CHAPTER 3- GIVE ME A BREAK!
CHAPTER 3- GIVE ME A BREAK!
CALVIN's POV
Pumasok na nga kami sa condo ko. Nagtuloy tuloy naman yung Alexei na yun sa kusina kasi magluluto na daw s'ya. Naiwan naman ako kasama ang parents ko sa may salas habang hawak hawak ko yung baby. Patay talaga ako nito.
Hindi pa man ako nakaka upo sa sofa...
"Kailan mo pa tinatago to sa amin huh Calvin?" tanong ni Papa. Sinasabi ko na nga ba.
"Paano mo to nagawa samin Calvin? Marami pa kaming pangarap para sayo! Paano nangyari to? Kailan pa?" naiiyak na si mama habang nagtatanong.
"Calvin, magsalita ka!" sigaw ni papa.
"Pag sinabi ko po bang hindi ko anak tong baby na to at napulot lang s'ya nung babaeng yun sa kung saan maniniwala ba kayo? Kung sasabihin ko ba sa inyo na nakasalubong ko lang sa daan yung babaeng yun isang gabi at tinethreaten niya ako para patirahin ko sya sa condo ko, maniniwala ba kayo?"
Natigilan silang dalawa, nagtinginan sabay...
"Hindi," sagot nilang pareho.
"Thought so. Kaya bakit pa ako magpapaliwanag diba? Kahit sabihin ko ang totoo, hindi rin naman kayo maniniwala! So para san pa?"
"Calvin ayusin mo ang pagsasalita mo huh!" sigaw ni papa.
Hindi na lang ako umimik pa.
"Alam na ba yan ng mga magulang niya? Saan s'ya nakatira?" tanong ni mama.
"Wala po akong alam tungkol sa kanya bukod sa pangalan niya. S'ya na lang ang tanungin niyo."
"Calvin niloloko mo ba kami huh?!" sigaw ni papa.
"Hindi po pa. Nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko naman kasi talaga kilala yang babaeng yan eh!"
"Calvin, ang isang lalaki hindi tumatalikod sa obligasyon niya. Matatanggap ko pa na nakabuntis ka pero ang takbuhan mo ang responsibilidad mo at umarte na parang wala kang alam, yan ang hindi ko mapapalampas Calvin. Isa pa, kamukhang kamukha mo yang baby!" -papa. Pati ba naman s'ya? Pareho lang sila ni Tito Karl =__=
"Patingin nga ako Calvin." Kinuha sa akin ni mama yung baby.
"Papa, kamukhang kamukha nga niya si Calvin. Naalala ko nung ganito pa sya kaliit, ang cute cute niya. Hindi ko akalain na magkaka apo na agad tayo!" Ngingiti-ngiti si mama habang pinaglalaruan yung baby.
"Medyo gulat parin kami sa sitwasyon pero, ano pa nga bang magagawa, andyan na eh. Panagutan mo yan. Ginusto mo yan eh. Isa pa hindi ko akalain na makakahanap ka ng ganung kagandang babae ah. Anak nga talaga kita." Ahm, hindi ko alam kung natutuwa ba si papa o ano.
Hindi na ako sumagot. Gustuhin ko man magpaliwanag, wala rin namang maniniwala. So mukhang batang ama nga talaga ang ending ko. Great! Unless mapaamin ko tong Cerys Alexei na to, hindi ako makaka alis sa gusot na to. Pero pano ko sya mapapa amin?
"Luto na po yung pagkaen, tara na po!" sigaw nung demonyong babae habang nakasuot ng apron. Housewife mode na naman s'ya =___=
Pumunta na kami sa kusina at nagsimulang kumaen.
"Masarap ah. Ang sarap mong magluto," puri ni mama dun sa demonyong babae.
"Salamat po!" Masaya naman s'yangn nginitian nung demonyo.
"Ehem.. Ah iha, alam na ba to ng mga magulang mo? Ibig kong sabihin, na may anak ka na at dito ka nakatira?" tanong ni papa.
