CHAPTER 19- I... love you.
CHAPTER 19- I... love you.
Calvin's POV
"Hi, I'm Blade Ashford, nice to meet you. By the way, your classmate Ms. Cerys Alexei is my wife. I'm her husband." yan lang sinabing yan nung Blade na yun ang tumatakbo sa isip ko habang nasa canteen ako.
Mag-isa lang akong naglalunch dahil hindi ko alam kung saan nagsuot si Alexei. Pagkatapos kasi nung tahasang declaration nung Blade na yun, bago ko pa matanong si Alexei, tumayo na siya sa upuan niya at kinaladkad na lang palabas ng room yung Blade. Hindi pa sila bumabalik pagkatapos nun.
Ang hirap kumaen. Pinagtitinginan at sa tingin ko pinag uusapan ako nung mga kaklase ko sa kabilang table. Malamang dahil nga dun sa issue na may asawa na ang girlfriend ko. Hindi ko na nga rin alam kung anong dapat isipin eh. Kahit kailan nakakaloko talaga si Alexei, masyado akong walang alam sa kanya. Nakaka frustrate.Pinilit ko na lang ubusin yung pagkaen ko dahil sayang.
Mauubos ko na yung pagkaen ko nung biglang dumating si Alexei at umupo sa upuan sa tabi ko.
"Anong klaseng boyfriend ka? Patapos ka ng kumaen, hindi mo man lang ako hinintay." sabi niya. Which kind of well yeah, pretty much pissed me of.
"Eh ikaw, anong klaseng girlfriend ka? Boyfriend mo ako pero wala ka man lang nababanggit sa akin na may asawa ka na pala? Tss, nawalan na ako ng gana, mauna na ako." Tumayo na ako at akmang aalis na pero hinigit niya ako ulit paupo.
"Calvin, sorry na. Magpapaliwanag ako." sabi niya. Hindi ako sumagot, ni hindi ko siya tiningnan pero nanatili akong naka upo.
"Hindi ko siya asawa Calvin, sadyang malakas lang ang sayad nung Blade na yun. We got married before, pero sa marriage booth lang yun ng school namin! After that day, he had this crazy notion na asawa na niya talaga ako. So ayun, yun ang dahilan kung bakit sinabi niya kaninang asawa niya ako. Pero maniwala ka, hindi ko siya asawa." pagpapaliwanag niya. Medyo galit parin ako pero nakahinga ako ng maluwag.
"Marriage booth? Diba sabi mo sakin kagabi sa taxi, sabi mo hindi mo siya kilala diba?"
"Sorry, nagsinungaling ako sa parteng yun."
"Kung hindi mo siya asawa at wala ka talagang tinatago sakin, bakit ka nagsinungaling?" This time tiningnan ko na siya ng mata sa mata.
Ilang segundo ng katahimikan ang dumaan. Naghihintay ako ng sagot, pero tumungo lang siya.
"Hindi mo ako sasagutin?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya habang nakatungo.
"Kung ganun, aalis na ako." sabi ko at tumayo na talaga ako sa kinauupuan ko. Hindi na niya ako pinigilan, ni hindi rin niya ako hinabol. Mukhang wala talaga siyang balak sabihin sa akin ang lahat.
Galit na galit ako sa totoo lang. Ngayon lang nag init ng ganito ang ulo ko. Habang naglalakad ako palabas nung canteen, nakasalubong ko yung Blade, papunta siya sa direksyon kung saan ko iniwang naka upo si Alexei. Balak ko lang sana siyang lagpasan pero dahil nga sa badtrip ako kay Alexei...
"What the f*ck man?" sabi niya, sinadya ko kasing bungguin yung balikat niya. Tiningnan ko lang siya ng masama, hindi ako sumagot.
Lalakad na sana ako paalis pero hinila niya yung braso ko at agad akong binigyan ng isang suntok. Out of impulse at dahil narin sa nag uumapaw na rage sa loob ko, ginantihan ko siya ng suntok.
Nagsuntukan na kami dun hanggang sa inawat na kami nung isang staff ng school at syempre, nauwi kami sa guidance office.
Sa tanang buhay ko, hindi ko akalain na mapapapunta ako ng dalawang beses sa guidance sa office dahil sa pakikipag away. Hindi ako isang basagulerong tao, pero dahil kay Alexei, I guess I'm starting to be one.
