CHAPTER 7- PMS

CHAPTER 7- PMS

CALVIN's POV

-- . O mulat ng isang mata

O . -- mlat pa ng isang mata

*bangon

Aray! ang ang sakit ng likod ko! =__=

Bakit ba kasi ako natulog dito sa saheg eh.. Anu bang pumasok sa isip ko? tsk.

Tumayo na ako at niligpit yung pinag higaan ko. Himala, mukhang naunang magising sakin si Alexei..panu wala na sya dun sa kama eh,,

Lumabas na ako ng kwarto..

at pag labas ko..

"Buti gising ka na. Nagluto na ko ng almusal oh.. Kaen na tayo Calvin ^___^" teka.. bakit ang ganda ata ng gising netong babaeng to? tsaka saan sya nakakuha ng pera pambili ng mga pagkaen? teka wag mong sabihing!!

Kinuha ko yung wallet ko sa bulsa ko.. para sana icheck yun pero..

"Wag ka mag alala.. hindi ako kumuha ng perang pambili dyan sa wallet mo.. pera ko to no.." -sya

pagkasabi niya nun ibinalik ko nlng ulit yung wallet ko sa bulsa at umupo na lang..

Honestly nag wowonder ako kung saan kumukuha ng pera tong babaeng to since andame niyang niluto.. tapos nung isang beses pinamili niya pa si baby Red ng damit tsaka gatas at diapers..

but oh well tinatamad ako magtanong isa pa, hindi ko na naman business pa yun..

Pag tapos namin kumaen.. sya narin ang nag ligpit ng kinainan namin since mas maaga akong papasok sa kanya.. 2 subjects lang sya ngayong araw..

"Aalis na ako.." sabi ko sa kanya pagkakuha ko nung bag ko pero

"Teka lang Calvin! Eto oh!" sabay abot niya sakin ng..

"Pinagluto mo ko??"

"Ou ^__^.. ang dame ko kasing pinamili na pagkaen.. tapos nagluto ako ng lunch ko para mas tipid, so naisip ko ipagluto na lang din kita ^__^"  bakit ba kanina pa sya ngiti ng ngiti sakin? bakit ang bait bait niya?

Hinawakan ko yung noo nya..

"Wala ka namang lagnat" -ako

"Sino bang may sabi sayong may lagnat ako?" -sya

"Eh pano nakakapanibago ka kasi eh.. ang bait bait mo bigla sakin."

"Tch.. abno ka talaga. Lumayas ka na nga at baka malate ka pa!" -sabay tulak niya sakin palabas ng pinto

tch.. so siya pa nga rin talaga si Alexei..

.

.

.

Dumating si Alexei sa room nung second subject na namin.. irregular student nga kasi sya..

At late na naman sya as usual..Pero as usual mas matapang na naman sya sa teacher.Wala talaga syang kinakatakutan--ay! Takot nga pala sya sa kulog.

Then at last.. dumating na ang pinaka iniintay kong oras!

 Lunch na!

Hindi naman sa matakaw ako.. Eh kasi makakasabay ko na ulit si Nina! Sabay sabay ulit kaming mag lulunch..

Katulad kahapon.. ganun parin ang pwesto namin..

Katabi ko parin ulit si Nina ^__^

at ang kawawang si Chase ayaw parin patabihin ni Alexei sa kanya..

Hindi ko alam kung anung mali dyn kay Alexei eh. Most girls dito sa campus, they would die just to be beside Chase.. pero sya? Sya na tong hinahabol habol ni Chase pero wala parin syang pakialam. I wonder, kung si Chase hindi pumasa sa kanya, gano pa kaya kataas ang standards niya?

"Tara kaen na tayo ^__^" -Nina sabay labas ng pagkaen nya.. wow, nagbaon din sya ngayon?

Ilalabas ko narin sana yung ginawang lunch sakin ni Alexei ng maalala kong kasabay ko nga pala sila Nina. Baka makita na naman nilang parehong pareho kami ni Alexei ng lunch!

Impossible namang 2 times in a row na kaming pareho ng biniling ulam ni Alexei.. baka hindi na sila maniwala sakin nun..

Panu to??

"Oh Calvin bakit hindi ka pa kumakaen? Wala ka bang baon ngayon?" -Chase

"Ah.. anu eh..wa-wala eh.. bi-bili lang ako.." -ako sabay tayo

pero bigla akong hinawakan ni Crissa

bakit?

