CHAPTER 4- STRANGE

CHAPTER 4- STRANGE

CHASE's POV

(a/n: Chase's picture on the side >>>>>>>>>>>>)

Late na naman ako sa first subject. Bwisit naman oh! Tapos mamaya pa ulit klase ko! Ang dame kong vacant busit! Nakakatamad tlga pag irregular student! Haays..

Naglalakad lakad ako ngayon sa may soccer field, papalipas ng oras.. tch, 3 hours pa kasi vacant ko eh.. Wala naman ako mapuntahan.. tch..

"Hi Chase!!!" -isang babae sa may bench

"Kyaaaaaah! Hi Chase!" -isa pang babae

"Ang gwapo niya talaga sissy.." -katabi nung isang babae

Nginitian ko lang sila.. tapos naglakad na ulit ako..

Haynako ayun, pagkangiti ko tilian sila.. tch.. mga babae talaga.. makakita lang ng gwapo..

My life is really getting boring.. I can get watever I want, I can get whoever I want. Wala man lang challenge,  wala man lang thrill, nakakasawa din. Hays.. I'm really bored.. =____=

O____________O

te-teka..

Legs check, ang kinis.. tapos astig naka rubber shoes na black and orange.Shorts plus Varsity jacket.. and a red pack bag.. Kung sa vital stats.. pede na, kahit di masyadong malaki yung hinaharap..Kaso madalas sa ganito hipon, Imean kaen katawan tapon ulo.

pero nung humarap sya sakin..

O_____________________O

"Wow" napasabi ko na lang

Eh kasi ang lakas ng dating nya!! Sigurado akong bago tong babaeng to dito kasi kung nakita ko na sya dati, there's no way na hindi ko to popormahan. Eh ngayon ko lang talaga to nakita.. as in.. ang astig niya ah.

Lumapit ako sa bench na inuupuan niya at dun din ako umupo sa may tabi niya, kumakaen sya ng pack lunch eh.

"Ehem.." kunyaring pag ubo ko para mapatingin sya sakin

pero parang wala syang narinig

"Ehem ehem.." ako parin

pero wala parin syang reaction.. ni hindi man lang natingin sa akin

"Ehe--"

"Anu bang kailangan mo lalaki?!" sa wakas.. pinansin din ako.. kaso mukhang badtrip nga lang sya..

"Ah miss, bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita dito.."

"Anu namang pakialam mo kung bago ako dito?" wow huh.. nakita na niya ang mukha ko.. I mean sobrang lapit namin sa isa't isa.. ni hindi man lang sya namesmerize?? most girls mahihirapan makipag usapan sakin ng normal.. pero tong isang to..

"Wala lang.. baka kasi kailangan mo ng tourguide ^____^"

"No thanks.." -sagot niya lang sabay balik na sa pagkaen

"Bakit ka mag isa dito??"

Tumingin sya sakin..pero hindi naman sumagot..tapos bumalik na ulit sa pagkaen..

Grabe, kakaiba talaga tong isang to.. inissnob ako??

"Miss sabi ko bakit mag is--"

woaah..

ang bilis ng pangyayari..

bigla bigla nlng may nakatutok sakin na maliit na kutsilyo O____O

"Pag kumakaen ang isang tao dapat hindi mo sya inaabala. Sa lahat ng ayoko inaabla ako sa pagkaen ko! Yan tuloy nawalan ako ng gana. Kaya ikaw lalaki, bago pa kita tuluyan, lumayas layas ka na sa harapan ko!"

Hindi ko alam kung bakit na imbis na matakot ako sa kanya eh na amaze pa ako. Kasi ang astig niya lang tingnan.

"Chi-chill.. I'm sorry, gusto ko lang magpakilala. Ako nga pala si Chase Flores ^____^" iniabot ko sa kanya yung kamay ko yung tipong makikipag shake hands

inilayo naman na niya sakin yung kutsilyo.. tapos..

" I'm...." akala ko makikipagshake hands na siya sakin, akala ko hahawakan niya yung kamay ko...

pero tinabig niya yun.. sabay..

