CHAPTER 22- "Thank you."
CHAPTER 22- "Thank you."
CALVIN's POV
Limang buwan...
Limang buwan narin ang nagdaan pero hindi parin bumabalik si Alexei. Wala akong kahit na anong balita tungkol sa kanya. Hindi ko alam kung nasaan na ba sya, kung okay lang ba sya, o kung babalik pa ba sya. Wala talaga akong kaalam-alam na kahit ano... pero hindi ko parin magawang sumuko sa kanya. My whole system won't let me give up on her. Her smile... it won't let me let go of her.
Isang araw na naman ng klase ang natapos at ngayon papunta na naman ako sa malapit na bayan para pumunta sa bawat laundry shop na meron dun, syempre para magbakasakali na nandoon si Alexei. Oo, hanggang ngayon hindi ko parin tinitigil ang pagpunta sa mga laundry shops. Alam ko namang walang naglaba na inabot ng limang buwan, pero wala eh, I guess mas gusto kong isipin na nagpalaba lang sya at inabot ng sobrang tagal, kaysa isipin na... iniwan na n'ya ako. Sa tuwing uwian namin sa school, puro mga naaawang tingin ang natatanggap ko sa mga kaklase ko o di kaya puro bulungan ng ibang studyante ang naririnig ko sa mga hallway na dinadaanan ko talking about how crazy I am dahil sa lage ko paring pagpunta tuwing uwian sa mga laundry shops, desparately looking for a girl who left me without a word, pero wala akong pakialam. Yung mga tingin at bulungan nila, habang tumatagal I learned to take them all in, wala namang mali kung isipin nilang nababaliw na ako, kasi I, myself, thinks exactly the same way.
Papasok na ako sa isang laundry shop sa bayan na malapit sa school namin nang biglang may humigit sa braso ko kaya hindi ako tuluyang nakapasok.
"Ano'ng ginagawa mo?" Si Chase, sya pala yung humigit sa akin. Sa wakas inimikan narin n'ya ako.
"Hinahanap ko si Alexei." sagot ko. Binitawan na n'ya ang braso ko matapos kong sumagot.
Hinilot-hilot nya yung noo n'ya bago s'ya nagsalita, "Alam mo ba kung ano ng sinasabi tungkol sayo ng mga tao sa school natin?"
"Na nababaliw na ako? Na para akong tanga? Alin dun?"
Napabuntong hininga s'ya, halatang banas na banas s'ya sakin, "Alam mo naman pala lahat ng sinasabi nila eh! Bakit hindi mo pa itigil to? Wala s'ya dito Calvin! Kahit ilang beses ka pang magpabalik-balik dito, hindi mo s'ya makikita! Wag kang tanga!"
"So... ano'ng gusto mong gawin ko? Sumuko na lang, ganun? Nagpapatawa ka." Tatalikod na sana ako at papasok dun sa laundry shop pero hinigit ako ni Chase tapos sapilitan n'ya akong isinakay sa isang taxi.
Tumigil yung taxi sa harap ng condominium na tinitirhan ko. Bwisit na bwisit ako pagkababa namin.
"Ano bang problema mo Chase? Kung ayaw mo s'yang hanapin, wag mo! Basta ako hahanapin ko si Alexei!" tinulak ko s'ya pagkababang-pagkababa namin.
Tatalikod na sana ako sa kanya para pumara muli ng taxi pero hinigit na naman n'ya ako paharap sa kanya.
"Tama na Calvin! Bumalik ka na lang dun sa condo mo! Asikasuhin mo si Baby Red!"
"Binabantayan s'ya ng maayos nung landlord."
"Bumalik ka na sabi dun! Tara na, tara na dun!" Hinigit n'ya ako papasok ng condominium pero nakawala ako sa kanya halfway.
"Calvin--"
"Akala ko ba mahal mo si Alexei?"
"Mahal ko s'ya pero--"
"All this time akala ko pareho tayo ng nararamdaman para sa kanya, pero mukhang mali ako. Hindi ko alam na ganyan pala kababaw yung pagmamahal mo! Buti na lang pala hindi ko s'ya pinaubaya sa'yo!"
"Hindi sa mababaw ang pagmamahal ko, alam ko lang kung kailan ako dapat sumuko."
"Paano mo nagawang sukuan s'ya ng ganun na lang? Ako kasi, hindi ko magawa eh. Mahal ko s'ya Chase, ilang beses ko ng nasabi yun sa kanya, pero ayokong hanggang salita lang ako. Kung mahal mo ang isang tao, hindi mo s'ya susukuan sa loob lang ng limang buwan. Kung totoong minahal mo si Alexei, maiintindihan mo ako. Gagawin mo rin tong ginagawa ko. Minahal mo nga ba talaga s'ya Chase? o hanggang salita ka lang?"
