CHAPTER 2: DOOM's DAY
CHAPTER 2: DOOM's DAY
Calvin's POV
"Mr. Flores and Mr. Martinez get out of the room now!" sigaw nung teacher namin.
Napalabas kami kasi wala kaming project, at alam niyo naman ang dahilan kung bakit wala akong project diba? Peste.
"The best ka talaga best friend! Akalain mong sinamahan mo ko? I love you talaga Calvs!" -Chase. Yayakapin niya sana ako pero tinulak ko yung pagmumukha niya gamit ang palad ko.
"Chase tantanan mo nga ako. Papatayin na ako n'yang mga babae mo." Tinuro ko yung mga babaeng kinikilig pa habang tinitingnan tong ugok kong best friend. Best friend lang naman ako ni Mr. Popular.
"Huh? Hayaan mo sila best friend! Ikaw ang mahal ko. Halika nga ikikiss kit-- hoy! teka Calvs! Pikon naman agad to oh! Niloloko lang kita ah! Intayin mo ko hoy!"
Nagwalk out na ako. Nakakabwisit siya madalas.
Hindi ko na lang pinansin ang kumag at nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad. Masyado na akong maraming problema para dumagdag pa s'ya.
Pumunta ako sa rooftop tapos umupo dun. Sumunod naman s'ya sakin.
"Calvs, bakit ang init ng ulo mo ngayon? Meron ka ba?!" -Chase.
"Gago =___="
"Haha, sungit talaga oh. Bakit nga?! Anong problema bro?! Babae ba?! Gusto mo tulungan kita?" Inakbayan n'ya ako.
"Hindi mo maiintindihan kahit sabihin ko sayo."
"Try me bro. Masyado mo naman akong minamaliit.."
"Haaaaaaaaaaays... Sige nga, paano kung may isang taong hindi mo kilala, as in hindi mo talaga kakilala, nakasalubong mo lang s'ya isang araw sa kalye tapos kailangan mo s'yang patirahin sa bahay mo, anong gagawin mo?!"
"Well depende kung babae o lalaki ba yung tao. Kung babae, pag maganda pwedeng pagtyagaan ng isang linggo, tapos pag may dumating na mas maganda kailangan ng palayasin--- aw!"
Binatukan ko si Chase.
"Wala ka na talagang alam kundi pangbababae! Haays! Bakit pa nga ba ako umaasa sayo!" Nagulo ko na lang ang buhok ko.
"Haha.. sorry. Pero hindi nga, seryoso na tol, syempre mahirap yun, yung basta-basta na lang may titira sa bahay mo na di mo kilala. Kung di ka komportable edi paalisin mo."
"Paano kung hindi mo s'ya mapaalis kasi tinethreaten niya ang buhay mo?"
"Seryoso?"
"Oo. Kung ako ikaw anong gagawin mo?"
"Hmmm, edi tatawag ako ng pulis at isusumbong ko sya!"
Pagkasabing pagkasabi niya nun, parang may umilaw na light bulb sa utak ko.
"I love you Chase!" Niyakap ko s'ya dahil sa tuwa.
"Yak bro hindi ko alam na nababading ka na pala sakin ... sorry pare pero hindi talaga---"
"Gago! natuwa lang ako masyado. Actually ngayon ko lang din narealize na nakakadiri yung ginawa ko... pero, salamat tol. Akalain mong may nasasabi ka rin palang nakakatulong minsan."
"Syempre ako p--oi teka Calvs san ka pupunta?"
Paano tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang maglakad.
"May kailangan lang akong gawin. Salamat sayo alam ko na ang dapat kong gawin. Kita na lang tayo bukas."
"Pero Calvs may isang subject pa tayo di--"
"Pakisabi na lang dun sa teacher may lagnat ako o ano. Mag imbento ka na lang. Bye Chase!"
"Sasabihin ko sa teacher nagtatae ka! Haha!"
"Gago! " sigaw ko sa kanya at tuluyan na akong umalis.
.
.
.
"Totoo ba yung sinasabi mo?" -Tito Karl, pulis kong tito.
