CHAPTER 12- What's Wrong with Me?
CHAPTER 12- What's Wrong with Me?
ALEXEI's POV
Habang naglalakad ako at buhat buhat si baby Red papunta sa condominium, naiisip ko yung nangyari sa amin ni Calvin kanina sa park. Dalwang beses na kaming muntik maghalikan, pero pareho namang naudlot. Mukhang hindi talaga kami meant to be no? Naisip ko rin, kung tama ba yung ginawa ko? Tama bang umalis na lang ako at hinayaan silang dalawa dun o dapat hindi ako umalis at pinaglaban ko sana tong nararamdaman ko para kay Calvin? Palaban ako sa halos lahat ng bagay, hindi uso sakin yung magparaya, pero bakit ako nagpaparaya ngayon? Siguro talagang malalim na tong nararamdaman ko para kay Calvin kaya ganito na lang ako. Oh well, basta masaya sya, pipilitin ko na lang din maging masaya.
*beep beep
Na distract ako nung biglang may bumusinang sasakyan sa may tabi ko at pagtingin ko, motor pala yun sakay sakay yung best friend ni Calvin.
"Oh anung kailangan mo?" tanung ko sa kanya
"Hahaha, cold as usual." -sya, lage na lang tong tumatawa pag nakikita ako
"Tss.. Kung wala kang sasabihin, aalis na kami ni baby Re--"
"Sumakay na kayo, papunta rin ako sa condo ni Calvin."
"At bakit ka pupunta dun huh?!"
"Diba magcecelebrate nga kami ni Calvin sa pagka panalo nya? Teka, nasaan na nga pala si Calvin? Bakit ikaw lang mag isa ang naglalakad dito? Gabi na ah?"
"Wala pa si Calvin, kasama nya si Nina, hindi ko alam kung anung oras sya uuwi."
"Ah ganun ba? Edi hihintayin ko na lang sya sa condo nya, bilis sakay ka na, malamig na oh, baka magkasakit si baby Red."
"Eto na nga oh, sasakay na nga." at sumakay na ako sa motor nya
.
.
Pag dating namin sa condo inihiga ko na si baby Red sa kwarto, tulog na kasi sya. Paglabas ko sa salas..
"Anu yan?" tanung ko dun sa best friend ni Calvin kasi parang may kung anu syang sineset up dun
"Ah ito? Wii, video game player."
"Ah.. I see." sabi ko lang at pumunta ako sa may kitchen para kumuha ng tubig at ng chips
Pagkakuha ko, umupo ako sa may sofa sa harap nung sineset up nya.
"Anung mga laro mo dyan?" tanung ko
"Marami, anung gusto mong laruin?"
"Gusto ko yung madugo, brutal, patayan, meron ka nun?"
"Haha, sabi ko na nga ba eh, tamang tama, marami akong ganun, ito oh mamili ka dito." may inabot sya saking limang bala
"Talagang prepared ka huh?"
"Ako pa."
"Ito na lang, Silent Hill."
"Ui, good choice sige two player tayo."
At ayun sinaksak na nya yung bala at nagsimula na kaming maglaro.
"Anu ba yan?! Kalalaki mong tao ang bulok mo tumira!" sigaw ko
"Eh nakakagulat yung mga zombie tsaka yung ibang creatures nakakatakot!"
"Hahaha! Ang cute kaya nila, astig nga eh!"
"Anung astig dyan?! waah ayan na! Barilin mo bilis!"
"Hahaha. Scaredy cat. Angas angas mo pumorma, duwag naman pala."
"Ayoko lang talaga nitong mga creatures sa game na to, masyadong disturbing."
"Eh bakit ka pumayag na ito ang laruin?"
"Kasi.. ito ang gusto mo. Kung anung gusto mo na ayaw ko, pipilitin kong gustuhin para sayo." natigilan ako sa sinabi niya
"I-ilang babae na ang nasabihan mo nyan huh?!"
"Hmmm.. ilan na nga ba?!" nag isip sya
"Kitams! Sabi ko na nga! Marami ka ng nasabihan nyan! Mga katulad mo talagang babae--"
"Hindi ko na mabilang kung ilan ang nasabihan ko nyan pero isa palang ang sinabihan ko nyan and actually mean it. This is the first time that I've meant what I said." sabi nya habang nakatingin sa akin, halos mabitawan ko yung controller dahil sa sinabi nya
"A-anu, a-ayoko na pala nitong laro na to! Palitan na natin." sabi ko at tumayo na ako dun sa sofa para mamili ng bagong lalaruin
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganito?
"Ito naman ang laruin natin, golf! Para contest tayo! Ang talo may dare!" sigaw ko
"Sige ba, wag kang magrereklamo pag natalo kita, expert ata ako dyan." sabi naman nya
At ayun nagsimula na naman kaming maglaro.
