CHAPTER 17- First Date
CHAPTER 17- First Date
CALVIN's POV
Natapos ang isang araw sa school na hindi kami nagkakausap ni Chase. Pumasok sya sa last class namin kasabay ni Alexei pero nung labasan na, nung nagtangka akong lumapit sa kanya bigla syang umalis at hindi ko na naabutan. Gusto ko syang sundan pero sabi ni Alexei wag na lang daw muna.
Kinwento sakin ni Alexei na nagkausap na sila ni Chase, umiyak pa nga raw ito sa kanya. Hindi nga ako makapaniwala na si Chase iiyak dahil sa isang babae, mukhang seryoso nga talaga sya kay Alexei. Mas lalo tuloy bumigat yung pakiramdam ko dahil dun.
.
.
Ngayon may pasok na naman kami pero absent na naman si Chase. Balak ko pa naman sana na kausapin na sya talaga ngayon kahit iwasan nya pa ako kaso paano ko sya makakausap kung gantong absent sya? Hays.
Buong araw sa school lumilipad lang ang isip ko. Nakakapanibago na wala si Chase para mag ingay sa tabi ko.
Naglalakad na kami pauwi ni Alexei ng biglang may magtxt sa cellphone ko at nabigla ako ng pangalan ni Chase ang lumabas. Agad kong binasa yung text message at pagkabasa ko nun..
"Ah Alexei, mauna ka ng umuwi, may kailangan lang akong gawin."
"Huh? Hihintayin na kita Calvin."
"Alexei kasi.." mukhang nabasa na nya ang sitwasyon ko kaya..
"Naiintindihan ko. Uuna na akong umuwi, ipagluluto kita ng masarap na pagkaen kaya bilisan mo huh?! Pag pinaghintay mo ko ng matagal, alam mo na ang mangyayari sayo Calvin." tingnan mo to, sweet na sana pero may halo paring killing intent lage
"Oo na, mabilis lang to." sabi ko lang tapos lumakad na sya palabas ng gate ng school, ako naman naglakad papunta sa rooftop nung school kung saan madalas kaming tambay ni Chase dati.
Pag dating ko dun, nadatnan ko si Chase na nakatayo, nakatalikod sa akin at nakatingin lang sa langit. Lumakad ako papalapit sa kanya hanggang sa magkatabi na kami.
Iimik palang sana ako pero nauna na syang magsalita, although sa langit parin sya nakatingin.
"Naaalala mo nung mga bata pa tayo Calvz?"
"Huh?"
"Nung mga bata pa tayo dahil sa kagustuhan kong magkaron ng kapatid, pwersahan kitang ginawang nakababatang kapatid ko kahit ayaw mo. Haha, natatandaan ko pa nun, tuwing uwian sa school lage kitang hinihintay sa may tapat ng gate pero lage mo kong tinatakbuhan. Akala ko nga nun hindi na tayo magkakasundo eh, pero isang araw napagod ka narin sa pagtakbo tapos hinayaan mo na akong manatili sa tabi mo. Nung mga oras na yun Calvz, sobrang saya ko. Sabi ko sa sarili ko nung araw na yun, gagawin ko ang lahat para maging the best na kuya para sayo."
"Chase.."
