Almost There!

Naglalakad na ako sa may bangketa naghihintay na lang ako ng sasakyan na bus sobrang pagod na kasi ako sa work eh kaya gusto ko ng makauwi ng bahay

Mabuti na lang sa haba ng paglalakad ko sa may bangketa may nakita na akong bus na masasakyan ko kaya naman sumakay na ako dito agad agad

" salamat " yun na lang ang nasabi ko ng maisandal ko na sa malambot na sandalan ng upuan ng bus ang likuran kong sobrang ngawit na

" Hello, anong pangalan mo? " tanong ng isang lalaki sa akin na nakasuot ng black t-shirt at blue jeans na pantalon nakasuot rin siya ng sumblero na sa loob nito ay may panyo naka eyeliner siyang black hanggang balikat ang haba ng buhok niya matapang ang mukha niya pero masasabi kong maitsura siyang lalaki

" Ako si Zacky " sagot ko sa kanya na may kasamang ngiti, naupo ang lalaking ito sa akin at ngumiti rin siya sa akin hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na ako sa may bintana habang nakasandal sa may sandalan ng upuan

" Mukhang pagod na pagod ka ha, siguro hard working ka " pagsasalita ulit ng lalaking katabi ko na nagtanong sa akin kanina

" Hahahaa... Oo pagod na ako dahil sa work ang dami kasing dapat ayusin doon eh, tapos nagmamadali pa yung boss namin sa mga ipapasang paperworks " sagot ko sa kanya inangat niya ang kaliwang kamay niya at inalok ito sa akin. Inangat ko naman ang kanang kamay ko at nagshake hands kami

" Ako nga pala si Synyster Gate,tawagin mo na lang ako na Syn " pagpapakilala niya sa akin ngumiti ako sa kanya " Maganda ang name mo unique " sabi ko sa kanya.

Pagkatapos ng pagpapakilala naming dalawa sa isat isa naging tahimik na kami at hindi na nagkibuan pa.

Nakatingin lang ako sa may bintana tinitignan ang view sa labas dahil sa nakasandal ako sa may malambot na sandalan ng upuan at nararamdaman ko na ang lamig ng aircon ng bus hindi ko namalayan na napipikit na pala ako dala ng sobrang pagod at narerelax na ako sa may bus

Bigla naman akong nagising ng maramdaman kong huminto ang bus tumingin ako sa paligid ko at mayroon palang isa pang pasahero na sumakay naupo ito sa may harapan ng upuan namin ni Syn

" Hello Sullivan ikaw pala yan " malakas na sigaw ni Syn at lumingon naman ang lalaking nakaupo sa may harapan ng upuan namin

" Oh! Syn ikaw pala yan, akalain mo yun nagkasabay tayo dito sa may bus " masayang sabi nito kay Syn

" Nga pala Sullivan bago kong kakilala kanina lang ng sumakay ako dito. Si Zacky nga pala " turo ni Syn sa akin at pinakilala ako sa kaibigan niya

" Nice may kakilala ka na agad agad "nakangiting sabi nito kay Syn

" Nice to meet you Zacky, Ako nga pala si Sullivan best friend ni Syn "  nakangiting pagpapakilala nito sa akin, ngumiti na lang ako sa kanya at tumingin na ulit sa may bintana

" Mukhang pagod kaya ang bagong kakilala mo Syn " sabi nito habang tumalikod na ito sa aming dalawa

" Pagod talaga yan galing sa work eh maraming ginawa " sabi naman ni Syn kay Sullivan hindi ko na sila pinansin dahil nagfocus na lang ako sa view sa may labas

Nakikita ko ang mga malalaking puno na sumasayak ang mga dahon dahil sa hangin ang langit naman ay nagkukulay orange na dahil sa pababa na ito at magsisimula ng maggabi dahil sa sobrang narerelax na ako napipikit nanaman ang mga mata ko hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako

-

Mayamaya lang nagising nanaman ako dahil sa naramdaman kong huminto ulit ang bus dinilat ko ang mga mata ko akala ko kasi babaan na kaya naman tatayo na sana ako sa may upuan pero pinigilan ako ni Syn

" Huwag ka munang tumayo Zacky wala pa naman tayo sa destinasyon natin eh "  nakita kong may sumakay ulit na isang pasahero at umupo naman ito sa may tabi ni Sullivan

