CHAPTER 9- I'm SORRY.
CHAPTER 9- I'm SORRY.
CALVIN's POV
"Hoy mas magaling sayo si Calvin no! Sinisigurado ko sayo ilalampaso ni Calvin yang pagmumukha mo sa araw ng contest!" -Alexei =___=
"Oh really?? let's see. Mukhang sobra ang tiwala mo sa kanya ah, type pa naman kita. Well sige ganito, pag natalo nya ako aaminin kong hindi sya trying hard at magaling nga talaga sya, pero kung hind, kailangan mong makipag date sa akin ng isang araw!" -lalaki from another class, nakalimutan ko pangalan neto eh..nakaaway na to ni Chase minsan
"Ako pa hinamon mo! Hinding hindi ako makikipagdate sayo, kasi sigurado akong matatalo ka ni Calvin!" -Alexei
"Alexei anu wag mo na lang silang--"
"Hindi! Tatalunin mo sya diba Calvin? Ikaw ang may pinaka magandang boses na narinig ko sa tanang buhay ko! Kaya wag mong hayaang iniinsulto ka ng kumag na to!" haaaaaaay.. kahit kelan talaga sya .. =___=
"So panu yan, I guess that's a deal? Kung ayaw mong maka date ko ang girflriend mo, you better do your best or else .. *smirk.." -lalaki
"Teka hindi ko sya girl--" pero bago ko pa masabing di ko girlfriend tong si Alexei nakaalis na yung lalaki
"Alexei! alam mo ba kung anung ginawa mo? yung lalaking yun, balita ko, ilang beses ng nagchachampion yun dito sa school, pati yung partner nya! Pano pag natalo ako huh? Wag mo kong sisisihin pag kinailangan mong makipagdate sa kanya! Balita ko pa naman babaero yun."
"Sorry na Calvin. Eh kasi nung narinig kong ininsulto ka nya, nag init na lang yung ulo ko eh. Pero hindi yan! May tiwala ako sayo Calvin! sigurado akong matatalo mo sya."
tiningnan ko na lang sya sabay nag walk out..
Kahit kelan talaga tong babaeng to, wala ng ginawa kung hindi magdala ng problema sa buhay ko.. =__=
Pero anu nga ba namang mawawala sakin kung makipagdate sya dun sa lalaking yun? Pero kasi, nangyari yun kasi pinagtanggol niya ako.. kasi ayaw daw niyang naiinsulto ako. Sobra naman kasi talaga yung sinabi sakin kanina nung lalaking yun pero pinalampas ko na lang. Kaso tong si Alexei.. ewan ko ba naman dito.. akala mo naman sya ang ininsulto kung maka react. Pero kahit papano medyo natuwa ako nung marinig ko yung mga sinabi niya, nung marinig ko kung gano kalaki ang tiwala nya sa akin, although medyo napasobra sya.. -__-
.
.
.
"Alexei ok na ba tong itsura ko?" nasa may soccer field kami ngayon.. wala na kaming klase pero ako may practice pa ng kanta kasama si Nina.. kaya nagpalit muna ako ng damit, kasi, ayokong ang baho ko pag nagpractice ako kasama si Nina..
"Calvin magppractice ka ng kanta, hindi ka makikipagdate. Para namang hindi mo kaklase si Nin--"
"Wa-wag kang maingay Alexei! Baka may makarinig sayo!" -ako habang hawak hawak ang bibig ni Alexei
"Anu ba yan! Hindi mo na naman kailangan takpan ang bibig ko eh! Wala naman halos tao malapit sa atin eh! tsaka ang gaspang ng kamay mo -__-" -Alexei pagtanggal nya ng kamay ko
"Panu hindi gagaspang ang kamay ko eh imbis na damit ko lang ang nilalabhan ko, pati damit mo ako ang naglalaba. Isama mo pa yung mga damit ni baby Red -__-"
"Aba eh sabi ko naman kasi sayo, bumili ka na lang ng washing machine para mas madali."
"May pera ka? kung gusto mo ikaw ang bumili."
"Tch.. kung ayaw mo di wag.. ikaw rin naman ang mahihirapan -__-"
"Itry mo kayang pag aralang maglaba no??"
