CHAPTER 15- Love is... SELFISH.
CHAPTER 15- Love is... SELFISH.
ALEXEI's POV
"Calvin, dalhin mo to oh! Pinag gawa rin kita ng lunch! Masarap to!" inaabot ko kay Calvin yung lunch na ginawa ko pero tiningnan lang nya ako at lumakad na sya paalis
Napabuntong hininga na lang ako. Ilang araw ko na kasi syang pinag gagawa ng lunch, pinagluluto ng breakfast at dinner, pero kahit isang subo sa mga niluto ko hindi sya kumakaen. Pag nasa school kami hindi nya ako iniimikan, minsan sinasabayan ko sya papuntang school para magkausap kami pero talagang binibilisan nya ang lakad. Pag dating naman sa bahay, pagkagaling nya sa trabaho, ni ha ni ho, wala syang sinasabi sa akin. Dadaanan lang nya ako tapos tutulog na sya. Para na nga lang akong hangin sa kanya these days.
Tinry ko na lahat para maalis ko yung galit nya. Nag linis ako sa bahay, ako na yung naglalaba ng damit ko (nagpaturo pa ko dun sa landlord kung pano), nagluluto ako ng masasarap at mamahaling pagkaen, nagpapakabait na ako sa kanya, pero wa epek parin. Hanggang ngayon, galit parin sya sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasasaktan ako pag ganto sya sa akin pero hindi ko magawang mag reklamo, ang laki nga naman ng pinakawalan nya dahil sa kagagawan ko.
Ilang oras ang nakalipas, sumunod na rin ako sa school, iregular student nga ako kaya naman naunang pumasok sa akin si Calvin.
Ngayon magkatabi kami ni Calvin sa upuan, nasa unahan namin si Nina. Pansin kong nitong mga nakaraang araw hindi rin iniimikan ni Nina si Calvin. Ang awkward ng atmosphere sa kanila. Tapos si Crissa, mukhang galit pa kay Calvin. Haay, ako ang may kasalanan ng lahat ng to eh. Kung wala nga lang sana ako, siguro hindi ganito ang dinadanas ni Calvin ngayon. No wonder gusto ni Calvin na mawala na lang ako sa buhay nya.
Ang tanging taong nakakapagpagaan na lang ng loob ko ngayon ay ang isang to..
"Hayaan mo na lang muna sya. Hindi naman sya galit sayo. Hindi ganun si Calvin. I'm sure depress lang sya kasi nga hindi sya sinagot ni Nina. Gusto lang nun mapag isa pero hindi sya galit sayo kaya wag ka ng mag isip huh?" -Chase, labasan na kami ngayon sa klase at nilapitan nya ako agad, napansin sigurong malungkot ako
"Pero iniiwasan nya ako! Alam ko galit sya sakin kahit hindi nya sab--"
"Tama na nga yan! Hindi bagay sayo ang drama my lord! Astig ka diba?! Kaya nga kita nagustuhan kasi astig ka! Kaya wag ka ng magdrama at samahan mo na lang ako, ililibre kita ng ice cream tara!" hinigit nya ako at nagtuloy tuloy kami papunta dun sa bilihan ng ice cream sa school
Ngayon naka upo kami sa isang bench.
"Grabe ubos na agad yung sayo?" sabi nya pagkakita nya na ubos ko na yung ice cream ko samantalang yung kanya halos parang wala pang bawas
"Gutom eh bakit ba? In fact parang gusto ko pa! Kaya akin na yan!" inagaw ko sa kanya yung ice cream na hawak nya at sinipsip na yun
"Konti palang ang nakakaen ko dyan! Nalawayan ko na pati yan!"
"Hindi nakakamatay ang laway! Bumili ka na lang ulit ng bago! Shoo! Bumili ka na ng sayo! Akin na to!"
Napakamot sya sa ulo pero ngumiti rin naman..
"Anung nginingiti ngiti mo dyan?" tanung ko, kakaiba kasi yung ngiti nya
"Wala lang, masaya lang ako at si Cerys ka na ulit."
"Anu bang pinagsasasabi mo?!"
"Ibig kong sabihin, ikaw na ulit yung dating Cerys, lately kasi lage kang malungkot at nagsspace out, pero ngayon astigin ka na ulit. Kaya masaya ako. "
"Haay, ewan ko sayo, bumili ka na lang ng ice cream mo, tapos ibili mo narin ako ng burger! Parang gusto ko ng burger!"
"Wow, abuso na naman ata yan?!"
