CHAPTER 14- I'm Sad Because..

CHAPTER 14- I'm Sad Because..

CALVIN's POV

"Hmp!" -Crissa sabay irap sa akin at sumakay na sa bus

Pauwi na kami ngayon galing field trip at inis na inis sa akin si Crissa dahil sa ginawa ko kagabi, well naiintindihan ko naman sya. Gusto nya maging perfect yung plan and I ruined it. Sinayang ko lang ata yung effort nila.

"Pare, wag mo na lang pansinin, mainit lang ulo nun ngayon. Ayos lang yan. Kaw kasi eh, wag ka masyadong maalalahanin sa ibang tao, pati sarili mong kaligayahan sinasakripisyo mo. Sana ako na lang ang pinapunta mo kay Cerys eh. Pero what's done is done, let's just hope for the best." -Chase sabay pat sa balikat ko at sumakay na kami sa bus

Awkward nga eh. Kami parin ang magkatabi ni Nina at hindi ako makatingin sa kanya, ganun rin sya sa akin. Hindi ko alam ang dapat sabihin sa kanya. Hays. Ngayong alam na nya yung nararamdaman ko para sa kanya mas lalo pa kaming naging awkward kaysa sa dati. Medyo nahihiya rin ako sa kanya kasi nga iniwan ko sya para puntahan si Alexei. Sasagutin pa ba nya ako ng lagay na to? Geez, palpak talaga ako.

Buong byahe ni isang salita wala kaming napag usapan ni Nina, natulog na lang kaming pareho. Tapos nung dumating na yung bus sa may tapat ng bahay nila Nina, dumaan lang sya sa harap ko at talagang kahit tingnan ako hindi nya magawa. Nakababa na sya ng bus ng higitin ako patayo ni Chase..

"Anu bang ginagawa mo Calvin? Chance mo na tong bumawi sa kanya! Sundan mo sya! Kuhanin mo yung sagot mo!" -Chase

"Oo nga Calvin, ihahatid na lang ako ni Chase sa condo kaya puntahan mo na si Nina, chance mo na to! Sige na!" -Alexei

at dahil sa pag uudyok nila bumaba nga ako dun sa bus at hinabol si Nina

"Calvin?" -Nina

"Ako na ang magdadala ng mga gamit mo, mukhang mabigat eh." kukuhanin ko na sana yung maleta nya pero bigla syang umimik..

"Mukhang hindi na talaga ako makakatakas no?"

"Huh? Anung ibig mong sabihin?"

"Sorry kung hindi man lang kita mabigyan ng maayos na sagot, talagang nabigla ako sa mga nangyari. Pero naisip ko nga rin hindi naman tamang tratuhin kita ng ganto pagtapos ng mga sinabi mo sakin kagabi.. Pinag isipan ko rin to kagabi Calvin, pinag isipan ko ng mabuti.. Calvin ang sagot ko sa tanung mo, if I want to be your girlfriend.." lumapit sya sa akin at tinitigan ako sa mata, ang lakas ng kaba ko ngayong kaharap ko sya

At halos lumundag ang puso ko nung sinabi nya ang mga salitang ito..

"Yes Calvin, I want to be your girlfriend."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ALEXEI's POV

I can't stop pacing back and forth habang nandito ako sa kwarto ng condo ni Calvin. Pagod ako galing byahe but I just can't bring my self to rest. Buti pa si baby Red tulog na tulog na, namiss ko sya kahit isang araw ko lang syang hindi nakasama, buti at inalagaan sya nung landlord. 

"Kalma lang Alexei, kalma lang. Sagutin man sya ni Nina o hindi, dapat kalma ka lang." ito ang paulit ulit kong sinasabi habang pabalik balik na naglalakad

Haaay, ewan ko ba, ang gulo ng nararamdaman ko. Gusto ko ng dumating si Calvin at malaman kung anung nangyari na parang ayaw ko rin. A part of me hopes na sinagot sya ni Nina para maging masaya siya pero may part rin sakin that hopes na hindi sya sinagot ni Nina para may pag asa pa kami. Hays, ang sama ko, dapat kung mahal ko si Calvin dapat kaligayahan nya yung iniisip ko eh, pero.. hays! Bura, bura, bura, bura! Dapat iwish ko sagutin ni Nina si Calvin para maging masaya sya! Yun ang dapat!

