ADC 05
Keith's Pov
"Anong ginawa niyo dalawa kahapon at bakit inabot kayo ng gabi?" tanong sa akin ni Maica matapos niyang uminom ng tubig.
"Wala. Nasa Starbucks lang kaming dalawa habang nagkekwetuhan then napahaba hanggang sa hindi na namin namamalayan 'yong oras," sagot ko.
"Mabuti at hinatid ka niya," saad ni Steph.
"Subukan niya lang 'wag ihatid at baka siya pa ang ihatid ko papuntang impyerno." Muntik na akong matawa sa sinabi ni Maica. Grabe naman sa impyerno.
Nagtinginan na lang kaming tatlo nina Steph habang pinipigilang matawa.
Matapos kaming kumain ay kami ni Steph na ang naghugas habang si Ella ay nauna na sa CR para maligo. While Maica, siya ang naglilinis ngayon.
"Ikaw na next after ni Bella," mayamayang sabi ni Steph.
"Okay." Tango ko.
Matapos kaming maghugas ni Steph ay pumasok na ako sa kuwarto namin ni Ella para ihanda 'yong damit na gagamitin ko.
***
"Astrid! Ysabella!" Pareho kaming napalingon ni Ella sa tumawag sa amin.
"Oh, bakit?" tanong ko kay Aira.
"Wala lang, pasabay lang ako." Hagikgik niya.
Ikinawit niya ang braso niya sa amin ni Ella at saka hinila na kami papasok. Humiwalay na kami ni Aira kay Ella dahil sa kabilang building pa siya.
"Anong first subject natin?" tanong nito.
"Research Methodology yata,"
"Sa lahat ng subject natin, iyan lang talaga 'yong pinaka-hate ko."
Mahina naman akong natawa. "Same here," ani ko.
"'Di ba? Nakakasabog ng utak, 'te!" aniya at pareho kaming natawa.
Pagpasok namin sa room ay hindi pa ganoon karami 'yong mga kaklase naming naroon.
"Keith, sino 'yong kasama mo kahapon? Jowa mo?" Nagulat naman ako sa tanong ni Dani.
"Hindi ko siya jowa. Kakilala ko lang," sagot ko.
"Sure? Ikaw Keith ha, nagtatago ka na sa amin," ani Andrea.
"Hala, totoo nga. Kakilala ko lang siya," sagot ko.
Hindi ko naman p'wedeng sabihin na kaibigan dahil kahapon lang kami nagkakilala. Wala pa kaming maayos na conversation.
***
Matapos ang tatlong subject sa umaga ay inaya ako ni Nigel sa kuwago para magmeryenda.
Isang medium fries, nachos, at dalawang milktea ang inorder niya para sa amin.
"Libre mo ulit?" tanong ko sa kaniya, natawa naman siya.
"Ayaw mo ba?" tanong naman niya pabalik.
"Baka naman mamihasa ako sa panlilibre mo ah," ani ko.
"Okay lang, gusto ko kasi palagi kang busog eh." Natawa naman ako.
"Kumakain naman ako ah?"
"Kumakain nga pero late na." Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya.
Magsasalita pa sana siya nang tawagin na ang pangalan niya.
"Kain na," aniya sabay lapag ng tray sa harap ko.
Pinagsaluhan naming dalawa 'yong fries at nachos na binili niya. At nang maubos namin 'yon ay nagstay pa muna kami roon dahil mamayang 11:15 AM pa ang next class namin.
"May sinabi pala sa akin si Ej." Nilingon ko naman siya habang nasa bibig pa rin ang straw ng milktea ko.
"Ano?"
"Baka raw hindi na matutuloy 'yong quiz natin sa world literature," sagot niya.
"Sure?"
"Baka nga eh, baka. Hindi pa sure 'yon pero sana nga wala ng quiz,"
"Hindi na tuloy 'yan, ako batas eh." biro ko kaya nakatanggap ako ng batok mula sa kaniya.
"Sira ulo ka talaga kahit kailan eh, tara na nga." Hinawakan na niya ang kamay ko at hinila na palabas ng kuwago.
"Saan kayo galing?" tanong sa amin ni Alexa.