"Ayaw mong sumunod?" nilabas ko yung swiss knife ko at akma syang tututukan nito
"Hi-hindi na. Ikaw naman, bibili na nga eh. Basta ikaw my lord." sabi nya at nagtatakbo na sya papunta dun sa bilihan
Hindi ko talaga akalain na gagaan ang loob ko sa lalaking yun. Ayoko kasi talaga sa mga katulad nyang babaero, masyadong mayabang at masyadong narcistic, gwapong gwapo sa sarili. Pero habang nakakasama ko sya, habang mas nakikilala ko sya, unti unti nyang pinapamukhang mali yung pagkakakilala ko sa kanya. With him I feel special. Pag kasama ko sya pakiramdam ko napaka importante ko. He treats me like a princess while Calvin treats me like trash and yet, bakit si Calvin parin ang gusto ko? Hays.
Bumalik na rin sya ilang saglit at sinimulan ko ng kainin yung burger. Masusuka na ko sa kabusugan sa totoo lang pero pinipilit kong kumaen. Ganto kasi ako pag malungkot eh, dinadaan ko sa pagkaen.
Habang kumakaen kami..
"Anung klase ng pag ibig meron ka?" napa ubo si Chase bigla nung sabihin ko yan
"*cough *cough, anu bang klaseng tanong yan my lord?"
"Sagutin mo na lang! Selfish na pag ibig ba ang meron ka o selfless?"
"Anung ibig mong sabihin?"
"Selfish, hahamakin lahat para makuha mo yung taong gusto mo o selfless, hahamakin mo ang sarili mo para makuha nung taong gusto mo yung gusto nya?"
"Hmmm, medyo mahirap yan ah. Pero kung ibabase ko ang sagot ko sa nararamdaman ko sayo, siguro both."
"Both? Pano nangyari yun?"
"Well, right now, handa kong gawin ang lahat para makuha ka, that makes me selfish. Pero pag dumating yung oras na ikaw na mismo ang magsabi saking pakawalan kita at wag ng kuhanin, pakakawalan kita kasi gusto ko masaya ka, that makes me selfless. Pero hangga't hindi mo sinasabi na sukuan kita, I think I'll be selfish for the meantime."
"Ooh.."
"Yan lang talaga ang response mo sa haba ng sinabi ko?!"
"Masyadong malalim, masakit sa ulo."
"Tch, anu pa nga bang inaasahan ko sayo. Haha. Kumaen ka na lang my lord, dala lang ng gutom yan."
"Baka nga." sagot ko
Pero sa totoo lang dahil sa mga sinabi nya, may narealize ako. What I have for Calvin now, is a selfish kind of love, I don't wanna leave his side eventhough he doesn't want me there. I will do anything just to to stay by his side.. pero.. dahil sa sya na ang nakiusap sa akin.. dahil sya na ang humiling.. para sa kanya.. I'll try to convert this selfish love into a selfless kind of love.
Hindi ko alam kung papatawarin ako ni Calvin sa gagawin kong to, pero kung hindi man, at least makabawi man lang ako sa kanya. After what I'll be doing alam ko kung gaano kasakit ang mararamdaman ko kaya hangga't maari I don't wanna resort to this pero mukhang kailangan na talaga. Masakit oo, pero mas masakit yung makita ko pa si Calvin na malungkot kaya naman.. bahala na.. gagawin ko na lang to..
"Chase.."
"Whoa? tinawag mo talaga ako sa pangalan ko?!"
"Over ka naman maka react dyan!"
"Sorry, pero nabigla lang talaga ako. Ang sarap pakinggan, pwede paki ulit?"
"Ayaw ko."
"Sabi ko nga. O anu ba kasi yun my lord?"
"Gusto mo ako diba?"
"Oo, hindi pa ba obvious?"
"Obvious."
"Bakit mo natanong? Gusto mo narin ako?"
"Hindi! I mean, hindi pa. Pero kung gusto mo ko, diba kahit anung hilingin ko pagbibigyan mo?"
"Basta kaya ko. Bakit may ipabibili ka na namang pagkae--"
"Hindi.. gusto ko sanang.." binulong ko na sa kanya yung pabor na hihingin ko at wala namang pagdadalwang isip syang pumayag don
Wala ng atrasan to.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
NINA's POV
"Bakit mo naman binasted si Calvin? Gusto mo sya diba?" -Crissa, hindi na nya talaga ako titigilan, ilang araw narin nyang tinatanong sakin yan
"Haay hindi mo talaga ako titigilan ng kakatanong tungkol dyan no?"
