CHAPTER 13- Idiot!
CHAPTER 13- Idiot!
CALVIN's POV
"Bilisan mo Calvin, bilisan mo! Bilisan mo! Baka maiwan tayo ng bus! Bilisan mo!" sino pa nga ba yan kundi si Alexei
Fieldtrip na namin ngayon at ayan, nagtatatakbo sya papunta sa parking lot ng school kung saan nakaparada yung bus na sasakyan namin.
"Overnight stay lang tayo dun sa hotel na pupuntahan, pero ang bagahe mo parang pang isang linggo huh?" paano ang laki ng dala nyang maleta plus may pack bag pa na parang puputok na sa dami ng laman
"Ganito talaga kaming mga babae no! Marami kaming kailangan dalhin pag umaalis!"
"Babae ka pala?"
"At anung tingin mo sakin lalaki? tss."
"Anung laman nyang back pack mo? Parang puputok na eh!"
"Syempre pagkaen! Takot akong magutom sa byahe eh!"
"Dinala mo talaga lahat ng pinamili mo nung naggrocery tayo?"
"Nabawasan yun ng konti kasi kinaen ko kagabi, pero marami parin akong tinira. Bakit inggit ka?"
"Abnormal ka talaga. Kung may pambili ka ng maraming pagkaen, bakit wala kang pambayad para pang renta ng tutuluyan mo? Nakikitira ka pa sakin!"
"Ang dami mong tanung Calvin! Bilisan mo na lang maglakad bilis!" at hinigit na nya ako
Ang aga aga pa nga namin eh, halos iilan palang ang tao sa bus namin nung dumating kami ni Alexei, masyado lang talagang excited tong isang to.
"Waaaah! Sana dumating na sila! Gusto ko ng umalis!" -Alexei
"Ang ingay mo, maghintay ka na lang." sabi ko na lang at umubob na ako sa bag ko, inaantok pa ako eh, puyat ako tapos 3 am ako ginising nitong babaeng to kahit 5 am pa ang call time tsk
Akala mo talaga ngayon lang sya makakaranas ng fieldtrip sa tanang buhay nya. Aba bumili pa nga ng bagong sapatos eh! Pati bagong damit para lang dito! Ang dami nya talagang pera! Kaya nga iniisip kong sundan sya minsan para makita kung nanghoholdap ba sya o nagnanakaw. Tsk.
.
.
"Calvin gising malalaglag na yung bag mo!" na alimpungatan ako nung may tumawag sa akin, nakatulog na pala ako
"Anu ba Alexe-- Nina?" nabigla ako kasi pag tingin ko sa tabi ko, si Nina yung nandun, eh si Alexei ang katabi ko kanina
"Ako nga." ngumiti sya sakin, aw bumilis yung tibok ng puso ko, te-teka, bumilis na ulit yung tibok ng puso ko! Ang saya ko! So malabong mangyari yung iniisip ko nung isang gabi.
"Ah eh, na-nasaan si Alexei?"
"Nandito ako Calvin!"
"Waah! Nakakagulat ka naman!" bigla kasi syang sumulpot sa tabi, nasa katabing row ko pala sya, magkatabi sila ni Chase
"Yo Calvin!" bati sakin ni Chase
"Bakit magkatabi kayo?"
"Anung masama kung magkatabi kami?" -Chase, oo nga no? bakit nga ba ganun yung naitanong ko?
"Ibig kong sabihin, diba ayaw mo sa kanya Alexei?"
"Marami syang pagkaen kaya sa kanya ako tatabi. Wala kang kwenta, konti lang ang pagkaen mo." -Alexei
what the?
"Eh Ni-nina, ba-bakit hindi mo katabi si Crissa?"
"Ah eh.. kasi mahiluhin kami pareho ni Crissa, kaya kailangan pareho kaming nasa may tabi ng bintana kaya hindi kami pwedeng magtabi at since kaclose din naman kita, sabi ko ok lang naman siguro kung tatabi ako sayo. Ayaw mo ba akong katabi Calvin?"
