ADC 04
Keith's Pov
"Maaga raw tayong madi-dismiss mamaya," wika ng kaklase kong si Arlene.
"Bakit daw?" tanong naman ni Karl.
"Hindi ko alam. Utos daw ni dean eh," sagot naman nito.
Kaya pala hindi na kami pinag-uniform ngayon.
"Yey! Gala us?" tanong ni Queenie sa amin ni Nigel.
"May lakad kami nina Ej eh," sagot naman ni Nigel.
"Hindi rin ako p'wede eh, sorry..." sagot ko nang lumipat ang tingin niya sa akin.
"Queenie, sama ka sa amin? Pupunta kaming Lucao," tawag sa kaniya nina Markian.
"Sige, sama ako!" sagot niya at tinalikuran na kami ni Nigel.
---
"SM tayo?" bungad sa akin ni Ella.
"Tayong dalawa lang?" tanong ko rin.
"Wait, chat ko sina Maica," aniya at nagtipa agad sa kaniyang telepono.
"Vacant daw nila Maica 'yong last subject kaya maaga raw siyang lalabas," sagot niya habang nasa cellphone pa rin ang tingin.
"Eh, si Steph?" tanong ko pa.
"I don't know. Hindi pa siya nagsi-seen eh," sagot naman niya.
"Punta na tayong UPang?" ani ko.
"Tara. Hintayin na natin sila roon," tugon naman niya kaya nagsimula na kaming maglakad papuntang UPang.
At pagkatapos ng mahabang lakaran ay narating na rin namin ang UPang. Nag-aya si Ella sa Mcdo kaya nagtake-out muna kami ng makakain habang hinihintay 'yong dalawa.
"Palabas na raw sila," mayamayang sambit ni Ella.
Lumabas na kami ng Mcdo upang salubingin 'yong dalawa.
"Saan tayo?"tanong ni Steph.
"SM," sagot naman ni Ella.
"Ay bet! Let's go na!" ani Maica at naunang naglakad.
Malapit na lang naman 'yong SM dito sa UPang kaya lalakarin na lang namin.
"Picture muna tayo mga bebe kwah! Post ko lang sa Facebook," wika ni Maica nang maitapat kami sa salamin.
"Oh pak, ang gaganda natin! Wait a minute, post ko lang," aniya at naupo muna sa katapat naming upuan.
"Anong bibilhin nating pagkain?" tanong ni Steph.
"Katatapos lang namin kumain ni Kei, eh. Kayo na lang bumil," sagot ni Ella kaya nakatikim siya ng batok galing kay Maica.
"Hindi niyo man lang kami binilhan ng kung ano man ang kinain niyo?" tanong nito.
"Sumaglit kami ng Mcdo kanina noong hinihintay namin kayo," depensa ni Ella.
Aapila pa sana si Maica nang takpan ni Steph ang bibig ni Maica at hinila paalis.
"Dada ka nang dada, eh," ani Steph habang nakatakip pa rin ang kamay sa bibig ni Maica.
Nasa likod lang kaming dalawa ni Ella habang pinapanood magsakitan 'yong dalawa.
"Gaga ka! Papatayin mo ba ako?!" sigaw nito nang makahiwalay kay Steph.
At nang dahil sa pagsigaw niya ay napanta tuloy sa kanila 'yong tingin ng mga tao.
"Eskandalosa talaga 'yang si Maica." Iiling-iling na sabi ni Ella.
Mabuti na lang at medyo malayo kami ni Ella sa dalawa kaya malaya kami sa kahihiyan.
"Woy, sila Kirk ba 'yon?" turo ni Steph.
"Oo, sila nga. Halina kayo at baka makita tayo ng mga 'yan," ani Maica at hinila kami paalis.
Nagpunta na lang kami ng arcade para maglibang.
"Wait niyo 'ko here, iihi lang ako," paalam sa amin ni Maica.
"Sige, balik ka rin agad ha? Magtutuos pa tayo rito," wika ni Steph.
"Oo na, feeling mo naman matatalo mo ako eh, asa ka beh." Binelatan pa ni Maica si Steph bago tuluyang umalis.
Naglalaro kasi sila ng basketball at kung sino ang may mababang score ay siya ang manlilibre ng Starbucks.
Nakatayo lang kami ni Ella sa gilid ni Steph habang naglalaro siya ng barilan.
"Boom, patay!" Napailing na lang kami pareho ni Ella. Wala siyang pinagka-iba kay Maica.
Natapos na siya sa nilalaro niya ngunit hindi pa rin dumarating si Maica.
"Bakit ang tagal naman ni Maica?" kunot-noong tanong ni Ella.
"Sundan na natin sa CR at baka nilamon na ng inidoro," saad ni Steph.
Kaya naman lumabas na muna kami ng arcade upang sundan si Maica sa CR.
Nakasunod lang ako sa dalawa habang naglalakad nang may kamay na humila sa akin palayo sa dalawa.
