CHAPTER 10- Impulse

CHAPTER 10- Impulse

CALVIN's POV

Lumipas ang mga araw..

Practice dito..

Practice doon..

Trabaho dito..

Trabaho doon..

At hindi ko namalayan, Mas lalo ng napapalapit ang loob ko kay Nina..

Oo.. sa tingin ko mas naging close na kami ngayon. Mas madali ko narin syang nakakausap, hindi na ako nauutal, medyo nabawasan narin yung kaba ko pag nasa harapan ko na sya.

at oo.. sa tingin ko mas lalong lumala tong tama ko sa kanya..

Kasi nung mas lalo ko syang nakilala, I realized how perfect she really is. Sobrang bait nya, bilang kaibigan, anak, kaklase, lahat na. And her expressions, priceless, ang sarap tingnan.

Kaso hanggang ngayon, hindi ko parin masabi sa kanya yung nararamdaman ko. Haaaaaaaaaay..Kailan ko kaya to masasabi sa kanya?

Natatakot kasi ako na baka pag sinabi ko, baka mamaya, iwasan nya ako. Edi sayang lang yung kung anung meron kami ngayon. Pero kung hindi ko naman sasabihin, hanggang dito na lang kami, magkaibigan.

Haaaaaaaaaaaaaay! Ang hirap naman oh!

"Hoy Calvin relax lang! Kaya mo yan! Matagal pa naman kayo eh, ichicheer kita wag kang mag alala! Gumawa pa nga ako ng banner oh! Ipapahawak ko to dun sa kaibigan mo! Ichicheer ka namin!" -Alexei

Oo nga pala..Isa pa to..Laban na nga pala namin ngayon.

Oo.. ngayon na yung singing contest! O___O

parang ngayon lang nag sink in sakin lahat..

Maya maya..

"I'm sorry Calvin, nalate ako! Medyo inayusan pa kasi ako ni Crissa eh!" -pagtingin ko kung sino sya..

O___________________O

A-ang ganda..mu-mukha syang anghel..

si-- si Nina.. ang.. ang ganda nya ngayon..

bagay sa kanya yung ayos nya..pati narin yung puti nyang gown..

as in.. para syang

"Anghel na bumaba sa lupa" -biglang bulong sa akin ni Alexei

"Pa-pano mo nabasa yung iniisip ko?-e-este anu bang sinasabi mo Alexei?"

"Wala.. wala.. basta Calvin, wag kang mag space out ng ganyan pag nasa stage ka na huh? Mukha ka kasing tanga.."

"Aba at--"

"Hahaha! Sige maiwan na ko na kayo, pupunta na ako kila Crissa, ichicheer namin kayo! Nina goodluck sa inyo ni Calvin! Kaya niyo yan!" -Alexei na nagtatakbo na palabas ng backstage

"Calvin.." -Nina na hinahaya ang kamay nya sa akin .. eh?

"Nina para san ya--" pero bago pa ako makatuloy ng pagsasalita..

hinawakan nya ang kamay ko..

a-as in..

ho-holding hands kami ngayon..

"Kaya natin to Calvin!" -sabi nya sabay ngiti sa akin

"Oo.. kaya natin to!" -sabi ko sabay ngiti rin sa kanya

Sa tingin ko.. kaya nga namin to.. Nasa harap ko ang inspirasyon ko at hawak hawak nya ngayon ang kamay ko..kaya nga kaya ko nga siguro to.

.

.

Isang performance na lang at kami na ang susunod ni Nina.. Sa pag kakaalam ko ang kumakanta ngayon ay yung lalaking naka away ni Alexei sa hallway nung isang araw. Yung nakipagpustahan na pag hindi ko sya natalo, eh kailangang makipag date ni Alexei sa kanya.

aw..

Bakit nga ba nakalimutan ko ang tungkol dito? Tsaka si Alexei, bakit parang hindi man lang sya kinakabahan sa sitwasyon nya? Haaaaaaaay.. masyadong mataas ang tiwala sakin ng babaeng yun. Bahala sya -_-

pero teka!

Patay pala ako kay Chase! Pinagbantaan nya ako na kailangan kong matalo yung lalaking yun kahit anung mangyari, o ipagkakalat nya yung sikreto namin ni Alexei. Haaaaaay.. gagawin nya talaga lahat wag lang makipag date si Alexei sa iba. Naman oh..