Pag sinagot sya ni Nina, magiging masaya sya..Masaya sya.. pero ako.. Hays! Anu ba tong naiisip ko? Bakit ako nalulungkot pag iniisip kong magiging sila ni Nina? Hays! Anu ba naman ako!

.

.

.

Matagal rin akong naghintay sa pagdating ni Calvin na hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako. Nagising lang ako kasi biglang umiyak si baby Red, gutom na siguro so pinagtimpla ko sya ng gatas at ayun nakatulog na naman ulit. Pagtapos nun lumabas ako para tingnan kung dumating na si Calvin and I was surprised to see him in the living room na umiinom mag isa. Bakit sya umiinom? Umiinom for celebration ng pagiging sila ni Nina, or umiinom dahil sa rejection?

Lumapit ako sa kanya.

"Calvin? Anung oras ka dumating? Kanina pa kita hinihintay." sabi ko pero ni hindi man lang nya ako tiningnan bagkus ay lumagok sya ng beer habang nakatingin lang sa tv

"Calvin hoy! Lasing ka na ba kaya di mo ko naririnig? Ang dami mo ng nainom ah! Tama na!" aagawin ko na sana sa kanya yung nilalaklak nyang beer pero nilayo nya yun sa akin

"Calvin! Sagutin mo nga ako! Anu bang nangyari? Sinagot ka ba ni Nina?" pagkasabi ko nyan natigil sya at ayun sa wakas tumingin narin sya sa akin

"Sinagot nya ako."

"Yun naman pala eh! kung ganun bakit ganyan k--"

"Sinagot nya ako, pero hindi 'oo' ang sinagot nya kung di 'hindi'." he said with a really sad expression na kahit hindi ako yung nakakaramdam, I really know he's in pain

Hindi ko alam ang sasabihin. Nalungkot ako. Some part of me says na dapat magsaya ako kasi magkakapag asa pa kami pero, talagang mas nangingibabaw yung lungkot at yung guilt ko. Pakiramdam ko kasi kasalanan ko kung bakit sya hindi sinagot ni Nina.

"Ga-ganun ba? Well siguro nabigla lang sya kaya ganun, wa-wag kang mawalan ng pag asa Calvin! Ligawan mo pa ulit sya at sigurado mapapasagot mo pa y--"

"Hindi na. Tama na to Alexei. Pumasok ka na lang sa kwarto at matulog, ayoko ng pag usapan pa to."

"Pero Calvin--"

"Pumasok ka na lang, wala ako sa mood makipag usap. Please, hayaan mo na lang akong mag isa."

"Calvin, I'm sorry, kasalanan ko to eh."

"Wala kang kasalanan Alexei, kaya wag kang magsorry. Ako ang may kasalanan. Matulog ka na lang at magpahinga ok? Wag mo na akong intindihin."

Sinunod ko ang sinabi nya at pumasok na nga lang ako sa kwarto. Nakahiga na ako sa kama pero hindi ako makatulog. I really feel bad pag naaala ko how sad he looks like, how sad his voice sounds like. Ako ang dahilan kung bakit sya malungkot! Kung hindi lang sana ako takot sa kulog sana masaya ngayon si Calvin! Sana ang saya saya nya ngayon! Kasalanan ko lahat ng to! Naiiyak na tuloy ako, hays.

.

.

Kinabukasan.. Maaga akong gumising, since wala kaming pasok dahil pahinga kami dahil galing ngang fieldtrip, napagisipan kong ipaghanda ng almusal si Calvin. Pambawi man lang sa sakit na dinulot ko sa kanya, sa kanila ni Nina.

Paglabas ko ng pinto, nakita kong nakatulog na sya sa sofa, kalat kalat pa yung mga bote ng beer. Naubos nya yung isang case ng mag isa? grabe. Niligpit ko yun at nagsimula na akong magluto. Ipagluluto ko sya ng may sabaw para matanggal yung hang over nya pag gising nya.

Pagkatapos kong magluto, ginising ko na si Calvin.