"Kuwago," Si Nigel ang sumagot.
"Bakit hindi kayo nagsasama?" maktol nito.
"Lumabas ka kanina eh," ani Nigel.
"Edi sana hinanap niyo ako!" si Alexa.
"Hoy, Santos! Itong jowa mo oh," sumbong ni Nigel kay Ivan.
Nakita ko namang umirap si Alexa. Mahina naman akong natawa at humakbang palapit sa kaniya.
"War kayo?" Natigilan naman siya at hindi nakapagsalita.
Ngumuso naman siya at hinila ako palabas.
"Nakakaasar kasi siya eh," panimula niya.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Kasi natulugan ko siya kagabi habang nasa call kami tapos 'yon simula no'n hindi niya na ako pinansin." Hindi naman ako agad nakasagot. Ang babaw naman.
"Edi 'wag mo na rin siyang pansinin para quits kayo," sabi ko.
"Iyan nga ang ginagawa ko now eh," sagot niya.
"Balik na tayo sa loob at baka maabutan pa tayo ni Prof. dito sa labas," ani ko at nauna na pumasok na loob.
Habang nasa klase kami ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya naman palihim kong tinignan kung sino 'yong nag-chat sa akin.
Gc pala namin nina Maica at tinatanong kung anong oras kami pupunta roon. Nasabi nga pala sa akin ni Ella na hindi siya makakasama sa akin mamaya dahil may project daw silang gagawin mamaya. Sinabi ko 'yon kina Maica at nag-okay naman siya.
"Pupunta ka ulit ng UPang?" tanong sa akin ni Nigel.
"Oo, bakit? Sama ka?" biro ko.
"Hindi. Sige, ingat na lang," aniya at humiwalay na sa akin.
Bago ako sumugod sa initan ay nilabas ko muna 'yong payong ko.
Chat nang chat si Maica kaya binilisan ko na ang paglakad ko para marating na ang UPang.
"Tagal mo naman," reklamo ni Maica nang makita ko sila sa labas ng Mcdo.
"Ikaw kaya ang maglakad sa initan!"
"Tara na nga sa loob," anito at nauna na sa loob.
Nang makahanap kami ng upuan ay kinuha na ni Maica 'yong mga bayad namin at agad na ring pumila. Malapit sa pintuan 'yong puwesto namin kaya kitang-kita namin kung sino ang mga pumapasok at lumalabas.
"Nandiyan na naman sina Kirk," ani Steph kaya napatingin ako sa pintuan at nasakto pa 'yon kay Dale.
Tipid niya akong nginitian kaya naman ngitian ko rin siya.
***
Dale's Pov
"Close na kayo?" Nakangising tanong ni Kirk nang makahanap na kami ng upuan.
"Medyo?"
"Tanginang sagot 'yan, medyo?" sabat naman ni Trent.
"Pake mo ba? Mag-order ka na nga lang doon." Tulak ko sa kaniya. Umiling na lang siya bago pumila.
"Puntahan mo na kaya, hindi 'yang tingin ka nang tingin sa kaniya." Napalingon naman ako kay Christan.
"Kung wala lang sana diyan si Maica, baka kanina pa sana ako nandoon," sagot ko habang ang tingin ay nasa table nina Keith.
Nilabas ko ang cellphone ko para i-chat si Keith.
"Oh, kain na kayo mga slap soils," ani Trent sabay lapag ng tray sa lamesa at isa-isa na niyang tinanggal sa tray.
Keith:
I have no time for that eh. Kung gusto mo, maghanap ka na lang ng iba, 'yong makakasabay mo sa kalandian.
Mahina akong tumawa matapos kong mabasa 'yong reply ni Keith.
"Ang hirap landiin ni Keith," sabi ko nang tumingin sila sa akin habang nakakunot ang noo.
"Suko ka na?" Nakangising tanong ni Kirk.
"No way. Wala sa vocabulary ko ang sumuko 'no," sagot ko.
Iniba ko na lang ang usapan namin at tinanong na lang kung p'wede ko ba siyang sunduin mamaya. Noong una ay ayaw pa niyang pumayag pero sa huli ay napapayag ko rin siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top