" Oh! John Christ " pasigaw na pagtawag ni Syn sa lalaking kakaupo lang sa may harapan ng upuan namin

" Syn ikaw pala yan Hello!, Sullivan nga pala may dala ako para sayo "  natanaw ko lang na parang may inabot ito kay Sullivan pero hindi ko nakita kung ano yun

" Nga pala John Christ may bagong kakilala sa Syn " naririnig kong pagsisimula ng kwento ni Sullivan sa lalaking katabi niyang tinatawag nilang John Christ

"Talaga friendly talaga itong si Syn eh no. Yung katabi ba niyang lalaki sa may likod yung sinasabi mo? " pagtatanong ni John Christ kay Sullivan

" Oo siya nga yun kanina lang niya nakilala yan dito rin sa may bus Zacky ang pangalan niya " sagot naman ni Sullivan kay John Christ lumingon naman sa may likuran namin si John Christ at ngitian siya ni Syn

" Zacky si John Christ " sabi ni Syn sa akin pagkatapos niya akong kalabitin sa may kanang braso ko tinignan ko naman si John Christ at ningtian ito

" Nice to meet you Zacky " nakangiting sabi nito sa akin " Nice to meet you rin John Christ " balik na sabi ko sa sinabi niya sa akin

Naupo na ito ulit ng maayos at naging tahimik na ang bus tumingin na lang ulit ako sa may bintana nakita kong medyo nagkulay violet na ang langit talagang malapit ng maggabi

Sinandal ko na lang ulit ang likuran ko sa may sandalan ng upuan at ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako

-

Nagising na ako sa pagkakatulog ko tinignan ko kung nasa tabi ko pa ba si Syn nagulat ako ng makita kong duguan na ang mukha niya basag rin ang ilong niya para bang galing siya sa isang aksidente pati ang buong katawan niya at punong puno ng dugo

Nakaramdam na ako ng takot sa aking nakita tumayo ako sa may upuan at tinignan ko sila Sullivan at John Christ  nagulat ako ng nakita kong punong puno rin sila ng dugo nakaluwa ang dalawang mata ni Sullivan putol naman ang ulo ni John Christ

Nagmadali akong puntahan ang driver lumingon naman ito sa akin at nakita kong punong puno ng dugo ito ngumiti ito sa akin dahil sa pagngiti niya tumulo ang maraming maraming dugo sa may bibig niya

" Huwag kang magalala at matakot Zacky ayos lang naman ang lahat eh " sabi nito sa nakakakilabot na boses sabay tumawa ito ng malatawang demonyo

" Paano mong sasabihing ayos lang ang lahat, Patay na ang mga kasama ko dito sa bus para silang naaksidente sabihin mo nga sa akin ano bang nangyayari ikaw bakit punong puno ka ng dugo " natataranta kong pagtatanong sa kanya naguguluhan na ako sa nangyayari tumingin ako sa may bintana at nakita kong umaandar pa rin ang bus kinilabutan ako sa view na nakita ko halos wala na ang mga puno na nakikita ko kanina wala na rin ang langit hindi ko alam kung nasaan na kami puro pula na parang dugo na lang ang nakikita ko

"Nasaan ba tayo? " pasigaw na pagtatanong ko sa driver pero narinig ko lang na tumawa siya ng malatawang demonyo nanaman sobrang kinikilabutan na ako

Nagpunta ako sa may pintuan ng bumukas ang pintuan napigilan akong bumaba nanlaki ang mata ko ng makita ko ang naglalakihang alon ng apoy nagmadali akong bumalik sa may puwesto ko kanina

" Nasaan ba talaga tayo saan ba tayo papunta sagutin mo ako anong nangyayari? "takot na takot na pagtatanong ko sa kanya hindi ko talaga alam kung ano ba ang nangyayari halos naiiyak na ako dahil gulong gulo na ako sa mga nagaganap

" Malapit na tayo "  sabi ng driver sa akin sabay tumawa ulit ito ng sobrang lakas

" Malapit na tayo Zacky! " nagulat ako ng makita kong nabuhay ulit sila Syn Sullivan at John Christ kung ano ang nakita kong karumaldumal na itsura nila kanina ganun pa rin sila ngayon sobrang nakakatakot ang mukha nila