Mahigpit ang laban namin, he's not that bad.. sadyang mas magaling lang talaga ako ng mga limang beses. Haha.
"Expert pala huh?" sabi ko sa kanya nung makita ko na ang score namin haha
"Tsk.. rematch!"
"Anung rematch? Talo ka! Kaya sundin mo yung dare ko."
"Anything for you princess.."
"Now I dare you to..hmm..I dare you to buy me a cake."
"Huh?? Anung klaseng dare yan?!"
"Eh gutom na ako eh. Gusto ko bigla kumaen ng cake, kaya ibili mo ko."
"Hanep ka talaga, akin na ang pera."
"Aba? Pera mo ang ibibili mo no!"
"Mautak ka talagang babae ka no?"
"I know right."
"Ok princess, your wish is my command." nag bow pa sya sa harap ko bago umalis, akala mo talaga servant ko sya, haha
Habang tumatagal, gumagaan ang loob ko sa lalaking yun. Hindi ko akalain na meron din palang mga katulad nya na ganito. Akala ko kasi lahat sila manloloko, arogante at gago, tarantado.. Good to know na mali yung impression ko sa kanya, he's actually fun to be with.
Matagal tagal rin akong naghintay sa kanya.. pero maya maya dumating narin sya.
"Ang tagal huh? halos nalaro ko na lahat ng bala mo rito." sabi ko sa kanya
Hinihingal pa syang lumapit sakin.
"Halos ikutin ko tong buong bayan para mabili lang to no. Buti nakahanap pa ako ng bukas na cakeshop."
"Buksan mo na yan at tirahin na natin."
"Teka, kukuha lang ako ng plato at kutsar--"
"Wag na, kamayin na lang natin, isa pang hugasin yan eh."
"Tamad mo talaga."
"Sumunod ka na lang servant."
"Yes my lord."
"Hahaha."
"Napatawa rin kita."
"A-anu?"
"Sabi ko napatawa rin kita sa wakas."
"Anu naman kung napatawa mo ako?"
"Wala naman, masaya lang ako at mukhang naaalis ko na nga talaga yung hate at first sight mo sakin."
"Che! Hindi na maaalis yun no."
"Sabi ko nga po, kumaen na lang tayo ng cake habang nakakamay my lord." binuksan na nya yung cake, maliit lang na chocolate cake yung binili nya
Malagkit sya infairness pero ayos lang, masarap naman eh.
"May amos ka" sabi nya, akala ko pupunasan nya yung amos ko pero pinunasan nya ako ng icing sa mukha
"Ah, so pinagttripan mo na ako ngayon huh?! Hindi kita uurungan! humanda ka!" sigaw ko sabay kuha rin ng maraming icing ng cake at ayun hinabol ko sya para pahidan ng icing
"Hahaha! Mukha ka ng taong putik." sabi ko sa kanya
"Napuruhan mo ko dun huh, ang lagkit ko na tuloy."
"Hahaha, dapat lang sayo yan, ikaw naman ang nagsimu--" natigilan ako nung bigla niyang siningit sa may tenga ko yung buhok ko tapos may nilabas syang panyo sa bulsa nya
Sinimulan nyang punasan yung mukha ko.
"A-ako na. Kaya ko n--"
"Ako na, hindi mo alam kung saan ang dapat punasan kaya hayaan mo na lang ako my lord." pagkasabi nya nun napangiti na lang ako tapos
"Ok slave." sabi ko at hinayaan ko na lang syang punasan yung mukha ko, hindi ko maipagkakailang ang gwapo nya sobra sa malapitan
Habang magkatinginan kami dun..
Natigilan kami nung..
"Ang sweet nyo ah." biglang may umimik nyan at paglingon namin nagulat kami nung nasa tapat na pala namin si Calvin
"Oh Calvz nandito ka na pala? Kanina pa kita hinihintay." -Chase
"Kamusta Calvin? Ayos ba yung lakad nyo ni-- teka Calvin saan mo ko dadalhin?" nabigla ako kasi bigla na lang ako hinigit ni Calvin papunta sa may kusina
"Calvin anu bang--"
"Ang laki laki nyo na naglalaro pa kayo ng pahidan ng icing? tsk." sabi nya habang pinupunasan yung mukha ko ng panyong binasa nya sa may lababo
"Magpalit ka ng damit, baka langgamin kayo ni baby Red pag natulog ka." sabi nya at umalis na sya papunta sa salas kung nasaan si Chase
Anung nakaen nun?
Pagkatapos kong magpalit ng damit nagsisimula na palang mag inom yung dalawa.
Tumabi ako kay Chase sa upuan, si Calvin naman nakatayo pa kasi nagbubukas sya ng mga beer.
