Kabanata 9 - That Thing Called Love

Kabanata 9

That Thing Called Love


SA KALAGITNAAN NG paglalakad ko ay nakasalubong ko si Becca, masama ang itsura niya ng lingunin ako.


"Pinagpapalit tayo agad, ambilis naman. Hindi ko pa nga nakikita si Sir Vince, eh." parang batang reklamo niya.


Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Matamis ang ngiting ibinigay ko sa kanya, "Becca, pag hindi para sa'yo huwag mo nalang ipilit." doble ang ibig sabihin no'n pero sinabi ko 'yon sa paraang parang isang normal na pakikipag-usap lang.


Tila mababakas naman ang inis sa kanyang mukha. Kung iimagine-in mo ay umuusok pa ang kanyang ilong.


"Sige, salamat nalang," maikling tugon niya at saka umalis sa harapan ko. Oh nasaan na ang palakaibigang ugali niya? Naglaho?


Naiiling akong nagpatuloy sa paglalakad at dumiretso na sa elevator para makaakyat sa 10th floor.


Pagpasok ko sa opisina ay masungit na mukha ni Sir Vince ang bumungad sa akin. Tsk! Ano na naman ba?


"Gustong gusto mo na ba makalipat ng lugar na lilinisan? Bakit?" dire-diretsong tanong pa nito, hindi pa man ako tuluyang nakakarecover sa mga nangyayari. Simpleng pagpapalit lang ng assigned floor ganyan na siya, tsk! Tsk! Tsk!


"Pinagbigyan ko lang si Becca, Sir."


"Nang hindi ako tinatanong? I wonder bakit pumayag ka kaagad." duda pa ring sabi niya. Ano ba ang gusto niyang marinig.


"Pasensiya na po,"


"Iniiwasan mo na ba ako?" nangingisi niyang tanong. Iritado ko itong tinapunan ng tingin.


Lintik naman talaga sa kayabangan ang bwisit na 'to. "Bakit naman kita iiwasan, Sir?"


"Ewan ko sa'yo," there's a ghost of a small smile in his lips. Tila ba nagpipigil itong mangiti o matawa sa mga sinasabi. At naiinis ako dahil wala namang nakakatawa.


"Sir, parte ba ng trabaho namin ang i-entertain kayo? Sa pagkakaalam ko ay paglilinis at pag-aalis lang ng kalat ang trabaho namin dito." pigil ang inis na sabi ko, I might be sound rude pero bwisit na bwisit na talaga ako.


Pang-ilang araw ko pa lang naman dito at ganito na ang nararanasan ko. I should start looking for a new job.


"Hindi naman, gusto ko lang makausap ka. Tutal ay nalinis mo naman na ang lahat dito kanina, why don't you take your sit and let's talk." nakapamulsa pang wika niya habang nakasandal sa kanyang lamesa.


Umikot ito at gaya ng nakasanayan ay prente itong umupo sa kanyang swivel chair at iminuwestra sa akin ang upuan sa kanyang harap.


"Ano namang pag-uusapan natin, Sir? May nagawa ba ako?" walang ideya ko pang tanong.


Paiba-iba ang takbo ng utak ng bwisit na lalaking 'to. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang ugali niya, parang gago.


"Huwag ka ng madaming tanong, just take your damn sit." masungit niyang utos sa akin, syempre wala naman akong karapatang hindi sumunod. Umupo nalang ako sa upuang nasa harap ng lamesa niya.


"Any thoughts about falling inlove?" tanong niya kaagad. Kumunot ang noo ko sa narinig, hindi naman siguro ako nababaliw ano? Pero bakit gano'n ang tanong niya? Wala namang kinalaman sa trabaho ko 'yon.


"Wala akong alam dyan, Sir. Hindi pa ako naiinlove." tapat kong sagot. Napatitig naman ito sa akin na parang hindi makapaniwala.


"Seriously? Kahit puppy love?" usisa pa niya. Iling na lang ang isinagot ko. Wala akong planong pag usapan ang mga ganitong bagay, wala lang akong choice.


"Ayaw mo subukan?" he curiously asked. My eyes darted on his, what is he planning? And why is he even asking me those kind of question?