Napatungo s'ya at hindi na nakasagot. Tumalikod na ako sa kanya at pinara yung dumaan na taxi.
Pasakay na ako sa loob nung taxi ng magsalita s'ya, "Ngayon alam ko na kung bakit mas pinili ka n'ya kaysa sakin." sabi n'ya.
.
.
.
Dahil sa malimit kong pagpunta sa mga laundry shops na pinuntahan ko, kilala na ako ng mga staff nila, at hindi pa ako nagtatanong iiling na sila. Ilang oras ang ginugol ko sa pag-iikot, pero katulad ng mga nagdaang araw, wala akong nakitang Alexei.
Dahil medyo madilim na at may paltos narin ang mga paa ko dahil sa paglalakad, naisipan ko ng itigil muna ang paghahanap at umuwi na. Nakakahiya narin kasi dun sa landlord dahil sya lage ang nagbabantay kay Baby Red.
Habang naglalakad ako, tumunog yung tyan ko at noon ko lang naalala na hindi nga pala ako naglunch dahil wala akong gana kanina, dinner na ngayon at gutom na gutom na ako.
Bago pumunta sa condo, dumaan muna ako sa 7-11 para bumili ng microwave ready na pagkaen, yun na ang dinner ko dahil tinatamad akong magluto. Paglabas ko nung convenience store, nung may makasalubong akong isang babaeng maikli ang buhok na nakasalamin, biglang bumilis yung pintig ng puso ko.
Akala ko kasi si Alexei na yung nakita ko, pero nung lagpasan n'ya ako, narealize kong mali pala ako and I got disappointed. Nagiging habit ko na ata ang madisappoint simula nung umalis s'ya, haay.
Walang kabuhay-buhay akong naglalakad papasok ng condominium ng tawagin ako bigla ni Manong Toto (guard dun).
"Manong bakit po?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ba si Cerys yun? Mahaba ang buhok n'ya at nakaayos pero sa tingin ko s'ya yun." Agad naman akong napatingin sa tv na pinapanooran n'ya at para bang tumigil ang pag-ikot ng mundo, para bang huminto ang lahat ng nasa paligid ko nung makita ko s'ya. Walang dudang s'ya nga yun, tama si Mang Toto.
"Aba't akalain mong sobrang yaman pala n'yang si Cerys! Tagapagmana lang naman pala ng mga Lancaster ang nabingwit mo iho! Napakaswerte mo!" Umiimik si Mang Toto habang nakatingin sa tv pero lagpas lang sa tenga ko ang mga sinasabi n'ya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang mukha ni Alexei sa screen. Kung pwede lang pumasok sa loob ng tv, ginawa ko na. Kung pwede ko lang s'yang higitin palabas, ginawa ko na.
Ilang segundo ang nagdaan bago naprocess ng utak ko ang lahat ng impormasyon sa paligid ko, bago ko naintindihan yung balita sa tv. Balita yun tungkol sa grand opening kanina ng bagong Hotel ng mga Lancaster na magiging pinakamagarbong Hotel ngayon sa buong Pilipinas, na magkakaron rin ng iba't iba pang branch sa ibang bansa. Nagfocus yung camera dun sa president nung hotel na siguro ama ni Alexei, ininterview s'ya... tapos... nagfocus na ulit yun kay Alexei... at nailaglag ko na lang yung binili kong pagkaen mula sa convenience store nung sabihin nung reporter yung pangalan n'ya...
"Alexandrea Eira Lancaster" yan pala ang pangalan n'ya, and I always thought she was Cerys Alexei Sandoval. Alexandrea Eira Lancaster, ang nag-iisang tagapagmana ng pinakamayaman na angkan sa buong Pilipinas.
I clenched my fist, pinilit kong maging kalmado sa harap ni Mang Toto. Pinulot ko na lang ulit yung pagkaen ko at tumalikod na sa kanya.
Nakalakad na ako ng konti palayo ng sumigaw s'ya, "Iho, hindi ba nobya mo s'ya? Bakit ikakasal daw s'ya sa anak nung CEO nung kapartner nilang kumpanya? Ano'ng gagawin mo? Bawiin mo s'ya aba! Hindi dapat pinapakakawalan yung mga ganung babae!"
Hindi ako sumagot. Nagtuloy-tuloy na lang ako ng paglalakad papunta dun sa unit nung landlord para kuhanin si Baby Red.
Nang kuhanin ko si Baby Red, inusisa din ako nung landlord tungkol dun sa balitang kakapalabas lang sa tv kanina, nginitian ko lang s'ya imbis na sumagot at nagtuloy na ako sa unit ko.
Tulog na si Baby Red nang kuhanin ko s'ya kaya agad ko s'yang hiniga sa kwarto. Dahil sobrang gutom na ako, nilapag ko lang yung bag ko sa isang tabi at tinangay ko na yung microwavable na dinner ko para iinit yun sa microwave kahit di pa ako nagbibihis, pero hindi ko naituloy ang paghakbang ko sa loob ng kusina dahil...