For some unknown reason, pagkatapos kaming sermonan nung dean, pinalabas narin kami without any penalty. They just let us off, hindi ko alam kung bakit. May tumawag lang bigla dun sa telepono nung dean tapos pinalabas na kami. Pakiramdam ko, kagagawan yun ni Alexei. Noong isang beses na maguidance office kasi ako, pagkatapos makausap ni Alexei yung dean, ganito rin yung nangyari. Now I even got more curious kung sino ba talaga siya.
Paglabas ko ng guidance office, nakita ko si Alexei pero dinaanan ko lang siya. Mainit parin ang ulo ko. I'm pissed at her and I'm pissed at my self. I hate the fact that she won't tell me everything. But I hate my self more for not being the person she can share everything with.
"Calvin, hintayin mo ko!" sigaw niya, hinabol niya ako.
Naabutan niya ako at kasabay ko siyang maglakad pero hindi ko siya pinapansin. Hanggang sa makauwi kaming dalawa sa condo, hindi ko siya inimikan.
Sa condo...
"Calvin, ipinagluto kita ng sinigang! Favorite mo to diba? Kumaen ka na habang mainit pa." Naghaen na siya ng pagkaen sa lamesa.
"May trabaho ako, aalis ako ng maaga para hindi ako malate. Mag oovertime ako, kaya wag mo na akong hintayin." sabi ko sa kanya tapos nag diretso na ako palabas ng pinto.
Napabuntong hininga na lang ako habang bumababa palabas ng condo. Kakasimula palang ng relasyon namin pero nag aaway na agad kami.
Halos magmamadaling araw na akong umuwi. Ayaw nga sana ni Uncle na payagan akong mag over time pero nagpumilit ako. Masama parin ang loob ko dahil sa hindi pagsasabi ni Alexei sa akin tungkol sa kanila nung Blade na yun.
Nadatnan ko si Alexei na natutulog sa sofa, nakatulog na ata sa paghihintay sa akin. Nilapitan ko siya at pinagmasdan. Kahit galit ako sa kanya, pag iniisip ko yung itsura niya habang hinihintay akong dumating, nakokonsensya ako. Gusto ko tuloy yakapin siya at magsorry.
Bubuhatin ko sana siya para dalhin dun sa kwarto nang bigla siyang mumulat. Nagising ko siya.
"Oh Calvin, nandyan ka na pala. Kumaen ka na ba? Hinintay kita. Sorry, nakatulog ako. Kanina ka pa ba dyan?" Mumukat mukat pa siya habang sinasabi yun.
"Ku-kumaen na ako. Magpahinga ka na dun sa kwarto, walang katabi si baby Red." Hindi ako makatingin sa kanya. Pag tumingin ako, sa tingin ko bibigay ako. Yayakapin ko siya at kakalimutan na lang yung galit ko.
Lalakad na sana ako papuntang cr para magpalit ng damit ko pero biglang hinigit ni Alexei yung laylayan ng damit ko, "Calvin, wag ka ng magalit sa akin oh. Ayoko ng ganito ka sakin." sabi niya.
"Matulog ka na Alexei. Bukas na lang tayo mag-usap, pagod ako." Nagtuloy na ako sa paglalakad at iniwan siya.
Pagkatapos kong magpalit sa cr, paglabas ko, wala na siya. Kung hinintay niya siguro ako, siguro pinatawad ko na siya, pero hindi niya ako hinintay.
Kinabukasan...
Tanghale na nung magising ako. Puyat nga kasi ako dahil dun sa pag oovertime ko. Nag diretso agad ako sa kusina pagkatapos kong maghilamos. Tanghalian na kasi dapat pero kakagising ko lang kaya gutom ako.
Nagtaka ako kasi wala pang lutong ulam o pagkaen sa lamesa. Madalas naman pag ganitong oras may luto na si Alexei kaya nagtaka ako.
Pumunta ako sa kwarto, pero wala siya dun, wala din si baby Red. Hinanap ko siya sa labahan pero wala din siya. Pinuntahan ko yung landlord para tanungin kung nakita ba niya si Alexei pero sabi niya hindi daw.
Tinry kong kontakin si Alexei pero patay yung cellphone niya. Kinabahan na talaga ako. Bumalik ako sa condo, pumunta ako sa kwarto at tiningnan yung cabinet kung saan nakalagay yung mga damit ni Alexei at dun na talaga ako namutla. Walang laman yung cabinet. Wala rin yung maleta ni Alexei. Tama yung kutob ko, umalis siya. Iniwan niya ako.
Tulala akong nakaupo sa upuan sa living room. Hindi ko parin mapaniwalaan ang lahat. Ito ang pinaka kinakatakot ko na mangyari, ang magising na lang isang araw na wala na si Alexei.