"S-syempre gusto ko!" sabi ko sabay hawak sa kamay nya
Natigilan kaming dalawa, tapos agad naman akong napabitaw.
"Na-nako sorry Nina!"
"Ah, hindi ok lang." sabi nya sabay tingin na sa bintana, haay ang awkward, ang hirap huminga nito
Gusto kong kausapin si Nina kasi nabobored na ako sa byahe pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa kasi nga, pag naalala kong this day, magcoconfess na ako sa kanya, kinakabahan ako. Sa sobrang kaba, wala na akong masabi sa kanya. Natatakot akong kausapin sya kasi nga baka mamaya, bigla ko na lang masabi yung lines na sinasaulo ko. Oo may lines akong kagabi pa sinasaulo, speech ko yun na ginawa ni Crissa para daw mas romantic yung pagcoconfess ko kay Nina. Haay, kinakabahan na talaga ako.
Buti pa si Alexei, tamang kaen at daldal lang kay Chase. Akala ko ba ayaw niya kay Chase? tapos ngayon akala mo close na close sila. Para lang sa pagkaen handa talaga syang makisama eh no?
"Oh Calvin, bakit kanina ka pa tingin ng tingin sa amin? Gusto mong humingi ng pagkaen no? Sorry pero hindi kita bibigyan." -Alexei
"Tss, sayong sayo na yang pagkaen mo wag kang mag alala." sabi ko lang tapos mamaya biglang nag ring yung cellphone ko..si Crissa? Bakit sya tumatawag eh nasa isang bus lang kami -_-
AKO: HELLO? BAKIT?
CRISSA: ANU HANDA KA NA BA?
AKO: ME-MEDYO.
CRISSA: ANUNG MEDYO? HINDI PWEDE YAN! BASTA DAPAT SAULO MO NA YUNG KANTA TSAKA YUNG SASABIHIN MO HUH? KAMI NA ANG BAHALA SA SET UP.
AKO: O-OO NA. PWEDE KO NA BANG IBABA?
CRISSA: TEKA! AYOS BA? AKO ANG NAGSABI KAY ALEXEI NA HAYAAN NA MAGKATABI KAYO NI NINA. SINABI KO NARIN SA KANYA YUNG PLANO NATIN.
AKO: SINABI MO?
CRISSA: OO NUNG ISANG ARAW PA, AT SABI NYA TUTULONG SYA KAYA WAG KANG MAG ALALA OK? JUST TRUST US!
*toot toot
"Sino yun Calvin?" -Nina
"Ah eh, si--si mama. Nangangamusta lang."
"Ow.. I see.."
Haay.. Anu ba to? Hindi ko makausap ng ayos si Nina dahil sa pagcoconfess na to. Parang bored na sya kasama ako. Anu bang gagawin ko?
"Ah Nina, nabobored ka na bang katabi ako?"
"Huh? Hindi no. Medyo nahihilo lang talaga ako kaya hindi masyadong makapagsalita. Baka nga ikaw ang nabobored na sakin."
"Hi-hindi no! Masaya nga ako at ikaw ang katabi ko."
"Talaga? Ako rin." tapos ngumiti sya, tae, anung sabi nya, masaya rin syang ako ang katabi nya? Tama ba yung narinig ko?
"Ah Calvin, ayos lang ba kung sumandal ako sayo? Medyo inaantok na kasi ako eh." -Nina
"Si-sige ba. O-ok lang." at pagkasabi ko nun sumandal na si Nina sakin
Para akong tuod dun, naninigas ako. Hindi ako makagalaw. Parang sasabog yung dibdib ko sa sobrang kaba.
"Galaw galaw Calvin baka ma istroke!" -pang aasar ni Alexei, walangya talaga tong babaeng to
"Calvz, pwedeng huminga!" -sigaw naman ni Chase
Sinamaan ko lang sila ng tingin.
"Haha ayos yun ah? Nice ka rin pala huh." -Alexei
"Sabi ko naman sayo eh." -Chase tapos nag apir silang dalawa
Close na close na talaga sila huh?