Ngayon ko lang din na realize kung ganu kalaki yung pressure sakin nitong contest na to. Kailangan kong manalo kahit anung mangyari. Pero hearing the performance nung nanghamon sa akin, hindi ko ata sigurado kung mananalo kami, ang galing kasi nila.

maya maya..

kami na..

kami na ang kakanta ni Nina..

nakasalubong ko bago ko pumunta ng stage yung lalaking naka away ni Alexei..

"Narinig mo ba yung performance namin? think you could beat that? hahaha.. be ready, I'm going to date your girlfriend." -sabi nya sabay lakad na

wat the??

"Girlfriend? may girlfriend ka na Calvin?"-Nina

"H-huh? wa-wala no! Hindi pa nga kita nililiga- e-este, wa-wala yun. Na-napagkamalan lang nyang girlfriend ko si Alexei kasi lage kaming magkasama pero wala pa talaga akong girlfriend."

"Mabuti naman kung ganun ^___^" -Nina

"Mabuti? teka anung ibig mong sabihin dun Nin--"

"Tinatawag na tayo Calvin! kaya natin to!" -Nina na hinigit na ako sa stage..

aw.. Hindi nya pa sinasagot yung tanung ko eh..

pero pag labas namin..

waaaaaaaaaaaah..

Ang dame palang tao! Ang dameng nanonood.. Kinakabahan na ako..

parang ayoko na ata..

"Calvin wag kang kabahan, kaya natin to." -bulong sa akin ni Nina

kaya naman mejo nabuhayan ako ng loob..tapos napatingin ako kila Alexei..

Nahanap ko sila agad, sila lang kasi yung may hawak na banner eh, kumikintab kintab  pa. Tapos ang ingay pa ni Alexei, sumisigaw sya ng..

"Go Calvin! Go Nina! Kaya mo yan! Kayo nyo yan! Go! Go! Go!" -ang taas ng energy nya kahit kelan

tapos maya maya binatukan niya si Chase at si Crissa..tapos pati sila nakisigaw narin kasama ni Alexei kahit mukhang napipilitan lang..

Medyo nakakahiya sila -_-

Napapatawa nlng ako, pero ang galing ah..pa-parang nawala na bigla yung kaba ko..

Ang sabi sakin ni Alexei, sa kanila lang daw ako tumingin, isipin ko daw na sila lang ang tao dito sa hall tapos hindi na daw ako kakabahan. Gawin ko nga kaya yun?

maya maya nagstart ng mag play yung music..

at nagsimula naring kumanta si Nina..

NOW PLAYING: FROM THIS MOMENT by Shania Twain ft. Bryan White

(I do swear that I'll always be there.

I'd give anything and everything and I will always care.

through weakness and strength, happiness and sorrow, for

better, for worse, I will love you with every beat of my heart.)

From this moment life has begun
From this moment you are the one

Sa totoo lang medyo kinakabahan pa ako, pero hearing Nina's voice kung gaano to kaganda..at kung panu mag blend yung boses namin.. I don't know.. pero bigla nlng ang taas ng confidence ko.


Right beside you is where I belong
From this moment on

From this moment I have been blessed
I live only for your happiness
And for your love I'd give my last breath
From this moment on

I give my hand to you with all my heart
Can't wait to live my life with you
Can't wait to start


Hindi ko namamalayan, nawawala na yung kaba sa dibdib ko and suddenly, ineenjoy ko na lang yung kanta.


You and I will never be apart
My dreams came true because of you

From this moment as long as I live
I will love you, I promise you this


Ang sarap pakinggan ng boses namin ni Nina..

Napatingin ako kay Alexei.. nag tthumbs up sign sya sa akin.. napangiti na lang ako..


There is nothing I wouldn't give
From this moment on

You're the reason I believe in love
And you're the answer to my prrayers from up above


Ang ganda talaga ng boses ni Nina..at surprisingly, ngayon lang talaga ako nagandahan sa boses ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng tiwala na may posibilidad na manalo kami..


All we need is just the two of us
My dreams came true because of you

Ang sarap pakinggan ng sigawan ng mga tao..May nagpapalakpakan na agad kahit hindi pa kami tapos.


From this moment as long as I live
I will love you, I promise you this


Kung hindi siguro dahil sa pag eencourage ni Alexei, siguro hindi ako nakakanta dito. Hindi ako mapapalakpakan ng mga taong to ngayon, hindi ako makakanta kasama si Nina ngayon. Ang lahat ng to, pinagpapasalamat ko kay Alexei, sa pagtitiwala nya sa akin.