"Kaya nga simula nun ewan ko ba, lage kong mas iniisip ang kapakanan mo kaysa sa sarili ko. Para sakin Calvz kahit hindi tayo magkadugo, para parin kitang tunay na kapatid. Kaya nga nung sinabi mong gusto mo si Nina, kahit na sa totoo lang sya yung unang unang babaeng nakakuha ng atensyon ko sa campus, hindi ko sya niligawan kasi ayokong masira yung pinagsamahan natin dahil sa isang babae. Ayokong masira yung pinagsamahan natin Calvz, kaya pinilit kong lumayo. Calvz sinabi ko naman sayo nung una palang na gusto ko si Cerys, nung tinanong kita kung gusto mo sya, sabi mo hindi.. kaya Calvz bakit ganun? Bakit biglang kayo na? Bakit biglang naging mahal mo sya? Bakit hindi mo nagawang lumayo? Bakit ganun Calvz?" this time, nakatingin na sya sa akin
"Chase.. maniwala ka, tinry kong pigilan yung nararamdaman ko para kay Alexei. Tinry kong iwasan sya kasi alam kong marami akong masasaktan pero nung mga oras na akala ko mawawala na sya ng tuluyan sakin, wala na akong nagawa. Isa pa, ayoko ring lokohin ang sarili ko kaya sa tingin ko tama lang yung ginawa ko. Mahal mo si Alexei, pero mahal ko rin sya. Hindi ko sya kayang ibigay sayo Chase. I'm sorr---"
"Wag kang magsorry! Ayokong marinig ang sorry mo! Mas pinapamukha nun sakin na talunan ako kaya wag mong sabihin yun!" sigaw nya kaya napatigil na lang ako
"Chase alam kong marami ka ng ginawa para sakin. Kahit hindi ko man madalas ipakita para ka naring kapatid ko, yun ang totoo. Kaya masakit rin sakin na saktan ka ng ganto. Ang bigat ng dibdib ko. Kaya Chase kahit anung parusa tatanggapin ko mula sayo, isa akong masamang kaibigan at kapatid. Kaya sige, ilabas mo sakin lahat ng galit mo, tatanggapin ko."
"Anu bang sinasabi mo Calvin? Gusto ko lang sabihin yung nararamdaman ko, yun lang yun. Aalis na ak--" palakad na sana sya palayo pero..
"Kung ayaw mong simulan, ako ang magsisimula." sabi ko tapos sinuntok ko sya ng malakas, nagdugo yung labi nya
Unti unti nyang pinunasan yung dugo ng labi nya tapos..
"Wag kang magmamakaawa sakin pagkatapos nito.." sabi naman ni Chase tapos sinugod na rin nya ako
Hindi ako magaling sa pakikipagsuntukan pero nakipagsuntukan parin ako sa kanya. Nagsuntukan kaming dalawa hanggang sa pareho na kaming hindi makatayo pero syempre mas bugbog sarado ako. At least ngayon medyo lumuwag na yung pakiramdam ko. Hindi pa man kami ayos na dalawa, pakiramdam ko napagbayaran ko na kahit paano yung kasalanan ko sa kanya pati narin kay Nina. Dapat lang naman kasi talaga akong mabugbog.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
ALEXEI's POV
Kamusta na kaya si Calvin at si Chase? Sana magkausap sila ng maayos. Ang tagal naman dumating ni Calvin, lalamig na tong niluto ko eh tsk.
Nanonood kami ni baby Red ng tv sa salas nung bumukas ang pinto, syempre si Calvin na yun kaya agad akong tumayo para salubungin sya. Nakakatuwa, para na kaming mag asawa, kinikilig ako haha.
"Welcome home, kamusta Calv---a-anung nangyari sayo? Ok ka lang ba Calvin?" nabigla ako nung makita ang itsura nya, puro galos at pasa yung mukha at braso nya
Naglakad sya papasok tapos umupo sa sofa, sumunod naman ako sa kanya.
"Nagka initan kami ni Chase eh. Ang lakas nya masyado, ayan tuloy ganto yung itsura ko." sabi ni Calvin sabay kamot sa batok nya
"So yung lalaking yun ang may gawa nyan sa mukha mo? Hindi ba parang sobra naman yan? Patay sya sakin makikita ny--" nag aapoy na ako dun at handa ng sugurin si Chase pero biglang hinawakan ni Calvin yung kamay ko
"Sinadya kong magpabugbog para mag alala ka sakin. Gusto ko ring gamutin ako ng girlfriend ko kaya ayos lang na nangyari to sakin, ginusto ko to." natigilan naman ako tapos namula dahil sa sinabi nya
"Wa-wag ka ngang ganyan Calvin!" sabay hampas ko sa balikat nya kaso napalakas ata kaya
"Aray! Ang sakit naman Alexei! May pasa ako dun eh." daing ni Calvin
"Na-nako sorry. Hindi ko naman alam eh! Ikaw kasi dyan pinakikilig mo ko eh!"
"Hinding hindi na talaga kita pakikiligin, mamamatay ako sa bugbog sayo eh."
"Oa ka Calvin tss. Dyan ka na muna, gagamutin ko yang mga sugat mo."
