ADC 01
Keith's Pov
"The coverage for your quiz next week is from chapter 1 to chapter 3, that's all. See you next week." Agad namang nagreklamo ang mga kaklase ko nang makalabas na si Prof. Calimlim.
"Saan kayo kakain?" tanong ni Alexa.
"Pupunta kaming UPang ni Ella eh, kasabay namin sina Maica," sagot ko.
"Okay, ingat na lang kayo." Nginitian ko na lang sila bago umalis.
Natanaw ko na si Ella sa may bleachers kaya naman nagmadali na akong pumunta sa puwesto niya.
"Tara na, kanina pa chat nang chat si Maica eh." Mahina naman akong natawa.
Kahit kailan talaga napaka-mainipin niya.
Paglabas namin ng gate ay sakto namang may nakaparada ng jeep sa tapat kaya sumakay na kami agad. Actually, p'wede namang lakarin na lang kaso mainit kaya nag-jeep na lang kami.
Pagkababa namin sa tapat ng UPang ay todo paypay ako sa sarili ko gamit ang kamay dahil sobrang init.
"Sobrang init, jusko!" ani Ella sabay punas ng pawis sa kaniyang noo.
"Nasaan na sila?" tanong ko sa kaniya.
"Malay ko nga eh, ang sabi naman ni Maica nasa labas na raw sila, eh bakit wala pa sila rito?" tugon ni Ella.
"Hayun na sila oh," turo ko sa exit.
"Haloo mga bebe gurls ko!" Pareho kaming napangiwi ni Ella nang magtinginan ang mga tao sa amin. Gosh, nakakahiya!
Sabay na lang kaming tumalikod ni Ella at umaktong hindi siya kilala.
"Ang sasama talaga ng ugali niyo! Tampo na ako, hmmp!" My gosh, Mai, stop it.
"Hoy gagi mahiya ka nga, kita mong ang daming tao eh," saway sa kaniya ni Steph.
"Eh bakit, hindi ba tayo tao? 'Tsaka walang paki-lamanan 'to 'no!" sagot naman niya.
Hinila na lang ako ni Ella papasok sa Mcdo at saka naghanap na lang ng upuan.
"Bakit ba hindi kayo naghihintay? Ang ano niyo ha!" Jusko po, bakit ba hindi na lang niya itikom 'yong bibig niya kahit ilang oras lang?
"Sino mag-oorder?" tanong niya.
"Ikaw." sabay na sagot namin nina Steph.
"Mga bwaka! Pera niyo!" sabi niya sabay lahad ng kamay sa harap namin.
Mabilis kong kinuha 'yong wallet ko na nasa bag at naglabas ng five hundred saka binigay sa kaniya. Ganoon din ang ginawa noong dalawa kaya pumila na si Maica nang makuha niya na 'yong mga bayad namin. Alam naman na niya 'yong inoorder namin eh kaya siya na ang bahala ro'n.
Nagkwentuhan lang kaming tatlo hanggang sa dumating na rin si Maica.
"Here's your foods na. Huwag sana kayong mabulunan," sabi ni Maica at binigyan kami ng isang matamis na ngiti.
"Wow, thanks sa paalala ha?" sarkastiko namang wika ni Steph.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang mahinang sipain ni Steph 'yong paa ko.
"What's the matter, Steph?" kunot-noo kong tanong sa kaniya.
Inginuso naman niya 'yong mga lalaking nasa kabilang table.
"Nahuli kong nakatingin sa 'yo 'yong isa sa kanila," sagot niya.
"Sino sa kanila?" tanong ko.
"Iyong katapat ni Kirk," sagot niya.
At nang tignan kong muli 'yong mga nasa kabilang table ay nagtama ang tingin namin noong lalaki. Nanlaki ang mata niya sabay umiwas ng tingin.
Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy na lang ang pagkain ko.
"Ingat kayo ha? Ba-bye! See you later mga bebe gurls, mwa!" Binilisan na lang naming maglakad ni Ella para maka-iwas sa kahihiyang ginagawa ni Maica.
Nag-abang ulit kami ng jeep pabalik ng school at wala pang ilang oras ay may dumaan na kaya agad na itong pinara ni Ella.
Nang marating na namin ang school ay dumaan na kami ng overpass dahil bawal ang mag-jaywalking unless nasa pedestrian lane ka.