"Wag ka ng bumili Calvin, ang totoo nyang pinagluto ka ni Nina ^__^--- aw!" -Crissa na biglang siniko ni Nina

"Ah.. a-ang to-too nyan.. a-anu, lu-lumabis lang yung lu-luto ko pa-para sa sa-sarili ko.. ka-kaya na-naisipan kong dalhin na lang dito sa school.. a-at since wala ka palang baon ngayon eh.. si-sige.. sa-sayo na lang to Calvin!" -Nina sabay abot sa akin ng isang lunch box habang nakatungo at hindi makatingin sakin

Nananaginip ba ako?

totoo ba to?

totoo bang binibigyan ako ni Nina ng pagkaen na sya mismo ang nagluto?

"Ah.. Calvin a-ayaw mo ba?" -Nina

"Na-nako hindi.. gusto ko.. syempre gusto ko.. salamat Nina.." -sabay kuha ko na nung lunch

natulala na kasi ako eh.. anu ba yan...

at pag upo ko..

susubo na sana ako ng..

*slam

Ang lakas ng pagkakalagpak ni Alexei ng baso sa table kaya nagulat kami..

Napatingin ako sa kanya..

Aw.. ang sama ng tingin niya sa akin..at mukhang alam ko na ang dahilan..

Kasi hindi ko inilabas yung lunch na ginawa niya para sakin..

Aw.. patay ako neto..

Pero hindi naman kasi pwedeng hindi ko kainin tong lunch na bigay ni Nina. Once in a lifetime chance lang to..

Kaya inignore ko na lang si Alexei at ang masamang aura niya..bahala na.. Para naman akong nasa langit habang kinakaen tong pagkaen na ginawa ni Nina.

Actually, mas masarap ang luto ni Alexei kesa sa luto ni Nina. Pero mas , ewan ko ba.. mas kakaiba yung nararamdaman kong tuwa habang kinakaen to. Ikaw ba naman ang kumaen ng pagkaeng niluto mismo ng taong gusto mo. Kahit ata anu pang lasa nun eh, yun ang magiging pinakamasarap para sayo..

pagtapos naming kumaen.. sabi na.. badtrip si Alexei eh..

"Bakit parang masama ata ang mood ni Cerys?" -Nina

"Wag mong intindihin yung isang yun.. moody lang talaga sya.." -ako

"Ah ganun ba?? ok " -Nina

Pumasok na kami sa sunod na klase..

Magkatabi kami ngayon ni Alexei.. lage naman kaming magkatabi kahit saang subject kasi ayaw niyang tumabi sa iba =__=

"Hoy, sorry na.. " -Ako

"Para san?" -sya habang di natingin sa akin

kunyari pa syang walang alam eh.. alam ko namang dahil yun dun sa hindi ko pagkaen nung niluto niyang lunch..

"Sorry dun sa di ko pagkaen dun sa niluto mo.."

"Ah yun ba? wala yun.. Pinaghirapan ko lang naman yung lutuin para sayo tapos hindi mo lang pala kakainin.. Wala yun.. wala talaga.."

"Alexei naman eh.. kaya nga sorry na eh. Minsan lang kasi mangyari na bibigyan ako ni Nina ng pagkaen na sya na mismo ang nagluto so.. sorry na talaga.. "

"Tch.."

"Babawi na lang ako sige na. Gusto mo, mamayang labasan natin, pag uwian na, ibibili kita ng ice cream.. yung 10 scoops.."

at pagkasabi ko nun..

bigla syang humarap sa akin tapos..

"Sabi mo yan huh? weeeeeee! ok sige pinapatawad na kita! Basta ice cream ko mamaya huh Calvin??^___^" at ayun masaya na ulit sya..

Kahit kelan tlga tong babaeng to..Bakit ko nga ba sya sinusuyo? anu ko ba sya?

haaaaaay.. ewan ko ba naman sakin.. =__=

.

.

Natapos rin ang ilan pang subjects tapos uwian na..

"Tara na Calvin! weee! bili na tayo !" -Alexei sabay higit sa akin

"Ou na .. Ou na.. wag ka naman masyado excited dyan, para kang hindi nakakatikim ng ice cream eh.."

"Eh 10 scoops yun no! waaaaaaah! ang sarap nun.. *O*.. kaya bilisan mo na Calvin!"

"Para tong bata haynako.." -ako habang hinahayaan na lang syang higitin ako

pero napatigil kami nung biglang humarang sa dadaanan namin si Nina, Chase at Crissa

"Ah Calvin he-hello.." -Nina

"He-hello.."

"Calvin, hindi na ako magpapaligoy ligoy.. Ah ganto kasi yun eh.. nakapangako na ako kay Nina na sasamahan ko syang mamili nung pinapamili nung mommy nya sa kanya kaso may biglaan akong lakad eh.. kaya pwede mo ba syang samahan?" -Crissa

sa totoo lang gusto ko yun.. pero.. panu si Alexei? nakapangako na ko kay Alexei eh..

