CHAPTER 6 - HIDDEN FEELINGS

CHAPTER 6 - HIDDEN FEELINGS

CALVIN's POV

Dinala ko si Chase sa living room, habang si Alexei nagluluto sa kusina..

"Chase, makinig ka sakin huh? Alam kong medyo mahirap maniwala sa sasabihin ko sayo, pero Chase pare, nagsasabi talaga ako ng totoo.." sabi ko kay Chase habang naka upo kami sa sofa.

Nakatulala lang sya akin..

"Ah ganto kasi yun, isang gabi, nagutom ako kaya pumunta akong 7-11.. tapos nakasalubong ko si Alexei nun habang naglalakad ako pauwi. Akala ko nagugutom lang sya so binigyan ko ng pagkaen. Tapos nag ask syang makitulog sakin ng isang gabi kasi wala syang matulugan. Naawa naman ako, then the next day.. BOOM! Nung pinapaalis ko sya tinrethean na nya ako! Pag hindi ko daw sya pinatira dito, patay ako sa kanya.. tapos eto pa, hindi ko alam kung anung isip meron yang babaeng yan at nagbitbit pa ng sanggol na napulot daw nya sa may basurahan! So ayun.. yan ang tunay na storya kung bakit nakatira sa bahay ko si Alexei, pero Chase wala kaming relasyon!"

O______________O >>> Chase

nakatulala parin..

"Chase? Chase! Hoy sumagot ka! Naniniwala ka ba sa akin huh?"

"Ou naman! Naniniwala ako sayo Calvin!" -Chase

"Hays salamat akala ko--"

"Asa.." -Chase

"Huh?"

"Asa ka pang maniniwala ako sa sinasabi mo Calvz! Alam mo kung nakabuntis ka, wala namang masama eh. Wag mo na lang akong lokohin Calvz.. tsaka sa susunod.. gumawa ka ng mas maayos na kwento huh? yung mas kapani paniwala." -Chase

wait wat the??

"Chase! Hindi ako nagsisinungaling! totoo ang sinasabi ko promise!"

"Nung una hindi ko maintindihan kung bakit parang mas type ka ni Cerys kesa sa akin,but now I know.. It's because meron na kayong anak! that's it! Kaya Calvz, kahit anu pang sabihin mo, hindi ako maniniwala sayo! swerte mo nga eh, ang ganda ng nakuha mo.."

"Pero Chase hindi ko nga kasi--"

"Calvz, wag mo ng itanggi ok? aalis na ko.." -Chase na naglalakad na paalis

Naman oh! bakit ba ayaw nila akong paniwalaan? totoo naman kasi yung sinasabi ko eh! T____T

"Pero Chase, maniwala ka please.. Cga---"

"Nagsasabi sya ng totoo!" e-eh??

Natigil kaming dalawa ni Chase at napaharap kay Alexei..

"Totoong pinilit ko lang si Calvin na patirahin ako dito.. At hindi niya anak to, napulot ko lang talaga to sa may basurahan. Kaya ikaw lalaki, ngayong alam mo na ang totoo, wag na wag mong sasabihin to sa school huh? Lalong lalo na kay Nina..."

Napakamot bigla ng ulo niya si Chase.. tapos

"Hahaha.. asar naman oh.. ang ganda na ng acting ko.. akala ko pa naman maloloko ko si Calvin." -Chase

"Anu bang sinasabi mo Chase?"

"Ang totoo naniniwala naman kasi ako sayo eh.. Isang beses nameet ko na si Cerys tapos tinutukan niya ako ng kutsilyo, so hindi malabong magawa niya yung sinasabi mo hehe. Gusto lang naman kitang pagtripan Calvz eh.. kaso.. yun nga.. tch.. haha.."

"Ikaw talaga Chase!!"

"Hahaha. Oh sige kailangan ko na talagang umalis. Wag kayong mag alala,  hindi ko ito ipagsasabi sa school." aalis na sana si CHase.. pero bigla  syang lumapit sa akin tapos..

"Hindi ko ito ipagsasabi Calvz, basta, tulungan mo kong mapalapit kay Cerys huh?" yan ang binulong niya sa akin tapos umalis..

Ginawa pa akong match maker? pero kung ang kapalit naman nun eh yung hindi pagkalat ng sikreto at ang pag asa ko pang magustuhan ni Nina.. eh hindi na siguro masama..