"Tuturuan mo ko?"
"Sige tuturuan kita.."
"Next time na lang pag hindi na ko tinatamad! Dyan ka na Calvin, dadaanan ko pa si baby Red ng maaga kasi aalis yung landlord. Gudluck na lang sa practice mo :P" -Alexei sabay nagtatakbo na paalis..
Balasubas talaga yung babaeng yun kahit kelan. Nakikitira na sa bahay, nagbitbit pa ng bata, nagpanggap na asawa ko, ngayon naman ginawa naman akong labandero -___-
Oo, ako ang naglalaba ng damit nya, kasi no choice, kung di ko lalabhan, isusuot niya yung mga damit ko . Pati underwear nya ako rin ang naglalaba, nung una syempre nakakailang maglaba, kasi hello, lalaki ako tapos maglalaba ako ng underwear ng babae. Pero habang tumatagal, nasasanay narin ako. Isa pa kung di ko rin kasi lalabhan, hindi daw sya magsusuot ng bra at hihiramin niya pati boxers shorts ko =___=
Kakaiba talaga ang utak ng isang yun . Anyway, enough about Alexei. Kailangan kong ayusin ang sarili ko kasi magppractice kami ngayon ng kanta ni Nina ^__^
.
.
Pag dating ko dun sa music room kung saan kami magppractice..
"Ikaw ba si Mr. Martinez?" -sabi nung I think yung kinuhang instructor nung teacher namin..
"Ah opo ako nga po yun,,"
"Dumaan na kanina dito yung partner mo, hindi daw sya makaka attend kasi biglang nag ka emergency sa bahay nila, kaya ayun..mukhang tayo lang munang dalawa ^__^" -sabi nung instructor
para naman akong namatayan pagkarinig ko nun..
Na excite pa naman ako kasi akala ko makakasama ko si Nina kaso.. hays.. -___-
------------------------------------------------------------------------------------------------------
ALEXEI's POV
Siguro enjoy na enjoy na si Calvin pagppractice ngayon no? Panigurado tumakbo pa yun papunta sa music room para makita na nya agad yung Nina nya. Well kung dun sya masaya edi ok.. basta masaya sya ok na ako.
teka anu ba to ang corny na ng mga sinasabi ko.. -__-
Kailangan ko ng magmadaling umuwi para makuha ko na si baby Red dun sa landlord..
*kuha ng wallet..
aw.. =____=
Nakalimutan kong umutang kay Calvin. Wala tuloy akong pamasahe. Ngayon palang kasi sana ako magwiwithdraw ng allowance ko.. anu ba yan.. =__= Kung kailan naman nagmamadali oh!
Pero pag siniswerte ka nga naman ulit oh..
"Hey kaibigan ni Calvin.." -ako paglapit ko dun sa kaibigan ni Calvin
"Hulaan ko, wala ka na namang pamasahe?" -sya habang ang laki ng ngiti
"Tch.. ngayon palang ako magwiwithdraw ng allowance ko =__=.. kaya pasakay, ihatid mo ko sa bahay.."
"Sabi ko nga eh.. sige sakay ka na ^__^"
sumakay naman ako..
.
.
"Anung gagawin mo kung wala ako?" -sya habang nagddrive
"Edi manghihigit ako ng ibang tao na may motor din o sasakyan para ihatid ako sa bahay namin."
"Hahahaha.. I thought so.."
Bakit ba lage nlng syang nakatawa sa akin?? Bakit si Calvin lageng masungit? Eh ito lage kong sinusungitan pero lageng nakangiti sa akin at nakatawa sa mga sasabihin ko. Bakit si Calvin hindi ko man lang mapangiti o mapatawa kahit anung gawin ko?
Ay ou nga pala..
kasi hindi ako si Nina..
----------------------------------------------------------------------------------------------------
CHASE's POV
Sa araw araw na nakakausap ko tong babaeng to, lalo akong nagkakagusto sa kanya. Ewan ko ba kung anung tumama sa akin simula nung makilala ko sya. Hindi na ako makatingin sa ibang babae dahil sa kanya eh. Ang nasa isip ko lang lage eh kung panu nya ako mapapansin, kung panu ko mapapagaan ang loob nya sa akin at kung panu ko tatanggalin yung hate at first sight nya para sa akin.