Kumuha na ako ng yelo at ointment at sinimulan ng gamutin yung mga galos ni Calvin. Si baby Red inihiga ko na sa kama, tulog na sya eh.
Nung matapos ko ng gamutin si Calvin at malagyan sya ng band aid..
"Matutulog na ako." sabi ko sa kanya tapos tumalikod na ako pero bigla syang nagsalita..
"Ah Alexei!"
Napalingon ako.
"Anu yun?"
"Ah.. anu.. ah, dahil sa anu.. dahil sa nabugbog ako dahil sayo, makipagdate ka sakin bukas!"
"Di-diba sabi mo nagpabugbog ka talaga para gamutin kita? Bakit nagrereklamo ka ngayon? Tsaka tama bang ganyan ka mag aya ng date? Hindi man lang romanti--"
"Basta! Makikipagdate ka sakin bukas pagkatapos ng trabaho ko! Tayo lang dalawa, hindi kasama si baby Red."
Napangiti na lang ako sa kanya. Parang dati rati ako itong nagpupumilit sa kanya na lumabas kami tapos ngayon sya na ang nag aaya.
Lumakad ako papalapit sa kanya habang hindi inaalis yung tingin ko sa mukha nya.
"Simula ng maging tayo, ang lakas na ng loob mong utusan ako ah? Nakalimutan mo na ata kung sino ako Calvin?" sabi ko sa kanya habang hawak hawak yung ilalim ng baba nya at itinataas ito para mapatingin sya sa akin, naka upo kasi sya sa sofa
"Hi-hindi naman sa inuutusan kita. Gu-gusto ko lang nam--" natigilan sya nung hinalikan ko sya bigla sa labi, natulala sya pagtapos.
"I'm looking forward to our first date Calvin. Good night." sabi ko sabay ngiti sa kanya
"G-goodnight." sabi naman nya pero nakatulala parin haha, natatawa ako sa itsura nya
Haaay, Calvin, hindi ka naman kagwapuhan pero bakit baliw na baliw ako sayo? Ang hirap matulog pag kinikilig.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kinabukasan..
CALVIN's POV
Bilis bilis akong lumabas ng restaurant pagkatapos na pagkatapos ng shift ko sa part time job ko. Ngayon lang ako naging ganito ka excited umuwi. Ganto pala pag first date mo kasama ang girlfriend mo.
Ang usapan namin ni Alexei magkikita kami sa isang coffee shop sa loob ng isang mall. Sana mauna ako sa kanya. Baka kasi mabadtrip yun pag pinaghintay ko sya, takot ko na lang. Haay, first girlfriend ko sya tapos under pata ako tss.
.
.
Pag dating ko dun sa coffee shop, hinanap ko si Alexei sa paligid pero mukhang wala pa sya. Ayos, nauna ako sa kanya.
Naupo na ako sa isang table habang hinihintay si Alexei. Nakatingin lang ako sa entrance nung cafe. Medyo matagal narin akong naghihintay. Hindi kaya nakalimutan na ako nun?
Ilalabas ko na sana yung cellphone ko ng biglang natigilan kaming lahat na mga lalaking nandun sa coffee shop. May pumasok kasi na isang magandang babae na mahaba ang buhok. Ang ganda talaga kahit malayo sya sa akin. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya pero nung maalala kong nandito ako para sa date namin ni Alexei, natauhan ako at nagawang maalis ang tingin ko dun sa babae.
"May girlfriend na ako. Hindi ako dapat tumitingin sa ibang babae." sabi ko sa sarili ko at tumingin na lang sa table pero mayamaya tumigil yung magandang babae sa tapat ng table kung nasaan ako..
"Pwede ba akong maupo dito kasama mo?" sabi nya kaya napatingin naman ako sa kanya
"So-sorry miss pero hinihintay ko yung girlfriend k--- Alexei?"
"Hahaha! Ako nga! Sabi ko na hindi mo ko makikilala eh."
"Ba-bakit ganyan ang itsura mo?!"