Teka bakit nga ba ako naiinis kung close na sila? Hindi ba dapat natutuwa ako? Ah ewan!
.
.
After ilang oras ng byahe nakarating narin kami sa destination. Sa super ferry kami, may seminar lang. Itotour kami sa loob nung Ferry after namin mag seminar dun.
Inantok nga ako sa seminar eh. Pero mas malala si Alexei, nasita sya nung teacher namin kasi humahagok na sya at tulog sa balikat ni Chase. Si Chase naman tinawanan pa si Alexei, baliw talaga yung dalawang yun.
Si Crissa naman, wala ng ginawa kundi itulak ako palapit kay Nina. Lalo akong kinakabahan dahil sa kanya eh, anu ba sya. Ang weird din nya minsan.
Tapos na ang seminar at naglilibot na kami ngayon sa ferry. Kasabay ko si Nina at si Crissa sa paglalakad habang si Alexei at si Chase nasa unahan namin.
"Mukhang nagiging close na si Cerys at si Chase ah?" -Nina talking to me
"Ah.. o-oo nga."
"Bagay sila no Calvin?!" -Nina
"Huh? Ah...o-oo nga."
"Parehas pang C yung pangalan nila tapos parehas pa silang habulin sa campus, perfect match talaga no?" -Nina
"Huh? Ah... oo nga.. perfect match." bakit ba ganito na lang yung naisasagot ko? Bakit pag tinitingnan ko silang dalawa sa unahan ko parang gusto kong higitin si Alexei? tss.
"Bagay na bagay sila. Hehe. Nakakatuwa." -Nina
"Bagay rin naman kayo ni Calvin ah." -biglang singit naman ni Crissa
Nagkatinginan kami ni Nina, pero napaiwas rin ng tingin sa isa't isa. Crissa naman! Mas pinahihirapan lang nya ako sa ginagawa nya eh! Hindi sya nakaka tulong!
Pagkatapos naming itour sa Ferry, next destination naman namin yun airlines. May seminar din dun tapos itotour ulit. Tapos pupunta na kami sa hotel magchecheck in, kakaen dun, tapos may seminar ulit sa gabi.
As usual, tinulugan na naman ni Alexei yung seminar. Aba at nakigaya narin si Chase. Kaya ayun, dalawa silang napagalitan nung teacher. Si Chase alam kong nagtulugtulugan lang for the sake of joining Alexei. Lakas talaga ng tama nya kay Alexei huh? Gagawin nya kahit ipahiya ang sarili nya para dito. Pero ang saya saya nilang tingnan. Why can't I be like that with Nina?
Bakit si Chase, kahit gusto nya si Alexei, nakakapag usap sila ng normal. Nagtatawanan sila na parang sobrang lapit nila sa isa't isa. Samantalang kami ni Nina, mag uusap ng konti, tapos titigil. Magkakatinginan, mag iiwasan ng tingin, tapos repeat the cycle. Bakit ba hindi ko sya makausap katulad ng pagka usap ko kay Alexei? Haay..
Habang tumatagal, mas lalo akong naduduwag na magtapat sa kanya eh. Hindi ko malaman kung gusto nya rin ba ako. Minsan parang oo, minsan, parang hindi. Ewan, ang labo!
Mabilis tumakbo ang oras, maya maya nagchecheck in na kami sa hotel. Mabuti naman at medyo nabasag na yung awkward na atmosphere sa amin ni Nina. Medyo nabawasan narin kasi yung kaba ko, buti naman.
Nagkkwentuhan kami ni Nina about sa isang palabas na pareho naming gusto ng mapansin kong may mali sa paglakad ni Alexei.
"Ang ganda nun no Calvin? Lalo na yung part na--"
"Ah Nina, saglit lang huh?" lumakad ako palapit kay Alexei na naupo sa isang sofa dun sa lobby, kasalukyan nga kasing nagchecheck in kami so lahat naghihintay muna sa lobby for their room numbers
Napansin kong hinuhubad nya yung sapatos nya. Sabi ko na eh, masakit yung paa nya.