Haha.. isa pa yung Hate at first na yun eh.. benta sa akin yun. Ngayon lang kasi ako nakatagpo ng tao na may ganun haha!
Alam ko dapat malungkot ako dahil hate na nya ako pagkakita palang nya sa akin, pero natatawa talaga ako haha! Hate at first sight.. Only Cerys' tlga no?? haha
Pag dating namin sa tapat ng condo nila..
Bumaba na naman sya ng walang kaimik imik.. walang thank you o kahit babye man lang..pero inaasahan ko na yan haha.. natatawa na nga lang ako eh..
pero nabigla ako nung bigla syang tumigil tapos humarap sa akin..
akala ko magtthank you na pero..
"Ah, wag ka aalis dyan, kukuhanin ko lang si baby Red, tapos pakihatid ako sa Mall, magwwithdraw ako eh tsaka mamimili narin ng gatas at diaper ni baby Red. Kaya wag kang aalis dyan, pag umalis ka, hahuntingin kita sa school! kuha mo?" -sya sabay nilabas pa yung maliit nyang kutsilyo at nagawa pang itutok sa akin kahit nasa medy malayo na sya
kakaiba talaga..
"Oo, di ako aalis dito.. takot ko na lang sayo!" -sigaw ko kahit naglalakad na sya palayo at nakatalikod na sa akin
hahaha.. wala na lang akong magawa kung di tumawa at ngumiti habang iniintay sya..
This girl is driving me insane every single day..
This girl is the only reason why I wish I was Calvin.
--------------------------------------------------------------------------------------------
ALEXEI's POV
Pag dating namin sa mall,
"Oh pwede ka ng umalis.." -sabi ko, panu pinark nya pa yung motor nya tapos bumaba din dun
"Sasamahan na kita.. mamimili ka diba? tapos kasama mo yang baby?" -sya
"E-eh?? kaya ko na naman ang sarili ko no.. kaya sige na umalis ka na.."
"Wala rin naman akong gagawin eh."
"Umalis ka na nga.. Ako na lang kasi!"
"Bakit sayo ba tong mall huh? Di naman sayo to ah? kaya wala kang magagawa kung gusto ko ring pumunta.." -sya sabay pamulsa
ang kulit talaga netong isang to
"Oh sige bahala ka nga.. di pumunta ka kung gusto mo.." -ako sabay lakad na papasok ng mall
nakasunod naman sya sa akin..
.
.
Pagtapos kong mag withdraw,,
"Oh bakit andyan ka parin?" -ako
"Nagpapahinga lang ako kasi nahirapan ako maglakad. Hindi kita hinihintay no.." -sya
"Ako pa ang niloko mo? tch.."
"Hindi naman kasi talaga eh."
"Bahala ka nga dyan, mamimili na ako.."-ako sabay lakad papunta sa supermarket
nakasunod na naman sya sa akin
"Akala ko ba hindi mo ko hinintay?" -ako
"Hindi nga.."
"Eh bakit nung lumakad ako, lumakad ka narin? tapos bakit pareho tayo ng daan? "
"Eh pupunta rin ako sa supermarket eh.. gusto kong mag ikot ikot din dun."
"Mag iikot ka sa supermarket? baliw ka na talaga."
Ngumiti lang sya sa akin..abnormal..
Pag dating namin sa loob ng supermarket..
"Ako na ang magtutulak nung cart mo." -sya
"Akala ko ba mamamasyal ka lang sa loob ng supermarket? -__-"
"Oo nga.. mamamasyal habang pinagtutulak ka ng cart ^__^"
"Ako ang magtutulak ng cart ko.. -__-"
"Edi ako na lang ang magbubuhat kay baby Red ^__^"
"Haaaaaay.. bahala ka nga.. sige buhatin mo sya.. pag umiyak yan patay ka sakin.." -sabay inabot ko sa kanya si baby Red
"Hehe.. ang cute nya.. para syang yung kapatid kong nakakabata nung baby pa sya.Ang cute rin nun kaso lumalakad na eh kaya hindi ko na mabuhat. Namiss kong magbuhat ng baby. Hi baby Red, ako si Tito Chase.. magkasing gwapo tayo no?" -sya
mahilig sya sa bata?