"Opo, nakasalubong ko lang po s'ya sa kalye kagabi, pinatulog ko lang po s'ya sa bahay ko kasi wala s'yang matulugan, naawa ako. Pero kaninang umaga nung pinapaalis ko s'ya, binantaan niya ako na pag hindi ako pumayag na tumira s'ya sa bahay ko eh papatayin niya ako! Sa totoo lang ilang beses niya nga akong tinutukan ng kutsilyo eh!!"
"Hmmm... mukhang hindi ka naman nagsisinungaling. Sige sasamahan kita pamangkin. Humanda sakin yang babaeng yan, paano niya nagawang tutukan ng kutsilyo ang pamangkin ko?! tara na! Ako ang bahala sayo!"
.
.
Sa condo ko...
Bumukas yung pinto pagkatapos katukin yun n Tito Karl.
"Ah, magandang hapon po. Ano pong kailangan nila? " -yung demonyong babae, na teka bakit ang bait ng aura neto?
"S'ya ba yun pamangkin?" -tito Karl.
"Opo tito sya nga po yun! Siya yun!" Lumabas ako sa likod ni Tito Karl.
"Oh Darling! Kanina pa kita hinihintay, nasan na yung gatas at diapers ni baby Red? Nakabili ka ba? Ay teka, sir, tito pala kayo ng asawa ko? Nako pasok po kayo." -demonyong babae.
Te-teka... darling? tinawag niya akong darling?! at ano daw? Asawa? wat the?
Pumasok na si Tito sa loob, sumunod ako.
"A-asawa ka ni Calvin?" tanong ni Tito dun sa demonyong babae.
"Wag kang maniwala tito! Hindi ko asawa yan! 17 years old palang kaya ako!" singit ko.
"Hahaha, darling ikaw talaga! Oo hindi pa nga tayo kasal pero dun narin naman pupunta yun diba?! since may anak na tayo. Ay maiwan ko muna kayo huh? Kukuhanin ko lang si baby Red sa kwarto." -demonyong babae sabay punta sa kwarto.
"Hoy Calvin! Ipaliwanag mo to! Hindi naman s'ya mukhang yung tipo ng babae na magagawa ang sinasabi mo! Ang cute kaya niya! Tapos may anak kayo? Hoy Calvin alam na ba to ng mga magulang mo?"
"Tito wag kayong maniwala sa kanya! Nagsisinungaling lang ang babaeng yun!"
"Eto na po si baby Red oh. Ako nga po pala si Cerys Alexei Sandoval. Nice to meet you po." -demonyong babae na ang galang galang.
Binuhat naman ni Tito yung baby, pinagmasdan ito... tapos...
"Calvin, halika, mag-usap tayo sa labas!" Matapos iabot ni Tito yung baby dun sa demonyong babae, hinigit n'ya ako palabas.
"Pinaglololoko mo ba ako huh Calvin?! Eh kamukha mo yung bata eh! Walang duda na ikaw ang ama niya!"
"Hindi ko anak yun! Napulot lang yun ng babaeng yun sa may basurahan!"
"Hoy Calvin wag mo na akong pinaglololoko huh! Tayong mga Martinez, hindi tayo yung tipong tumatakbo sa responsibilidad. Kung nakabuntis ka, panagutan mo! Paano mo nagawang gamitin pa ako para lang makatakas ka sa responsibilidad mo?"
"Pero tito--"
"Tumahimik ka! Tara na sa loob."
"Tito maniwala kayo sakin hindi ko s'ya--"
"Ako na ang humihingi ng tawad para sa pamangkin ko. Ang totoo niyan pinapunta niya ako rito para hulihin ka, sabi niya pinagbabantaan mo daw ang buhay niya. Pero narealize ko na gusto niya lang takasan ang obligasyon niya by making up some crappy story. Ako na ang humihingi ng tawad miss Cerys. Pagpasensyahan mo na ang pamangkin ko, pero sinisigurado ko sayo na pananagutin ko s'ya sa kanyang obligasyon." Pagpasok ko humihingi na ng tawad si Tito sa harap nung demonyong babae.
"Hoy Tito wag ka ngang humingi ng tawad sa babaeng yan! Hoy ikaw naman babae! Tigilan mo na nga yang acting mo! Hindi kita asawa! Ni hindi nga kita kilala eh ! At hindi ko anak yang batang yan!"