"Hindi talaga! I mean, I'm disappointed with him pero I want you to be happy. Alam kong gustong gusto mo sya kaya hindi ko maintindihan kung bakit mo nagawang tanggihan ang isang bagay na alam mong gustong gusto mo."
"Haaaaaay.. Crissa.. mahirap ipaintindi eh.. Sabihin na lang nating yung bagay na gustong gusto ko, masama sa akin. Parang ganito eh, may gustong gusto akong pagkaen pero allergic ako dun, gustong gusto ko yun oo, pero iiwasan kong kainin, kasi alam kong pag kinaen ko yun, may masamang mangyayari sakin. Kahit gustong gusto mo ang isang bagay kung masasaktan ka lang naman nun, mas mabuti pang--"
"Teka, masasaktan? Paano ka masasaktan ni Calvin kung---ooh.. Wag mong sabihing--" natigil kami ng pag uusap ni Crissa nung
"Nina!" may tumawag sa akin at pag tingin ko..
"Cerys?"
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CALVIN's POV
Naglalakad ako ng makita ko si Alexei na nagtatatakbo at nagmamadali. Saan sya pupunta?
Sinundan ko sya dahil mukhang desperadong desperado sya, baka kung anung gulo na naman ang nasangkutan ng babaeng yun. Pero parang wala namang humahabol sa kanya ah? O sya ba ang may hinahabol? Ah ewan.
Ang bilis nyang tumakbo nawala sya sa paningin ko. Hinanap ko sya ng hinanap hanggang sa matigilan ako dahil sa nakita ko..
Nakita ko si Alexei sa harap ni Crissa at ni Nina, nakaluhod sya sa harap nila. Anu bang ginagawa nya?
"Ce-cerys tumayo ka na dyan! Hindi mo kailangang gawin to!" -Nina
"Oo nga Cerys, tumayo ka na dyan." -Crissa
"Hindi! Hindi ako tatayo hangga't hindi mo sinasabi Nina na bibigyan mo pa ng isang chance si Calvin!"
"Pero Cerys--"
"Sinabi ko na sayo, binlackmail ko lang si Calvin. Kaya kami lageng magkasama kasi binlackmail ko syang patirahin ako sa bahay nya. Kaya sya pumunta sa akin nung kumukulog the night he confessed to you, is because binlackmail ko din sya. Sabi ko pag hindi sya pumunta sakin, pag hindi nya ako sinamahan buong gabi, gagawin kong miserable ang buhay nya at idadamay kita! Kagagawan ko ang lahat! Hindi nagdadalwang isip si Calvin sa nararamdaman nya sayo! Simula palang ikaw na ang gusto nya! Ikaw lang Nina! Alam kong gusto mo rin si Calvin kaya sige na! Sige na bigyan mo sya ng isa pang ch--"
"Alexei! Tumayo ka na nga dyan!" hindi ko na napigilan ang sarili ako at agad akong lumapit sa kanya at pilit syang hinihigit patayo
"A-ayoko Calvin. Hindi ako tatayo dito hangga't hindi ka pinagbibigyan ni Nina."
"Wag ka ng makulit Alexei! Tumayo ka na dyan!"
"Hindi! Hindi ako tatayo dito. Ako ang may kasalanan ng lahat kaya ako ang aayos nito."
"Pero Alexei--"
"Sige na. Oo na! I'll reconsider my answer, so please tumayo ka na Cerys." -Nina
Natigil kami dahil sa sinabi nya.
"Ta-talaga? Sa-salamat Nina!" agad na lumapit si Alexei kay Nina at niyakap ito
"Calvin, narinig mo yun? Narinig mo diba? Bibigyan ka pa nya ng isa pang chance kaya wag mo ng sayangin huh?! Pumunta ka na sa kanya!" tinulak nya ako palapit kay Nina, nakangiti sya pero bakit parang may nakita akong luhang pumatak mula sa mata nya?
Nagtatakbo sya paalis. Gusto ko syang habulin pero nahihiya naman ako kay Nina. Alam kong sinasaktan ko lang sya. Haay, I shouldn't have confessed to her without knowing my true feelings. Para kasing pinaasa ko lang sya. Hays.
"Sabi nya binlackmail ka lang daw nya, kaya mo sya pinuntahan ng gabing yun? Kaya hindi mo sya mapabayaan kasi binlackmail ka lang nya? Totoo ba yun Calvin?" -Nina
Hindi ako makasagot, nakatingin lang ako sa path kung saan dumaan si Alexei kanina.