"Mas gwapo sya sayo no, wag ka nga =__=" sabat ko
"Sige payag na.. pero atleast gwapo parin naman diba? diba Baby Red? o tingnan mo ngumingiti sya sa akin, ibig sabihin nag aagree sya! Mukhang magkakasundo kami nito. Anu tol, magkakasundo tayo diba?" -para syang ewan, kinakausap daw ba yung baby? haha
"Tama ba yung nakita ko?" -sya
"Huh? a-anung nakita mo?" -ako
"Ngumiti ka. Ngumiti ka habang tinitingnan ako. "
"A-anu? namamalikta ka lang nu! wag ka nga!"
"Hindi eh. Nakita ko talaga! so that means medyo nababawasan na yung hate at first sight mo sa akin?"
"Asa ka pa no!"
"Ay ganun? Pero basta ngumiti ka narin sa akin for the first time so buo na ang araw ko dun! Diba baby Red?? ang ganda niya pag nakangiti no? diba?"
a-anu daw?
bakit bigla akong namula pagkarinig ko nun?
"Ma-maganda talaga ako no!" sigaw ko sa kanya
"Haha.. sabi ko nga eh."
"Hindi ka ba.. hindi ka ba naiilang? kasi baka may makakita sayo, or kung anung iisipin ng mga tao.. baka isipin nila na tatay ka na kasi may hawak kang baby.."
"Actually it's the opposite.. mas ok nga yun eh.. akala ng mga tao tatay na ako, tapos asawa kita.. "
"Tu-tumigil ka nga!"
"Haha.. ganun naman talaga ang itsura natin ngayon eh!"
"Heh! tigilan mo nga ako!"
"Haha.. sorry na.. sorry na.. ^__^..baby Red, ang sungit ng mommy mo no? pero kahit ganan yan, gusto ko parin yan..pwede ba akong maging daddy mo?"
"T-tumigil ka nga! wag ngang kung anu anung sinasabi mo kay baby Red!"
"Hahaha.."
Kainis.. bakit ba bigla nlng uminit ang pisngi ko dahil sa mga kinikilos at sinasabi nya? Bakit bigla nya akong naaapektuhan ngayon?? kaasar! Bakit kasi ganyan sya bigla eh. Hindi sya nahihiyang kasama ako, ala syang pakialam sa sasabihin ng iba tungkol sa kanya, tapos mahilig sya sa bata. It's just that I didn't expect him to be like that. Yun kasing mga kakilala kong kasing gwapo nya.. puro mayayabang puro, puro mukha lang nila ang priority! puro pambababae lang ang laman ng utak.. at never nilang gugustuhin to be seen with someone na may baby. Pero tong isang to..
haaaaaaaaay..
Kung ganto lang din sana si Calvin..
Si Calvin, ayaw niyang makita kami ng iba na magkasama lalo na pag kasama ko si baby Red, ayaw na ayaw nya. Gusto ko pa man din sanang makasama sya ng katulad nito minsan. Ako, siya at si Baby Red, parang isang pamilya. Para kahit minsan maramdaman ko ang pakiramdam ng may pamilya, kaso mukhang hindi ata mangyayari yun eh. Kasi nga alam ko namang hindi kami ni Baby Red ang gusto niyang makasama..
Hindi nga kasi kami si Nina.
----------------------------------------------------------------------------------------------
CALVIN's POV
Pag dating ko sa condo, walang kabuhay buhay akong pumasok dun.
Kasi naman.. Hindi ko na nga nakasama si Nina, tumawag pa sakin sila papa. Ngayon na pala ako magsstart dun sa trabaho ko sa bar restaurant nila Tito Mon. Magpapalit lang ako ng damit tapos didiretso na ako dun,, hays =___=
Bakit ba kailangan ko na agad magtrabaho? Kasalanan to ng Alexei na yan eh =__=
"Oh Calvin buti andito ka na ^__^, gusto mong kumaen? kamusta ang practice nyo ni Nina?"
"Hays.. wag mo ng itanong. Magbibihis lang ako tapos aalis na din ako."
