Simula - Wise
Simula
Wise
HOME IF A noun is defined as a familiar, usual, and congenial setting or environment; if an intransitive verb—to go, or return to one's place of residence, origin and comfort.
I don't really know what home means, or how it feels to be in it. Growing up with a wrecked, horrible family, the word home isn't like a good thing for me to hear.
"Walanghiya ka Roberto! You can't do this to us! Hindi mo kami pwedeng iwanan ng anak mo!" dumagundong ang sigaw ni Mama sa buong bahay, may kalakihan man ito siguro maging sa labas ay rinig na rinig ang mga sigaw niya.
"Nakapagdesisyon na ako Belle! Hindi na yon magbabago, makikipaghiwalay na ako sayo." buo ang loob na sabi ni Papa kay Mama.
Walang awat silang nagsisigawan sa kanilang kwarto, habang si Papa nag eempake ng gamit at basta basta na lamang nilalagay ang lahat sa kanyang maleta.
I took a deep, deep sighed. Akala ko, isa lang ito sa normal, at halos araw araw nilang bangayan. Pero nagkakamali ako ng nagmamadaling lumabas ang aking ama, bitbit ang kanyang maleta at dire-diretsong bumaba sa may hindi kahabaan naming hagdan.
Ni hindi manlang ako napansin nito, dinaanan na parang isang bagay, walang kwenta at hindi na dapat pang bigyan ng oras o atensyon.
"Roberto ano ba? Nagpapadalos dalos ka lang! Mag isip ka muna!" bigla'y malumanay na habol dito ni Mama.
Hindi naman na sumagot pa si Papa at tuloy tuloy lang sa paglalakad hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa aking paningin.
Tumatak sa isipan ko ang sandaling 'yon. Walang lingunang minartsa palabas ng magaling kong ama ang pintuan ng tanging tahanan namin para lamang sa ibang babae. Bukod pa roon ay hindi na ito bago sa akin dahil may anak na siya sa labas bago pa mangyari ito—ang masakit pa doon, halos kaedad ko lang.
Pero kung mayroon mang nasasaktan dito ay ang ina ko 'yon, dahil nalaman niyang halos buong pagsasama nila ay niloloko siya ng tatay ko.
"Huwag na huwag mong ipapakita sa isang lalaki kung gaano mo siya kamahal Hannah, nakita mo ang ginawa ng tatay mo sa akin. Kahit na may anak kami ay nakuha akong lokohin at talikuran para lamang sa pansariling kagustuhan." minsang pangaral sa akin ni Mama habang kumakain kaming dalawa sa hapag.
Sana ay hinayaan ko siyang pangaralan ako ng paulit-ulit no'ng araw na 'yon. Bago pa siya tinakasan ng katinuan sa pag-iisip. Walang ibang dahilan kung hindi ang walang katapusan niyang pagmamahal sa aking ama, na hindi manlang nagawang suklian ito ng tama.
Itinatak ko sa aking isip ang mga salitang sinabi sa akin ni Mama, mula nang araw na 'yon ay ibinaon ko na sa limot ang mga salitang masaya at pag-ibig. Dahil kahit kailan, ang dalawang salitang 'yan ay hindi magtatagpo. Palaging magkasalungat, hindi magkakasundo.
Labing-walong taong gulang ako ng sinimulan kong harapin ang tunay na reyalidad ng buhay. Sa kagustuhan kong makapag-aral ay araw araw kong tinitiis ang pagod at puyat para lamang mapagsabay ang trabaho at eskuwela.
Ngunit tila paborito yata akong paglaruan ng tadhana dahil sa dinami-rami ng pwedeng ibawas na empleyado sa pinapasukan kong fast food chain ay ako pa ang napiling ipatanggal, malupit ka tadhana! Malupit kang tunay.
"Ma'am bakit naman ako? Alam niyo naman pong kailangang-kailangan ko ang trabahong 'to." malumanay kong tanong sa aming manager.
Masungit lamang itong nakatingin sa akin at saka humalukipkip. "In-assest ko kayong lahat at ikaw ang nakikitaan ko ng pinakamababang potensyal, bukod pa roon ay minsan na kitang naabutang natutulog sa oras ng trabaho." asik pa nito.
"Pero Ma'am, isang beses lang naman pong nangyari 'yon. Binawi ko rin ang oras na itinulog ko para naman maging patas. Ma'am wag muna ngayon oh, kailangang kailangan ko talaga 'to." pakiusap ko dito habang hinuhuli ang kanyang mga mata. Sana manlang ay makaramdam ito ng awa. Mahirap maghanap ng trabaho lalo na kung hindi pa naman nakakapagtapos.
Lumalaylay ang balikat ko ng marahan itong umiling at umalis sa aking harapan.
Pagod at pawisan kong binyahe ang distansya ng pesteng fast food chain na 'yon pauwi sa aming bahay. Bahay, umuuwi lang naman ako doon para matulog, maligo at kumain. Madalas ay para matulog nalang, minsan naman maligo nalang. Dahil kung saan ang pu-puwedeng kumain, doon ako. Kung saan maabutan ng antok, doon matutulog.
Bukas na bukas ay kailangan kong makahanap ng trabaho, liliban muna ako sa eskuwela para dito. 'Yan ang kaagad kong inalala pagkaupong-pagkaupo ko pa lamang sa narrang upuan dito sa sala.
Ilang buwan ko na ding hindi nadadalaw si Mama, hindi ko matanggap na ikinabaliw niya ang pang-iiwan ng walang kwenta kong ama sa kanya. Ang pag-ibig at ang mga kayang gawin nito.
Napapagod lang din akong dumalaw dahil paulit ulit lang ang kanyang sinasabi na siyang nakakapagparindi sa akin.
"Sino ka? Nakita mo ba si Roberto?" bigla biglang sisinghal ito at 'yan ang itatanong sa akin. Susundan ng paghagulgol at mauuwi sa pagwawala.
Awang awa ako tuwing makikita siya, ngunit hindi ko magawang maintindihan ang sitwasyon at pinagdaraanan niya. Ang kanyang karanasan at mga pangaral sa akin ay buong buhay kong dadalhin upang hindi ako matulad sa kanya. Gagawin ko ang lahat upang maging wais at huwag maging sunud-sunuran na parang isang alipin ng pag-ibig.
That's why home, isn't an ideal thing for me. I even swear to myself that I will not let the feeling of home comforted me. I will not be a stupid slave of it.
I will be wiser, para hindi maabuso... at masaktan.
Not until, I've learned that home can also be felt towards someone—when I met Vincent Alcedrick Go, my almost home.
***
This is dedicated to HannahRedspring and Avien_Celestine who supported my first ever story. You can check it on my timeline and it is already completed! Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top