"Calvin, wag mo naman sabihin yan oh... *sniff Matatanggap ko na hindi mo ako mahal pero... *sob sob* sana wag mo naman itanggi yung bata. Wag mo naman sabihing hindi mo sya anak..*sniff" -demonyong babae na wari'y nag iiyak. What the?
"Hoy Calvin! Siraulo ka talaga! Wag mo ngang sabihin yan sa asawa mo! Mahiya ka nga! Tingnan mo pinaiyak mo sya!"
"Sinasabi ko sayo tito nag aacting lang yang ba--" Bigla akong hinigit ni Tito paluhod tapos...
"Humingi ka ng tawad!" sigaw n'ya sa akin.
"Po? Bakit ko naman--"
"Hihingi ka ng tawad o makakarating to sa mga magulang mo? Sigurado akong hindi pa nila alam ang tungkol dito. Gusto mo bang ako pa ang magsabi sa kanila?"
"Pero Tito--"
"Calvin, ang tunay na lalaki ay hindi tumatakbo sa responsibilidad niya."
"Pero hindi naman po--"
"Humingi ka sabi ng tawad!"
"Tch...... sorry na, kahit hindi naman ako ang--"
"Calvin ayusin mo!"
"Tch.. sorry na, wag ka ng mag iyak."
"Narinig mo yun Ms. Cerys?! Nagsosorry na ang pamangkin ko. Nabigla lang s'ya at natakot kaya naman nasabi niya yun pero pinapangako ko talaga sayo na oras na takbuhan niya ang responsibilidad niya eh ako na mismo ang magpapanagot sa kanya!"
"T-talaga po?! salamat po pala Tito ni Calv--"
"Tito Karl na lang."
"Salamat po Tito Karl!" -demonyong babae sabay pahid pa ng luha niya. Ang galing niyang umarte ha!
"O pano, maiwan ko na pala kayo, tinatawag na ako sa opisina eh. Mag ingat kayo ni Calvin. Calvin, alagaan mo ang mag-ina mo, tapos sabihin mo narin yan sa mga magulang mo habang maaga pa okay? Paalam sa inyo." -Tito Karl.
"Paalam po Tito Karl, mag ingat po kayo." --demonyong babae na wagas kung makangiti habang nag wewave sa tito ko =__=
Ako naman naiwan dun na nakatulala.
Nakatulala kasi... yung kaisa isang pag asa ko para makaalis sa gusot na to... My last hope to bring my normal life back... eh ayun... umalis na... at mas lalo pang lumala ang sitwasyon! Kasi akala niya, akala niya asawa ko tong babaeng to! The eff!
^____________________________^ >>> ganyan ang itsura nung demonyong babae hanggang sumarado yung pinto.
Pero pagkasaradong pagkasarado nung pinto...
Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
Yung mala anghel niyang mukha kanina eh agad nagtransform sa isang demonyo! Isang demonyong gusto akong patayin!
Pinatunog niya yung mga daliri niya na wari'y manununtok tapos pinatong niya yung baby sa sofa sabay...
"Tumawag ka pa ng pulis para palayasin ako sa bahay mo?! Akala ko ba Calvin malinaw yung usapan natin na hindi mo ko palalayasin?! ^______^" palapit sya ng palapit sa akin.
"A-ano ka-si alam mo--"
"Ano?!" Hawak hawak na niya ako sa kwelyo.
"Ah eh pasensya ka na. Sa-sabi ko nga pwe-pwede kang tumira dito. So-sorry sa nagawa k--"
"Walang sorry sorry! Magbabayad ka!"
Niwrestling lang naman nya ako. Ang sakit sa katawan.
"Ano uulit ka pa huh Calvin?" tanong n'ya habang pinipilipit ang braso ko. Mamatay na sana talaga s'ya. Ang sakit, lintik!
"Hindi na. Hindi na! Bitawan mo na yung braso ko, masakit eh!"
"Bibitawan ko to, kung ippromise mo sakin na susundin mo na lahat ng gusto ko."
"P-promise.., su-sundin ko lahat ng gusto mo."
"Good. Now inuutos kong bumili ka ng gatas at diaper ni baby Red tapos bumili ka ng ingredients para sa Chicken curry. Ito oh inilista ko na yung mga bibilhin." Binitawan na n'ya ako at inabutan ng isang pirasong papel.