"Hey, let go— ikaw?" Siya 'yong lalaking nahuli ni Steph na nakatingin daw sa akin.
"You remember me?" Nakangising tanong niya.
"Of course, ikaw 'yong nasa kabilang table noon na nahuli ng kaibigan kong nakatingin sa akin," sabi ko.
***
Dale's Pov
Tangina. Ang ganda talaga niya lalo na kapag malapitan.
"P'wede na ba akong umalis? Baka kasi hinahanap na ako ng mga kaibigan ko eh," aniya at saka tumalikod na.
"Wait..." pigil ko. Hindi p'wedeng masayang 'yong effort ni Kirk para lang mapaghiwalay lang itong magkakaibigan na ito.
"You need something?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
"Ahmm, ano kasi.." Ano Dale? Bigla kang na-tanga eh.
"Kasi ano?"
"P'wede bang ako muna kasama mo?" Putanginang tanong 'yan?! Tanga mo, Dale.
Kita ko naman kung paano kumunot ang noo niya.
"Huh? Sorry pero hindi kita kilala eh." Ouch, pero totoo naman.
"Oh, sorry. I'm Dale," pakilala ko sa kaniya.
"I know. Ikaw 'yong nag-send ng friend request sa akin eh." Ibang klaseng babae 'to. Sa kaniya lang ako ganito.
Napakamot na lang ako sa batok ko. I don't know what to say!
"Please? Samahan na lang kitang hanapin mamaya 'yong mga kaibigan mo." Pumayag ka na lang kasi.
"Okay," kibit-balikat niyang sabi.
"Anong course mo?" Nabigla ako nang bigla siyang magtanong.
"Engineering," sagot ko.
"Third year?" Natulala ako sa kaniya nang tumingin siya sa akin. Shit, ganda talaga. Hindi ako magsasawang sabihin 'yan.
"Nah, fourth year," sagot ko. "Ikaw?" balik kong tanong sa kaniya.
"Nursing, third year," sagot naman niya. So, mas ahead pala ako ng one year. P'wede na rin.
"Gusto mong pumunta sa Starbucks?" tanong ko, tumango naman siya.
"Libre mo? Joke!" Natawa naman ako nang bigla niyang bawiin 'yong sinabi niya.
"Oo, libre ko." Kita ko kung paano nanlaki ang mata niya.
"Lah gagi, joke lang 'yon," aniya.
"Okay lang. Ano ba gusto mo?" tanong ko.
"Seryoso ka talaga?" Natatawa naman akong tumango.
"So, tara?"
"T-Tara..." utal na sagot niya.
Pagkapasok namin ng Starbucks ay bumungad agad sa amin ang mabangong amoy ng kape.
"Anong gusto mo?" tanong ko sa kaniya.
"Iyong Frappuccino na lang," sagot niya.
"Pagkain? Kahit ano na?" Tumango naman siya.
"Oo, ikaw manlilibre eh kaya ikaw na bahala," sagot niya. Mahina na lang akong natawa bago lumakad papuntang counter para mag-order.
Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa table namin ni Keith. Nagkwentuhan lang kami habang hinihintay 'yong order namin.
"Architecture student 'yong isa sa kaibigan mo? Sino sa kanila?" Fuck, mali yatang nagkwento ako ah.
"Y-Yeah, si Christan." At sinagot din ni gago. "Bakit?"
She shrugged. "Wala lang. Ang attractive kasi ng mga archi students eh," sagot niya. How about the engineering students?
Nagpatuloy pa kami sa kwentuhan hanggang sa tawagin na ako para kunin ang order namin.
"Madali lang ba 'yang course mo?" tanong niya saka sumimsim sa Frappuccino niya.
"Hindi ko masasabi 'yan. Pero para sa akin ay madali lang naman kasi matagal ko ng pangarap ang maging engineer eh," sagot ko. "Eh ikaw, madali lang ba 'yong sa 'yo?" tanong ko.
"Fifty-fifthy," aniya at saka mahinang natawa.
"Why?"
"Masakit sa ulo," tugon niya.
"Kaya mo 'yan." I cheered up.
"Kakayanin hangga't kaya," nakangiting sagot niya.
Napasarap ang kwentuhan namin kaya hindi na namin namamalayan ang oras.
"Shucks! Ang daming chat ni Maica." Agad ko naman siyang nilingon.
"Hatid na kita. Masyado nang delikado kung magko-commute ka pa." Hindi ko naman inaasahan na papayag siya.
"Diyan na lang sa tabi. Thank you sa paghatid at sa libre," aniya at lumabas na ng sasakyan ko.
Sumunod naman akong lumabas na sana hindi ko na lang pala ginawa. Sakto kasi 'yong paglabas ni Maica eh, kung ano-ano tuloy 'yong sinabi sa akin.
Keith:
Hey, thank you ulit and sorry sa inasta ni Maica kanina.
Para tuloy akong tanga na nakangiti habang paulit-ulit na binabasa 'yong message ni Keith. Tangina, nababakla ako bigla.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top