"Huh saan ka pupunta?"
"Magsisimula na ako dun sa trabaho ko, yung sinasabi ni papa."
"Ah.. ganun ba? Sige galingan mo huh Calvin! Magluluto ako ng masarap na pagkaen, para pag dating mo masarap ang kakainin mo! hihintayin kitang dumating!"
"Gabi pa ako makakauwi kaya wag mo na ko hintayin, hindi mo narin ako kelangan ipagluto, dun na lang ako kakaen."
"Basta ipagluluto parin kita! tsaka iintayin parin kita sa ayaw o sa gusto mo no! Nagttrabaho ka para sa amin ni baby Red kaya dapat lang na gawin ko to ^__^"
"Bahala ka na nga." -ako sabay pasok na sa c.r. at nagbihis
"Sungit.." -narinig ko pang sabi nya bago ako makapasok sa pinto
tch.. panu ako hindi magsusungit eh sya ang dahilan ng lahat ng kamalasang nangyayari sa buhay ko? =___=
.
.
.
Inorient agad ako ni Tito Mon sa mga gagawin ko, then start na agad ako. Wala ng interview or watever.. tanggap na agad ako kasi nga tito ko naman sya eh.
Magseserve lang naman ako eh so kaya ko na to.. taga dala lang ako ng order. Medyo o nakakapagod rin pero kaya naman.
Medyo gabi narin..konting oras nlng makakauwi na ulit ako. 5 hours lang naman ang shift ko ngayon. Inadjust naman ni Tito Mon yung schedule ko, kasi alam naman nyang nag aaral pa ako.
Ang lakas ng ulan bigla ah. Sinimulan akong ipakilala ni Tito Mon sa mga staffs dun..tapos.. ito ang pinaka hindi ko inaasahan..
Bumaba sa stage si..
"Calvin?" -Nina
"Nina?"
"Magkakilala kayo? She's working as a part time singer here.." -Tito Mon
"Ga-ganun po ba? classmates po kasi kami Tito.."
"Oh really?? that's great so mukhang may kakilala ka na agad rito.. although hindi nga lang regular na kumakanta dito si Ms. Nina..o panu maiwan ko na muna kayo huh? I have other matters to attend to.. gudluck na lang Calvin. If you need help, ask mo lang yung ibang staff ok? I told them to help you out.." -tapos umalis na si Tito
"Ah Ni-nina.. so nagtatrabaho ka pala?"
"Ah.. oo.. minsan lang pag kelangan ng pera. Eh kasi, si mama, inatake na naman ng hika nya so kailangan namin ng gamot. Eh hindi pa sumusweldo si papa eh.. so ayun.. kaya nga absent ako kanina sa practice kasi nga biglang hinika si mama.. sorry kung di ako nakapunta huh Calvin?"
"O-ok lang yun. Ka-kamusta ang mama mo?"
"Ok na naman sya,,salamat ^__^"
"Ahm.. pauwi ka na ba ngayon?"
"Ahm pahinga lang ako ng konti.. tapos kakanta pa ako ng isa.."
"Ah ganun ba?? gudluck ^__^"
"Salamat.. eh ikaw Calvin, bakit nagttrabaho ka? Alam ko may kaya naman kayo diba?"
"Huh? ah-- eh.. wa-wala lang. Naisipan ko lang na maitry na mag earn ng sarili kong pera. Alam mo na, I just wanna try to be independent." hindi ko pwedeng sabihin na dahil akala ng magulang ko may anak at asawa na ako =___=
"Ow ganun ba?? Bilib na talaga ako sayo Calvin! well gudluck din sayo huh?? Let's both work hard ^___^"
"O-ok sige ma-magpahinga ka na muna.. ma-magseserve parin kasi ako eh.."
"Ok ^__^" at umalis na sya..
Yes!
Akalain mo nga naman? So kumakanta minsan dito si Nina?
Mas nagkaron ako ng chance na mapalapit sa kanya! Yes!
.
.