"Sabi nya, aalis na daw sya sa buhay mo. Mawawala na daw sya tulad ng gusto mo, basta daw bigyan pa kita ng chance, mawawala na sya sa buhay natin. Nag aalala ako sa statement nyang yun, sa tingin mo Calvin, anung ibig nyang sabihin dun?"-Nina
Mawawala? Aalis? Wag mong sabihing--
"I'm sorry Nina, alam kong isa akong malaking gago. Sorry for messing up with your feelings. Sorry sa pagcoconfess without realizing my true feelings. I really like you Nina, kaso hindi ko alam ang nangyari. Ngayon yung babaeng yun na ang pinaka mahalaga para sa akin. Hindi ko alam kung paano nangyari pero gustong gusto ko na sya. Masisiraan na nga ako ng ulo dahil sa kanya. I know it'll hurt you even more pero I think you should know this, hindi nya ako binlack mail. Staying by her side that night was my choice. So blame it all on me. I'm really sorry Nina."
"How could you do this to her Calv--" -Crissa
"Tama na Crissa. Just let him go."
"Pero--"
"Umalis ka na Calvin! Kung mahalaga sya sayo, habulin mo sya! Nasaktan mo na ako, wag mong sabihing hahayaan mo rin syang masaktan?"
"Sa-salamat Nina. Salamat." pagkasabi ko nun, nagtatakbo na ako paalis
Wala pa akong alam na kahit na anu sa babaeng yun bukod sa pangalan nya at sa ugali nyang kakaiba. Pag nawala sya sa akin, saan ko sya hahanapin? Paano ko sya hahanapin? Pag hindi ko sya naabutan I could lose her forever. And that thought, that thought scares me the most. I have never been this scared before.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
ALEXEI's POV
Nagawa ko na ang dapat kong gawin. Sana sa ginawa kong to maging masaya na si Calvin. Dapat lang maging masaya sya kasi.. kasi sobrang sakit nito para sa akin.
Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko habang inilalagay ko yung mga gamit ko sa maleta. Napag pasyahan kong umalis na sa lugar na to. Umalis na sa tabi ni Calvin. I asked Chase if I could live with him, kami ni baby Red. May condo daw syang sarili, and he said we could live there.
In fact si baby Red nasa condo na ni Chase, magluluto daw si Chase ng dinner para samin. Magcecelebrate daw sya kasi makakasama nya na ako. Baliw talaga yun. Magkasama sila ni baby Red sa condo, bumalik lang ako dito para kuhanin na yung natitirang gamit ko at para magpaalam narin sa lugar na to. Sa maikling panahon napamahal na rin to sakin, mamimiss ko to, yung landlord, pati si Calvin. Lalong lalo na si Calvin. Mukha kasing kakailanganin ko na lang din lumipat ng ibang school, kasi sabi nga ni Calvin, ang gusto nya, mawala ako ng tuluyan sa buhay nya.
Hays..
"Paalam na kwarto ni Calvin, sorry sa mga kalat na iiwan ko dito, wala na akong time maglinis eh. Babye, mamimiss kita. Alagaan mo na lang si Calvin huh? Pagpahingahin mo sya ng maayos dito. Paalam n--"
"Pati kwarto kinakausap mo? Nasisiraan ka na ba talaga?" natigil ako at napaharap dun sa nagsalita
"Calvin? A-anung ginagawa mo dito?"
"Condo ko to, anung nakakapagtaka kung bakit nandito ako?"
"Diba dapat nandun ka kay Ni--"
"Anung alam mo sa dapat at hindi para sa akin? Tsaka saan ka pupunta? Bakit naka pack na yang mga gamit mo?"
"Hi-hindi mo na kailangan malaman. Aalis na ko sa buhay mo, gaya ng gusto mo kaya mag party party ka na. Sige bye alis na ak--" hinila ko na yung maleta ko at dadaanan na sya pero niyakap nya ako mula sa likod
"Ca-Calvin anu bang ginagawa m--"
"Pag umalis ka saan ka titira? Paano na kayo ni baby Red?"
"Kung yun ang inaalala mo, ok lang, may titirhan na kami. Naayos ko na. If that's the only thing you're worried about Calvin, wag mo ng intindihin yun. You can let me go now Calvin. Hindi ko na aabalahin pa ang buhay m--"
"Ang sama mo talagang babae ka."
