ADC 03

Keith's Pov

Nasa library ako ngayon dahil ginagawa ko na 'yong binigay na topic sa akin sa research namin. At habang nagbabasa ako ay napatingin na lang ako sa cellphone ko nang may mag-pop na notification doon. Saglit ko munang itinigil ang ginagawa ko at tinignan kung ano 'yon.

"Dale Patrick Corpuz?" bulong ko sa sarili. Ito siguro 'yong sinasabi ni Maica kanina sa gc.

Pinatay ko na lang muna ang cellphone ko at bumalik na lang sa ginagawa. This research is more important than him.

Malapit na akong matapos nang tabihan ako ni Nigel.

"Tagal mo naman matapos?" Hindi ko siya pinansin kaya naman hindi na siya nagsalita pa. He knows me well. Alam niya na kapag busy ako ay ayaw ko nang may gumugulo sa akin.

"Done!" sabi ko at nag-inat-inat pa.

Kinuha ni Nigel 'yong dalawang librong hiniram ko at siya na ang nagbalik sa bookshelves.

"Diretso uwi ka na?" tanong nito na ikinataka ko.

"Uwi? May isang subject pa tayo ah?" Mahina naman siyang natawa.

"Wala si Prof. Rosales, may meeting siya kaya hindi niya tayo imi-meet ngayon," sagot naman niya.

"Okay. Samahan mo na lang ako kina Aira, ibibigay ko na sa kanila ito at baka malimutan ko pa eh." sabi ko at sabay na kaming lumabas ng library.

Hinanap namin sina Aira na nasa bleachers lang pala.

"Ang sipag mo talaga kahit kailan, Astrid." Nginitian ko na lang ito bago magpaalam sa kanila.

"Libot muna tayong Nepo habang hinihintay mo si Ysabella." Tinanguan ko na lang siya.

Mamayang 5 PM pa ang labas niya at 4:30 PM pa lang kaya mas magandang magliwaliw muna ako kaysa tumunganga sa may bleachers.

"Gusto mong takoyaki?" tanong niya.

"Libre mo?" I joked pero 'di ko alam na seseryosohin niya.

"Ate, dalawa po," sabi niya roon sa nagtitinda.

"Seryoso ililibre mo talaga ako?" paglilinaw ko. Baka kasi gino-good time niya lang ako eh.

"Oo nga, ayaw mo? Tsaka minsan lang ako manlibre 'no," aniya at mahinang natawa.

Pagkakuha namin noong binili niya ay hinila naman niya ako sa nagtitinda ng lemonade.

"Oh, baka mabulunan ka eh," mahina ko namang sinuntok ang braso niya.

Kinuha ko na lang 'yong blue lemonade na hawak niya at sumimsim na roon.

Bago mag 5 PMay sinamahan niya akong bumalik ng school para tignan kung nakalabas na ba si Ella.

"Thanks sa libre, Nigel. Ingat ka sa pag-uwi." Kinawayan ko siya bago kami sumakay ng jeep ni Ella.

Pagkababa namin sa downtown ay nagliwaliw muna kami ni Ella habang hinihintay 'yong dalawa.

"Abba's tea muna tayo." Hindi na ako nakasagot nang hilain niya ako.

"Ano sa 'yo?" tanong nito habang nagtitingin ng flavor ng milktea niya.

"Okinawa na lang sa akin," sagot ko at naglabas ng one hundred.

"Kuya, isang medium Okinawa and medium Strawberry." Pagkabigay niya ng bayad ay naupo muna kami habang hinihintay 'yong milktea namin.

"In-add ako noong isang kaibigan ni Kirk," mayamayang usal ko.

"Totoo?!"

"Oo nga,"

"Gagi ka, 'wag mong sasabihin 'yan kay Maica ha? Panigurado lagot ako roon." Natawa naman ako.

"Akala ko ba nasuhulan mo na?" tanong ko.

"Hindi ko siya nabigyan kanina kasi nga 'di ba hindi ako pumunta sa UPang kanina?" tugon niya.

"Edi ngayon mo bigyan, tutal narito naman na tayo," saad ko.