" I'm.. Im not interested ^___^" tayo na niya sa bench tapos naglakad na

pero habang naglalakad siya napansin kong papunta sa kanya yung sinipang bola nung isang soccer player.. diba nasa soccer field nga kami..

"Umiwas ka may--" sasabihin ko palang sana sa kanya na umiwas sya kasi matatamaan sya ng bola.. since kasi sa side nanggaling yung bola eh akala ko hindi niya nakita.. kasi diretso lang ang tingin niya eh..

pero ang nakakabilib.. eh.. nung akala ko tatamaan na sya nung bola..natira niya iyon ng ni hindi man lang tinitingnan yung bola. Walang kaeffort effort na sinalag niya yun ng kamay niya tapos nagtuloy na sya ng paglalakad na parang walang nangyari.

"Cool.." nasabi ko nlng sa sarili ko

Imba yung babaeng yun. There's no way I can forget her face. She's an interesting girl. Mukhang nakahanap ako ng pagkakaabalahan. Just in time.. mukhang di rin naman pala magiging boring ang school days ko ngayon.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ALEXEI's POV

Badtrip.. tch..

Gusto ko lang naman ng tahimik na lugar, gusto ko lang mapag isa kasi nabbwisit ako sa Calvin na yun! tapos may susulpot namang isang kumag na wala ng ginawa kundi magpacute.. nakaka irita lang..

Tapos.. muntik pa kong tamaan ng pesteng bola ng soccer.. bwisit!

Dapat kasi umuwi na lang talaga ako eh!  Miss ko na si baby Red >3<

Tch.. sige na nga uuwi na ko. Badtrip na ko kaya ayoko na munang pumasok sa klase.

.

.

Sasakay na sana ako ng jeep ng..

Naman oh!

Naiwan ko yung wallet ko sa bahay! Naman! Kakakuha ko lang ng pera ko tapos wala ring pakinabang! paano ako uuwi neto??

tapos maya maya..

may narinig akong tunog ng motor.. napalingon ako..

ow.. pag siniswerte ka nga naman ;)

--------------------------------------------------------------------------------------------------

CHASE's POV

Tinawagan ako nila pareng Max nag aayang mag dota. Kaya ako ay paalis na. Sa susunod na makita ko yung babaeng yun.. di ko talaga yun tatantanan,, haha..

Sumakay na ako sa motor ko.. tapos pinaandar na yun..

pero nung napadaan ako dun sa may hintayan ng jeep..

wa-wat the??

Bigla akong napatigil nung may humarang na babae sa harapan ko!

Sira ulo ata to eh! Magpapakamatay ba to? Idadamay pa ata ako!

Buti na lang naka preno ako agad! Konting konti nlng mababangga ko na sya eh!

"Miss anu ban--" sisigawan ko na sana yung babae pero nagulat ako nung makita ko na yung mukha niya

sya to..

yung babae kanina!

Bumaba ako sa motor ko..

"Miss ayos ka lang ba??"

tumango naman sya..

pero nabigla ako nung bigla niyang hawakan yung magkabilang balikat ko..

tapos ang lapit pa ng mukha niya sakin habang nakatingin sya sa mata ko..

so pakipot lang sya kanina??

wag mong sabihing gusto rin niya ako???

Kala ko pa naman she's diff--

"Wala akong pamasahe. Ihatid mo naman ako sa bahay ko oh." tahasan niyang sinabi sa akin yan

Yeah I'm right. she's different.. totally different.. haha

Hindi na lang din ako nakasagot at tumango na lang ako.

Ewan ko ba, nabigla talaga ako sa kanya. She's really strange, but in some attractive way.

Sumakay sya sa motor ko..

tapos..

"Dun tayo sa --" ayun sinabi na niya sakin yung adress niya

pag dating namin sa harap nung condominium..

teka.. parang.. parang dito yung condominium ni Calvin ah??

Dito rin sya?? Akalain mong may ganito kaganda sa lugar na tinitirhan ni Calvin?

