ADC 06

Keith's Pov

"Hate na hate mo talaga si Kirk, 'no? Samantalang dati iniiyakan mo lang siya noong ghinost ka niya." Masama namang tinignan ni Maica si Steph.

"Tangina ka, alam mo 'yon?" Tawa lang naman ang naisagot ni Steph.

Narito kami ngayon sa Nepo naglilibot-libot dahil nababanas daw si Maica sa pagmumukha ni Kirk.

Bago kami umalis ay dumaan muna kami sa dunkin' para may kainin ako mamaya.

"Dito na ako," paalam ko sa kanila.

"See you later, bebe gurl!" Nag-flying kiss pa si Maica bago sila tuluyang sumakay ng jeep.

Nang hindi ko na mahagilap ang jeep na nasakyan nila ay pumasok na ako sa loob at dumiretso na sa room. At habang wala pa si Prof ay nag-cellphone muna ako para libangin ang sarili ko.

Dale:

P'wede ka bang sunduin mamaya?

Nanlaki naman ang mata ko sa chat ni Dale. What? Seryoso ba siya? May kalayuan ang UdD sa LNU ah?

Keith:

Kasama ko si Ella eh.

Reply ko at mayamaya pa'y nag-reply na siya.

Dale:

Edi dalawa kayo ang susunduin ko.

Pumayag na lang ako dahil hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako napapapayag.

Tinago ko na agad 'yong cellphone ko nang pumasok na room si Prof.

Tamihik lang kaming lahat habang nagtuturo si Prof. dahil once na may marinig siyang kahit anong ingay, magpapa-quiz at magpapa-quiz siya. Gustuhin man namin o hindi.

Matapos ang klase namin kay Prof. Aguilar ay sunod naman ay si Prof. Ortiz. Si Prof. Ortiz ang pinaka-gusto kong teacher dahil marunong siyang makisama sa mga tinuturuan niya.

Vacant ulit ang last subject namin kaya nag-aya sina Alexa na mag-kuwago muna kami. Bati na sila ni Ivan kaya naman medyo lumayo kami ni Nigel sa kanila.

"Ano gusto mo?" tanong nito sa akin.

"Libre mo na naman?" Tumango naman siya. "Hala, gagi! Huwag na uy!" tangi ko.

"Okay lang, ano nga gusto mo?" ulit pa niya.

"Iyong palagi kong inoorder," sagot ko naman.

Nakakahiya man, pumayag na lang ako. Libre na 'yan eh, aarte pa ba ako?

"Keith," tawag sa akin ni Alexa.

"Ano?"

"Single naman kayo pareho ni Nigel, 'di ba?" Tumango naman ako.

"Bakit?" tanong ko.

"Bakit hindi na lang kayo? Ang tagal niyo nang magkakilala eh," sagot niya. Kung may iniinom lang siguro ako ngayon, baka naibuga ko na 'yon dahil sa tanong niya.

"Kaibigan lang talaga ang turing namin sa isa't-isa, at hanggang doon lang 'yon," sabat ni Nigel, tumango-tango naman ako.

"Sayang, ship ko pa naman kayo simula noong first year tayo." Sabay naman kaming napailing ni Nigel.

"Nigel, 'di ba ang sabi mo sa akin noon naging crush mo si Keith?" singit naman ni Ivan.

"Alam niya 'yong tungkol doon, tsaka noong first year pa tayo no'n," sagot naman ni Nigel.

"Alam mo?" gulat na tanong sa akin ni Alexa.

"Oo."

"So, anong reaksiyon mo?" tanong pa niya.

"Actually, umamin ako sa kaniya noong alam kong wala na talaga akong feelings sa kaniya," pagsisingit  ni Nigel.

"Weak ka pala eh," pang-aasar ni Ivan kay Nigel.

"I don't care. At least nasabi ko," aniya at mahinang tumawa.

***

"Una na kami, bye!" paalam nila Alexa.

"Sige, ingat kayo," ani ko.

"Alis na rin ako," paalam din ni Nigel.

"Okay, ingat." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Kayo rin." Ngumiti siya at kasabay noon ang pag-tap sa ulo ko.

Pinanood ko siyang makasakay ng e-bus at kinawayan nang lumingon siya sa gawi namin.

"Oo nga pala, Ella," tawag ko sa kaniya.

"Ba't?"

"Susunduin nga pala tayo rito ni Dale," sabi ko.

"What? Eh, ang layo ng Lyceum mula rito ah?" tanong niya habang nakakunot ang noo niya.

"Malay ko ba ro'n sa lalaking 'yon, pilit nga lang 'yong pagpayag ko eh," sagot ko.

"Ay wait, nalimutan kong i-chat siya," ani ko at nilabas ang cellphone saka nag-online.