"Talagang may listahan ka na huh?"
"Ahuh. Gusto ko kasi bigla ng curry eh. Since puro fried lang kinaen ko ng breakfast at lunch. "
"Pero pag bumili ako wala akong babaunin bukas."
"Diba sabi mo susundin mo lahat ng gusto ko? Baka gusto mo ulit--"
"Hi-hindi. Sa-sabi ko nga bibili ako eh. Aalis na nga eh oh."
"Teka!" bigla niya akong hinigit sa jacket ko.
"Ano na naman ba? Kung may iuutos ka pang bibilhin ko eh di na talaga kaya ng pera ko sa wednesday p--"
"Tch.. di naman ako ganun kasama no. Alam kong nasa 500 na lang ang pera mo. Sasama lang kami ni baby Red sa pamimili kaya kita hinigit. Hintayin mo kami." Pumunta na s'ya sa kwarto ko para magbihis.
Tch, hindi pa daw sya ganun kasama eh, s'ya nga tong pinagbabantaan ang buhay ko para lang patirahin ko sya. Kung hindi pa sya masama nyan anu pa ang masama?
"Okay tara na Calvin!!" Tingnan mo to, nangunguna pag labas. Palibhasa hindi sya ang gagastos. Baon ko bukas T____T
.
.
.
Sa Grocery Store...
Habang nakapila ako sa counter...
"Calvin? Ikaw ba yan Calvin?" may babaeng tumigil sa harap ko.
Pagtingin ko...
uwaaaaaaaaaaaah!
"Ni-ni-nina?"
"Sabi ko na ikaw yan eh."
"A-a-anong ginagawa mo dito?" Shete kinakabahan talaga ako. Pero masaya akong nakita ko s'ya at tinawag n'ya ako.
"Sinamahan ko lang si mama bumili ng kakainin namin para sa hapunan. Ikaw? Bakit may diaper kang binili?" Tinuro n'ya yung basket kong may diaper at gatas ng bata.
Shit!
"A-anu pi-pinabili lang ako nu-nung landlord..,"
"Nung landlord niyo? Bakit ikaw ang pinamili niya O___O??!"
Anu ba naman yung palusot ko!
"Ah eh.., ka-kasi kaclose yun nila mama eh parang kamag anak narin namin. Masyado syang busy, papunta narin naman ako sa grocery kaya sabi ko ako nlng ang bibili para sa kanya."
"Ang bait mo talaga," nginitian n'ya ako. Ang ganda niya talaga pag ngumingiti.
Natigil ang pagpapantasya ko kay Nina nang...
"Oh eto na! Nakuha ko na yung kulang sa recipe!"
Shit! Bakit nakalimutan kong kasama ko nga pala sya?
"Si-sino siya Calvin?!" -Nina.
"Ako si Cerys. Nakatira ako kila Cal--" bigla kong tinakpan ang bibig n'ya.
"Ah hehe... ang ibig niyang sabihin nakatira din sya sa condominium na tinitirhan ko. Magkapitbahay kami."
"Ah.. akala ko girlfriend mo. Wow, ang cute naman nung baby." Hahawakan sana ni Nina yung babae pero...
"Babae ka ba nya?!" -demonyong babae.
Pagkasabi niya nun biglang napatigil si Nina.
"A-anu ba namang klaseng tanung ya-" -ako.
"Huh? hi-hindi. Kaklase niya lang ako." -Nina.
"Ganun ba? Anong size ng bra mo?" -demonyong babae.
O______O
What the??!
Again natigilan na naman si Nina..
"A-anu Nina, maiwan ka na namin huh? Magbabayad na kami eh. Pasensya ka na sa babaeng to. Halika na nga!" Hinigit ko na yung demonyong babae.
Nakakahiya yun! Chance ko na yun na makausap ang babaeng gusto pero sinira n'ya! Kampon talaga ni Satanas tong babaeng to!
Kung sana si Nina na lang sya. Kung sana si Nina na lang ang kasama ko sa condo ko...
"Hulaan ko, iniisip mo na sana yung babaeng yun na lang ako no?" -demonyong babae.
"A-ano bang sinasabi mo?"
Nakakabasa ba sya ng isip ng may isip?
"Hoy hindi ako nakakabasa ng isip ng may isip huh?"