Hindi ko na namalayan ang oras.. enjoy ako magtrabaho bigla.. eh nandito si nina eh..
tapos ngayon kakanta na ulit sya.. ^___^
"Hey waiter, watch it.." -sabi nung customer
"I-i'm sorry mam.." panu medyo magkakamali ako ng lagay nung plato kasi napapatingin ako kay Nina na kumakanta ngayon sa stage..
pagtapos kong magserve..
habang wala pa naman ulit gagawin., at wala pang tumatawag ulit sa akin eh sinamantala ko na yung pagkakataon para panoorin si Nina..
ang sarap nyang pagmasdan.. tuwang tuwa sa kanya yung mga tao..
"Ah Calvin, may naghahanap ata sayo.." -sabi nung isa kong katrabaho
"Huh? sino?"
"Asawa mo ata. Ayun oh.. yung may dalang baby.." -sabay turo nya sa akin kay Alexei!
syempre kumaripas naman ako agad papunta sa kanya bago pa sya makita ni Nina!
"Hi Calvin, so dito ka pala nagtatraba--"
"Halika na muna sa labas! Anu bang ginagawa mo dito?! Alexei naman eh!" -ako habang hinihigit sya palabas
paglabas namin..
"Anu bang ginagawa mo dito Alexei? bitbit bitbit mo pa yang batang yan? Wala ka na ba talagang kahihiyan? Hindi mo na ba talaga ako titigilan? Hindi ka pa ba nakuntento sa paninira ng buhay ko, kaya hanggang sa trabaho susundan mo ko? Hanggang dito ba naman Alexei palalabasin mong pamilyado na ako kahit hindi pa naman talaga huh? Pano kung nakita ka ni Nina huh?!" -sigaw ko.. umuulan kasi isa pa, nag init na talaga ang ulo ko
"Hindi naman sa ganun, hindi ko naman kasi alam na andyan pala si Ni--"
"Sa susunod wag ka na ulit pupunta dito! Nakakagulo ka lang eh! dun ka na lang sa bahay ok! Panira ka lage sa buhay ko eh!"
Tiningnan nya ako saglit.. biglang ang lungkot nung mata nya..
tapos..
"Idiot!" -sigaw niya sabay paltok sakin ng..
wat the?
folding na payong at tsaka jacket..
wat the?
.
.
.
Pag uwi ko galing sa trabaho..
"Alexei mag usap tay-- e-eh? Landlord?" tama nakita ko yung landlord na buhat buhat si baby Red pag dating ko sa condo
"Umalis si Alexei eh, magpapahangin lang daw sya kaya andito muna ako. Ay ou nga pala, pinagluto ka nya ng sinigang oh. Nagpaturo pa talaga sya sakin magluto nyan. Ang swerte mo sa asawa mo Calvin, kahit bata pa sya marunong ng mag alaga. Alam mo bang habang nagluluto kami, bigla na lang syang nagsabing aalis daw muna sya kasi ang lakas daw ng ulan, dadalhan ka lang daw nya ng payong at jacket, kasi wala ka daw dala eh baka magkasakit ka pa daw. Sa sobrang pagmamadali nga nya dinala na nya si baby Red na buhat buhat nya eh. Grabe syang mag alala sayo. Mahal na mahal ka ng asawa mo no? kaso parang ang lungkot niya kanina eh.. nag away ba kay--"
hindi ko na pinatapos yung sinasabi niya at kinuha ko na lang ulit yung payong ko..
Ang lakas lakas pa ng ulan sa labas! Nasan ka na Alexei? Ang tanga tanga ko! Kung anu anu pang sinabi ko sa kanya! Ang tanga ko!
.
.
Kung saan saan ko na sya hinanap pero hindi ko parin sya makita. Kaya nagdesisyon nlng akong umuwi, eh kasi baka nandun na sya eh..medyo malalim narin ang gabi.
pero nung napadaan ako dun sa may 7-11.. kung saan una kong nakita si Alexei dati...
May nakita akong isang babaeng nakaupo sa may kalsada at nakapayong..
at paglapit ko para tingnan kung sino..sabi ko na nga ba eh
"Alexei.."
tumunhay sya..
"A-anung ginagawa mo dito? u-umuwi ka na Calvin.."
"Anung umuwi? Ikaw ang umuwi! tara ng umuwi!" hinihigit ko na sya pero..