"Ah... eh... sa totoo lang po... wa-wala na po akong magulang. Bata palang po ako, namatay na sila." Hindi ko alam kung umaarte lang at nagpapa awa s'ya o totoo talaga yung sinasabi n'ya.
"Ah ga-ganun ba? Nako, sorry." -papa.
"Aos lang po yun. Ngayon kasama ko naman si Calvin at si baby Red kaya masaya narin po ako. Hindi ko po pinagsisisihan na nabuntis ako ng maaga. Pasensya na po pala kayo kung inilihim namin ni Calvin to, kasi hindi lang po namin alam kung paano sasabihin. Pasensya na po talaga.. pasensya na po.. Ako na po ang humhingi ng paumanhin. Sana po wag kayong magalit kay Calvin." Biglang lumuhod yung demonyong babae sa harap ng mga magulang ko. What the?
"Na-nako, tumayo ka na dyan. Ano ba iha hindi na kailangan yan, tumayo ka na dyan, sige na." Pilit s'yang pinatayo ni papa.
Nagpasalamat yung demonyong babae at umupo na ulit sa upuan.
"Andito na eh kaya tatanggapin na lang namin. Isa pa, masarap kang magluto at hindi ko akalain na may malolokong isang katulad mo ang anak namin." -papa.
"Papa naman =___="
"Totoo naman. Jackpot ka sa kanya Calvin." -papa. Jackpot? ASA.
"So anung plano niyo? Nag-aaral ka pa ba Cerys?" tanong ni mama.
"Actually nagstop po ako. Pero nakakuha po ako ng scolarship sa isang skwelahan so magtutuloy po ako ng pag aaral. Magsstart na po ako bukas."
"Mabuti kung ganun, pero paano yung baby?" -mama.
"Ahm, naka usap ko na po yung landlord. S'ya po ang mag aalaga dun sa baby pag wala kami ni Calvin."
"Na-nakausap mo yung la-landlord?" tanong ko. Di ako makapaniwala.
"Oo, mabait s'ya. Dumaan s'ya dito kasi para dun sa renta mo, eh wala naman akong maibigay so pinakaen ko na lang muna s'ya tapos nagkwentuhan kami tapos ayun napag-usapan namin yung tungkol kay baby Red. Pumayag naman s'ya eh, tuwang-tuwa s'ya kay baby Red." -demonyong babae.
"Bakit mo naman ginawa yun? Hindi ka na nahiya dun sa landl--"
"Calvin okay lang naman yun. Buti nga pumayag na yung landlord eh. Mukhang magaling makisama tong asawa mo. " -papa.
"Hindi ko sya asawa pa!"
"Ah.. tama.. hindi pa nga pala kayo kasal. Eh di ganito, basta matapos niyo ang pag-aaral niyo, kami ang sagot sa kasal niyo." -papa.
Ka-kasal?
"A-anu bang sinasabi niyo pa?"
"Syempre kailangan n'yong magpakasal. Alangan namang lumaki ang anak niyo ng hindi kasal ang mga magulang niya diba?"
"Pe-pero--"
"Wag ka ng mahiya darling. Alam niyo po kasi, ang gusto po kasi ni darling s'ya po ang gumastos sa kasal namin kaya po ganyan siya makareact. Ang sweet po kasi talaga nitong si Calvin eh." -Kinurot pa ako nung demonyong babae sa pisngi at binigyan ako ng tingin na nagsasabing "just go with it" kaya naman, syempre ang kawawang ako, wala namang nagawa kung hindi sumunod!
"Ganun ba? Kung ganun Calvin dapat magsimula ka ng maghanap ng trabaho." -papa.
"Magtatrabaho ako?"
"Nako, ayaw po ata ni Calvin magtrabaho eh. Ako na lang po ang magtatrabaho para sa amin kasi nakakahiya naman po nakikitira na nga lang po ako dit--" -demonyong babae.