Pero ang pinagtataka ko.. bakit umamin tong babaeng to? Nagsinungaling sya kay Tito Karl at sa magulang ko pero kay Chase hindi.. bakit kaya?

Wag mong sabihing may gusto sya kay Chase? pero parang wala naman eh.. so anung meron?

Lumapit ako sa kanya na kasalukuyang naghahaen ng pagkaen namin sa lamesa..

"Oh umupo ka na kaen na tayo.." -sya sabay upo

Umupo rin naman ako..

"Ah anu, bakit ka umamin kay Chase?"

"Anu bang sinasabi mo Calvin?"

"Eh kasi nagsinungaling ka sa magulang ko at kay Tito Karl, tapos kay Chase--"

"Kung magsisinungaling ako dun sa kaibigan mo edi kakalat sa school na asawa mo ko at may anak tayo diba? diba sabi mo ayaw mong mangyari yun? isa pa, pag nalaman yun nung Nina mo, edi, wala ka ng pag asa.." -sya

"Yun nga.. pero bakit m--"

"Diba sabi ko sayo tutulungan kitang mapalapit dun sa babaeng gusto mo bilang kapalit ng pagpapatira mo sa akin dito? yun lang ang ginagawa ko. Kaya kumaen ka na.. masamang pinaghihintay ang pagkaen.. ang sarap pa naman niyan."

"Sabi ko nga.."

at kumaen na ako..

Hindi ko alam kung anung masamang hangin ang nalanghap niya, pero ang bait nya ngayon. Inaalala din pala nya yung tungkol sa akin at kay Nina.

Haaaaaay.. buti na lang talaga.

.

.

.

Kinabukasan..

Lunch na namin..

"Calvin sabay na tayo mag lunch nila Nina!!" -Alexei habang higit higit si Nina at si Crissa (bestfriend ni Nina na di ko masyadong kaclose kasi, hindi yan nag iiimik.. tahimik lang sa isang tabi)

"Pe-pero kasi--"

"Sabay sabay na tayo Calvin! mas masaya nga yun eh! " -Chase

"Hindi naman kita iniinvite ah??" -Alexei talking to Chase

"Iniinvite mo si Calvin, bestfriend ako ni Calvin at lage kaming magkasabay kumaen kaya dapat kasama ako ^___^" -Chase

"Tch.. ok.. tara na nga Calvin!" -Alexei sabay higit sakin

.

.

andito kami ngayon sa canteen..

Grabe... akala ko hanggang pangarap na lang.. pero.. Waaaaaah! Kasabay ko ngayon mag lunch si Nina! tapos magkatabi pa kami

ganto kasi ang posisyon namin..

Pabilog yung table..

                                Crissa

          AKO                                    ALEXEI

NINA                                            Bakanteng Upuan

                             CHASE

Ganyan.. gusto sana  tumabi ni Chase kay Alexei kaso ayaw ni Alexei. Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo nya kay Chase.

Nilabas ko na yung pack lunch ng ginawa ni Alexei. Oo pinag gawa niya ako ng lunch. Hindi ko alam kung bakit.. basta.. pag hindi ko daw yun kinaen, papatayin niya ako. With matching tutok pa ng kutsilyo yun huh,, =__= sweet na sana eh.

Habang kumakaen kami...

"Ahm ako lang ba to o pareho kayo ni Cerys ng lunch?" -Crissa

"*cough cough cough" naubo naman ako dun! shet! bakit di ko naaalala to?

"A-ayos ka lang ba huh Calvin?" -Nina

"A-ayos lang ako.. ^__^" tinanong niya ako kung ayos lang daw ako?  XD

"Pero anu nga bakit kayo magkapareho ni Cerys ng lunch? pinagluto ka ni Cerys no?? anung meron sa inyong dalawa huh??" -Crissa

Bakit ang daldal nito ngayon?? akala ko tahimik lang sya eh =__=

"Huh? a-anu, pa-pareho lang kami ng binilhan na ulam kaya ganun!"

"Eh bakit pati lalagyan pareho kayo? magkaiba lang kulay?" -Crissa

aw.. shet! panu ba ko lulusot nito..