"Alexei anung--" palapit na ako kay Alexei pero naunahan ako ni Chase
"Anung nangyari sa paa mo?" -Chase
"Bago kasi tong sapatos ko, sa pagmamadali ko, hindi ako nakapag medyas, kaya ayan, napaltusan ako. Ang sakit."
"Kaya mo bang maglakad?" -Chase
"O-oo naman no! Kaso nakayapak dapat! Masakit kasi pag sinuot ko yung sapatos."
"Bubuhatin na lang kita." -Chase
"Huh? Wag na no!"
"Diba ako ang slave mo? Kaya hayaan mo ng gawin ko to my lord."
"Haay, ewan ko sayo. Bahala ka. Mabigat ako."
"Malakas ako my lord wag kang mag alala." sinakay ni Chase si Alexei sa likod nya, saktong tinawag narin yung room numbers
Pagharap nila sa akin..
"Oh, nandyan ka pala Calvin?" -Chase
"Ah, nakita ko kasing iika ika si Alexei kaya--"
"Wag ka ng mag alala, ako na ang bahala sa kanya. Bumalik ka na lang kay Nina ok? Kailangan mong mag earn ng pogi points para sagutin ka nya mamaya!"
"Wa-wag ka ngang maingay Chase! Baka may makarinig!"
"Ayos lang yun Calvz!"
"Ok lang ako Calvin, bumalik ka na sa kanya. Goodluck sayo! Tara na slave, tinawag na yung room number ko! Bye Calvin! See you na lang mamaya! Tutulong ako sa pag set up!" -Alexei
Umuna na sila ni Chase. Hinatid ni Chase si Alexei hanggang sa kwarto nya. Ako naman hinatid ko si Nina at Crissa. Magkasama si Nina at Crissa sa isang room, pero si Alexei nakabukod.
Ang pinagtataka ko pa, mag isa lang talaga si Alexei sa kwarto nya. At malaking kwarto pa yung kay Alexei. Suite room, isa sa pinaka mahal. Nabigla nga din daw si Chase na yun ang kwarto ni Alexei kaya tinanong nya ito, ang sabi lang ni Alexei, nagbayad daw sya ng extra kasi ayaw daw nyang may kasama sa kwarto? What the? Afford nya magbayad ng suite room pero nakikitira sya sa akin? Nahihiwagaan na talaga ako sa babaeng yun.
Magkasama kami ni Chase sa kwarto. Ngayon nagrerehearse na ako nung kakantahin ko.
"Pare ayos lang ba talaga? Hindi ba parang ang corny?" tanung ko kay Chase pagtapos kong kumanta
"Ayos na yan pre, sweet nga eh. Isa pa diba tinulungan ka ni Cerys na piliin yang kanta na yan? Pag si Cerys ang pumili, siguradong maganda." -Chase
"Ang lakas talaga ng tama mo sa babaeng yun no?"
"Oo, mas lumalakas bawat araw Calvz. Ngayon lang ako tinamaan ng ganito. At ang saya saya ko kasi napapalapit na sya sakin. Konti na lang Calvz, magtatapat narin ako sa kanya, although alam na nyang crush ko sya. Pero isang araw talaga, pag naalis ko na yung hate at first sight nya sakin, I would ask her to be my girlfriend."
"Seryoso ka? Akala ko ba ayaw mo ng commitment?"
"Ayoko nga.. Pero nung dumating sya, ewan Calvz.. hindi ko rin maexplain. Basta gusto kong maging akin sya. Akin lang. Walang kahati."
"Ba-baka naman naguguluhan ka lang? Ngayon ka lang kasi nakatagpo ng babaeng hindi ka hinahabol habol kaya siguro ganyan ka."
"Hindi Calvz. Sigurado na ako sa kanya. Siguradong sigurado na Calvz. Teka, bakit parang ayaw mo yata? May nararamdaman ka ba kay--"
"Wala no! Anu bang iniisip mo? Magtatapat ba ako kay Nina kung gusto ko si Alexei?"
