CHAPTER 1- The DAY SHE.. came along.
CHAPTER 1- The DAY SHE.. came along.
Calvin's POV
*yawn~
Inaantok na ako pero hindi ko pa natatapos yung project kong mosaic. Dapat kanina ko pa tapos yun kung hindi lang ako napasarap ng panonood ng tv tsk. Kung bakit naman kasi college na kami eh may project pang nalalaman na ganito. Pang elementary lang to eh!
*grooooooooowl~
Gutom na ako.
Pumunta ako sa kusina at binuksan ang refrigerator.
Nalintikan. Wala na pala akong kahit anung pagkaen sa ref. =___=
Ang hirap talaga pag mag isa lang sa bahay. Nagrerent lang ako ng condo kasi malayo yung bahay namin sa school na pinapasukan ko ngayon. Magulang ko naman nagbabayad kaya ayos lang.
Haay... tinatamad akong gumalaw. Ayokong lumabas pero gutom na ako.
Humiga ako sa kama.
Itulog ko na lang kaya to? o Bibili ako ng pagkaen?
Tutulog?
Bibili?
Tutulog?
Kung bibili ako, mabubusog ako.
Kung tutulog ako, hindi ako mapapagod paglalakad. Pagod na pagod na kasi ako sa pag gawa ng project kaya tamad na tamad na akong gumalaw.
Ang hirap magdesisyon huh?
Hmmm...
Nah! Itutulog ko na lang to! Tinatamad talaga ako.
*groooooooooooooowl~
"Ugh! Oo na! Lalabas na! Lalabas na!" pagkausap ko sa tyan ko. Wala rin akong nagawa. Hindi rin ako makatulog sa ingay ng tyan ko kaya napagdesisyunan kong bumili na nga ng pagkaen.
Walang kagana gana akong naglakad palabas ng condo. Pumunta lang ako sa malapit na convenience store, sa 7-11. Bibili na lang ako ng cup noodles at tinapay, kung anu mang pagkaen na hindi na kailangan pang lutuin kasi tamad na tamad na talaga akong gumawa ng kahit anu.
.
.
Pagkabayad ko, kinaen ko na yung noodles dun narin mismo, gutom na kasi talaga ako. Pero dahil gumagabi na napag desisyunan kong kainin na lang yung tuna sandwich na binili ko sa condo para habang gumagawa ako nung project ko eh, may makaen ako.
Wala namang interesting sa buhay ko, normal lang. Mabobored lang kayo. Isa lang akong normal na studyante. Studyanteng papasok sa school, makikinig sa boring na klase, papahirapan ng teachers, uuwi, magpapahinga, kakaen , tutunganga, tutulog and repeat the cycle. Yan ang normal na buhay ng isang Calvin Gray Martinez. Ang cool ng name ko, pero ang lame ng buhay ko. Wala talaga akong masasabing interesting tungkol sa buhay ko. It's just another plain boring cycle everyday-- well, this one's unusual...
Nagkasalubong kami ng isang babaeng sa tingin ko kaedad ko rin. Maikli ang buhok niya, naka salamin. Anung ginagawa ng isang babaeng ganito sa gitna ng kalsada sa dis oras ng gabi? But the hell I care. Hindi naman sya si Nina, wala akong pakialam.
Umiwas ako ng daan sa kanya pero umiwas din s'ya kaya magkasalubong parin kami.
Umiwas ulit ako pero ganun rin s'ya, kaya magkasalubong parin kami. Para kaming nagpapatintero ah. =___= Kaya tumigil ako tapos...
"Sige dumaan ka na miss,"sabi ko, giving her way. Pero...
O_____________O << Ganyan lang siya, nakatulala lang sakin. Anong problema niya?
"Ah miss, sabi ko dumaan ka na. Nagkakabungguan kasi tayo kaya pinapadaan na kita," sabi ko pero para syang walang narinig at nakatulala parin sya sakin. Eh weirdo pala to eh!
I just shrug my shoulders tapos lalampasan ko na lang sana s'ya ng biglang... What the? Humarang na naman s'ya sa dadaanan ko.
So hindi pala nagkataon lang na nagkakasalubong kami, kundi talagang hinaharangan niya ako?
"Hoy miss anu bang prob---" Natigil ako nung bigla niyang tinuro yung tuna sandwich na hawak hawak ko.
Anong ibig sabihin nun?! Gusto niya yun? Pero teka, bakit ko naman ibibigay sa kanya to? Hindi ko naman sya kilala ah! Pero ang putla niya eh. Baka naman nagugutom na talaga s'ya.
