CHAPTER 24- Wake Up! (Version 2)
CHAPTER 24- Wake Up! (Version 2)
ALEXEI's POV
Kakatapos lang akong ayusan at suotan ng belo nang bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan ako.
"Chase! Akala ko hindi ka pupunta kasi bitter ka?" pabiro kong sabi sa kanya nang makita ko s'ya. It was really good to see him... although when I saw him, I can't help but think about Calvin.
"Bitter nga ako, pero hindi ko palalampasin ang makita kung gaano ka kaganda sa isang bridal gown my lord. Congratulations." sabi n'ya.
"Thank you." lalapit sana ako sa kanya to give him a hug pero hinaya n'ya yung kamay n'ya sa akin. He preferred to shake my hand instead of hugging me? Nagtaka tuloy ako.
After I held his hand, doon ko lang nalaman kung bakit he preferred shaking my hand. Noon kasing mag shake hands kami, pasimple, may inabot s'ya sa aking piraso ng papel tapos nun lumabas na s'ya.
Nagpaalam ako dun sa mga bodyguards sa loob ng kwarto na gagamit lang muna ng cr tapos doon ko sa loob ng cr binasa yung nakasulat sa papel na inabot sa akin ni Chase.
"Nandito ako para sa sirain ang kasal mo." yan ang unang nabasa ko, itatapon ko na lang sana yung papel at iisiping childish joke lang yun ni Chase pero nung mabasa ko yung kasunod na linya nung sulat, my whole system, stopped.
"Pero hindi lang ako ang nandito, kasama ko si Calvin." yan yung sumunod na linya. I don't know what to feel after kong mabasa iyon.
Tinuloy ko yung pagbabasa nung sulat.
"Seryoso kami, balak naming sirain ang kasal mo. If you're interested, here's the plan..."
"Plan Outline:
Sa hallway sa tapat ng room 5001, may naghihintay doon na babae na nakasuot ng kaparehong saya na suot mo ngayon. Parang duplicate mo ganun. May babangga at didistract sa mga bodyguards mo sa tapat ng kwartong yun. Gamitin mo ang oras na yun para makipagpalit ng pwesto dun sa babaeng nasa loob ng room 5001. Wag kang mag alala dun sa babaeng papalit sayo, she's a professional impersonator, alam na n'ya ang gagawin n'ya.
Pagkapasok mo sa loob ng kwarto may makikita kang isa pang bridal gown, belo at wig, isuot mo yun as disguise and go ahead at the parking lot ng hotel. May bridal car na puti doon na titigil sa harapan mo, sumakay ka doon. Ako ang driver nun, naka disguise lang so don't worry. In short magiging run away bride ka at malalaman lang yun ng mga tauhan n'yo pagkataas ng belo mo sa simbahan. After ng successful nating pagtakas, mamimili ka naman samin ni Calvin kung sinong pakakasalan mo." sabi dun sa sulat, medyo napataas ang kilay ko but then I continued reading the letter anyway.
"Haha, joke lang yung last part my lord. Basta if you're okay with this plan at gusto mo paring makasama si Calvin... makipagpalit ka dun sa babaeng nasa room 5001. But then, kung hindi ko parin mababago ang isip mo after all of this, then go ahead, just ignore the girl and continue with the wedding. I'll respect your decision my lord, but I don't know how Calvin would feel. Kung mahal mo talaga s'ya, I know you know what to do. I trust you. After you leave that room, the plan starts my lord. DECIDE NOW."
I crumpled the paper matapos kong basahin yun at tinapon yun sa toilet and then I flushed it. Pagkatapos noon lumabas na ako dun sa kwarto kasama ang mga bodyguards ko.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
CHASE's POV
Nasa isang rented bridal car na kami ngayon ni Calvz with me disguised bilang isang driver just as planned. Kalmado akong naghihintay sa parking lot sa paglabas ng bride pero sa totoo lang kinakabahan talaga ako, syempre lalo na si Calvin. Hindi kasi namin alam kung susunod ba si my lord sa plano. She is the key for this plan to be successful. If she says no to the plan, all of this would go to waste.
Lumabas na yung bodyguards ni mylord kasama ang isang babaeng nakabelo. Since nakayuko yung babae nung sumakay ito sa bridal car n'ya, hindi namin alam kung yung impersonator ba na hinire namin yun o si mylord talaga. Para malaman namin kung sino talaga yun, kailangan naming hintayin yung sunod na bride na lalabas at sasakay naman papunta dito sa bridal car na sinasakyan namin. Pag ang lumabas ay yung bride na nakasuot ng the same gown at ayos nung katulad nung kay mylord kanina, failed ang plano, pero pag ang sumakay ay yung bride na nakasuot nung simpleng bridal gown costume na iniwan ko sa room 5001, the plan will go smoothly as planned.