"O-oo nga no? Haha. Sorry Calvz, yung tono mo kasi eh. Hehe. Paano, goodluck na lang mamaya? Galingan mo huh? Kami na ang bahala sa set up!"
"Teka isa pa nga pala yun, hindi ba bawal sa hotel na magkalat tayo dun sa may maliit na garden nila?"
"Nung tinanong namin, nung una ang sabi bawal daw nga yun. Pero nung kinausap ni Alexei yung manager nung hotel, biglang pumayag na. Nag offer pa ngang mag assist ng lights eh."
"Huh? panu nagawa yun ni Alexei?"
"Yun nga rin ang pinagtataka namin ni Crissa. Pero alam mo naman siguro si Alexei, nothing is impossible to her, so hindi na lang kami nagtanong."
"Hindi kaya binlack mail din nya yung manager? baka mamaya ipahuli tayo nun?"
"Hindi yun. Ang laki nga ng ngiti nung manager samin eh. Parang VIP pa nga ang turing sa amin eh."
"Ganun?"
"Oo. Wag ka na masyadong kabahan. Just do your part at kami na ang bahala dun sa iba ok? Goodluck best friend! Kaya mo yan!"
"Ok." sabi ko na lang, kahit hindi naman talaga ok
Natatae ako sa kaba. Tsk.
.
.
"Akala ko hindi ka na dadating Calvin! Kinabahan ako sayo!" -Crissa, kakadating ko lang sa garden, ayos yung set up ah, akalain mong nai set up nila to ng ganito kabilis at kaganda?
"Ayos lang ba yung itsura ko?"
"Oo Calvz, gwapo mo ngayon!" -Chase
"Parang hindi bagay sakin tong damit mo eh!"
"Bagay kaya! Itanong mo pa kay Crissa!" -Chase
"Bagay nga Calvin, magtiwala ka sa taste ni Chase. Ah.. dala mo ba yung regalo? Nabili mo ba?" -Crissa
"Oo, nandito sa bulsa ko. Pero teka, pano niyo na set up lahat ng to sa loob ng kaunting oras?"
"Pasalamat ka kay Cerys Calvz." -Chase sabay akbay sa akin
"Oo nga, lahat ng to dahil kay Cerys. Ang laki ng naitulong nya, bigla na lang syang dumating na may kasamang mga staff nung hotel at sila na halos ang umayos nito. Ang ginawa na lang namin ay yang picnic under the stars set up. Tapos si Cerys yung may idea na palibutan ng pa heart shape na puro candles yang picnic set up para mas romantic. Hindi ko nga alam kung saan nya nakuha yung ganyang karaming kandila." -Crissa
Si Alexei ang may kagagawan ng lahat ng to? So kaya pala sya tumitingin sa candle section nung nag grocery kami? At wag mong sabihing ang laman ng bagahe nya eh yung ibang gamit na ginamit dito sa set up na to?
"Kung si Alexei ang may gawa ng lahat ng to, bakit wala sya dito?"
"Ah.. sabi nya mauuna na daw sya kasi masama daw ang pakiramdam nya eh. Napagod rin siguro. Sya ang pinaka maraming nagawa sa amin dito eh." -Crissa
"Ganun ba? Wala syang kasama! Pupuntahan k--"
"Ok lang sya Calvin. Nag offer narin akong samahan sya pero mas makakapagpahinga daw sya kung mag isa lang sya sa kwarto. Isa pa kung aalis ka dito eh sasayangin mo lang yung pinaghirapan namin at ni Cerys, kaya kumalma ka lang ok?" -Chase
"Tinxt ko na si Nina. Papunta na sya dito. Akala nya ako ang makikita nya, pero masusurpresa sya dahil ikaw ang makikita nya Calvin. Tumalikod ka muna at pag magsisimula ka ng kumanta, tsaka ka humarap ok?" -Crissa
"Ilang beses mo na yang sinabi sakin."