"Teka nga, ipahabol ko na lang," aniya saka pumunta na sa counter.

"Pati pala sa IG nagmessage siya," ani ko.

"Sino? 'Yong LNU boy?" tanong niya, tumango naman ako.

"Trip ka talaga niyan eh 'no?" Umiiling na wika niya.

"Ma'am Ysabella po," agad na siyang tumayo upang kunin na 'yong order namin.

Saktong paglabas namin ay nasalubong namin sina Maica. Hindi pa nila kami makikita kung hindi pa dinikit ni Ella 'yong hawak niyang milktea kay Maica.

"Bwaka! Bakit ka ba nanggugulat?!" sigaw niya.

"Mai, tone down your voice. Nakakahiya ka," nahihiyang bulong sa kaniya ni Steph.

"Wala akong pake," may diing sagot niya.

Hinila na lang namin siya para kahit papaano ay makaiwas kami sa kahihiyaan.

Nang makarating kami sa apartment namin ay nagbihis na agad ako ng damit at nagtungo na ng kusina dahil kami ang nakatokang magluluto ngayon.

"Kei, ano?" Nahinto naman ako sa paghiwa ng sibuyas.

"Anong ano?" tanong ko kay Maica.

"In-add ka?" tanong niya. Nagkatinginan naman kami ni Ella.

Nabigyan naman niya ng suhol si Maica kaya okay na siguro kung sasabihin ko 'di ba?

"Oo, minessage pa raw siya sa IG eh," magsasalita na sana ako nang unahan ako ni Ella.

Bumuntong-hininga siya. "Hayaan mo na lang 'yon," saad niya. "Itong si Ella kasi eh, need pa bang i-mention?" Panduduro ni Maica kay Ella. Nag-peace sign naman si Ella.

Iyon naman talaga ang gagawin ko eh.

***

Dale's Pov

"In-accept ka na?" tanong ni Kirk, umiling naman ako.

"Pati message ko sa IG niya hindi niya yata pinapansin," sagot ko.

Mahina naman niyang tinapik ang balikat ko. "I guess si Maica ang may pakana niyan," anito.

"Akala ko ba ikaw ang bahala sa kaniya?" tanong ko.

"Eh, hindi nga ako nirereplyan eh," tugon niya.

"Hoy kayong dalawa, wala kayong balak kumain?" Pareho kaming napatingin sa nagsalita.

"Ito na, maka-hoy ka naman eh," Kirk said.

"Sinong maghuhugas ngayon?" Nahinto sa ere ang kutsara naming tatlo nang magsalita si Trent.

"Ikaw," sagot naming tatlo.

"Ako?! Bakit ako? Ako 'yong naghugas kaninang umaga ah," reklamo niya

"Ikaw ang nakatoka ngayong maghuhugas," sabi ni Kirk.

"Anak ng teteng! Ano 'yon dalawang beses akong maghuhugas?" Patuloy pa rin siya sa pagrereklamo.

"Para walang away, tayong apat ang mahuhugas ngayon." Pinal na sagot ni Christan. Okay, he used his card again.

Matapos kaming maghugas ay nagpaunahan naman kaming tatlong pumasok ng CR.

"Tangina mo, Kirk! Bilisan mong maligo ha?" wika ni Trent saka malakas na kinalabog ang pinto ng CR.

"Oo na, gago! Hindi naman kailangang kalabugin 'yong pinto!" sigaw niya mula sa loob.

Habang hinihintay matapos si Kirk ay pumunta muna akong kuwarto namin ni Christan para mag-cellphone muna.

Nagmamadali ko namang binuksan 'yong Facebook ko nang may mag-pop doon. Labis naman ang pagkadismaya ko nang makitang si Maica 'yong nang-aacept sa akin.

Hindi ko sana papansinin 'yon nang tumunog ulit ang cellphone ko at lumabas doon 'yong pangalan ni Maica.

Maica:

Hoy, p'wede bang lubayan mo 'yong kaibigan ko kung wala ka namang magandang intensyon sa kaniya.

Mahina naman akong natawa. As if makikinig ako sa isang amazonang katulad mo.

Hindi pa ako nagsisimula tapos titigil na ako? Tss.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top