"Gusto mo to?!" -ako
Tumango lang sya.
Pipe ba sya? Hindi ba sya nakakapagsalita? Sayang, cute pa naman s'ya.
Binigay ko na nga yung sandwich sa kanya at as soon as maibigay ko yun para s'yang isang hyena na gutom na gutom, akala mo ngayon lang sya nakakakaen after 10 years! Ang bilis niyang naubos yung sandwich. Bukol nga yung pisngi n'ya sa laki ng kagat niya eh.
"Okay busog ka na? Alis na ko huh. May project pa kasi akong gagawin eh, maiwan na kita." Nilampasan ko na sya habang ngumunguya pa s'ya.
Habang naglalakad ako...
*crak
May narinig akong parang sound ng sanga na nabali kaya napalingon ako sa likod ko at...
O_____________________O! Nagulat talaga ako sa nakita ko.
"Bakit mo ko sinusundan? Wala na akong pagkaen na maibibigay sayo," sabi ko sa kanya, yung babae kanina, sinundan niya ako.
Umiling lang s'ya.
So kung hindi pagkaen ang gusto niya, ano?
"Tubig? Gusto mo ng tubig?!" Baka kasi nauhaw sya sa kinaen niya eh.
*iling iling
Hindi parin?
"Ano ba talagang gusto mo?!"
As soon as masabi ko yun biglang kumaripas s'ya papunta sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat tapos tiningnan niya ako sa mata ko. Ang lapit ng mukha niya.
"Patira naman sa bahay mo oh," sabi n'ya.
O_________O Nanlaki ang mata ko.
Nakakapagsalita s'ya? pero teka... hindi dapat yan ang kinagulat ko! Yung sinabi niya, anu daw?!
"Anong sabi mo?"
"Patira sa bahay niyo." She said effortlessly na akala mo eh kung sino syang malapit sa akin. This girl is crazy!
"Bakit naman kita patitirahin sa bahay ko?"
"Kasi wala akong matirhan?"
"Ano namang pakialam ko kung wala kang matirhan?"
"Hindi ka man lang ba naaawa sa isang babaeng katulad ko? Hahayaan mo ba akong magpalaboy laboy dito sa kalsada sa dis oras ng gabi? Paano kung may mangyari sakin? Paano kung---"
"WALA AKONG... PAKIALAM. OK?" sabi ko tapos naglakad na ulit ako at nilampasan s'ya.
Habang naglalakad ako naiisip ko nga yung mga pinagsasabi niya kanina. Paano kung biglang mabalita na narape sya o di kaya napatay?! Edi baka makonsensya pa ako! Kasalanan ko pa!
Tsk.
"O sige na nga! Pero ngayong gabi lang huh?" sabi ko pagharap ko sa kanya. Agad naman niya akong binigyan ng isang malaking ngiti.
"Nako salamat! Salamat talaga!" Tumakbo na agad s'ya papunta sakin dala-dala yung maleta niya. Naglayas ba to?! O__O?
Bahala na nga. Isang gabi lang naman eh. What's the worst that could happen?!
.
.
"Wow, dito ka nakatira? Ikaw lang mag isa?" Kakapasok lang namin sa condo ko.
"Oo, " tipid kong sagot. Pagod na kasi ako.
Kumuha ako ng unan at isang kumot sa kwarto ko tapos pinuntahan ko na s'ya na kasalukuyang nakaupo sa sofa sa living room ko.
"Wow ang gentleman mo naman! Salamat huh? Sige tutulog na ako. Pagod na rin kasi ako eh." Tatayo na sana siya at pupunta na sana sa kwarto ko kung hindi ko lang sya pinigilan. Pinaupo ko ulit s'ya sa sofa tapos binigay ko sa kanya yung unan at kumot na dala ko.
"Bahay ko to. Nakikitulog ka lang at hindi ako isang gentleman. Kaya ikaw (tinuturo ko siya) ay matutulog dito (tinuro ko yung sofa). Ako (tinuro ko yung sarili ko) doon sa kwarto (tinuro ko yung pinto ng kwarto ko) intindi?"
Sumimangot s'ya pero tumango din naman. Iniwan ko na s'ya doon sa living room tapos tinapos ko na yung mosaic na ginagawa ko sa kwarto ko. Nahiga na ako sa kama pagkatapos.
.
.
Naalimpungatan ako sa kalagitnaan nang gabi ng maramdaman kong parang may nakadantay sa akin. Pag tingin ko sa tabi ko...