"Ah-a-anu kasi... kasi...--"

"Kasi pareho kami ng binilhan ni Calvin ng lalagyan. Pareho kasi kami ng condominium na tintirhan kaya ganun.. ok na? wala ka ng tanong?" -Alexei

"Wala na.." -Crissa

wooooooooooooosh... nakaligtas ako dun.

Ilang beses na akong sinasagip ng demonyong babaeng yun. Buti na lang talaga at medyo matino sya ngayon. Bu oh well kung tutuusin sya din naman talaga ang pinag ugatan nitong problema ko eh. Hindi ko talaga alam ang gagawin pag nalaman ni Nina na nakatira si Alexei sa bahay ko at may kasama pang baby.

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Nina's POV

(a/n: picture ni Nina, nasa side >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>)

"Napansin mo rin no?" -Crissa

"Huh?"

"Nagsisinungaling si Calvin.." -Crissa

"Anu bang sinasabi mo?" kahit na oo, alam ko namang nagsisinungaling lang sya..

"Wag mo ng itanggi Nina, kitang kita naman na may something na namamagitan dun sa dalawa at sure ako na si Cerys ang nagluto nung pagkaen ni Calvin. Tsaka nung isang araw, napansin mo yung tshirt ni Cerys diba? ngayon sure na akong kay Calvin nga yun."

so napansin din pala niya? haays..

"Ou na.. napansin ko rin yun.. pe-pero ba-bakit mo naman sinasabi yun sakin? anu namang--"

"Magsisinungaling ka pa ba Nina? halata naman no.."

"Halata?"

"Halata ko naman na may gusto ka kay Calvin!"

"A-anu?" panu nya nalaman?

"Sus, wag mo ng itanggi.. napapansin kong lage mo syang pinagmamasdan.. Nahihiya kang kausapin sya, tapos eto nga, pansin ko simula ng dumating si Cerys eh parang may iba sa mga mata mo. Nagseselos ka sa kanila no?"

"A-anu bang--"

"Nina!"

"Crissa! secret lang natin to huh!!"

"Tsk.. bakit kasi ayaw mo pang umamin na lang sa kanya?"

"Anu bang sinasabi mo? hi-hindi ko pa kaya yun no-- aw" binatukan niya ako

"At kelan mo pa balak kumilos huh babae ka? pag nagkagusto na siya kay Cerys huh? pag sila na? Hindi pa nga natin alam kung anu nang meron na sa dalawang yun! Baka mahuli na ang lahat Nina! kaya kung ako sayo kikilos na ako!"

"Pe-pero.. an-anu namang gagawin ko? Baka naman isipin ni Calvin desperada ako!"

"Anu bang mga iniisip mo?! hindi yun! alam mo pakiramdam ko, pakiramdam ko lang huh, gusto ka rin ni Calvin!"

"Sa-sa tingin mo? pero panu pag--"

"Nako Nina, kung puro what ifs ang paiiralin mo, NGA NGA ka na lang sa huli.. kuha mo?? kaya sa ayaw at sa gusto mo, kikilos ka na! Kukuhanin mo si Calvin bago pa sya makuha ni Cerys ok?" -Crissa

"Pero--"

"Walang pero pero.. Ako ng bahala sayo.. ok best friend?? matagal ko narin kasing gustong maging matchmaker eh! bwahahha!"

"At taalgang ako pa ang una mong pagppractisan huh?"

"Ou naman.. best friend kita eh!"

"Kung anung tinahimik mo sa room, ganun naman ang iningay mo pag dating sa akin. Wala ka talagang patawad no? Mukhang kahit tumanggi ako wala narin akong magagawa kaya sige na nga.. payag na ko!"

"Yes! haha! basta ako ang bahala sayo Nina!! bukas sisimulan na natin ang Operation Calvin!" grabe ang taas ng spirit nya

Samantalang ako.. kinakabahan.. ni hindi ko nga masyadong makausap si Calvin eh.. medyo nahihiya ako.

Pero.. ayoko rin namang makuha nga sya ni Cerys. Siguro nga tama si Crissa, kung wala akong gagawin, baka pagsisihan ko. Kaya naman.. bahala na.. basta.. hindi ko isusuko si Calvin..