"Calvin, gising na. Pinagluto kita ng pagkaen, tanghali na rin kaya gumising ka na." pag alog ko sa kanya

"A-ang sakit ng ulo ko." sabi nya sabay bangon

"Dahil yan sa pag inom mo kagabi. Maghilamos ka na at magpalit ng damit tapos humigop ka nung sabaw na niluto ko, mawawala rin yang sakit ng ulo mo."

Hindi sya sumagot bagkus ay tumayo lang at nag diretso na sa c.r. Bakit ang cold ata ni Calvin ngayon? Ni hindi nya ako tinitingnan. Ganun siguro talaga pag heartbroken. Lalo tuloy akong nagiguilty.

Paglabas ni Calvin sa c.r. bihis na bihis sya. May pupuntahan ba sya?

"Calvin, saan ka pupunta? Kumaen ka muna."

"Hindi na ako kakaen, wala rin akong gana. Lalabas lang muna ako, gagabihin ako kaya wag mo na akong hintayin." 

"Pero Calvi--" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil lumabas na sya at sinarado yung pinto

Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang kahit sinabi nyang wala akong kasalanan, I still feel na he blames me for this. I still feel na somehow, galit sya sakin. Galit sya sakin kasi kung hindi dahil sakin siguro sila na ni Nina. Kahit itanggi nya alam kong yun ang nararamdaman nya. Pero naiintindihan ko sya, kahit ako naiinis sa sarili ko, kagagawan ko ang lahat ng to. Dapat tinulak ko na lang sya pabalik kay Nina nung gabing yun imbis na hayaan syang manatili sa tabi ko magdamag. If I hadn't been selfish sana masaya si Calvin ngayon.

.

.

Kahit sabi ni Calvin wag ko na syang hintayin, hinintay ko parin sya. Ang tagal kong naghintay, halos malapit ng mag alas dose nung dumating sya, at mukhang lasing pa. Lasing na naman sya?

"Calvin, nag inom ka na naman?"

Hindi sya sumagot, nilampasan nya lang ako tapos sumalampak na sya sa sofa. Nilapitan ko naman sya.

"Calvin amoy alak ka, magpalit ka muna ng damit mo bago ka matulog. Hubarin mo pati muna yung sapatos mo."

"Wag na hayaan mo na lang ako." sagot nya habang nakapikit, lasing na talaga sya

"Hays, ako na nga lang ang magtatanggal." lumapit ako sa may paanan nya at tinanggalan ko sya ng sapatos

Kumuha ako ng pamalit nyang tshirt para bihisan sya pero..

"Hayaan mo na lang sabi ako! Magbibihis ako pag gusto ko! Umalis ka na lang!" nabigla ako nung tinulak nya ako sabay sinigaw nya yan

"Calvin, alam kong galit ka sakin, pero please hayaan mo man lang na gawin ko to para say--"

"Wala ka ng magagawa. Kahit anu pang gawin mo Alexei, wala na! Wala ng magbabago! Tama ka eh, ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Alam mo kung hindi ka sana dumating sa buhay ko, siguro ang saya saya ko ngayon. Siguro ito na ang pinaka masayang araw ng buhay ko. Bakit ka pa kasi dumating sa buhay ko Alexei? Bakit? Bakit kailangan mong dumating at sirain ang buhay ko? Bakit buhay ko pa Alexei? Hindi ba pwedeng mawala ka na lang? Hindi ba pwedeng mawala ka na lang sa buhay ko?!" nung marinig ko yan natigilan na lang ako tapos hindi ko na napigilan yung pagtulo ng mga luha ko

Alam ko naman eh, alam ko naman na kasalanan ko lahat. Alam ko. Pero mas masakit pala yung ipamukha nya sa akin yun.

Lumakad na lang ako palayo sa kanya at pumasok na sa kwarto.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 CALVIN's POV

"Aw, ang sakit ng ulo ko." nasabi ko na lang pagbangon ko para pumunta sa c.r. naiihi na ako

Pabalik na sana ako sa sofa at tutulog na ulit ng mapadaan ako sa kwarto kung nasaan si Alexei. Binuksan ko yun para tingnan kung tulog na sya pero natigilan ako..

Kinakausap nya si baby Red kahit tulog ito. Lampshade lang yung bukas pero aninag ko sa mukha nya na umiiyak sya.