"Wat the?! so nakakabasa ka nga ng isip?"
"Hindi nga sabi! Magbayad ka na nga lang. Gusto ko ng umuwi. Gutom na kami ni baby Red."
"Tch..."
"Infairness, may taste ka sa babae."
"Tigilan mo ako."
"Alam ba niyang gusto mo s'ya?"
"Tigilan mo sabi ako eh!"
"Mukhang hindi pa, well since pinapatira mo ko sa bahay mo eh, marunong naman akong tumanaw ng utang na loob. Sa susunod na magkita kami, sasabihin ko sa kanya na may gusto ka sa kanya at gusto mo syang ayaing mag date!"
"A-ano bang sinasabi mo?! Tantanan mo nga ako! Wag mong pakialaman ang buhay ko!!"
"Ikaw bahala. Tutulungan ka na nga, ayaw pa."
"Heh! Umalis na tayo!' Hinigit ko na s'ya.
.
.
"Marunong ka bang magluto ng curry? Hindi ako marunong magluto niyan huh?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa condo.
"Oo marunong ako. Oy ikaw nga muna humawak dito kay baby Red, nangangawit na ako eh." Ipinasa niya sakin yung baby. Noon lang ako nakahawak ng sanggol kaya medyo naninibago pa ako, masyadong malambot.
"Hindi ako marunong--"
"Ayos lang yan. Tama na yang ginagawa mo. Akalain mong gusto ka niya?! Nakangiti sya sayo oh. Ang cute nya no?" Nginitian ako nung demonyong babae. Genuine smile, walang kiling intent kaya nagulat ako.
Come to think of it, pag tinitingnan ko nga yung baby parang gumagaan yung pakiramdam ko. Tapos sa totoo lang habang pinagmamasdan ko yung demonyong babae habang nakangiting pinagmamasdan yung baby...
Ugh! hindi! Imposible.
"Ta-tara na nga. Bilisan mo, gumagabi na. Masamang malamigan tong baby."
"Kaw dyan ang mabagal maglakad eh," sabi n'ya.
"Ikaw kaya," sabi ko naman.
"Ikaw." Ayaw n'ya magpatalo.
"Ikaw sabi." Ayaw ko rin.
"Paunahan na lang ano?" Hamon n'ya. Tumango naman ako tapos, nagsimula na kaming tumakbo.
Nagpaunahan kami papuntang condo.
"Paano ba yan nauna ako, talo k--" Natigil ako sa may hallway malapit sa may pinto ng condo ko...
kasi...
Shit!
"Calvin?" Nakita ko lang naman ang mama ko.
"San ka nanggaling? Kaninong baby yan?" Nakita ko naman ang papa ko.
Nasa harap ng condo ko ang mga magulang ko, at may hawak-hawak akong sanggol. Shit.
"Ah Ma, pa ano--"
"Wag kang masyadong mayabang porket naunahan mo ko h--- ow... sino sila Calvin?" Kakadating lang sa likuran ko nung demonyong babae.
"Sino sya Calvin?" tanong ni Mama.
"Ah ma ganito po kasi--" Tinakpan nung demonyong babae yung bibig ko.
Bigla s'yang ngumiti tapos, "Ako nga po pala si Cerys Alexei Sandoval. Nakatira po ako kasama ni Calvin sa condo niya at ito pong baby na to, ay anak namin... diba darling?" sabi n'ya. Balik na naman sya housewife mode niya.
Nanlaki ang mata ni Mama at Papa.
"Calvin, tara sa loob, marami tayong pag uusapan," sabi ni papa, na may ngiting medyo alam ko na ang ibig sabihin.
I'm dead. I'm dead.
Paano ko ipapaliwanag sa kanila to? Idagdag mo pa ang lakas ng trip nitong Alexei na to! Bakit ba ang hilig nyang magpanggap na asawa ko? Sa galing niyang umarte sigurado akong kahit tumanggi ako eh, walang maniniwala sakin!
Shit! Puro kamalasan na lang talaga ang dinala niya sa buhay ko! Ni hindi pa nga ako nagkaka girlfriend tapos ngayon, ngayon... Isa na akong ama? Isa na akong batang ama na may kalive in na isang babaeng may lahing killer na may pagka weirdo at sadista? The hell!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top