"Huh? Bakit? Pa-panget ba Calvin? Hindi ba bagay sakin yung extensions? Hindi ba ok sakin ang magsuot ng heels tsaka dress? Nako dyan ka lang muna magpapalit ak--" lalakad na sana sya paalis pero hinawakan ko yung kamay nya
"Hi-hindi panget. A-ang totoo so-sobrang ganda mo ngayon." sabi ko habang hindi makatingin sa kanya
"I-ikaw talaga Calvin!" sabi naman nya sabay hampas sa akin, muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa lakas nya
"Alexei, ayoko na talagang pakiligin ka. Ayoko na talaga."
"Sorry naman. Masaya lang talaga ako at nagustuhan mo yung itsura ko. Nag effort talaga ako kasi first date natin to. Matagal ka bang naghintay Calvin?"
"Hi-hindi naman masyado."
"Tara ng umorder!" sabi niya kaya ayun lumapit na sa amin yung waiter
Habang naorder kami napapansin kong panay ang tingin kay Alexei ng mga lalaking waiter na dumadaan sa may table namin, kahit yung waiter na kumukuha ng order namin, hindi malaman kung sa listahan nya titingin o kay Alexei.
Ngayon ko lang narealize kung gaano kaganda si Alexei at kung gaano ako kaswerte dahil ako ang boyfriend nya.
"Calvin.. Calvin!"
"Huh? Bakit?"
"Nakatulala ka kasi eh. Sabi ko anung gusto mong orderin? Tapos na akong umorder."
"Ah.. ito ang sakin yung..."
Umorder na ako at ayun, kumaen na kami dun sa restaurant. Pagkatapos naming kumaen, hinawakan ko talaga yung kamay ni Alexei habang papalabas nung cafe, ang sarap dukutin ng mata nung mga lalaki dun sa coffee shop, parang gusto nilang kainin si Alexei.
.
.
Naglibot libot lang kami ni Alexei sa mall. At dahil mga ilang oras narin kaming ganun, medyo masakit na daw ang paa nya kaya naupo muna sya sa isang bench tapos nagpabili sakin ng maiinom, nauhaw ata. Kaya iniwan ko na muna sya dun sa bench para bumili.
Pagbalik ko dala dala yung inumin.. nadatnan ko si Alexei na pinaliligiran ng tatlong lalaki.
"Nag iisa ka miss. Sumama ka samin." sabi nung isang lalaki pero hindi sya pinansin ni Alexei
"Sayang ang ganda mo kung uupo ka lang at tatanga dito. Sumama ka na lang samin." sabi naman nung isang lalaki tapos umupo sa tabi ni Alexei at inakbayan pa ito
Lalakad na sana ako palapit sa kanila pero..
"Alisin mo yang braso mo sa balikat ko." sabi ni Alexei na may killing intent na sa mga mata nya, nakakatakot
"Ayoko miss. Sumama ka na lang sami--"
"Sabi ng alisin mo eh! Ang kulit mo!" sigaw ni Alexei tapos bigla nyang hinawakan yung braso nung lalaki at pinilipit yun tapos tinulak sya sa saheg tapos tinapakan yung lalaki.
Brutal talaga sya.
"Umalis kayo sa harapan ko ngayon din kung ayaw niyong mas masama pa dito ang sapitin nyo." sabi nya sa kanila at mukhang natakot na yung tatlong lalaki kaya nagtatakbo na paalis
"A-Alexei nan-nandito na ako." sabi ko paglapit ko sa kanya
"Ka-kanina ka pa nandyan Calvin?"
"Me-medyo."
"Anu ba yan! Kanina ka pa pala nandyan pero hindi mo man lang ako pinagtanggol, anung klaseng boyfriend ka?!" sabi nya sabay cross arms
"Lalapit na nga sana ako para ipagtanggol ka kaso mukhang mas malakas ka pa sakin eh."
"Tsk, kung alam ko lang sana na nandyan ka, sana hindi ako nanlaban. Romantic sana kung ipagtatanggol mo ko. Tsk." sabi naman nya sabay pout, natawa na lang ako, para syang bata
"Anung tinatawa tawa mo dyan Calvin? Disappointed na nga ako nakakatawa ka pa dyan!"
"Sorry na. Sa susunod kahit na mas malakas ka sakin, ipagtatanggol kita kung yun ang gusto mo."
"Talaga? Sabi mo yan huh! Sa susunod na may mga gagong lumapit sa akin, dapat bugbugin mo sila huh? Dapat mas matindi pa dun sa ginawa ko kanina."