"Hindi iha! Anu ka ba?! Si Calvin ang ama kaya s'ya ang magtatrabaho!" Bumaling naman sa akin si papa tapos, "Tamang tama, may bagong bukas na restaurant ang tito mo Calvin, pwede kitang ipasok dun. Pang night shift ka or pag free ang schedule mo. Papayag naman yung tito mo eh. Tama ipapasok kita dun Calvin!" sabi pa n'ya.
"Pero pa--"
"Tama ang papa mo Calvin, dapat magsimula ka ng magtrabaho para sa mag ina mo okay?"-mama.
"Per--"
"Calvin!" -papa.
"Oo na pa, sabi ko nga."
Wala na akong nagawa kung hindi pumayag, lage naman .
The eff talaga. May pinatitira na akong babae sa condo ko, may baby pa akong palakihin, batang ama na ang labas ko sa magulang ko, ngayon kailangan ko naman magtrabaho? That's just great! freackin great!! =___=
Tapos tong Alexei na to, feeling close na agad sa parents ko? Magkasundo na agad sila?
Umalis na sila mama at papa. Binisita lang nila ako kasi miss na daw nila ako. Akala ko sandamakmak na sermon pa ang aabutin ko pero surprisingly eh mukhang tanggap na tanggap na nila. Ugh, bakit ganun? Mas gusto ko pang tinakwil nila tong babaeng to tsaka tong baby eh!
"Ang saya! Ang bait ng mga magulang mo. Nakakatuwa sila." Masayang-masaya yung demonyong babae, ang laki ng ngiti n'ya sa akin.
"Ikaw lang ang masaya dyan eh. Tsk. Tutulog na ako." Papasok na sana ako sa kwarto ko pero...
"Hoy! Bakit ba ang sungit mo sakin? Lage ka na lang nakasimangot pag kausap mo ako!" sigaw n'ya sa akin. Napaharap tuloy ako sa kanya.
"Wow! tinatanong mo pa?! Eh sinira mo na nga buhay ko oh! Hindi mo pa halata?!"
Natigilan sya saglit. ako naman tumalikod na ulit sa kanya tapos binuksan ko na yung pinto sa kwarto.
Papasok na sana ako sa loob pero...
"Pa-pasensya ka na. Wa-wala lang kasi talaga akong matuluyan eh. Hindi ko naman gustong sirain ang buhay mo. Gusto ko lang kasing maramdaman yung magkaron ng pamilyang may pakialam at nagmamahal sayo. Hindi ko pa lang kasi nararanasan yun eh. Kaya pasensya ka na. Pasensya ka na kung nasira ko ang buhay mo dahil dun. Pasensya na," sabi n'ya. Ramdam ko yung lungkot sa boses n'ya.
So totoo pala yung sinabi niyang wala na s'yang mga magulang simula nung bata pa s'ya?
"Ah eh... kukuha lang ako ng unan at kumot, sa sofa na ako matutulog. Dun na kayo ni baby Red sa kama," sabi ko sa sabay pasok na dun sa kwarto.
Hindi ko alam kung anung pumasok sa utak ko. Medyo naawa kasi ako sa kanya eh.
Lalabas na sana ako ng pinto pero...
Bigla niya akong...
Bigla niya akong...
Hinalikan sa pisngi! Hindi ako makagalaw.
Pagkatapos n'ya akong halikan, binulong n'ya to sa tenga ko, "Actually, what I said earlier, it was just a lie. I'm not really sorry for ruining your life. I'm actually enjoying it. My life isn't that tragic euither hehe. Anyways thank you. I like your gentle side. Good night Calvin." Sinarado niya na ang pinto matapos n'yang sabihin yun.
Naiwan akong nakatulala at nakatigil lang sa kawalan.
She... she just... she just... ki-kissed me?
Hinawakan ko pa yung pisingi kong hinalikan niya, mainit pa yun.
Pero teka, anong sinabi n'ya sa akin?
Shit!