O_______O!
"Bakit katabi kita?" sigaw ko sabay tulak sa kanya. Oo, yung babae na hindi ko pa alam ang pangalan pero nakikitulog sa bahay ko, nasa tabi ko na!
Nakasigaw na ako at inuuga sya pero, hindi parin sya nagigising.
"Hoy gumising ka! Hindi ako makakatulog nito kung katabi kita! Lalaki kaya ako! Hoy!" Halos mapaos na ako ng kakasigaw at pagod narin ako sa pag alog pero di parin sya nagigising, kaya naman...
No choice. Lumabas ako ng kwarto ko at dun natulog sa sofa. Great! Just great! =___=
.
.
.
"Good morning!" sigaw ng isang babae sakin na nakaupo sa silya sa may table na kainan ko.
"Good morning." sabi ko habang naglalakad na parang zombie papuntang c.r.
Nilampasan ko s'ya pero napabalik ako.
"Sino ka? Anung ginagawa mo sa condo ko?" sigaw ko sa kanya.
"Ah... ako?! Ako yung babae kagabi."
Babae kagabi?! Ah! oo nga pala. S'ya nga lang pala naman ang dahilan kung bakit natulog ako sa sofa -____-
Sasabihin ko na sanang baka gusto na niyang umalis kasi nababadtrip ako sa kanya nang...
"Kaen ka na, pinagluto kita ng almusal." Ngayon ko lang naaninag talaga yung mukha n'ya at talagang ang ganda niya, lalo na nung nginitian niya ako.
Natuwa rin ako kasi, pinagluto ako ng isang babae at miss na miss ko na ang lutong bahay. Almusal ko kasi lage, instant noodles.
"Sa-salamat." Umupo ako sa may tabi niya.
"Nauna na akong kumaen huh? Gutom na kasi ako eh. Ang hirap hanapin ng wallet mo, bago pa ako nakapag luto." Kumakaen na ako nung sabihin niya yan. Kaya naman...
*cough cough
Nasamid na lang ako. Wallet?!
Kinapa ko yung wallet ko at pagtingin ko...
What the?! Bakit 500 na lang yung pera ko? One thousand pa to ah? Tinitipid ko yun kasi Wednesay pa ako padadalhan ni mama, eh Monday palang ngayon!
"500 pesos ang nagastos mo para sa pagkaen na to? Kumuha ka ng pera ko sa wallet ko ng walang paalam?!"Ang taas na nung boses ko kasi nakaka inis na s'ya.
"Eh gutom na ko eh. Ginigising kita, ayaw mo namang magising, pero wag kang mag alala, hindi kita dinugasan no. Ito pa ang resibo!" May sinalpak siya sa pagmumukha ko na resibo.
"Nakasulat dito may sausage kang binili! Mamahaling sausage that costs 220 pesos? Nasan yung sausage?"
Tinuro niya yung tyan niya, "Andito na oh. Ang sarap kasi kaya di ko na napigilan ang sarili ko. Titirhan pa sana kita kaso, di ko namalayan sa sobrang sarap nakaen ko na pala lahat hehe. Pero may itlo--"
"Lumabas ka na! Umalis ka na sa bahay ko ngayon din!" sigaw ko. Masyado na s'yang nafifeel at home. Close ba kami? Eh ni hindi ko pa nga alam pangalan niya ah!
"Teka! Sabi mo payag kang tumira ako dito?" -s'ya.
"Sabi ko, matulog lang! Pwede ka lang matulog ng isang gabi! Pero di ako nagsabi na pwede kang--"
"Bla bla bla! Basta ang rinig ko sabi mo 'Pwede kang tumira sa bahay ko hanggat sa makahanap ka ng matutuluyan sagot kita pati pagkaen mo.' ganun. Ganun ang sabi mo."
"Hoy hinding-hindi ko sasabihin yun huh! Nakakaasar ka na! Lumayas ka na nga! Layas! Kunin mo na yung mga gamit mo at lumayas ka na!" Tinutulak ko na siya palabas.
"Te-teka! Hindi ka ba naaawa sa isang babaeng katulad ko na--"
"Hindi mo na ko madadaan sa ganyan! Alis! Alis sabi eh!" Binuhat ko na yung maleta niya at nilagay sa may pinto.
"Hindi ka na talaga mapapakiusapan?" -s'ya.
I crossed my arms then I looked straight at her.
"Sorry miss pero HINDI. Kaya alis!"