"Ah kasi.. sabi ko kay Alexei ibibili ko sya ng--"

"Si Chase na lang daw ang sasama kay Alexei, diba Chase?" -Crissa sabay tulak kay Chase

"Ah.. o-ou a-ako na lang ang bahala kay Cerys pre.. samahan mo na si Nina.." -Chase

"Pero si Alexe--"

"Hindi.. ok lang Calvin.. samahan mo na lang sya..tara na nga kaibigan ni Calvin!" -Alexei sabay higit na kay Chase

Ok lang ba talaga sa kanya??

Anyway..Wala na akong masyadong time para isipin pa si Alexei.. babawi na lang ako sa kanya pag uwi..

Ang mahalaga.. kasama ko ngayon si Nina..at kami lang na dalawa..

Aw.. nababading na ba ako kung pakiramdam ko kinikilig ako?

pwes nababading na nga ata ako..

"Oh panu, maiwan ko na kayong dalawa dyan huh? Ingatan mo si best friend ko huh Calvin?" -Crissa sabay lumakad na paalis..

Naiwan na lang tuloy kami ni Nina..

"Ah.. pa-panu,, ta-tara na" -ako

"Si-sige.. pe-pero.. a-ayos lang ba talaga Calvin?? baka kasi may gagawin ka p--"

"Anu ka ba? ok lang yun no.. tara na ^__^"

"Si-sige ^__^"

.

.

tahimik lang kami sa byahe.. ewan ko ba.. ang hirap magstart ng conversation eh...

Ang dame kong gustong sabihin sa kanya pero natatameme ako pag nakikita ko yung mukha niya..Inuunahan ako ng kaba..

sa wakas nakarating na kami sa mall..

"Ah,, a-anu bang bibilhin natin??"-ako

"Anu nga ba? ah yun! tara dun!"

at kung saan saan na kami pumunta..

actually nakakapagod pero wala yun para sa akin...

Makasama ko lang sya masayang masaya na ako..Lalo pa nga akong na inlove sa kanya nung..

Nasa jeep kami.. pauwi na..Ng biglang may tatlong pulubing bata na nakikiusap dun sa driver kung pwede silang makisakay hanggang SM lang.. dun kasi at sila mamamalimos. Kaso ayaw pasakayin nung driver..

"Magsibaba kayo mga bata kayo!" -sigaw nung driver

"Bumaba kayo.. ipapahuli namin kayo sa pulis sige.." -sabi nung isang ale

pero,,

"Pasakayin niyo na po sila.. ako na po ang magbabayad.." -sabi ni Nina

nagtinginan tuloy sa kanya yung mga pasahero..

Natigilan yung driver.. at ayun pinasakay na lang yung mga bata..

"Eto oh pambili niyo ng pagkaen ^__^" sabi pa ni Nina sabay bigay ng pera dun sa mga bata bago sila bumaba..

"Salamat ate ^__^" sabi nung mga bata tapos bumaba na sila..

Grabe ang bait bait talaga ni Nina. Isa sa maraming dahilan kung bakit ko sya nagustuhan. Siguro kung si Alexei ang kasama ko, nako, sinigawan na nya yung mga batang yun..

Pero speaking of Alexei, sh*t! sabi ko nga pala ibibili ko sya ng ice cream! di pa ko nakakabili! buti naalala ko..

Bumaba na si Nina sa may tapat ng bahay nila.. Ni hindi man lang kami masyadong nakapag usap.. hays.

Ang tanga ko naman oh.. baka di na maulit na masolo ko sya.. tapos hindi pa ako gumawa ng move.. busit..

kaya naman..

"Manong para!" bumaba ako sa jeep

tapos..

"Oh Calvin a-anung ginagawa mo? bakit ka bumaba?" -Nina

"Ah.. a-anu.. medyo madilim na kasi.. so.. gu-gusto ko lang masigurado na makaka uwi ka ng maayos.."

"Haha.. eh ito na ang bahay ko oh.. gate na lang ang pagitan.. Calvin talaga.. haha.."

"He-hehe.."

"Ah a-anu.. Calvin.. sa-salamat pala huh.. sa pagsama sakin, tapos para sa pag aalala sakin.. talagang bumaba ka pa para masiguradong ok ako..that's so sweet.. thank you.."

"Ah... yo-you're welcome.." PSH anu ba tong ginagawa ko?? kaya ako bumaba kasi gusto ko ng magtapat.. anu ba tong sinasabi ko? ang torpe ko talaga!

"Oh panu Calvin, pasok na ko sa bahay huh?"

"O-ok.. si-sige.. uuwi narin ako..ba bye ^^"

"Ok bbye ^__^"

sabay tumalikod na ako at lalakad na sana paalis ng..