"Painom rin ako." kukuha na sana ako ng beer pero biglang kinuha ni Calvin yung beer na kukuhanin ko dapat tapos umupo sya sa gitna namin ni Chase
"Anu ba Calvz, ang sikip na sa gitna namin, kailangan mo pa talaga sumingit?!" sigaw ni Chase
"Eh gusto ko dito umupo eh, umisod ka na lang! At ikaw Alexei, bawal ka mag inom." -Calvin
"At bakit naman?"
"Kasi sabi ko, kaya pumasok ka na sa kwarto at iwan mo na lang kaming dalawa dito."
"Pero--"
"Pasok sabi."
Sumimangot na lang ako tapos..
"K.J." sabi ko sa kanya tapos pumasok na nga ako sa kwarto ng padabog
Matagal tagal rin akong nakatunganga sa kwarto.. Hindi ako makatulog. Ang ingay kasi nilang dalawa. Isa pa iniisip ko rin kung bakit ang weird ng kinikilos ni Calvin. Binasted ba sya ni Nina? tsk.
Maya maya bumukas yung pinto nung kwarto at pumasok si Calvin.
"Tapos na kayo?"
"Oo, umalis na si Chase."
"Oh eh anung ginagawa mo dito? Matulog ka na dun sa salas."
"Dito muna ako sa tabi mo Alexei." sabi nya sabay upo sa kama sa may tabi ko
"Calvin lasing ka ba? Amoy alak ka na."
"Konti lang. Wag ka mag alala, nasa katinuan parin naman ako kahit paano."
"Tsk, halika nga magpalit ka muna ng damit m--"
"Dito na muna tayo." hihigitin ko na sana sya pero hinawakan nya ako sa braso kaya napaupo na lang ako dun sa kama katabi nya
"Anu bang--"
"Alexei.. alam mo ba, kanina, kami lang ni Nina ang magkasama, para kaming nagdedate."
"Alam ko. Parang hindi mo ko kasama kanina ah."
"Hindi hindi, teka, wag ka muna umimik, hindi pa ako tapos."
"Oh anu ba kasi yun?"
"Kanina..parang natupad na yung matagal ko ng pinapangarap. Ako, si Nina, magkasamang mamasyal. Hawak hawak nya ang kamay ko at ngumingiti sya sa akin. Diba dapat ang saya saya ko? Diba dapat tuwang tuwa ako? Pero bakit ganun Alexei? Bakit hindi ako masaya?"
"Huh? Anung ibig mong sabihin?"
"Pag andyan si Nina ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. May kung anung force lage na parang humihigit sa akin palapit sa kanya. Pag malapit sya ang hirap huminga. Pero kanina Alexei, wala, wala yung mga pakiramdam na yun. Nung hinawakan nya yung mga kamay ko, wala, wala akong naramdaman na kahit anu. Wala as in wala. Bakit ganun Alexei? Hindi ko maintindihan. Sa tingin mo ba nagmamalfunction na yung body parts ko? Sa tingin mo ba may sakit na ako? Nagloloko na ata yung sistema ko Alexei."
Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya, naguguluhan ako sa mga sinasabi nya sa akin ngayon.
"Ba-baka naman nasanay ka na lang sa kanya kaya nawala na yung mga pakiramdam na yun. Diba lately naging close na kayo? Kaya siguro nawala na yung awkwardness. Kaya siguro ganun Calvin."
"Sa tingin mo ganun? Hmmm, pwede nga rin. Baka nga ganun. Hahaha. Ang galing mo talaga Alexei! Ang talino mo! Hahaha! And here I was thinking it was all because of you."
"Huh? Anung because of me Calvin?"
"Kasi.. kanina nung umalis ka Alexei, gusto kitang habulin. Nung hinawakan mo ang kamay ko, nakaramdam ako ng kuryente. Habang pinagmamasdan kita ang bilis ng tibok ng puso ko. Yung mga bagay na nararamdaman ko kay Nina dati, sayo ko nararamdaman. Kahit hanggang ngayon Alexei, nararamdaman ko parin yun. Ngayon nahihirapan akong huminga, ang bilis ng tibok ng puso ko, may kung anung parang humihigit sa akin palapit sayo.. at Alexei.. parang gusto kitang yakapin.. Sabihin mo nga, normal lang ba to Alexei? What's wrong with me? May mali ba sa nararamdaman ko ngayon?"
Talagang this time nanlaki ang mata ko sa mga sinabi nya. Natulala ako dun. Pilit kong pina ulit ulit sakin yung mga sinabi nya. Paulit ulit yun sa utak ko pero hindi ko parin maprocess. Hindi ko alam kung anung dapat isagot. Sasagot ba ako o mananahimik na lang?