"A-anu?! Aalis na nga ako dib--"
"Nakitira ka sa bahay ko ng pwersahan! Ginawa mo kong batang ama sa mga magulang ko! Pinaglaba mo ko ng mga undergarments mo! Pinagtrabaho mo ko! Binasted ako ng babaeng gusto ko dahil sayo! Pati best friend ko tataluhin ko! Kinuha mo na lahat sa akin! Kinuha mo na lahat, tapos aalis ka ng ganun ganun na lang? Iiwan mo na lang ako basta basta na parang wala kang ginawa sa akin?!"
"Kaya nga ako aalis Calvin kasi--"
"Panagutan mo ko!"
"A-anu?"
"Take responsibility for all the damages na dinala mo sa buhay ko!"
"That's exactly what I'm doing Calvin! As compensation para sa lahat lahat, eto na ako handa ng maglaho na sa buhay mo para--"
"Mahalin mo ko!"
"A-anu?" naguguluhan na ako sa mga sinasabi nya
"Mahalin mo ko at abswelto ka na sa lahat ng kasalanan mo. Sabihin mo lang mahal mo ko Alexei, palalampasin ko lahat ng ginawa mo sa akin."
A-anu daw? Anu daw sinasabi nya ngayon?
"Gusto mong mahalin kita, pero may mahal kang iba? Yun ang gusto mo? Ang unfair naman ata nun Calvi--"
"Bakit sino ba sa tingin mo ang mahal ko?!" sigaw nya
"Aba malay ko sayo! Bakit ako ang tinatanong mo?!" sigaw ko
"Eh bakit sabi mo may mahal akong iba?!"
"Eh sino ba kasi talagang maha--"
"IKAW!" sigaw nya, natigilan tuloy ako
"Mahal kita. Hindi ko alam kung kailan nagsimula o paano nangyari pero mahal kita. Mahal kita kaya please, manatili ka sa tabi ko at sabihin mong mahal mo rin ako."
Ilang minuto rin akong naka pause dun. Unti unti kong inalis yung braso nyang nakayapos sa akin. Lumakad ako papuntang pinto..
"Iiwan mo parin ba ak--"
Hindi ko na sya pinatapos ng pagsasalita. Nilock ko lang yung pinto tapos hinalikan ko na sya. May tumatawag sa cellphone ko, si Chase siguro pero hindi ko na lang pinansin.
"Swerte mo, kung nahuli ka lang ng ilang saglit, hindi na ikaw ang pipiliin ko." bulong ko sa kanya at hinalikan na nya ulit ako
Ang saya saya ko. Ang saya saya ko ngayon. I was about to let go. I was ready to lose him. I was ready to turn this selfish love into a selfless one pero in the end.. in the end.. my love for him is still...SELFISH.
I'm really sorry Chase.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
CHASE's POV
"Yes, mukhang masarap na to! Ang bango eh! Anu sa tingin mo baby Red? Magugustuhan to panigurado ng mommy mo!" sabi ko kay baby Red habang hinahaen yung pasta na niluto ko sa table
"Ang sweet ko no baby Red? Nag prepare pa ako ng candle light dinner! Ngayon ko lang ginawa to huh! Kaso baka sabihin lang ng mommy mo ang corny at ipabukas nya lang yung ilaw. Haha. Naiimagine ko na ang reaksyon nya pag dating nya. Pero ayos lang, at least nag effort ako para mapasaya sya diba? Ang lungkot kasi ng mommy mo ngayon baby Red eh. Pasayahin natin sya mamaya huh?"
.
.
Lumipas ang mga oras pero wala parin si Cerys. Bakit ang tagal nya? Tinawagan ko na sya pero di sya sumasagot. Well lage namang hindi sumasagot yun sa tawag ko eh. Tsk. Darating din siguro yun.
"Inaantok ka na baby Red? Sige matulog ka na. Ako na lang ang maghihintay sa mommy mo." pinadede ko na si baby Red at nakatulog na sya sa mga bisig ko
Malamig na yung pasta, tunaw na yung yelo kung saan nakalublob yung red wine. Halos mauupos narin ang kandila pero wala parin si Cerys.
"Baby Red.. pinaghihintay na naman ako ng mommy mo. Lage na lang nya akong pinaghihintay. I really hated waiting back then. Maikli ang pasensya ko, ayoko ng pinaghihintay. Pero baby Red, dahil special ang mommy mo, maghihintay ako, maghihintay ako sa kanya kahit gaano katagal. Baby Red, tinamaan na ata talaga ako. Mahal ko na ata talaga ang mommy mo."
Magdamag akong nag hintay ng gabing yun pero hanggang sumikat ang araw, walang Cerys na dumating. Hindi sya dumating.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top