Now I have more reasons to hang out there.. XDD

Pag tigil nung motor.. agad na syang bumaba ..

pero take note.. ni wala man lang kahit anung sinabi sakin.. as dire diretso lang syang naglakad..

"Miss thank you ha! Thank you sa pagsakay sa motor ko at paghatid sayo sa bahay mo! Thank you huh?!" sigaw ko sa kanya

tumigil sya.. 

akala ko haharap sya..

pero mali na naman ako..

Tumigil lang sya, sabay sumigaw..

"You're welcome!!" sabay lumakad na ulit

Strange..

She's really strange.. pero..

Ewan ko ba.. pero napapangiti na lang taaga ako..

"I won't stop until I get your name.." nasabi ko na lang sabay sakay ko na ulit sa motor ko

---------------------------------------------------------------------------------------------------

CALVIN's POV

Tingnan mo yung si Chase, ilan na nga lang ang subjects na papasukan.. inaabsenan pa..

Pareho sila nung demonyong babae eh.. hindi na talaga pumasok?? Kakatransfer lang cutting na agad? tch. Mababaliw na talaga ako sa isang yun!

Hapon na ng makarating ako sa bahay.Halos magdidilim na rin.. hays nakakapagod.

Galit parin kaya sakin yung babaeng yun? hays.

Pagpasok ko ng condo..

Nanlaki ang mata ko.

Anung nangyari dito sa condo ko?? O__O?

Kalat kalat ang balat ng chips, magazines, can ng softdrinks at kung anu anung balat ng pagkaen..

Nag foodtrip ba sya? San naman kaya yun nakakuha ng pera? tsaka asan na sya?

Pinulot ko yung mga basurang nagkalat tapos pumasok na ko dun sa kwarto ko. Sigurado andun yung babaeng yun.

Pagpasok ko nga ayun sya may hawak hawak na..

wat the?? may hawak syang beer! Gagi! nag inom pa?

May hawak syang baby tapos nag iinom sya?

"Hoy babae anu ba sa tingin mo ang ginagawa mo? May hawak kang baby nag iinom ka!"

tumingin sya sa akin

"Ang dame mong reklamo! Oh edi sayo na tong baby!" sabay bigay niya sakin ni baby Red

"Itigil mo na nga yan. Bakit ka ba nag iinom?" kukuhanin ko na sana sa kanya yung bote ng beer pero iniiwas niya

"Wag ka ngang *hik.. wag ka ngang makialam *hik! wa-wala ka namang-- *hik.. pakialam sa akin diba? ka-kaya *hik! pabayaan mo na lang ako!!" sabay tulak niya sakin.. lasing na to.. hays..

Inihiga ko muna yung baby sa kama tapos pumunta na ulit ako sa kanya.

"Tama na nga yan, masama sayo yan!" pwersahan ko ng kinuha sa kanya yung alak at nakuha ko naman

pagkakuha ko nun.. tumingin sya sa akin..matagal..

akala ko, sisigawan niya ako o tututukan na naman ng kutsilyo pero..

"*huk *huk *huk.. uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" bigla na lang syang nag iyak dun

wat the??

"Ho-hoy te-teka.. wa-wag kang umiyak.. eh--ka-kasi dapat hindi ka nag iinom eh.. ka-kaya kinuha ko tong alak.. ho-hoy wag ka ng mag--"

"Hindi naman yang alak ang iniiyakan ko eh!" sigaw niya

"Huh?? eh kung ganun--"

"Gu-gusto ko lang naman na mapansin ako eh. Ka-kahit konting atensyon lang Calvin, yun lang naman ang hinihingi ko. Ma-mahirap ba ibigay yun? " sabi nya sabay lapit sakin tapos hinawakan niya ytung kwelyo ko

"A-anu bang sinasabi mo? kuhang kuha mo na nga atensyon ko eh! Sa kinikilos mong babae ka kahit sino hindi pwedeng hindi ka mapapansin."

pero parang wala syang narinig

"A-ang.. *sniff.. ang papa ko.. na-naglayas na nga ako oh! Na-naglayas na nga ako.. pe-pero.. *sniff.. wala man lang syang pakialam! *sniff.. ginawa ko na lahat, mabuti.. masama.. para lang mapansin niya ako.. para lang tingnan niya ulit ako.. *sniff.. pero anu? anu? wala! dun parin sya nakatingin sa babaeng pinagpalit nya sa mama ko! dun lang! dun lang! *sniff sniff.. uwaaaaa"

nag iiyak na sya..

so.. naglayas sya sa kanila?

pero ang sabi niya walang pakialam ang tatay niya sa kanya?

ni hindi man lang sya pinahanap?