"Baby Red, ang sama sama ko no? Dahil sakin nasasaktan ngayon si Calvin. Baby Red, ang bad ng mommy mo. *sniff.Tama si Calvin eh, kung hindi ako dumating sa buhay nya, siguro ang saya saya nya. Kung wala lang sana ako sana sila na ni Nina. Kung wala lang sana ako baby Red, mas maayos sana ang buhay ni Calvin. *sniff. Haay, baby Red, anu sa tingin mo? Dapat na ba akong mawala sa buhay nya? Baka sa paraang to at least makabawi ako sa kanya. *sniff. Pero baby Red, anung gagawin ko? Hindi ko ata kayang umalis sa tabi nya, hindi ko kaya baby Red, kaya paano? Paano ako mawawala sa buhay nya? *sniff. Wala na bang ibang paraan para makabawi ako sa kanya? Wala na bang ibang paraan para hindi na sya magalit sa akin baby Red?"

Dahan dahan ko na lang sinarado yung pinto. Tapos napasandal na lang ako dun.

"Hindi naman ako galit sayo Alexei eh. Hindi rin ako malungkot dahil hindi ako sinagot ni Nina. Hindi naman dahil dun Alexei eh." napabulong ko na lang, ganto kasi yung nangyari

*FLASHBACK

"Yes Calvin, I want to be your girlfriend." halos lumundag ang puso ko nung sinabi nya ang mga salitang ito, pero ang pinagtataka ko eh kung bakit hindi ako masaya

"Ku-kung ganun--"

"Hindi pa ako tapos Calvin. Yes, I want to be your girlfriend Calvin, gustong gusto kita pero, ikaw ba, sigurado ka ba talagang gusto mo akong maging girlfriend mo?"

"Huh? Ba-bakit mo naman naitanong yan? Syempre gusto ko! Tatanungin ba naman kita kung hindi?"

"Kung ganun sabihin mo, pag biglang kumulog ngayon, aalis ka parin ba at pupunta kay Cerys kahit sabihin kong wag mo syang puntahan?"

Natigilan ako sa tanong niya. Anu nga bang gagawin ko? Pupuntahan ko nga ba si Alexei?

"Hi-hindi ko alam Nina. Hindi ko alam."

"That answer is enough. Kung mahal mo talaga ako, hindi ka na magdadalwang isip, susundin mo ko. Pero dahil sa nag dalwang isip ka ibig sabihin tama yung hinala ko na--"

"Hindi Nina! Hindi ibig sabihin na hindi ako makasagot ay may gusto na ako kay Alexei. Una palang ikaw na ang gusto ko Nina! Ikaw ang gusto ko simula palang!"

"Kung ganun, masasabi mo bang hindi mo gusto si Cerys? Wala ka bang nararamdaman na kahit na anu para sa kanya? Answer me honestly Calvin, isipin mong mabuti. Wala ka ba talagang nararamdaman na kahit na anu para sa kanya?"

Again natigilan na naman ako. At hindi na lang ako nakasagot.

Lumapit pa sa akin si Nina. Hinaplos nya ang pisngi ko then she said this to me.

"I really want to be your girlfriend Calvin, pero I think, I really think I need to say no this time. Hindi ko kayang ibigay ang oo ko sa isang taong hindi sigurado sa kung anung nararamdaman nya." she said while looking at me with eyes almost into tears

Tumalikod na sya sa akin, at naglakad palayo. Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. What she said hit me. What she said seemed to awaken me. What she said showed me these feelings I never thought existed within me. At hindi ko matanggap na nararamdaman ko to, kaya nga nag inom na lang ako.

*END OF FLASHBACK

"Malungkot ako hindi dahil sa hindi ako sinagot ni Nina. Malungkot ako kasi imbis na malungkot ako after hearing her answer, instead I felt relieved. Malungkot ako hindi dahil hindi ko nakuha yung babaeng gustong gusto ko. Malungkot ako ngayon kasi yung babaeng gusto ko ngayon, ay yung babae pang hindi ko pwedeng kuhanin. Alexei, I'm sad because, I finally realized that I'm in love with you. I'm in love with you Alexei, pero hindi pwede. Hindi pwede kasi alam kong pag ipinagsigawan ko to, maraming masasaktan. At isa na dun Alexei, isa na dun ang best friend ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #yam-yam28