" Ano ba kasi ang nangyayari ha bakit ganito? " umiiyak na tanong ko sa kanila nagulat ako ng lumapit sa akin ang driver

" Zacky huwag ka ng magtanong pa dahil tulad ng sinabi ko sayo kanina ayos lang ang lahat. Ako si Matt Shadow  ang bus na ito ay para sa mga makasalanan. Ikaw Zacky makasalanan ka " hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Matt Shadow sa akin sobrang naguguluhan na ako sa nangyayari dito sa bus wala ang driver pero patuloy pa rin sa pagandar ang bus

" Hindi kita maintindihan Matt Shadow " gulong gulong pagkakasabi ko sa kanya

" Zacky makasalanan kang tao wala ka ng ibang ginawa kundi puro kasamaan, Ikaw ang kumukuha ng pera ng Nanay mo sa may ATM Card niya, Nagsisinungaling ka sa Nanay mo tungkol sa perang ninanakaw mo, Ikaw ang nagbebenta ng droga sa mga katrabaho mo para lang mas lalo ka pang magkaroon ng pera, At ikaw ang pumatay sa katrabaho mong si Adam Gontier dahil gusto mong ikaw ang maging pinakamagaling sa trabaho, Zacky dumating na ang oras mo, Zacky magbabayad ka na " mas lalo akong naluha ng sinabi niya ang lahat ng kasalanan ko ibig sabihin ba nito ay papunta ako sa.....

" Hindi totoo ang lahat ng sinabi mo nanaginip lang ako dahil nakatulog ako " pinipilit kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi totoo ang lahat ng sinasabi niya sa akin

Hanggang sa narinig ko ang isang kanta na mula sa speaker ng bus

♪ Mama We All Go To Hell...
♪ Mama We All Go To Hell...

" Hindi totoo ang lahat ng ito isa lamang itong nightmare nanaginip lang ako " toreteng torete na ako ayaw kong maniwala sa sinasabi ni Matt Shadow sa akin at mas lalong ayaw ko ng marinig pa ang kanta sa may speaker gusto ko ng magising

" Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!! " malakas na pagkasigaw ko tumawa naman ng malakas na malakas na tawang demonyo si Matt Shadow sa may harapan ko

-

Bigla akong nagising agad kong tinignan sa may bintana ang labas puro puno na sumasayaw ang dahon dahil sa hangin langit na madilim na dahil sa gabi tinignan ko si Syn sa may tabi ko na tulog siguro dahil sa pagod tumayo ako sa may upuan at tinignan ko sila Sullivan at John Christ tulog. a rin sila lumapit naman ako sa may driver narinig kong tinanong niya ako

" Bakit po Sir may kailangan po ba kayo? " pagtatanong ng driver sa akin naupo ako sa may unahang upuan ng bus sinandal ko ang likod ko sa may sandalan ng upuan at huminga ng malamin sabay sinagot ang driver

" Wala lang masama kasi ang panaginip ko eh " sagot ko sa driver " nga pala anong pangalan mo? " sabay tanong ko sa driver

" Matt Shadow  " nanlaki ang mga mata ko ng marinig kong Matt Shadow ang pangalan ng driver biglang narinig ko ulit ang kanta sa may speaker sa mas malakas pa na volume

♪ Mama We All Go To Hell...
♪ Mama We All Go To Hell...

Biglang bumalik sa kanina ang buong paligid pula na dugo nanaman ang view sa may labas ng bus kasama ang mataas na along apoy napatayo ako sa sobrang takot nakita kong tumayo na rin sila Syn Sullivan ay John Christ kung ano ang itsura nila kanina yun ang nakita ko

" Nandito na tayo " sabi nila ng sabay sabay sa nakakakilabot na boses lumingon ako sa likuran ko nakita kong nasa harapan ko na si Matt Shadow pero this time pulang pula ang mukha niya may dalawang sungay rin siya sa may noo sobrang tutulis ng mga ngipin niya tumawa siya ng malakas na malakas

Demonyo na ang driver ngayon hinatak niya kaming apat damit ang dalawa niyang kamay at inilabas na kami sa may bus at hinulog na niya kami sa alon ng mga apoy tumawa siya ng tumawa ng sobrang lakas

At ngayon habang buhay na akong hindi makakaalis dito sa Impiyerno

Wakas.........

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top