Papasok na kami ng gate nang tawagin ako ni Nigel.
"Sabay na tayong pumunta sa room." Humahangos na saad nito.
Tumango na lang ako saka tuluyan nang pumasok.
"Dito na ako, Kei, Nigel. Bye!" paalam ni Ella sa amin.
"Bye. Kita na lang tayo after class," sabi ko.
***
Dale's Pov
"Nasaan na raw siya?" tanong ko dalawang kasama ko.
"Palabas na raw," sagot naman ni Kirk.
"Haloo mga bebe gurls ko!" Napatingin naman kami sa babaeng sumigaw.
"'Di ba siya 'yong isa sa kalandian mo, Kirk?" tanong sa kaniya ni Christan.
Hindi ko narinig 'yong sinagot ni Kirk dahil napako ang tingin ko sa isang kasama nilang nakaputi. Wow, nursing. Ang ganda niya. Maputi, hindi gaanong katangkaran, siguro hanggang baba siya ng tainga ko, medyo chubby rin 'yong pisngi, at hanggang baba ng balikat ang buhok.
"Woy, iba na naman target mo ah?" Siniko ko naman si Kirk.
"Gago!" I cursed.
At nang tignan ko ulit ay nawala na sila kaya luminga-linga ako, nagbabakasakaling makita siya. Hindi ko na natuloy hanapin 'yong babae dahil dumating na si Trent.
"Maghanap na kayo ng upuan, ako na mag-oorder." prisinta ni Christan.
Nagsi-tanguan na lang kami bago siya talikuran. Malawak na lang ako napangiti nang makita kong muli 'yong babae. Kung sinisuwerte ka nga naman oh.
"Doon na tayo," turo ko sa katapat na table nila.
"Woy, gagi! Ang hirap noong quiz namin kanina sa World literature," kwento noong babaeng katabi ni Ms. Chipmunk.
"Mabuti 'yong sa amin next week pa." Fuck! Ang ganda pati boses.
"Hoy, matunaw 'yan," natatawang sambit ni Kirk.
Sinipa ko na lang siya sa ilalim ng table saka ibinalik ulit ang tingin kay Ms. Chipmunk. Nag-iwas ako ng tingin nang mahuli ako noong isang kaibigan nila. Stephanie yata ang pangalan niya.
Nagkunwari akong nag-cellphone para hindi ako mahalata. Pero noong tumingin ulit ako sa kaniya ay nagulat ako nang magtama ang mga mata namin. Tangina!
Noong dumating si Trent ay nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo na silang magkakaibagan at mukhang aalis na.
"Aww, aalis na." Tinaas ko ang gitnang daliri ko at itinapat kay Kirk.
"Tangina mo!" sabi ko pero tinawanan lang ako ng lalaki.
Ano kayang pangalan niya?
"Don't worry, Dale. Kaming bahala sa 'yo. We will help you." Tapik nito sa balikat ko.
"Sabi mo 'yan ha?" paniniguro ko.
"Oo naman. 'Di ba mga p're?" Nagsi-tanguan naman 'yong dalawa.
Nang matapos kaming kumain ay tumambay muna kami roon nang ilang minuto bago kami umalis.
Sasakyan ni Christan ang ginamit namin dahil may nakabantay sa kotse ko kanina. Idinaan na muna namin si Kirk sa UL bago kami dumiretso ni Christan sa school.
Pagka-park ni Christan ng kotse niya ay mabilis akong tumakbo papuntang room para maka-iwas sa mga ex-flings ko. Pero kahit na anong gawin ko ay nahahabol pa rin ako.
"Trying to escape, huh?" wika ni Summer habang may mapaglarong ngiti.
"What are you talking about? Hinahabol ko 'yong oras," I lied.
"Duh! Two-thirty pa ang start ng class mo." Sa lahat ng nakalandian ko, sa kaniya lang talaga ako hirap makatakas
"I'm sorry, Summer but I need to go." Tumakbo ako nang mas mabilis para siguradong hindi niya ako maabutan.
Hingal na hingal tuloy ako nang makapasok ako sa room. Pumunta agad ako sa tapat ng aircon para magpalamig. Bwisit kasing babae 'yon eh, ang init tuloy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top