"No-normal lang yan Calvin. La-lasing ka lang."
"Hahaha. Oo nga, baka nga lasing lang ako kaya ganito. Ang galing mo talaga Alexei." sabay kurot nya sa pisngi ko
"Aray ko naman Calvin!"
"Hahaha. Sorry, ang cute mo kasi bigla sa paningin ko, ganito ata talaga pag lasing hahaha. Total sabi mo naman normal lang to, edi ibig sabihin ayos lang na yakapin kita?"
"Huh? Ah eh anu--"
"Kung ganun yayakapin na kita!" sigaw nya at niyakap na nya ako bigla kaya napahiga kaming pareho sa kama, buti na lang di namin nadaganan si baby Red
"Calvin an--tulog na? Hays..Calvin, anu bang ginagawa mo sakin? Hays.." sabi ko na lang at hindi na ako kumibo pa, hinayaan ko na lang kaming ganun
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CALVIN's POV
"Yeeeeeeey! Excited na ako Calvin! Mamili na tayo mamaya ng mga dadalhin! *O*" energetic na naman tong si Alexei, pano nalaman nya kasing may Fieldtrip kami, 3 days after today kaya ayan
"Alexei pwedeng bukas na? Kailangan mamaya na agad bumili? Sigurado pag bumili na tayo mamaya, di pa fieldtrip ubos na yung mga pinamili mo tsk."
"Eh basta bumili na tayo! May pera naman akong akin wag kang mag alala!"
"Ang dami mong pera ah? saan ka nakuha ng pera mo huh?"
"Secret."
"Wag mong sabihing nanghoholdap ka?!"
"Secret nga eh. Dyan ka na nga! Uuna na ako sa canteen. Haha. Fieldtrip wee!" at nagtatakbo na sya iniwan na ako, nanghoholdap ba talaga sya? Ayaw sumagot eh.
Habang naglalakad ako, may biglang humigit sa akin..
"Crissa?" sabi ko pagkakita ko sa kanya
"Ako nga, wag kang maingay Calvin." sabi nya sabay dala sa akin sa isang bakanteng room sa school
"Bakit mo ko hinigit?" tanung ko
"Kailangan nating mag usap at planuhin ang lahat."
"Huh? Anung paplanuhin natin?"
"Yung pagtatapat mo kay Nina sa fieldtrip."
"Anu??"
"Diba gusto mo si Nina?"
"Pa-paano mo nalaman?"
"Halata ka na dude. Ako pa? Malakas ang radar ko sa ganyan. At dahil best friend ako ni Nina at boto ako sayo, tutulungan kita."
"Pe-pero wala pa akong lakas ng loob na magtapat --aw!" binatukan nya ako
"At kailan ka pa magtatapat? Pag end of the world na? Style mo bulok Calvin! Perfect timing na to, basta makinig ka lang sa plano ko ok? And everything will go smoothly."
"If you say so, pero kinakabahan talaga ako. Haaaay.. ang hirap naman kasi sabihin nun eh. Paano kung hindi pala nya ako gusto? Haaaaaaay.. Wag na, pwedeng pass na lang pala muna ako dyan?" aalis na sana ako pero hinigit nya ako pabalik
"Wala ng atrasan to! Makikinig ka sa ayaw o sa gusto mo ok?!"
"Pero hindi pa ako handang sabihin kay Alexei na gusto ko sya!" sigaw ko since kami lang naman ang tao dito walang makakarinig
"A-alexei?" -sya
"Huh?"
"Sabi mo, hindi ka pa handang sabihin kay Alexei na gusto mo siya?"
"Huh? Sinabi ko ba yun? Bakit napasali si Alexei dito? Baka nagkamali ka lang ng rinig."
"Hindi, Alexei talaga yung sinabi mo!"
"Wa-wag ka nga! Si Nina ang gusto ko! Bakit naman babanggitin ko si Alexei?! Nagkamali ka lang ng rinig!"
"If you say so, pero, ok na tayo huh? Ididiscuss ko na yung plano sayo."
"Tsk, may magagawa pa ba ako?" napakamot na lang ako ng ulo
At ayun nakinig na ako sa plano nya. Ayos din naman yung plano niya kaso syempre kinakabahan parin ako. Pero tama sya eh, perfect timing na to, dapat hindi ko na palampasin.
Pero habang naglalakad ako papuntang canteen ang iniisip ko talaga eh kung pangalan nga ba talaga ni Alexei yung nasabi ko.. Kung pangalan nga nya ang nasabi ko bakit? Bakit ganun? What's wrong with me? Lumuluwag na ba ang tornilyo ng utak ko at mali mali na ang nasasabi ko?
Haaaaaaaaay.. buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top