Pagkaalis nung bridal car nila my lord, naghintay kami ng almost 15 minutes na sa parking lot pero wala paring bride na lumalabas. Nagpapanic na kaming dalawa ni Calvin sa loob ng kotse at balak ko na sanang lumabas para icheck yung room 5001 nang finally, kasabay nung paghawak ko ng handle ng pinto ng kotse, may lumabas na isang magandang bride mula dun sa exit ng hotel, at suot suot n'ya yung gown na pinili ko (well pinili namin ni Calvin) para sa kanya. Bagay sa kanya yung flower crown na pinili ko at yung straight na hanggang bewang na black wig.
She looked so beautiful as she walk towards me, everything felt perfect that time... well, almost perfect... except for the fact that she... she's not my bride. She's my best friend's bride, and yet until now I'm still in love with her. Damn! Snap out of it Chase! Nandito ka para tulungan si Calvin, hindi agawan sya!
"Took you long enough," sabi ko sa kanya pagkasakay n'ya sa back seat.
"Ang hirap kayang isuot nitong gown tch. Muntik ko na ngang sirain sa sobrang hirap isuot eh. Bakit ba kasi gown pa ang pinili mong pang disguise." sabi n'ya, tinitingnan ako ng masama just like always and it's funny how she looked more beuatiful in my eyes looking like that.
Hindi na ako sumagot, inalis ko na ang tingin sa kanya at nagfocus na lang sa path sa harap ko dahil if I look at her any longer, I'm afraid I'll snatch her away.
Habang nagdadrive ako (nakalabas na kami ng hotel) ...
"Hey." bati ni Calvin kay my lord, hindi makatingin ng straight dito. Ilang minuto na kaming nasa byahe pero ngayon lang n'ya kinausap si my lord. Ang bagal talaga ni Calvin kahit kailan.
"Hey." sabi naman ni my lord, hindi rin makatingin. She looked like melting. She, who is always so cool and awesome, looks like she's melting just because he said 'hey'... Calvin really makes her weak. She's really in love with him. Damn it all.
Kahit nakaupo lang sila dun ng magkatabi looking awkward as hell habang hindi makatingin sa isa't-isa... nakaupo lang sila dun pero as I looked at them on the front mirror, I can't help but feel jealous. Nakaupo lang sila but it's very obvious that they're completely in love with each other.
But then, kahit gaano man sila kagandang tingnan doon, I looked away after 3 seconds, kasi masakit. Oo masakit, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi.
Itinigil ko ang sasakyan sa isang malawak na garden sa harap ng isang maliit pero magandang simbahan. Bumaba ako sa kotse at sumunod silang dalawa.
"Ang ganda dito! Pero bakit sa simbahan tayo tumigil?" tanong ni my lord.
"Ask him." sabi ko tapos tinulak ko na si my lord palapit kay Calvs.
"Don't mind me. Mag-usap lang kayo dyan. Mananahimik lang ako sa isang tabi." sabi ko tapos tumalikod na ako sa kanila at naglakad palayo papunta sa isang puno dun sa garden.
"I'll just sit here in one corner... and bleed in silence." bulong ko sa sarili ko tapos binaon ko na ang mukha ko sa mga tuhod ko.
I want to watch my best friend propose to the girl he loves. I want to watch him get married to the girl that meant everything to him. Of course I do. As his best friend, I wanna witness the happiest moment in his life... but I just can't. I just can't because the girl he's proposing to... I love her too. The girl he'll be marrying after wards, she means everything to me too. No matter how much I wanted to be happy for him... in the end, I just can't. In the end, his happiest moment... is still the most painful for me.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
CALVIN's POV
"Ang ganda dito! Pero bakit sa simbahan tayo tumigil?" tanong ni Alexei kay Chase. I thought so, naiilang parin syang kausapin ako. Ganun din kasi ako. Hindi ko alam kung ano'ng dapat sabihin sa kanya. Kung magsosorry ba muna ako o ano.
"Ask him." sabi ni Chase tapos tinulak n'ya papunta sa akin si Alexei. Gago talaga yun. Lalo tuloy akong nailang kasi napakapit sa akin si Alexei.
"Don't mind me. Mag-usap lang kayo dyan. Mananahimik lang ako sa isang tabi." sabi pa ni Chase tapos agad ng tumalikod at naglakad palayo papunta sa isang puno dun sa garden.
"How could I not feel guilty if you're showing me such a lonely back?" nasabi ko na lang sa isip ko habang pinagmamasdan ko si Chase umalis. Kahit ideny n'ya at itago n'ya, alam kong nasasaktan s'ya, alam kong masakit sa kanya lahat ng to. Isa talaga akong masama at selfish na best friend ngayong araw na to.