Ngumiti s'ya bigla. What the? Napalayas na nakangiti pa? Eh may sayad ata to sa utak eh!
"Kung hindi ka madadaan sa pakiusap, then..."
)&*(*^*%^&$^%#**^&(**
Masyadong mabilis ang mga pangyayari at bigla na lang hawak hawak niya yung braso ko na nakapilipit tapos may maliit na kutsilyo s'yang hawak na nakatutok sa leeg ko.
"Mi-miss a-anu bang--"
"Ayaw mo ng matinong usapan so might as well use brutal force!"
"A-anu bang ginagawa m---"
"Papatirahin mo ako sa bahay mo hanggang sa makahanap ako ng matutuluyan, o ikaw ang tutuluyan ko?" sabi niya habang lalong nilalapit sa leeg ko yung kutsilyo.
Ayoko pang mamatay! Ayoko pa! Kaya naman sa takot ko...
"O-oo na. Sabi ko nga pwede kang tumira dito hanggang kailan mo gusto eh."
"Madali ka naman palang kausap eh." Ngumiti sya, a devilish one.
"Pwede mo na akong bitawan?"
"Saglit lang, let's make things clear, once bitawan kita, hindi mo ko palalayasin okay? Tutupad ka sa pangako mo okay? Kasi pag hindi, I'll hunt you down to the depths of hell. Hindi mo alam kung sino ako, pero sinisigurado ko sayo, once lokohin mo ako, I'll hunt you down. Got it?" Binibigyan niya ako ng look na nagsasabing anytime pwede niya akong patayin.
"O-oo, p-promise."
"Good." Binitawan na niya ako. Nakahinga ako ng maluwag.
"Ako nga pala si... Cerys Alexei Sandoval. Alexei na lang." Akma s'yang makikipagshake hands. Nakatitig lang ako sa kanya.
Inihaya na naman niya sakin yung kutsilyo kaya naman agad akong nakipagshake hands din, "Ahm, Calvin Gray Martinez."
"Nice to meet you Calvin, from now on, I'll be living at your house so... please take care of me."
Muli nakatulala na naman ako sa kanya, pilit pinaprocess sa utak ko yung mga nangyayari. Ang malas ko naman oh! Who would have thought na, dahil lang sa pagbili ko sa convenience store, dahil lang sa pagpayag kong tumulog dito ang isang babaeng di ko kilala eh bigla na lang magiging ganito ang sitwasyon? Bigla na lang may babae akong kailangang patirahin dito sa condo kasama ko.
"Hoy anu na! Sumagot ka!" Napatalon naman ako sa sigaw niya. Muli nakatutuok na naman sakin yung kutsilyo.
"Ye-yes. I will take care of you."
"Good." Umupo na siya dun sa sofa.
Wala akong masabi. Gusto ko s'yang palayasin pero pag titingin s'ya sakin ngingiti lang ako tapos ngingiti din s'ya, medyo pang-asar nga lang.
Bigla s'yang pumasok sa kwarto ko, tapos parang may kinuha. Ako naman papasok na ng cr at maliligo na, kailangan kong pumasok sa school eh. Kahit na ganito ang sitwasyon, hindi ako pwedeng umabsent, ipapass ko pa yung project ko. Pero bago ako makapasok sa c.r. nagsalita s'ya...
"Ah anong mas bagay na pangalan, Whitey o Sparky?"
Napaharap naman ako sa kanya.
"May aso ka ba?" tanong ko.
"Hindi. Ito oh. Iniisip ko ang pangalan niya eh." Nanlaki na lang ang mata ko pagkakita ko nung buhat-buhat niya.
"Sa-saan galing yang baby na yan?!" sigaw ko habang tinuturo yung baby.
"Ah eto? Napulot ko sa may basurahan." Walang pagdadalawang isip niyang sinabi.
"Napulot mo?"
"Oo. Mag isa lang sya dun eh. Nung namili ako kanina sa grocery store, nakita ko s'ya sa isang box malapit sa may basurahan. I think he's kinda cute so, naisipan kong I'm gonna keep him," sabi niya sabay pisil pa sa pisngi nung baby.
"Anong tingin mo dyan, aso na pag nakita mo sa daan pwede mong iuwi? Wala ka na ngang matirhan may gana ka pang mamulot ng sanggol sa daan? What the hell is wrong with y--"
Muli... hindi ko na naman namalayan ang nangyari at ang posisyon na naman namin ay katulad ng kanina. Hawak niya yung braso ko na nakapilipit tapos nakatutuok na naman sa leeg ko yung maliit niyang kutsilyo! Waaah! Tapos ang talim na naman ng tingin niya.