Unang-una, ang daming groceries ang nakalagay sa ibabaw ng cabinet ng kusina ko. Pangalawa, may kumukulo at nangangamoy na masarap na pagkaen sa lutuan ng kusina ng condo ko. Pangatlo, nasa harapan ko na ulit ang babaeng ilang buwan kong hinanap at hiniling na bumalik sa akin. Nasa harapan ko s'ya ngayon, nakasuot ng apron, nakatingin sa akin binibigyan ako ng sobrang laking ngiti. Nasa harapan ko na s'ya sa wakas... pero hindi ako masaya.
"Surprise! Namiss mo ba ako?" sabi n'ya, punong-puno ng energy, na para bang walang nangyari, na para bang hindi n'ya ako iniwan.
"Kanina ka pa dito?" tanong ko.
"Medyo, pagkatapos nung pinuntahan kong event, dumiretso na ako dito. Nag disguise nga ako para hindi ako makilala ni Mang Toto atsaka nung landlord, gusto kasi kitang sorpresahin hehe! Okay, luto na tong niluluto ko, saglit lang maghahaen na ako, kumaen ka ng marami huh, namayat ka eh. Alam kong miss na miss mo na ang luto ko kaya pinagluto talaga kita."
Umupo ako sa harapan ng dinner table at hinayaan s'yang maghaen sa harapan ko. Pinagsandok pa n'ya ako ng ulam at kanin. Ang sweet n'ya... pero hindi ako masaya.
"Kaen na." sabi n'ya.
Hindi ako kumibo. Hindi ako masaya.
"Kaen na. Susubuan kita." balak nyang subuan ako pero tinabig ko yung kutsara.
Pinulot n'ya yun at inilagay sa tabi ng plato sa harapan ko. Nagpanggap na parang walang nangyari.
Pumunta s'ya dun sa may cabinet malapit sa may lababo at kinuha yung mga paperbags na nandoon.
"Tingnan mo tong mga pinamili ko para kay Baby Red! Bagay na bagay sa kanya tong mga damit na to! Kaso hindi ko alam kung lumaki na s'ya agad, sana magkasya tong mga binili ko. Ano sa tingin mo? Maganda ba? Bagay ba sa kanya?" sabi nya habang pinapakita sakin yung mga branded na damit mula dun sa mga paper bags.
Hindi ako sumagot. Tumayo na ako sa upuan ko at nilampasan s'ya. Natatakot akong pag nagtagal pa ako dun baka masaktan ko lang s'ya.
Lalakad na sana ako papasok muli ng kwarto pero niyakap nya ako sa beywang ko mula sa likuran.
"I'm sorry. I'm sorry Calvin." bulong n'ya.
"Ano nga ulit pangalan mo? Cerys Alexei Sandoval? Haha! Eh bakit Alexandrea Eira Lancaster yung tawag nila sayo sa tv?! Haha! Boyfriend mo ako pero ni hindi ko alam ang totoong pangalan mo! Ang saya! Ramdam na ramdam kong boyfriend mo ako!" sigaw ko. Hindi ko na macontain pa ang galit ko.
"I'm sorry Calvin..." yan na naman yung binulong n'ya.
Unti-unti kong inalis yung braso n'ya sa beywang ko at hinarap ko s'ya. Nangingilid na yung luha mula sa magaganda n'yang mata.
"Alam ko sabi ko sa'yo noon, kontento na akong malaman na mahal mo ako at wala na akong pakialam pa kung hindi mo sabihin sa akin lahat-lahat ng tungkol pa sa'yo... pero sana naman Alexei, kahit pangalan lang... kahit yun lang, sana naman sinabi mo sakin! Kasi boyfriend mo ako eh! Boyfriend mo ko! Ganun ba ako kahirap pagkatiwalaan kaya kahit tunay na pangalan mo hindi mo masabi sa akin?"
"I'm sorry. I'm sorry." Puro sorry na lang ang naririnig ko mula sa kanya, nakakainis.
"Ilang buwan kitang hinintay! Ilang buwan kitang hinanap! Kahit maraming nagsasabi sakin na sukuan na kita, hindi kita sinukuan! Kasi mahal na mahal kita! Handa kong ibigay ang lahat sayo, tapos ikaw, kahit pangalan mo lang hindi mo maibigay sakin? Alexei, minahal mo ba talaga ako?"
Tumulo na yung mga luha n'ya, gusto kong punasan pero hindi ko ginawa.
"Mahal kita! Mahal kita Calvin maniwala ka!"