"Wala akong uuwian.."
"Anu bang sinasabi mo?"
"Sabi mo panira lang ako ng buhay mo. Tama ka naman eh, wala na naman kasi talaga akong nagawang tama para sayo. Puro na lang kamalasan ang dala ko sa buhay mo. Kaya siguro mas mabuti kung aalis na nga lang ako."
"A-anu bang sinasabi mo Alexei? tara na ngang umuwi! ang lakas na ng ulan oh!"
"Hindi.. hindi na.. sorry Calvin.. I'm sorry.. In born na kasi ata to eh. In born na sakin na magdala ng kamalasan sa buhay ng mga tao sa paligid ko. In born na sakin yung wala akong magawang tama.. kaya .. sorry huh.. sorry.. tinry ko naman kaso, kahit anung gawin ko, mali parin pala eh. Kaya sorry Calvin..*sniff.. so-sorry huh?? *sniff sniff..aalis na lang ako.. hindi na ulit ako magpapakita sayo" at ngayon may tumutulo ng luha sa mga mata nya
Ang sama sama ko. Ang sama ko para paiyakin sya ng ganito..
Sa totoo lang, eto na oh, solved na ang problema ko. Mawawala narin sya buhay ko, pero siguro nga tanga ako..kaya naman..
*yakap
niyakap ko sya.. tapos..
"Hindi.. ako ang dapat magsorry sayo Alexei. I'm sorry..ang dame mo ng nagawang tama para sa akin..kung di ka naniwala sa kakayahan ko, siguro hindi ako makakakanta nung audition, siguro hindi ko magiging partner si Nina kung inayos mo yung pagkanta mo, at ngayon nagtrabaho ako dahil sayo tapos surprisingly nagpapart time din pala dun si Nina. Isa pa, wala pang nag alala sa akin ng ganto, wala pang naniwala sa akin ng ganto.. Ikaw palang.. kaya salamat Alexei.. and I'm sorry..I've been such a jerk to you.. I'm sorry.. kaya please, umuwi na tayo..Umuwi na tayo sa bahay natin Alexei."
pagkasabi ko nun, lalong lumakas yung iyak nya..
tapos niyakap nya ako lalo ng mas mahigpit..
"Um.. tara ng umuwi Calvin.." -sya sabay pahid sa luha nya tapos bigla nyang hinawakan yung kamay ko..
>///////////////////////////////////////<
te-teka.. bakit parang ang init ng pakiramdam ng mukha ko?
ba-bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko?
a-anung ibig sabihin nito?
"May problema ba Calvin??" -sya habang nakatingin sakin
te-teka.. ba-bakit parang naiilang akong tingnan sya?
"Wa-wala.. gutom lang ako kasi hindi pa ko kumakaen."
"Ah.. tamang tama! nagluto ako ng sinigang! Iiinit ko lang yun tapos kumaen tayo! pinaghirapan ko yun huh!"
"Ou na.. di mo na kailangan sumigaw."
"Wala namang tao eh.."
"Yun na nga ang point ko eh,, =__="
"Sungit mo na naman.. pagtapos mo kong paiyakin."
"Tch.. oo na hindi na nga..tara na lang kumaen huh at talagang gutom na ako.."
"Oo.. gutom narin ako eh. Gusto ko rin malaman kung masasarapan ka ba dun sa niluto ko hehe.. gusto ko ng makita ang reaksyon mo pag natikman mo yun ^___^"
Tingnan mo to.. ang bilis nya tlgang magbago ng mood. Ang saya na nya agad, parang walang nangyari eh. Kakaiba talaga sya..
pero..
Ganito ba talaga ang pakiramdam ng may kahawak na kamay ng babae paglalakad? Ganto ba talaga kasarap yun? Kahit di mo sya gusto talaga bang may mararamdaman kang kakaiba? Talaga bang bibilis ang tibok ng puso mo?
Hindi ko rin alam kung gutom lang ba to o.. bigla nlng talagang gumanda sa paningin ko tong babaeng to? Suddenly all her expressions, looks cute to me.. ang sarap pag masdan.
Parang yung pakiramdam ko pag pinagmamasdan si Nina..
parang ganun..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top