There is nothing I wouldn't give
From this moment-
I will love you as long as I live
From this moment on


at ng matapos ang kanta nagpalakpakan ang mga tao. May mga nag standing ovation pa nga, pero kahit nakaka overwhelm yung reaction nila, ewan ko ba. Pero isa lang ang hinahanap hanap ng mga mata ko sa oras na to, isang reaksyon lang ang gusto kong makita..

Tumingin na akong muli sa kung nasaan sila Alexei, pero.. si Chase at Crissa lang ang nakita ko dun..Wala si Alexei. Saan sya nag punta?

Hinanap ko sya pero di sya makita ng mata ko kahit saan. Hanggang sa kinailangan na naming pumunta sa backstage kaya hindi ko na nakita pa si Alexei.

Bakit hindi niya tinapos yung kanta ko? at bakit parang nadisappoint ako? Bakit parang ang lungkot ko bigla?

.

.

sa backstage..

"Oh bakit parang hindi ka ata masaya Calvin?"-Nina

"Huh? hindi no. Kinakabahan lang siguro pero nakakatuwa nga eh. Hindi ko expected na ganun nlng yung magiging reaksyon ng mga tao.."

"Ako nga rin eh! Ang galing natin Calvin! nagawa natin! tuwang tuwa ako ^__^" -Nina

"Ako rin ^___^" 

tuwang tuwa naman talaga ako eh..

pero bakit pakiramdam ko may mali?

bakit parang may kulang?

.

.

di nagtagal at iaanounce na yung mga winners sa stage kaya naman kinailangan na ulit namin lumabas sa stage..at wala parin si Alexei dun..

tapos eto pa yung napansin ko..

bakit..bakit wala yung lalaking naka away ni Alexei sa hallway nung isang araw? yung partner lang nya ang nandito sa stage!

tapos maya maya..

may nakakuha ng atensyon ko..

parang .. teka..

si Alexei yun! Oo! Si Alexei!

pero bakit pinaliligiran sya ng teka, mga disciplinary members yun ng school ah??

ta-tapos..

yu-yung lalaking naka away ni Alexei..

hawak hawak din sya nung disciplinary members.. parang may sugat at pasa sya sa mukha..

wat the??

Wag mong sabihing si Alexei ang may gawa nun?

pero bakit?

"Calvin, Calvin! Hindi mo ba narinig? panalo tayo Calvin!"-Nina

Naalis ko lang ang tingin ko kay Alexei nung sabihin ni Nina to tapos hingit nya ako papunta dun sa magbibigay ng award.

Panalo kami, first place. Dapat masayang masaya ako..pero..pero si Alexei..Wala akong maisip ngayon kung hindi si Alexei lang. Kung anung nangyari sa kanya, wala akong maisip kung hindi ang sundan si Alexei, puntahan sya.

.

.

"Congratulations.." -sabi samin nung MC sabay abot sa amin ng awards and trophies

pero wala ang isip ko sa kanila..na kay Alexei parin..

"For the last time.. before we end this contest,, let's hear them sing again.. Our singing contest Champions!" -sabi nung Mc

Kaya lumapit na kami ni Nina dun sa may microphones.Nagstart ng mag play yung music pero..

"Sorry.. gusto ko po talagang kantahan pa kayo ulit pero.. may kailangan lang po talaga akong puntahan. Sorry.. sorry po talaga.. sorry Nina!" -sigaw ko at dali dali na akong nagtatakbo pababa ng stage, palabas ng gym, papunta sa guidance office..

Alam ko hinahabol ako nila Chase, tinatanong kung anung nangyari sa akin, kung saan ako pupunta pero wala ako sa wisyo para sumagot. Actually wala akong alam ngayon kung hindi ang makapunta kay Alexei,yun lang. Yun lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon..

.

.

pag dating ko sa may guidance office..

"A-alexei?" -nakita ko si Alexei na kakalabas lang

"Oh Calvin? tapos na ba yung contest? panalo kayo diba? Congrat--"

"Anung nangyari sayo? Bakit napapunta ka dito? ok ka lang ba? Bakit may pasa ka?"