"Maniwala? Eh wala ka naman atang sinabi sakin na totoo eh! Lahat ng narinig ko mula sa bibig mo, puro kasinungalingan! Sabi mo ikaw si Cerys Alexei Sandoval, pero hindi naman pala! Sabi mo, hindi mo ko iiwan, pero iniwan mo ko! Sabi mo mahal mo ko, pero ikakasal ka sa iba! Paano ako maniniwala sayo?"
Magkatinginan kami ng ilang segundo dun, walang umiimik.
"Mahal kita! Sa lahat ng sinabi ko sayo, yun ang pinakatotoo. Mahal kita. Mahal kita Calvin." sabi n'ya habang walang tigil sa pagtulo ang luha n'ya.
Napa iling na lang ako, "Sorry, pero hindi na ako naniniwala." Tumalikod na ako muli sa kanya pero niyakap na naman n'ya ako. Basa na ang likuran ng t-shirt ko ng luha n'ya.
"Mahal kita! Please! Please Calvin! Please maniwala ka! Mahal kita!" Nagmamakaawa na s'ya pero wala ako sa tamang isip para pagbigyan s'ya. Sobrang daming nababasag sa loob ko, sobrang lakas, hindi ko s'ya marinig.
"Ang hirap huminga rito, magpapahangin lang ako sa labas." Inalis ko ang pagkakayakap nya sa akin at agad na akong lumabas papunta sa rooftop nung condominium. Madalas kaming nagpupunta dun ni Alexei para pagmasdan ang mga bituin sa taas, pero ngayon, imbis na sa taas, sa kawalan ako nakatingin.
Matagal ko s'yang hinanap, matagal kong hiniling na sana bumalik na sya sakin. Ngayon, nakita ko narin s'ya sa wakas, bumalik narin s'ya sa wakas... pero kung may dadaan mang shooting star sa langit ngayon, hihilingin ko na sana hindi na lang s'ya bumalik, na sana hindi ko na lang s'ya nahanap, na sana mawala na lang s'yang parang bula.
Nakakagago kasi. Parang napunta sa wala lahat ng oras at pagod na ginugol ko sa paghahanap sa kanya.
Sarili kong girlfriend hindi ko alam ang pangalan? Nakakagago.
Iiwan n'ya ako tapos mababalitaan kong ikakasal na s'ya bigla? Nakakagago.
Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung babalik pa ba s'ya, tapos aakto lang s'ya na parang walang nangyari? Nakakagago.
.
.
.
Ilang minuto ang makalipas, may narinig akong yabag ng mga paa na papalapit sa akin. Kahit hindi ko tingnan, alam kong s'ya yun. Bago pa man s'ya makalapit sa tabi ko, nagsalita na ako.
"Bakit hindi ka pa umaalis? Nasabi ko na lahat ng dapat kong sabihin sa'yo."
"Cal--"
"Ah hindi, may isang bagay pa pala akong hindi nasasabi sa'yo..."
Huminga ako ng malalim at unti-unting lumingon paharap sa kanya, "Congratulations... congratulations sa inyo ng magiging asawa mo."
Agad na may tumulong luha sa mga mata n'ya pagkatapos kong sabihin yun.
"Yun lang talaga ang sasabihin mo?" tanong n'ya.
"Oo." sagot ko. Umiwas na ako ng tingin at tumalikod na muli sa kanya.
"Thank you." sabi n'ya, at dun na tuluyang pumatak ang mga luha kong kanina ko pang pinipigilan. Ang sakit. Hindi ko akalaing pwede palang makasakit ang mga salitang yun. Ngayon yun na ata ang pinakamasakit na salitang narinig ko.
Mapapahagulhol na ako ng iyak pero napatigil ako ng biglang may jacket na bumalot sa akin. Napaharap ako sa kanya.
"Malamig dito sa labas kaya naisipan kong dalhan ka ng jacket. Pasensya na sa abala huh? Miss na miss lang kasi talaga kita kaya gusto ko sanang makita at makasama ka kahit ngayon lang, pero mukhang ako lang pala ang may gusto nun kaya aalis na ako. Basta, wag kang masyadong magtatagal dito huh? Pumasok ka agad sa loob, baka magkasakit ka. Ayokong magkasakit ka." sabi n'ya. Natulala na lang ako.
Tumalikod na s'ya at lumakad na palayo sa akin.
Pinagmasdan ko lang ang likuran n'ya habang unti-unti s'yang lumalakad palayo.
Nakatayo lang ako dun, mistulang estatwang gustong gumalaw pero hindi makagalaw. At nung mawala na s'ya ng tuluyan sa paningin ko... nung mapatingin ako dun sa jacket na sinuot n'ya sa akin... nung maalala ko yung mukha n'yang umiiyak dahil sa akin, napaupo na lang ako sa isang tabi.
"Gago ka! Gago ka Calvin! Gago ka!" sigaw ko, habang umiiyak.
Mahal ko s'ya, pero in the end... katulad ni Chase... hanggang salita lang din pala ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top