Ngayon lang nag sink in sa utak ko yung mga sinabi niya. So nauto niya lang ako? Bwisit! Sabi ko na nga ba eh!
Bakit ba naawa pa ako sa kanya? Ugh!
Pero... bakit... bakit hindi mawala sa isip ko yung halik niya? It's my first time getting kissed by a girl after all, and she's cute, tapos... sabi n'ya, she likes the gentle side of me? Compliment yun diba? Ah hindi! She's still a demon! I still want her out of my house! Out of my life! At hindi ako titigil hangga't hindi ako nakaka isip ng paraan para magawa yun.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Kinabukasan...
Maaga akong umalis ng bahay, maaga ang klase ko. Tulog pa yung demonyong babae nung umalis ako. Hindi ko s'ya ginising, wala akong pakialam sa kanya.
.
.
Sa klase namin, second subject...
"Meron nga pala tayong transferee student class. So sana you get along well huh.? Eto na s'ya oh. Miss, kindly introduce yourself to the class," sabi ng teacher namin.
Biglang may pumasok na studyanteng naka shorts, maikli ang buhok, naka rubber shoes nablack and orange with matching black socks tapos naka varsity jacket, at naka back pack s'ya na red. Ang astig ng porma niya para sa isang babae. Pati yung iba kong kaklaseng lalaki talagang nababali ang leeg pagtingin. Ang ganda rin kasi ng legs n'ya... Wala naman kasing uniform tong schoo namin, Open University to so you can wear whatever you want.
Nakatungo siya paglalakad. Tumigil sya sa gitna.
Nung tumingin s'ya samin halos lahat ng lalaki napa *gasp na lang. Sila na-amaze kasi nagandahan sila. Bukod sa ang astig ng itsura niya, mukhang gangster na basta ang lakas ng dating eh, ang ganda niya talagang tignan. Mas maganda pala s'ya pag walang salamin. Pero kung yung mga lalaki kong kaklase napa gasp dahil nagandahan sila, ako napa gasp kasi kilala ko siya. S'ya lang naman yung demonyong babae na sumira sa buhay ko! Anong ginagawa niya dito? Pati ba naman sa school hindi niya ako tatantanan?
"Ako nga pala si Cerys Alexei Sandoval. Nice to meet you!" sabi n'ya, ang laki ng ngiti.
"Wow ang ganda pare," sabi ng katabi ko.
"Calvin astig no?" sabi ng katabi ko pang isa.
Ako naman, tumango na lang kahit di naman ako sang ayon.
Kung di ko s'ya kilala siguro magagandahan rin talaga ako... pero hindi eh. Alam ko ang tunay na ugali n'ya.
"Be nice to her huh class?" sabi ng teacher namin.
"Ahm miss saan po ako uupo?" tanogn nung demonyong babae sa teacher namin.
"Sit wherever you want," sagot naman ni mam.
Biglang ngumiti yung demonyong babae na animo'y may binabalak. Lumakad sya palapit sa akin, tumingin dun sa katabi ko tapos...
"You! Get out of that chair! D'yan ko gustong umupo!" sigaw niya sa katabi ko na talaga namang gumulantang sa buong klase.
"Ah hindi naman ata tama yang--" sisingit sana ako sa usapan pero...
"Hindi mo narinig yung sabi ni mam Cavin? She said I could sit wherever I want! I wanna sit beside you so...you! I said get out of that chair!" Sinamaan niya ng tingin si Charles, yung katabi ko kaya naman umalis na ito.
Demonyo talaga sya! Buong klase tuloy ngayon takot na sa kanya. Pati yung teacher namin.
Umupo na s'ya sa upuan sa tabi ko at agad akong tiningnan.
"Akalain mo nga naman oh classmates tayo Calvin!" sabi n'ya, nginingitian ako.
"Yeah... pag minamalas ka nga naman." Komento ko sa sarili ko.
"Oh... that's the girl from the night before! That's your girl right?" tinuturo n'ya si Nina na nasa unahan ko.