"Hindi ka na ba galit sa akin?" tanong agad sa akin ni Alexei nung tumingin ako sa kanya.
"Pupunta ba ako all the way here if I am?" sabi ko. Pagkasabi ko nun agad syang ngumiti at niyakap ako. Tinangay ng yakap n'ya yung pagkailang na meron ako sa kanya kanina lang.
"Akala ko maikakasal na lang ako ng galit ka sakin. Akala ko mawawala ka na lang sakin ng ganun na lang! Akala ko hindi ka na darating! Akala ko hahayaan mo na lang akong makasal sa iba! Idiot Calvin idiot!" sabi n'ya habang pinapalo ako sa dibdib. Umiiyak na s'ya. I guess she's really hurting as much as I am.
"I'm sorry. I'm sorry. It's my fault, I'm sorry." sabi ko habang hinahaplos yung likod n'ya.
Pagkatapos ng ilang segundo pa, tumigil narin s'ya sa pag iyak at pagpalo sa dibdib ko. Tumingin s'ya sa akin tapos...
"Mahal kita. Naniniwala ka na ba?" sabi n'ya, pakiramdam ko maiiyak ako. Ugh.
Tumango ako tapos, "Mahal rin kita, maniniwala ka pa ba?" tumango rin s'ya at napaiyak na namang muli, pinunasan ko ang luha n'ya. Sobrang ganda n'ya pala pag nakasuot ng puti.
"Hindi parin malinaw sa akin kung bakit bigla ka na lang magpapakasal sa iba. Hindi parin lubusang malinaw sa akin kung bakit bigla mo na lang akong iniwan at kung bakit ka nagsinungaling sa akin tungkol sa pagkatao mo. Sobrang labo ng lahat sa akin, pero wala na akong pakialam sa lahat ng yun. Malabo man lahat ng tungkol sa'yo, malinaw na malinaw naman sa akin na mahal na mahal kita at ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. I may not know you completely, but you... you're the only thing my heart knows... so Cerys Alexei Sandoval-- hindi, Alexandrea Eira Lancaster... o kung sino ka pa man... will you let me know you better for the rest of your life? Will you marry me?" sabi ko tapos lumuhod na ako sa harapan n'ya, habang may hawak-hawak na sing-sing.
Lalo ng lumakas nag luha n'ya, at ako, hindi ko narin napigilan yung sa akin.
Bukod kasi sa pagsira ng kasal ni Alexei, kasama rin sa plano ni Chase ang ipakasal kami para daw wala ng habol yung pamilya ni Alexei. Kaya nga tinanong agad ako ni Chase kung handa na ba akong magpakasal kay Alexei, at syempre isa lang ang sinagot ko. Sana kapareho nung sa akin ang isagot ni Alexei.
"Hindi mo alam... hindi mo alam kung gaano ako kasaya na hanggang sa huli, ipinaglaban mo ako, na hanggang sa huli, hinabol mo ako. Hindi mo alam kung gaano kasarap malamang pinaniwalaan mo parin ako kahit puro kasinungalingan ang narinig mo mula sa akin. Hindi mo alam kung gaano..." napatigil s'ya dahil nagbbreak na yung boses nya dahil sa pagpipigil sa pag-iyak n'ya.
Pero itinuloy din naman nya ulit pagkatapos punasan at patigilin ang paghikbi nya, "Hindi mo alam kung gaano kaswerte ang pakiramdam ko ngayon dahil nasa harapan kita ngayon, inaaya akong magpakasal kahit na balak kong magpakasal sa iba. Hindi mo alam Calvin. Hindi mo alam. Hindi mo alam kung gaano ka sobrang nakaka inlove ngayon. Hindi mo alam kung gaano kita kamahal ngayon." sabi n'ya tapos tumungo s'ya at hinalikan ang nakaluhod na ako.
Pagkatapos ng pagdampi ng malambot n'yang labi sa labi ko, "Ibig bang sabihin nito, pumapayag ka na? Pumapayag ka ng magpakasal sa akin Alexei?"
Ngumiti sya, the same exact smile that made me fell for her, tapos lumapit s'ya sa akin, hinigit ako patayo, niyakap ako tapos hinalikan.
Pagkatapos noon bago pa ako makaimik, nilapit n'ya ang bibig n'ya sa may tenga ko at bumulong...
"I'm sorry Calvin." bulong n'ya na ikinagulat ko. Kakawala na sana ako sa yakap n'ya para itanong kung bakit ganun yung sinabi n'ya pero...