"Mabuti yun para walang mali. Love life ng best friend ko ang pinag uusapan dito, kaya galingan mo huh Calvin? Magtatago muna kami ni Chase dun sa may likod nung bush dun." -Crissa
"Kaya mo yan Calvin!" -Chase
"Parating na daw si Nina! Nagtxt na sakin! Tumalikod ka na Calvin." -Crissa
Tumalikod na nga ako gaya ng sabi nya sa akin. Sobrang daming tumatakbo sa utak ko ngayon. Halo halo ang nararamdaman ko.
Maya maya may narinig na akong footsteps..
"Si-sino ka? Nasaan si Crissa?" boses palang nya alam kong sya na yun
Humarap ako sa kanya..
"Calvin?" -sya
"Ako nga Nina.."
"A-anung ginaga--"
"Mahirap ipaliwanag pero..well to cut it short.. I'm here to confess my feelings." shet, nasabi ko na
"A-anu?"
"Just listen ok? Ang totoo medyo kinakabahan ako, pero gagawin ko parin to. Bahala na. Kaya sana makinig ka. Dahil di ko masabi sa salita lang, idadaan ko na lang sa kanta."
Pagkasabi ko nun nagsimula na akong mag strum ng gitara at nagsimulang kumanta.
NOW PLAYING: Kung Akin Lang Ang Mundo
Kung ako ang may-ari ng mundo,
Ibibigay ang lahat ng gusto mo,
Araw-araw pasisikatin ang araw,
Buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan
Para sa'yo, para sa'yo
Kinakabahan ako habang kumakanta pero unti unti yung nawawala habang pinagmamasdan ko syang nakangiti sa akin.
Susungkitin mga bituin, para lang makahiling,
Na sana'y maging akin,
Puso mo at damdamin,
Kung pwede lang, kung kaya lang,
Kung akin ang mundo,
Ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo...
Lumakad ako palapit sa kanya habang kumakanta. Ngayon, nakatingin na ako sa mata nya at ang lapit namin sa isa't isa. Kitang kita ko ang nagniningning nyang mga mata. Parang naluluha na nga eh.
Kung ako ang hari ng puso
Lagi kitang pababantay kay kupido,
Hindi na luluha ang 'yong mga mata,
Mananatiling may ngiti sa 'yong labi,
Para sa'yo, para sa'yo,
Pero pag dating sa second chorus, hindi ko alam kung anung nangyari. Hindi ko talaga alam kung bakit.. pero..
Susungkitin mga bituin, para lang makahiling,
Na sana'y maging akin,
Nag flashback sa akin yung kagabi. Kagabi kasi pinractice ko tong kantang to kay Alexei. Sa kanya ko muna ito kinanta. At ngayon, kahit kaharap ko si Nina, si Alexei ang nakikita ko.. Yung ngiti nya sa akin nung gabing yun, yun ang nakikita ko ngayon.
Puso mo at damdamin,
Kung pwede lang, kung kaya lang,
Tuloy parin ako sa pagkanta, pero naguguluhan na talaga ako. Bakit ganito? Bakit si Alexei ang nakikita ko? Bakit si Alexei?
Kung akin ang mundo,
Ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo...
Susungkitin mga bituin, para lang makahiling,
Na sana'y maging akin,
Puso mo at damdamin,
Pinilit kong alisin yung mga pumapasok sa isip ko at binalik ang atensyon ko kay Nina. Nakahinga ako ng konti nung makita ko na syang nakangiti parin sa akin. Ayos, hindi ko na nakikita si Alexei. Dala lang siguro yun ng sobrang kaba kaya bigla ko syang naisip. Sya kasi yung lageng nakakapagpawala ng kaba ko kaya siguro pumasok sya sa isip ko.
Kung pwede lang, kung kaya lang,
Kung akin ang mundo,
Ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo...
Natapos ko naman ng ma ayos ang kanta. Nabigla ako nung mapaluha si Nina.
Pupunasan ko na sana yung luha nya pero maya maya biglang.. what the?
Biglang umulan! Oo, out of nowhere biglang umulan! Panget ba yung kanta ko kaya inulan kami?
Hinila ko si Nina patakbo sa may part nung may hotel na may bubong. Hindi ko alam kung saan nagtakbo sila Chase.