A-anu bang dapat kong sabihin sa mga oras na to?

Hindi ko alam kung anung dapat isagot..

"Ti-tingnan mo din yang si baby Red! *sniff.. pagtapos ko syang pulutin, pagtapos kong gastusin ang pera ko para sa gatas , diaper at mga cute na damit niya! pagtapos ko syang ipamili kanina! anu? anu?  kinakausap ko sya kung may pakialam ba sya sakin.. kung mahal niya ba ako. pero anu?? *sniff. uwaaaaaaaah! Hindi man lang sya nasagot! Hindi niya ako sinasagot! kahit sya walang pakialam sa akin! wala!! *sniff sniff.."

grabe.. di ko alam kung maaawa ako rito o matatawa.. eh malamang hindi sasagot sa kanya si baby Red. Eh hindi pa naman nakaka intindi at nakakapagsalita yun eh!

"Ta-tapos i-ikaw.. Ikaw Calvin.. wa-wala ka ding pakialam sa akin diba? diba? sa-sabi mo si-sinira ko ang buhay mo! si-sinira ko! Eh dun lang kasi naman ako magaling eh diba? kaya.. di-di kita *hik.. masisisi ku-kung.. kung wala kang pakialam sa akin.. ku-kug.. *hik palagi kang galit sakin.. *sniff. Aam ko na naman eh. Alam ko ng walang taong may pakialam sa akin, wa-walang taong kaya akong mahalin. Wala.. wala!"

Walang tigil ang pagtulo ng luha niya. Hindi ko alam.. wala akong masabi. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Naaawa talaga ako sa itsura niya. Parang ang lungkot lungkot talaga niya.

kaya naman..

kusa nlng gumalaw yung kamay ko..

tapos niyakap ko sya..

Tapos natigilan naman sya..

"Panu namang hindi ako magkakaron ng pakialam sa isang babaeng katulad mo? Gustuhin ko mang wag magkaron ng pakialam sayo eh hindi ko kaya. Hynako.. anu na lang mangyayari sayo kung hindi kita pakikialaman? " sabi ko habang yakap yakap siya

Naramdaman kong humigpit yung yakap niya sa akin. Ang tagal din naming ganun..

tapos maya maya..

ZzzZZZzzzzzzzzzZZZZZzzzzzzzzz

hagok??

humahagok sya??

at pagtingin ko..

grabe.. nakatulog na sya?

Binuhat ko na sya sa kama tapos inihiga ko na sya dun.

But you know what's strange??

Habang pinagmamasdan ko sya..parang..parang there's something within me na parang..parang gusto nlng syang alagaan bigla..

Inalog ko nga ang ulo ko tapos binuhat ko na si baby Red.

"Paano na lang kaya kayo kung wala ako??" pagkausap ko kay baby Red

Nilagyan ko na ng kumot yung demonyong babae tapos lumabas na ako at nagluto ng pagkaen ko habang buhat buhat si baby Red.

At nung kakaen na sana ako..

teka..

teka.. bakit may nangangamoy??

at pagtingin ko sa diaper ni baby Red..

Nakanang!

waaaaaaaaaaaaaaah! eto ang ayoko eh!

may pupu!!!

"Alexei! Alexei! gumising ka dyan! hoy babae!! may tae tong baby! gumising ka!!"

"Umalis ka nga Calvin ang baho mo!!" sabay paltok niya sakin ng unan!

wat the??

waaaaaaaaaaah! anu ng gagawin ko dito??

waaaaah!

nakakadiri naman eh.. >___<

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #yam-yam28