Bigla ko na lang nakita ang sarili kong nakalupasay sa saheg dahil sa sobrang sakit ng pagkakasuntok n'ya sa sikmura ko at pag headbat nya sa ulo ko. Hindi ako makatayo. Umiikot ang paligid ko. Gusto kong umimik at tanungin si Alexei kung bakit, bakit n'ya ginawa to sa akin, pero hindi ko magawa dahil sa sobrang sakit. Masakit sa katawan at puso.
Habang nakahiga ako sa lupa naaninag ko si Chase. Nagsisigawan sila ni Alexei pero hindi ko maintindihan. Wala na akong maintindihan.
The last thing I saw before everything turned dark... was Chase....
He's lying beside me on the ground... in pain... just like me.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
"Alexei!" sigaw ko, hindi ko matandaan kung tungkol saan ang panaginip ko, basta alam ko takot na takot ako at sobrang bigat ng puso ko na hanggang ngayon ramdam ko parin yung sakit. Nung patayo na ako sa kama ng hotel kung saan ako nakahiga, may nakita ako sa may maliit na table na pinagpapatungan ng lampshade... isang sing-sing.
Nang makita ko ang sing-sing na yun, bigla na lang nagsulputan sa isip ko yung mga nangyari kanina lang bago ako nawalan ng malay kaya naman agad akong humangos palabas ng kwarto papunta sa living room at nadatnan ko si Chase doon na nakaupo sa isang sulok ng living room, may hawak-hawak na isang malaking bote ng alak.
Nilapitan ko s'ya.
"Chase... nasaan si Alexei? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya, ayoko paring paniwalaan kung ano yung ideyang pumapasok sa isip ko.
Umiling lang si Chase imbis na sumagot tapos binuksan n'ya yung tv gamit ang remote. Pagkatapos mag on nun, lumagok na s'ya muli ng alak, tuloy-tuloy na para bang wala ng bukas.
Nagfocus ang atensyon ko sa tv at sa isang napakaganda at garbong kasalan sa isang nakapakalaking simbahan na ipinapalabas doon. Sobrang dami ng tao, mukhang lahat mayayaman. At syempre ang pinaka nakakuha ng atensyon ko eh yung bride. Isang napakagandang bride. Isang bride na may ngiting nakakapagpainlove sa kahit na kanino. Isang bride na... na... isang bride na gusto kong pakasalan. Isang bride na nagsabi sa akin kanina lang na mahal n'ya ako... pero seconds after, iniwan na naman ako sa di malamang dahilan.
Hindi ko na alam ang dapat isipin, ang dapat maramdaman. Hindi ko na alam.
Ayokong tingnan kung paano n'ya ipangako sa iba ang pangakong gusto kong marinig mula sa kanya. Ayoko ng manood pero hindi ko maalis ang tingin ko sa screen. Masakit makitang kinakasal s'ya sa iba pero pakiramdam ko kasi pag pinatay ko yung tv, pag hindi ko sinulit itong oras na nakikita ko pa sya... pakiramdam ko... pakiramdam ko hindi ko na sya makikita pa ulit, at yun, yun ang pinaka nakakatakot na parte.
Napailing na lang ako habang nakatulala sa tv. Nanlalabo na ang mata ko dahil sa kung anong mainit na tubig na namumuo na sa loob ng mga mata ko. Hindi ko... hindi ko matanggap ang nakikita ko. Hindi ko matanggap. Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan. Ang daming tanong na s'ya lang ang makakasagot pero mukhang hindi na masasagot kahit kailan. Kung malabo ang lahat noon, ngayon, wala na, wala na akong makitang kahit ano. Everything's black. Everything.
"Wake up! Wake up! Wake up!" sigaw ko ng sobrang lakas habang sinasabunutan ang sarili ko, mistulang baliw sa harap ng tv kung saan kinakasal ang babaeng mahal ko, desperadong desperadong magising mula sa isang nakakatakot at masalimuot na bangungot.
"Wake up! Wake up! Wake up!" sigaw ko pa hanggang sa mapatid na halos ang mga litid ko sa leeg... pero kahit gaano kalakas yung pagsigaw ko nang mga oras na yun, kahit ilang beses kong alugin at sabunutan ang sarili ko, hindi tumatalab. Hindi ko magawang magising.
I just fell down to my knees, feeling so weak-- no-- feeling half-dead.
And as I kneeled there, shouting ang crying like a mad man... as I kneeled there, watching how she said yes to someone else, watching how she became the wife of someone else...
Shortly after my voice started to break...
I realized...
It really is hard to wake up... espescially when you're not asleep in the first place.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
A/N:
May Epilogue pa po after this. Yun po yung ending. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top