"Huh? relax Calvin.. Ok lang ako... ako pa.. Eh kasi yung ugok na lalaking yun, yung mayabang na kumag, napansin kong kakaiba yung kinikilos nya kanina habang kumakanta kayo ni Nina! Kaya naman sinundan ko sya! Balak sana nyang isabutahe yung kanta nyo! Balak nyang patayin yung music habang kumakanta kayo! Siguro natakot kasi ang galing nyo eh, kaya ayun.. pinigilan ko sya. Pero bigla nya akong tinulak, napatama tuloy ako dun sa may bakal, kaya medyo may pasa tong mukha ko. Tapos hinawakan nya pa ako ng mahigpit sa braso kaya medyo may bakat pa ng pula yung braso ko, pero ok na yun! Nabugbog ko na sya! Pasalamat nga sya pasa at sugat lang sa mukha yung inabot nya! kasi kung hindi ako inawat nung mga disciplinary committee, mas nabugbog ko pa sana sy--"

Tiningnan ko ang braso ni Alexei.. at ang mukha nyang may galos.. may pasa..at habang pinagmamasdan ko sya, parang gusto kong makapanakit ng tao bigla.

"Nasaan sya Alexei?"

"Huh?"

"Nasaan yung magaling na may gawa sayo nyan?!"

"Huh? ah naka alis na. Nauna sakin, dadalhin nung ibang disciplinary members sa dean ng course nila.. "

"Kakaalis lang nila?? "

"Ahm medyo.."

"So hindi pa sila nakakalayo?" -ako

"Siguro.."

"Ok.." tatakbo na sana ako pero..

"Teka Calvin saan ka pupunta?"

Hindi ko na lang sya sinagot at tumakbo parin ako pero hinawakan nya yung kamay ko..

"Calvin ok na naman eh.. mapaparusahan na naman sy--"

"Hindi! Magbabayad sya sa ginawa nya sayo! Magbabayad sya!" -sigaw ko

hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang yung galit na nararamdaman ko ngayon..

"Pero Calvin--"

"Walang pero pero Alexei! kung ayaw mo kong bitawan, edi sige sumama ka sakin!"

at hinigit ko na nga si Alexei..

------------------------------------------------------------------------------------------------

Alexei's POV

Bakit ganto bigla si Calvin? Nakakatakot sya bigla..

Ang higpit ng kapit nya sa kamay ko tapos ang bilis bilis nya pa..

"Calvin saan kayo pupunt--" nadaanan namin si Nina..

Oo..si Nina. Pero bakit hindi sya napansin ni Calvin? Bakit nilampasan lang sya ni Calvin?

Tumakbo pa kami ng tumakbo hanggang sa maabutan namin yung kumag na lalaki.. kasama yung dalwang member ng disciplinary committee..

Pag dating namin sa may  likod nila, binitawan ni Calvin ang kamay ko tapos lumapit sya sa likod nung kumag na lalaki. Tinap ang balikat nun para mapalingon sa kanya..

tapos..

"Hoy pare!" -sigaw ni Calvin

tapos pag harap na pag harap nung kumag na lalaki..

Kamao ni Calvin ang sumalubong sa kanya..

at sa lakas ata ng suntok..eh natumba sya at nawalan ng malay..

Si Calvin naman, parang biglang bigla..

Ka-kahit ako biglang bigla rin sa totoo lang.. Hindi ko akalaing ganito sya kalakas.

-------------------------------------------------------------------------------------------

CALVIN's POV

Pagtapos kong masuntok yung lalaki, natigilan ako.

Na-nasuntok ko talaga sya?? Nakasuntok talaga ako??

at nakatulog sya?

tapos..

Nasuntok ko sya sa harap ng dalawang disciplinary members??

wat the??

"Calvz! astig! di mo sinasabe may tinatago ka palang angas eh! Dapat pala ikaw sinasama ko sa bugbugan!" -out of nowhere biglang lumabas sa tabi ko si Chase

"Ka-kahit ako.. na-nabigla rin.. u-unang beses ko tong makasuntok.. na-napalakas ata.."

"Astig nga eh.." -Chase

"Astig? anung astig dito?" -sabay turo ko dun sa disciplinary members

"Ikaw, sumama ka samin sa guidance office ngayon din.."

napahawak na lang ako sa ulo ko, sabay gulo sa buhok ko

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaay! Anu ba talagang nangyari sa akin? Para akong sinapian ng kung anu!

First time kong ma ga guidance office.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #yam-yam28