yakap ang sinalubong ko kay Kuya nang makababa ako sa bus.
"Humihinga pa naman ako, Kuya. Ikaw ba?" tanong ko rin sa kaniya.
"Ito... pogi pa rin." Pabiro ko naman siyang inirapan.
"Ang hangin, jusko!" Napahawak naman ako sa batok ko nang batukan ako ni Kuya.
"Tara na nga at kanina pa naghaharumitado si Aki sa bahay." Sumakay na ako sa motor ni Kuya at saka sinimulan niya na itong paandarin.
At hindi pa kami nakakaabot sa bahay ay nakita ko na agad si Aki sa labas ng bahay namin.
"Hello, baby ko!" Niyakap ko agad si Aki nang makababa ako sa motor ni Kuya.
"Mahal na mahal ka talaga ng asong 'yan." Natawa naman ako sa sinabi ni Kuya, may halong pagkatampo kasi eh. Siya kasi ang bumili kay Aki ta's gift niya sa akin noong debut ko.
"Sina mama?" tanong ko kay Aki. Kumahol naman siya at tumakbo papasok sa loob ng bahay.
"Nakarating ka na pala. Kumusta ka na, anak?" tanong ni mama habang yakap ako.
"Ayos lang naman po ako, ma." Humiwalay na ako sa kaniya.
"Hindi mo ba pinapabayaan sa sarili mo ro'n?" Umiling naman ako.
"Hindi po, ma. Sermon ang aabutin ko kay Maica kapag ginawa ko iyon." Parehas naman kami natawa ni mama.
Kilala nila sina Maica dahil minsan na silang dumalaw rito sa bahay.
"O'siya, ibaba mo muna iyang mga gamit mo." Tumango na lamang ako at pumunta na sa kuwarto ko.
Nahiga ako saglit at nag-online muna.
Dale:
Nakarating ka na?
Pangalan agad ni Dale ang bumungad sa akin nang maka-connect ako sa wifi namin.
Keith:
Yeah.
Pagka-send ko noon ay online 25 minutes siya kaya 'yong chat nila Maica ang sunod kong nireplyan. Sa gc na ako nag-reply para mabasa na nilang tatlo.
Keith:
Nakauwi na ako😊
"Keith, hinahanap ka ni nanay." Katok ni Kuya sa pinto ko.
Tinabi ko saglit ang cellphone ko at bumangon na para buksan 'yong pintuan.
"Nasaan ba siya?" tanong ko.
"Nasa likod." Tumango na lang ako at tinungo na ang likod-bahay namin.
"Lola!" Tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap siya.
"Marami ka na namang dadalhin pagbalik mong Dagupan," aniya sabay taas noong hawak niyang basket na punong-puno ng mga gulay.
"Yie! Love mo talaga kami."
Tinulungan ko siyang ipasok 'yong mga dala niya at saka nakipagkwentuhan sa kaniya habang hinuhugasan 'yong mga gulay na na-harvest niya.
Noong kinahapunan ay inaya ako ni Kuya sa tree house na palagi naming tinatambayan noong mga bata pa kami.
"Wow, ang linis ah," ani ko habang inililibot ang paningin sa kabuuan nitong tree house.
"Siyempre palagi kong nililinisan ito 'no," tugon naman ni Kuya.
"Sipag mo naman po," ani ko at mahinang natawa.
"Wala pa bang nagpaparamdam sa 'yo roon?" Mabilis ko naman siyang nilingon.
Tinaasan niya ako ng kilay noong umiling ako.
"Wala nga." Magtatanong tapos hindi rin maniniwala. Pero... wala nga ba? Wala. Oo tama, wala. Dale and I are friends.
"Basta kapag may mangliligaw sa 'yo sabihin mo kaagad sa akin nang makilatis ko, okay?" Tipid akong ngumiti saka tumango.
Para namang may mangliligaw sa akin.
***
Dale's Pov
"Dale, sama ka?" Nahinto sa ginagawa ko nang magsalita si Kirk.
"Pass, may dapat pa akong tapusin eh," sagot ko na lang.
"Okay, ikaw na lang muna ang bahala rito." Tumango na lang ako bilang sagot.
Inabot ako ng tatlo't-kalahating oras bago ko matapos 'yong project namin. Inayos ko na 'yon agad bago mahiga sa kama para matulog saglit.
Paggising ko ay nag-online agad ako para i-chat si Keith.
"Hoy, nangiti ka na naman diyan." Hindi ko pinansin si Trent.
Keith:
Katatapos ko lang magmeryenda. Ikaw ba?
Agad naman akong nagtipa ng message sa kaniya.
Dale:
Mamaya, kagigising ko lang eh
Nang mai-send ko 'yon ay saktong pagpasok ni Christan na may dalang pagkain.
"Para sa akin ba 'yan?" Tinaas naman niya 'yong dala niya nang akmang kukunin ko 'yong dala niya.
"Hindi." Nawala naman ang ngiti ko.
"Okay," ani ko at hindi siya pinansin.
"Gago, joke lang eh," bawi niya.
"Wala, sa 'yo na 'yan," kunwaring nagtatampong saad ko.
"Tanggapin mo na lang, arte mong hayop ka." Binato ko naman siya ng unan na agad din naman niyang nasalo.
"May lakad ulit kami bukas, sama ka?" Umiling naman ako. "Himala? Anong nakain mo't ayaw mo nang sumama sa mga lakad?"
"May pupuntahan din ako bukas,"
"Saan?" Takang tanong niya.
"Susunduin ko si Keith sa terminal bukas," sagot ko. Bigla namang sumeryoso ang mukha niya.
"Tapatin mo nga ako, gusto mo na ba si Keith?" Natigilan naman ako sa tanong niya.
"Hindi," sagot ko. Hindi ko siya gusto, 'di ba?
"Sure? Nag-iba ka na kasi simula noong makilala mo siya eh," patuloy niya.
"Doon ka na nga! Dami mong learn eh," pagtataboy ko sa kaniya. Umiling na lang siya bago lumabas.
Binaba ko muna 'yong cellphone ko at kinain na muna iyong dala ni Christan.
At habang kumakain ay biglang pumasok 'yong sinabi niya kanina. Totoo nga bang nag-iba ako simula noong makilala ko si Keith? Parang hindi naman ah. Wala lang akong ganang maggala ngayon dahil marami akong ginagawa. Tsaka isa pa, wala akong balak gustuhin siya. Never ever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top