Nilapag lang n'ya yung baby sa sahig na gumagapang dun.
"If I say I wanna keep this baby, I'm gonna keep it okay?"
Napalunok ako tapos tumango na lang.
"Good. Good boy Calvin. Good boy." Pinat niya ako sa ulo na para akong isang aso. The hell?
Gustong gusto ko na s'yang patayin. Sa totoo lang ilang beses ko na syang pinatay sa utak ko pero...
"Maliligo na ako. Papasok na kasi ako." Ngumiti na lang ako at di na nagawang magreklamo.
"Okay. Come on Sparky. Sparky, you'll be Sparky from now on." sabi niya habang buhat buhat yung baby.
"Give him a decent name for Pete's sake!" sigaw ko. Paano, tunog aso yung pangalan eh.
"Wala akong maisip eh. Ah teka, let's call him Red."
"Red?"
"Yeah... 'cause I like blood, and it's red. Okay Red, you're Red now okay?!" Tumalikod na s'ya sakin at dinala sa kwarto yung baby.
Habang nasa shower ako, iniinternalize ko pa rin yung mga pangyayari.
How can my trip to a convenience store to buy some food, lead me to having a free loader girl living at my house? And now there's some freaking baby too? I have to raise a freaking baby too?Waaaaah! Sabihin niyo saking nananaginip lang ako!
Dapat natulog na lang talaga ako. Itinulog ko na lang talaga dapat yung gutom ko kagabi! Then none of this could have happened! Normal pa sana ang buhay ko!
Paglabas ko ng c.r. nandun parin s'ya, yung babaeng Alexei na yun tapos yung baby. Nanonood sila ng tv. Kumakanta kanta pa sya! What the f?
"Oi nga pala Calvin, pag uwi mo, bumili ka ng gatas at diapers okay?" sigaw n'ya sakin ng sa t.v. parin nakatingin habang yung baby nasa kama ko. Die! Die you piece of shit!
"Bakit ako bibili?"
"Para dito sa baby, gatas tapos diaper, gusto mo bang mag ihi sya kung saan? Ito nga o at naihian niya na tong kung anung basurang nakakalat sa kwarto mo. Itapon mo nga to."
O_________________O
Nanlaki ang mata ko pagkita ko sa hawak hawak niya. Nagulo ko na lang yung buhok ko at napasigaw na lang ako.
"Anu bang nagawa ko?! Anu ba?! Project ko!" Yung pinaghirapan kong project na mosaic, basa lang naman ng ihi. Ihi!
*uha uha
Nagsimulang mag iyak yung baby.
"Tingnan mo ang ginawa mo kay baby Red! Ugh! Lumayas ka na bago pa kita mapatay! Wag kang uuwi ng walang dalang gatas at diapers! Kung hindi, alam mo na ang mangyayari!" Hinagis niya sakin yung bag ko tapos sinaraduhan na niya ako ng pinto.
Did I just get kicked out of my own condo? I just got kicked out from my own freaking condo! And now it's as if I am a family man, and I'm only 17 years old! Parang isa na akong batang ama na kailangang maghanap ng pera para may pambili ng gatas at diaper ng anak niya! And then there's this girl, a girl I don't freakin like even one bit... tapos kailangan ko syang pakisamahan? This monster girl with a killing intent? Hindi!!
Okay... let me rephrase my introduction earlier...
I'm Calvin Gray Martinez. Isa lang akong normal na studyante. Studyanteng papasok sa school, makikinig sa boring na klase, papahirapan ng teachers, uuwi, magpapahinga, kakaen, tutunganga, tutulog, and then one night I went to a convenient store to buy some food. I met a girl... a crazy girl, on the street and then boom! Everything about me having a normal life just turned out to be the most impossible thing!
Why?
Because...
Now I have to let her live in my house, kahit hindi ko s'ya kakilala. And I also have to raise a freakin baby, na napulot lang nya sa kung saan! Damn!
Look! This is what I'm telling you. Ang isang maliit na desisyon, pwedeng magdulot ng isang naaaaaaaaaaa-pakalaking pagbabago sa buhay mo. At ngayon nagsimula ang malaking pagbabagong yun. Which changed my LIFE... My normal life... into a really... MESSY PIECE OF SHIT.
Yeah... on the next chapters, that's when it will really get messy. Really messy, I'm telling you.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top