"Ah Calvin.. " -Nina

kaya naman napalingon ako..

"Ba-bakit Nina??"

"A-anu Calvin.. i-ingat ka ^__^"

"Ikaw rin.. " tapos naglakad na talaga ako paalis..

Haaaaaaay.. anu ba naman! In the end di ko parin nasabi!

Ni hingin ang number niya hindi ko nagawa.. hays..

pero.. ok narin..

Atleast nakasama ko sya ng medo matagal.. yung kami lang..at kahit wala masyadong improvement.. ok narin yun.. isang araw masasabi ko rin sa kanya tong nararamdaman ko.. kailangan ko palang talaga ng sapat ng lakas ng loob..

.

.

.

Pag dating ko dun sa condo..

"Buti naman umuwi ka pa.. akala ko hindi ka na uuwi eh.." -Alexei habang pinapadede si baby Red

takte bakit parang eksenang mag asawa ata tong nangyayari samin? =__=

tsaka bakit ba ang sama ng aura nya?

"Wag ka na magalit.. alam ko nag promise ako sayong ibibili kita ng ice cream pag uwi natin.. kaya nga eto oh.. ibinili naman kita eh! isang galon pa!" sabay pakita ko sa kanya nung ice cream na binili ko.. takte nangalahati allowance ko this week dahil dito..

"Hmp..pag hindi yan masarap nako.. "

"Hoy double dutch to huh!"

"Double dutch?? tch.. patikim nga.."

Kumuha ako ng baso at pinaglagay ko sya ng ice cream..

"Anu hindi masarap?" -ako

"Pede na.. tch.." -sya

"Pede na daw, sarap na sarap ka naman.."

"Ang daldal mo.. kumaen ka na lang.." sya sabay haen sa harap ko ng hapunan..

"Ipinagluto mo ko?"

"Bakit? ayaw mo?" -sya

"Hindi ah.. gutom na nga ako eh. Nakakagutom mamili sa mall.. pero alam mo Alexei, worth it yung pagod.. ang sarap kasama ni Nina. Alam mo lalo pa ata akong tinamaan sa kanya, ang bait bait kasi niya." sabi ko

Susubo na sana ako ng kanin ng..

wat the??

bigla niyang kinuha yung plato ko..

"Hoy Alexei bakit mo kinuha yung plato ko?"

"Magluto ka ng sarili mong pagkaen! tch!" -sabi niya lang sabay alis na.. pumunta sa living room sabay sya ang kumaen dun sa pagkaen ko.. =__=

Anu bang nangyari dun?? Bakit bigla na lang naging ganun yun? Ok naman kami kanina ah?

Haaaaaays! hirap niya talaga intindihin! Babait, tapos biglang susungit out of nowhere! geez! =__=

Pero bakit kaya sya biglang nagalit?

Nagkwento lang ako tungkol kay Nina, nagalit na agad sya..

te-teka..

wag mong sabihing..

NAGSESELOS SYA? Hindi! Imposible! Bakit naman sya magseselos??Asa pa namang magkagusto sya sakin. Kung si Chase nga hindi pumasa sa kanya.. ako pa? Imposible talaga..

pero kung ganun bakit??

haaaaaaays..

Pumasok ako ng c.r. Maiihi na ako.

pero pag pasok ko..

"Alexei!" sigaw ko

Pano meron pang napkin na andun sa may mini cabinet ko sa c.r.

"Bakit ka ba nakasigaw dyan?"

"Wala ka bang manners? lalaki ang kasama mo sa bahay tapos mag iiwan ka ng napkin dito sa c.r.? di mo man lang matapon sa basurahan?"

"Aba eh sa nakalimutan ko eh! Ako na nga ang nagluluto, ako pa ang nag aalaga sa baby, parang naka iwan lang ng napkin galit na galit ka na agad! Pwede namang itapon ah!" -sigaw niya

"Aba at ako pa ang magtatapon?"

"Ou! nakita mo na lang din eh! kailangan pang sigawan mo ko? tch! bahala ka nga sa buhay mo! masungit!" -sigaw niya sabay balik na ulit sa panonoood ng t.v.

at ako pa ang nasabihang masungit??Kakaiba talaga yung isang yun!

so ngayon alam ko na kung bakit pabago bago sya ng mood..

As i thought..imposibleng nagseselos sya..sya lang ay nagppms..

Meron lang syang Pre-menstrual syndrome..

Tch.. never once in my life na naimagine kong magtatapon ako at hahawak ng napkin ng may napkin.

Balasubas tlga tong babaeng to. Ibang iba talaga sya kay Nina! haynako!

Kelan kaya sya mawawala sa buhay ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #yam-yam28