Dale:

Hanapin niyo 'yong red na Bugatti Centodieci.

What the heck? Ano raw? Anong alam ko sa mga sasakyan?

"Saan na raw siya?" tanong ni Ella na sa tabi ko.

"Wala siya sinabi kung nasaan siya, ang sabi niya lang ay hanapin na lang daw natin ito," sabi ko at pinakita 'yong pangalan ng sasakyan niya.

"Shuta? Bakit hindi na lang niya sabihin kung nasaan siya?" iritadong sambit niya.

Keith:

Puntahan mo na lang kaya kami rito?

Sineen niya lang iyon at mayamaya pa ay may huminto ng red na sasakyan sa harapan namin.

"Hop in," saad niya nang maibaba ang bintana.

Pinauna ko nang pinasakay si Ella at pagkatapos ay sumunod naman ako.

***

Dale's Pov

Maaga ang dismissal namin kaya naman nagmamadali na akong tumakbo papuntang parking lot at nag-drive na papuntang UdD.

Sa parking lot ako ng Nepo nag-park para makita ko agad si Keith. Napaayos na ako ng upo nang matanaw ko na si Keith palabas ng gate, pero natigilan ako nang makitang may kasama silang isang lalaki.

"Sino naman kaya 'yang mokong na 'yan?" Parang tangang tanong ko sa sarili.

Bigla naman akong nakaramdam ng pagka-inis nang makita ang pag-tap noong lalaki sa ulo ni Keith. Pero agad namang napalitan ng lungkot nang makita ko kung paano ngitian ni Keith 'yong lalaki.

Tangina. Bakit ko nga pala nararamdaman ito? Wala naman akong gusto sa kaniya 'di ba? Tama. Wala akong gusto sa kaniya. Wala 'yon sa vocabulary ko.

Natauhan naman ako nang marinig kong tumunog 'yong cellphone ko. Nag-chat si Keith.

Keith:

Nakalabas na kami. Nasaan ka?

Mabilis ko naman siyang nireply-an.

Mabilis namang sumilay ang ngiti ko nang makitang parehong kunot ang mga noo nila.

Keith:

Puntahan mo na lang kaya kami rito?

Sineen ko na lamang iyon at saka pinaandar na ang sasakyan ko. Binaba ko agad ang bintana nang makahinto ako sa tapat nilang dalawa.

"Hop in," sabi ko sa kanila.

Pinauna niyang makasakay 'yong kaibigan niya bago siya.

"Kanina ka pa ba naroon?" mayamayang tanong niya.

"Mga thirty minutes siguro," sagot ko.

Tumango-tango na lang siya at hindi na nagsalita pa.

"May gusto ba kayong bilhin? Daan muna tayong SM kung gusto niyo." Pambasag ko sa katahimikan.

"Okay lang kahit sa 7/11 na lang," sagot naman noong kaibigan niya.

Tumango na lang ako at saka humanap na ng p'wedeng parking-an.

Dalawa silang bumaba ng sasakyan kaya naiwan akong mag-isa rito sa sasakyan. Kanina ko pa gustong itanong kay Keith kung sino 'yong lalaking kasama nila kanina kaso nahihiya ako sa kaibigan niya. Mamaya na lang siguro sa chat.

At nang makabalik na sila ay agad na ulit akong nagmaneho paalis.

"Thank you sa paghatid. Bigay nga pala ni Ella, thank you raw sa paghatid." Inabot niya sa akin 'yong isang supot ng kisses.

Tinanggap ko na lang kahit na hindi naman talaga ako mahilig sa chocolates. Maybe I should give it to Kirk, he's too obsessed with chocolates.

"Welcome and thanks sa chocolate," sabi ko at saka nagpaalam na.

Nang makarating ako sa apartment namin ay tinungo ko agad 'yong kuwarto nina Kirk para ibigay sa kaniya 'yong chocolate.

"Wow, may pasalubong ah," anito nang masalo 'yong chocolate.

"Bigay 'yan noong kaibigan nina Keith," tugon ko.

"'Yong Ysabella?" I shrugged before leaving their room.

Pumanhik na ako sa kuwarto namin ni Christan at mabilis nang binaba ang bag ko bago magpalit ng damit.

Hindi na ako kumain dahil busog pa naman ako. Nahiga na lang ako sa kama at nag-online na lang.

Keith:

Si Nigel? Kaibigan ko lang 'yon.

Kaibigan lang naman pala eh.

Saglit lang kaming nag-usap dahil nagpapatulong daw si Steph sa assignment nito.

Dale:

Sige, good night.

Pagka-send ko noon ay agad niya ring na-seen.

Keith:

Good night, Dale.

At dahil sa isang message na iyon ay malawak ang ngiti ko hanggang sa makatulog ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top