"Parang hindi ko ata kaya yun. Hindi ako kasing brutal mo." bulong ko
"Anung sabi mo Calvin?"
"Wala, sabi ko uminom ka na, ito oh." inabot ko na sa kanya yung inumin tapos ininom na nya yun
.
.
Ngayon nasa grocery store naman kami. Mamimili daw si Alexei ng gatas at diaper ni baby Red pati narin ng ingredients para sa mga lulutuin nyang ulam namin.
Tahimik lang akong tinutulak yung cart ng biglang napatigil si Alexei paglalakad, parang may nakitang kung anu sa di kalayuan. Tinrace ko kung saan sya nakatingin at nakakita ako ng dalawang lalaking nakasuot ng suit, isang medyo may edad na lalaki at isang mukhang kaedad lang halos namin. Napatingin yung lalaking halos kaedad namin sa direksyon ni Alexei, at nung magtama ang mata nila bigla na lang..
"Calvin, may titingnan lang ako dun!" sabi ni Alexei tapos agad syang nagtatakbo. Pag tingin ko naman dun sa lalaki kanina, nawala na sya sa paningin ko.
Hinanap ko ng hinanap si Alexei pero hindi ko sya makita. Tatawagan ko na sana sya pero mas nauna syang tumawag sa akin. Nung sinagot ko yun, sabi nya nauna na daw syang lumabas sa grocery store, bayaran ko na daw muna yung nasa cart tapos magkita na lang kami sa labas ng exit ng mall. Sinunod ko naman yung sinabi nya kahit naguguluhan ako.
Ngayon palabas na ako ng exit ng mall. Hinanap ng mata ko si Alexei tapos nakita ko sya, pero mas naunang lumapit sa kanya yung lalaking naka suit kanina kaysa sa akin, medyo malayo kasi sakin si Alexei.
Napansin kong maglalakad palayo dun sa lalaki si Alexei pero hinigit sya nito paharap sa kanya ta-tapos niyakap sya nito. Syempre pagkakita ko nun dali dali na akong nagtatakbo papunta sa kanila.
"Bitawan mo ang girlfriend ko!" sigaw ko dun sa lalaki, tinanggal naman nya ang pagkakayakap kay Alexei tapos tumingin sya sa akin
Aw, ang laki pala ng tangkad nya sa akin. Hindi halata sa malayo. Mukha syang mayaman, mukhang artista, lalaki ako pero aminado akong gwapo sya. Tapos yung mata nya, may kakaibang aura sa mata nya, parang mata ng isang agila. Sobrang talim ang tingin nya sa akin.
"Who are you? What's your relationship with my lady?" aw, foreigner ba sya?
"B-boyfriend nya ako!"
"Boyfriend?" sabi nya at naglakad lalo palapit sa akin
"Oo boyfriend nya ako. Kaya, mauuna na kami sayo. Tara na Alexei." hihigitin ko na sana si Alexei pero natigil ako kasi bigla na lang syang may kinuhang baril mula ata sa binti nya tapos tinutok yun sa may ulo ko.
Wha-what the hell? Bakit may baril sya? Paano sya nakapasok sa mall ng may baril? Kung si Alexei mahilig manutok ng kutsilyo, sa kanya naman baril?
Napansin ata kami nung isang guard kaya lumapit yun sa amin. Nagpanic, kasi nga may baril yung lalaki. Tinutukan nung guard ng baril yung lalaki pero imbis na matakot, ngumisi pa ito tapos ang bilis ng kamay nya biglang may isa pa syang hawak na baril na ngayon nakatutok dun sa guard.
Bale dalawang baril ang hawak nya, isa nakatutok sa akin, isa nakatutok dun sa guard. Unti unti ng dumarami yung mga tao sa paligid namin. Parang eksena lang to sa isang action film. Anu ba talagang nangyayari?
"No one touches my lady. You have no right to touch even a single strand of her hair. Foolish commoners." sabi pa nung lalaki
Sino ba talaga sya? Anung connection nya kay Alexei? At bakit kailangan nya akong tutukan ng baril? Babarilin nya ba talaga ako?
First date namin to ni Alexei, magiging last date na ba namin to? Nakakaloko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top