----------------------------------------------------------------------------------------

CALVIN's POV

Ang saya ko! Kahit na medyo hindi kami nakapag usap ni Nina eh ok na ok na ko kasi nakasabay ko sya sa lunch! May nagagawa rin talagang mabuti tong Alexei na to! tapos bukas makaksabay ko narin ulit sya! ang saya!

Pauwi palang ako ngayon, ginabi na nga ako eh.. Kasi may grup project kaming ginawa..

Si Alexei naunang umuwi kasi wala naman sya nung subject na yun..diba nga irregular sya? pareho sila ni Chase..

Ang lakas ng ulan grabe!

May payong ako pero basa parin ako ng konti, kumukulog pa..hays..Nakakapagod..

Pagpasok ko sa condo..

Nasan na kaya yung babaeng yun? dapat kasi sa mga oras na to nanonood na yun ng t.v.

Pinuntahan ko sya sa kwarto..

at pagbukas ko..

"A-alexei?!" panu nakita ko sya sa isang sulok.. nakayupyop dun...

"Hoy, ayos ka lang ba?" 

teka.. nanginginig sya..

"A-ayos lang ak--waaaaaaaaaaah!" napasigaw sya at napayakap sa akin nung biglang kumulog

"Ta-takot ka sa kulog?"

"Hi-hindi n-no.." pagtanggi niya

"Tch.. lolokohin mo pa ako!"

"Hm.. eh hindi naman kas---waaaaaaaaaah!" napayapos na naman sya sa akin nung kumulog! sobrang lakas!

"Oh anu? tatanggi ka pa?"

"Hi-hindi na nga..pe-pero.. Ca-calvin ta-tara dun kay baby Red.. ba-baka magising sya.. a-andun sa kama eh.."

"Sige tara.."

"Teka wag mo ko bibitawan Calvin huh?"

"Ou na.. ou na.." at ayun nga sinamahan ko sya dun sa kama

Grabe naginginig parin sya.. mukhang takot na takot talaga sya. Halata ngang umiyak sya kasi paga yung mata nya. Hindi ko akalain na sa tapang at astig nya eh takot sya sa kulog. Bakit ang daming babaeng takot sa kulog?

"Sa-salamat Calvin..oh sige o-ok na ko.. pe-pede ka ng umalis at kumaen ka na dun.. gutom ka na ata eh.. o-ok na ako.."

"Ok ba tawag mo dyan eh nanginginig ka pa kaya oh. Tabi dyan, sasamahan muna kita hanggang makatulog ka. Isa pa baka magising si baby Red tapos ganyan ka eh panu mo sya mappatahan kung pareho kayong naiiyak?"

"Sinong naiiyak h--"

"Ou na ou na.. basta tumabi ka na dyan at paupo ako dito sa kama.."

tumabi naman sya..

Umupo ako..

tapos inintay ko lang syang makatulog habang hawak niya ang kamay ko...

Actually hindi ko alam kung bakit ginagawa ko to. Medyo awkward at medyo gutom narin ako.. pero hindi ko sya magawang iwan. Hinintay ko syang makatulog.

Nung makatulog na sya, umalis na ako at kumaen na ng hapunan.

At dahil sa umuulan parin..Kinuha ko na yung unan at kumot ko tapos dun na ako natulog sa sahig. Baka kasi mamaya magising si baby Red.. tapos baka kumulog pa eh bigla ding magising si Alexei.

Nakanang! feeling ko talaga nagiging ama na ako.. =___=.. anu ba yan!

Pero hindi ko kasi talaga sila mapabayaan eh..

Ewan ko ba sa akin..

haaaaaaaaays..

-----------------------------------------------------------------------------------------------

ALEXEI's POV

Nagising ako sa kalagitnaaan ng gabi, naiihi na kasi ako eh. Buti hindi nagigising si baby Red..

pagbaba ko..

e-eh??

Bakit dito natulog sa saheg si Calvin??

wag mong sabihing..

Nag aalala sya sa akin kaya dito na sya natulog para bantayan ako?

lumapit ako sa kanya..

tapos pinagmasdan ko sya..

tapos..

Hinalikan ko sya sa pisngi..

"Salamat Calvin.. Ngayon naaalala ko na kung bakit ka naging FIRST LOVE KO.." binulong ko sa kanya.. sabay umalis na ako at pumuntang c.r.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #yam-yam28