"Wa-wag ka nga masyadong maingay! Baka marinig ka nya!" sabi ko pero parang wala syang narinig. Kinulbit nya si Nina kaya napalingon ito.
Ang ganda talaga ni Nina.
"Ikaw yung babae kagabi diba? yung sa grocery store?" sabi nung demonyong babae kay Nina.
"Ikaw yung kasama ni Calvin! Kaya pala parang pamilyar ka!" -Nina.
"Ako nga yun. Ano'ng pangalan mo?" -demonyong babae.
"Nina."
"Cerys." Inabot nung demonyong babae yung kamay n'ya kay Nina. Nagshake hands sila.
Gusto lang pala niya makipagkilala, akala ko kung anu na namang--
"Ah, Nina right?"
"Oo..."
"Nina! CRUSH KA NGA PALA NI CALVIN! PWEDE DAW BA KAYONG MAG DATE MINSAN?" Ang lakas ng pagkakasabi niya nan kaya buong klase namin napatingin lahat sa akin!
Shit!
Hindi ko na alam ang gagawin ko, kaya bigla ko na lang hinigit yung demonyong babae.
"Calvin san kayo pupunt--" Hindi ko na pinakinggan yung teacher. Sobrang nahihiya ako! Lalo na kay Nina!
Pagtigil namin...
"Hoy babae! Anu ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" sigaw ko sa kanya.
"Bakit ba sinisigawan mo ko?! Tsaka bakit mo ko hinila? Ikaw na nga dyan ang tinutulungan eh!"
"Anong tinutulungan? How on earth are you helping me?!"
"Diba sabi ko sayo bilang utang na loob, tutulungan kitang magtapat dun sa babaeng gusto mo?Ayan ginawa ko n---"
"Kailan ko ba hiningi ang tulong mo? Kung gusto mo talaga akong tulungan, umalis ka na lang sa bahay ko o di kaya naman just pretend na hindi mo ako kilala! Patahimikin mo ang buhay ko kahit isang araw lang pwede?"
Hindi siya nasagot. Tiningnan niya lang ako.
Sumimangot s'ya tapos may kinuha s'ya sa bag niya, akala ko kutsilyo na naman kaya nag defense position ako, pero isang tupperware lang pala.
"Ikaw na nga ang tinutulungan! Kung ayaw mo wag mo! What was I thinking to actually thought of making this for you?! Idiot!" Hinagis n'ya sa akin yung tupperware tapos tumalikod na siya sa akin at naglakad na paalis.
Buti na lang nasambot ko yun, muntik ng matapon geez.. Anu bang laman nito?
Pagkabukas ko...
Gi-ginawan niya ako ng tanghalian? Pinagluto niya ako?
"Hoy saan ka pupunta?! Hindi dyan yung classroom!" sigaw ko sa kanya.
"Wala kang pakialam! Tinamad na akong pumasok kaya uuwi na ako sa bahay! " sigaw niya.
What the hell?
Tingnan mo yun, s'ya na nga tong kung anu anung ginagawang eksena sa buhay ko, siya pa tong nagagalit? Iba rin talaga yun eh! Nakakaloko na!
Pero, iginawa niya ako ng lunch? Akalain mo yun?
Bakit ganito? Naiirita ako sa kanya pero pag tinitingnan ko tong pagkaen na niluto n'ya para sa akin, hindi ko na lang mapigilang mapangiti.
"Nababaliw na ata ako," sabi ko na lang sabay kamot ng ulo ko.
Bumalik na ako sa klase. Kailangan ko pang magpaliwanag sa lahat, lalo na kay Nina. Siguradong mainit na naman ako sa mga kaklase kong lalaki, ang dami pa namang may crush kay Nina tapos mukhang dun kay Cerys na yun marami ring may gusto tapos hinigit ko pa s'ya.
Haaaaaay buhaaaaaaay! Ang saklap!
Pero at least may libreng lunch ako...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top