Saan ko siya hahanapin? Paano ko siya hahanapin kung wala akong alam tungkol sa kanya bukod sa pangalan niya? Habang tumatakbo sa utak ko yang mga tanong na yan, unti-unti akong napupuno ng pagsisisi. Kung sana pinatawad ko na lang siya kagabi, kung sana hindi ko na lang pinatagal yung away namin, siguro nandito parin siya sa tabi ko. Ngayon lang bumigat ng ganito yung dibdib ko. Ngayon lang ako nafrustrate ng ganito. Mukhang mahal ko na nga talaga ang sadistang babaeng yun.
Hinanap ko siya kung saan-saan. Nagtanong tanong ako pero wala, hindi ko siya makita. Dahil sa hindi ko na alam ang gagawin, bumalik na lang ako sa condo. Tinawagan ko na lang ng tinawagan yung cellphone ni Alexei, umaasang sasagutin niya yun. Habang pinakikinggan ko yung boses ng operator kada tawag ko imbis na boses ni Alexei, maiiyak na ako. Ang bading pero, maiiyak na talaga ako. Gusto ko siyang bumalik, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang makita ulit. Gusto ko pero hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam.
Napagod narin ako sa pagtawag, at wala na akong nagawa kung hindi sisihin na lang ang sarili ko. Sumubsob na lang ako sa lamesa at nagpupukpok dun, nagmaktol na parang isang kawawang bata. Pakiramdam ko masisiraan na ako ng ulo. Hindi ko akalain na magiging ganito kaimportante sa akin ang isang babaeng basta na lang sumulpot sa buhay ko isang gabi.
Habang nakasubsob ako, narinig ko yung pinto, parang may pumasok. Napatayo tuloy ako at agad na pumunta sa salas para tingnan kung sino yun. Nabato ako sa kinatatayuan ko ng makita ko siya, si Alexei, dala-dala niya yung maleta niya.
"Calvin, nako, gutom ka na siguro. Pasensya ka na, ang tagal kasing palabhan lahat nitong mga damit ko. Dumaan pa ako dun sa landlord bago pumunta dito para ihabilin muna si baby Red para maipagluto kita. Since galit ka sakin, nahiya akong palabhan sayo tong mga damit ko kaya naman pumunta na lang ako sa laundry shop nung malaman kong puro madumi na pala yung mga dam--" Hindi na niya naituloy yung sinasabi niya. Humangos ako papunta sa kanya at niyakap siya bigla.
"I... love you." yang mga salitang yan ang lumabas sa bibig ko pagkayakap na pagkayakap ko sa kanya. Hindi ko yun inisip, basta na lang lumabas.
"Calvin anong problema? May nangyari ba? Bakit parang paiyak ka na?"
Bumitaw na ako sa pagyakap sa kanya. Napakamot ako ng ulo.
"Akala ko kasi nilayasan mo na ako. Natakot ako." Nakatungo ako habang sinasabi yan. Hindi ako sanay.
"Hahaha! Bakit naman kita lalayasan?"
"Eh kasi magkaaway tayo diba? Akala ko iniwan mo na ako dahil dun."
Hinaplos niya ang mukha ko at tinunhay para maptingin sa kanya, "Kahit ilang beses pa tayong mag away, hinding hindi kita iiwan." sabi niya, which almost bring me to tears.
"Sorry Calvin huh? Sorry kung hindi ko masabi sayo ang lahat. Ang totoo kasi niyan--"
"Alexei, mahal mo ba ako?" Ikinabigla niya yung pagtatanong ko nun out of the blue alam ko yun, pero sumagot rin naman siya.
"Oo naman. Mahal na mahal kita Calvin."
"Kung ganun, okay na sakin kahit hindi mo sabihin sa akin ang lahat. Okay lang kahit wala akong alam na kahit anu tungkol sayo. Kuntento na ako na malamang mahal mo ko. Kahit yun lang ang alam ko, masaya na ako. Kasi hindi ko man maipaliwanag pero, mahal na mahal kita. Takte Alexei baliw na baliw ako sayo." Pagkasabi ko nun, ngumiti siya ng ubod ng laki at kasing bilis ng galaw niya noon tuwing tututukan niya ako ng kutsilyo, kasing bilis nun, hinalikan niya ako.
With just a kiss, all my anger and insecurities melted. She only gave me a kiss, but it felt like she gave me the world. She only gave me a kiss, but it felt like I had everything I could ask for in this world. I never felt so contented with my life, until she kissed me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top