"Anu ba yan, sorry Nina hindi ko inasahan na uulan pala. Nabasa tuloy yung set up."
"O-ok lang yun Calvin. Kahit ganun, natutuwa parin ako."
"Alam mo, may pinractice na akong linya, sasabihin ko dapat, 'ang ganda ng mga bituin.. gusto kong kumuha ng isa para sayo.' Kaso walang bituin sa langi, ang palpak ko talaga. Sorry. Siguro panget yung kanta ko kaya, inulan rin tayo. Ang palpak ko talaga. Sorry Nin--"
"Shhhhhhhh.. If I'm right, confession to diba? Confession tong ginagawa mo ngayon?"
Tumango ako, kahit medyo naiilang.
"Pag confession alam ko nagtatapat ng nararamdaman. Hindi nagsosorry. Kaya itigil mo na ang pagsosorry at simulan mo ng magtapat huh Calvin?"
"Sa-sabi ko nga. Ah anu, paano ko ba to sasabihin..Kinakabahan talaga ako. Ah teka ito nga pala." may inabot ako sa kanyang maliit na box
"Anu to?"
"Buksan mo."
"Star necklace?"
"Oo, nung makita ko yan, naalala kita. For me Nina, you're as beautiful as a star. Sobrang ganda mo kaya unang kita ko palang sayo nakuha mo na ang atensyon ko. I was really contented on watching you from afar. Akala ko ang hirap mong abutin. Sabi ko nga, malabong maabot kita. Malabong mapalapit ako sayo. Kaya talagang ang saya ko nung kinausap mo ko at medyo naging malapit ka na sakin. Nina, gustong gusto kita. Kaya naman Nina, kahit suntok sa buwan.. Kahit hindi ko alam kung anung isasagot mo.. Tatanungin parin kita.. " huminga ako ng malalim, ito na sasabihin ko na..
"Nina will you be my girl--" nagitla kaming dalawa kasi ang lakas nung kulog.. bakit ang lakas bigla nung ulan?
"Calvin anung sinabi mo? Hindi ko narinig." sigaw ni Nina
"Ah sabi ko... sabi ko.." hindi ko maituloy yung sinasabi ko kasi kumukulog.. Kumukulog!
Si Alexei! Bigla kong naalala. Mag isa lang si Alexei sa kwarto nya! Takot si Alexei sa kulog! Wala syang kasama! Siguradong nanginginig na sa takot yun ngayon!
"Saan ka pupunta Calvin?" -Nina
Napatigil ako, hindi ko namalayan na palakad na pala ako paalis. Nawala si Nina for a second sa isip ko kahit kaharap ko sya dahil sa pag aalala ko kay Alexei.
This is a confession, I shouldn't walk away like this.. pero.. pero si Alexei..
Anung gagawin ko? Anu bang dapat kong gawin?
-------------------------------------------------------------------------------------------------
ALEXEI's POV
"*sniff.. Uwaah! Ang malas ko naman oh! *uwaaaaah!" Nag iiyak na ako kasi natatakot ako sa kulog
Actually bago pa kumulog nag iiyak na ako, pinalakas lang ng kulog yung pag iyak ko.
Akala ko kasi makakaya ko, akala ko makakaya kong maging masaya para kay Calvin pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kinaya yung thought na bukas, sila na ni Nina. Obvious naman kasi na gusto rin sya ni Nina. Manhid lang si Calvin. Kaya sigurado akong oo ang isasagot nya kay Calvin.
Nagpanggap na nga lang akong masama ang pakiramdam ko kasi natatakot akong umiyak sa harap ni Calvin pag nakita kong sinagot na sya ni Nina.
Ginawa ko na lahat ng makakaya ko para matulungan si Calvin, pero hanggang dun na lang ako. Hindi ko talaga kayang maging masaya para sa kanya. Hindi ko talaga kaya.