I looked at my wrist watch to check the time, kung hindi pa ako aalis ngayon para umuwi ay gagabihin ako.


"Hanggang anong oras ho ba ako uupo dito at makikinig sa mga tanong niyong walang kinalaman sa trabaho?" iritado kong tanong.


Hindi ko naman kasi talaga siya maintindihan, at bakit ba ako pa ang napili niyang kausapin tungkol sa mga bagay na 'to.


"Wala, curious lang ako. Hindi ko rin alam kung anong pakiramdam ng mainlove. But I am aware if I like someone," nanunuya niyang komento. Parang tambol naman ang aking puso sa narinig. Hindi naman siguro siya aamin na gusto niya ako diba? Ang assuming ko kung gano'n.


Umayos ako ng upo at pinakitang handa na akong makinig sa kanya, ibang-iba sa kilos at puwesto ko kanina na siyang uwing-uwi na.


"Bakit, Sir? May nagugustuhan ka?"


Ngumiti ito sa akin at tumango. Hindi ko alam kung bakit nae-excite akong malaman. Well except for the fact na baka deep inside nag-a-assume ako.


I won't deny it anymore. Yes I like him. Pero hanggang doon lang 'yon. I have a soft spot for those who are saving me like I am a damsel in distress. I can't hide the fact that I'm longing for a companiment, for someone who'll care for me. At siya ang nagpakita noon sa akin noong araw na magkita kami sa karinderya.


Hindi rin naman ako umaasang magugustuhan niya ako, he's too ideal for me. Masyado siyang mataas para pangarapin kaya naman pinipili ko na lang mainis at mairitang kunwari sa kanyang presensiya. I'd rather hate him because I know to myself that... I can't have him.


"I'm planning to confess my feelings to her. Pero hindi ko alam kung kailan o paano. Ganito yata kapag walang karanasan." natatawa niyang sabi, marahil ay natatawa rin sa sarili. Nagulat ako sa kanyang mga sinabi. First timer?


Who would have thought that an arrogant, handsome and intelligent bachelor like him does not have any experience when it comes to relationship? Well, hindi naman sa sinasabi kong automatic na dapat mayroon. Pero hindi ba't dapat ay isa siya sa mga taong maalam sa gano'ng bagay dahil halos pilahan siya ng mga babae? Pero bakit wala?


Ganoon siguro siya kadisente at kaseryoso pagdating sa ganoong usapin. Hindi siguro ito yung tipo ng taong gusto ay laro laro lang. I smiled at that thought, what a good point.


"Kailan mo pa siya gusto?" medyo natutuwa ko nang tanong. Kating kati akong malaman kung sino ba 'yon.


"Basta, I'll update you kapag nakaamin na ako sa kanya hahaha. I hope you will keep this conversation a secret. Nahihiya ako pagdating sa ganitong bagay, fuck." he muttered, tapos ay sinuklay niyang patalikod ang kanyang may kahabaang buhok. Mas nadepina no'n ang kagwapuhan niya.


"Oh, okay. Sige, Sir kailangan ko nang umuwi. Mata-traffic ako." sabi ko at saka tumayo na. Naging atentibo naman ito ng kunin niya ang kamay ko at marahang hinila palapit sa kanya.


Nagugulat ko siyang nilingon at kaagad na ibinaba ang tingin sa kamay kong hawak niya. Maraming tanong ang namumuo sa aking isip pero hindi ko masambit.


"Thank you Hannah, akala ko ay puro pagsusungit lang ang alam mo. I hope we can be friends." mabait niyang suhestyon. Ano bang nakain niya at bumabait na siya? Jusko, parang may gusto ko ata ang masungit at aroganteng bersyon niya.


Ang ganitong ugali niya ay nakapagdudulot ng kaba sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit.


Natawa nalang ako at tumango, "Walang problema, Sir. Wala rin naman akong alam sa ganyan." wika ko at saka binawi ang kamay kong mahigpit niyang hinahawakan.


Do not frustrate me, Sir Vince. I may not have any idea about that thing called love, but I know how it rolls. How people ends up being broken upon feeling it.


At pakiramdam ko ay unti-unti mo akong hinihila sa bangin para mahulog. Hindi ko yata kakayanin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top