"Broken hearted na nga ako, sinabayan mo pa! *uwaaaah! Nakakatakot! Tumigil ka na please! Tumigil ka na!" nagtataklob na ako ng unan pero hindi parin mawala yung panginginig ng katawan ko
Talagang takot ako sa kulog, at sobrang lakas pa nito. Wala pa naman akong kasama sa kwarto ngayon. Patay pa yung ilaw. Lampshade lang sa may kama ang ilaw ko, hindi ko mabuksan yung ilaw kasi nga nanginginig ako sa takot.
Pero maya maya.. biglang may nagtanggal nung unan na pinantataklob ko sa akin, tapos may biglang yumakap sa akin, medyo basa sya. Sino to?
"Alexei, tahan na. Nandito na ako. Nandito na ako Alexei." teka, boses to ni..
"Calvin?"
"Ako nga. Ok ka lang ba?"
"A-anung ginagawa mo dito? Diba dapat kasama mo si Nina? Anung nangyari?"
"Nasabi ko na kay Nina ang dapat kong sabihin. Nakapagtapat na ako pero hindi ko pa alam ang sagot."
"Huh? Bakit?"
"Sabi ko I'll give her time to think about it. Hindi pa kasi sya makasagot agad."
"Huh? Bakit ganun? Dapat tinanong mo na sya! Bakit ka pumunta dito? Anu na lang ang iisipin nya? Hindi mo sya dapat iniwan!"
"Maiintindihan naman nya ako Alexei. Sinabi ko naman ang sitwasyon mo. Pinapuntahan ko na sya kila Chase at kay Crissa. Kaya wag ka ng mag alala. Ok?"
"Idiot! Idiot! Bumalik ka dun!" tinutulak ko sya pero ayaw nyang alisin yung pagyakap sakin
"Anu ba Alexei? Bakit mo ko pinapaalis?"
"Bumalik ka dun Calvin! Ayos lang ako! Iwan mo na lang ako dito! Bumalik ka na dun!"
"Anung ayos ka lang? Nanginginig ka pa nga oh! Hindi ako aalis dito hangga't hindi nawawala yung kulog!"
"Pero Calvin, hindi mo ba naiisip na sa ginawa mo baka--"
"Shhhhh..Kahit pa anung sabihin mo, hindi mo ko mapapaalis dito. Mamamatay lang ako sa pag aalala sayo pag umalis ako. Kaya please, hayaan mo na lang ako."
"Idiot. Idiot Calvin *sniff *sniff.." Naiiyak na ako, hindi sa takot kundi dahil sa tuwa
"Kaya ako pumunta dito para patahanin ka, tapos lalo ka pang umiyak. Wag ka na matakot, andito na nga ako oh."
Alam kong hindi ako dapat natutuwa, pero hindi ko mapigilan. Hindi ko mapigilan kasi.. kasi .. kasi ganito na lang yung pag alala nya sa akin. Natutuwa ako at dumating sya.
"Idiot. You're an idiot Calvin." yan na lang ang nasabi ko at napayakap na lang din ako sa kanya
"I know. From the moment I decided to leave her and run to you, I know.. I already knew I'm an idiot. Kaya wag mo ng paulit ulitin kasi alam ko na Alexei."
"Idiot. Idiot. Idiot Calvin."
"Haaaaaaay.. ang kulit mo. Uso magpasalamat, alam mo yun?"
"Idiot. Idiot." paulit ulit na lang na ganyan ang sinasabi ko sa kanya pero hindi na sya umimik pa, niyakap na lang nya ako
Gusto kong sabihin sa kanya na natutuwa ako, pero hindi ko masabi. Hindi ko masabi kasi parang ang selfish ko kung sasabihin ko yun. Alam ko kung gano kalaki ang pinakawalan nya, ang sinakripisyo nya para sakin. Alam kong dahil sa ginawa nya, baka.. baka hindi sya sagutin ni Nina.. pero kahit alam kong ganun, natutuwa parin ako. Masaya parin ako. Ang selfish talaga ng pag ibig no? Ang selfish ko. Oo selfish ako. At tanga sya. Tanga sya. Tanga ka Calvin.
Ngayon mas pinahirapan mo lang akong pakawalan ka. Mas pinahirapan mo lang akong bitawan ka Calvin. Idiot!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top