Kabanata 8 - I'm The Boss
Kabanata 8
I'm The Boss
PAGLABAS KO PA lang ng opisina ay nagulat ako ng makita si Becca sa harap mismo ng pintuan.
Malawak ang pagkakangiti nito ng makita ako, ang kuryoso niyang mukha na nakasilay sa amin sa loob ay biglang nawala.
"Hi! Hannah, tara sabay na tayo magbreak!" impit pa ang boses nito ng inaya ako. Wala naman akong nagawa kung hindi magpaakay lang, pero napapansin ko talaga ang panaka-nakang paglingon nito sa aking pinanggalingan.
"Close na kayo ni Sir Vince?" kuryoso niyang tanong. Nagtataka ko naman itong tinignan.
One thing I like about myself is that I know if someone is being genuine or if they have ulterior motives. Nang lapitan ako ni Rose noon para makipagkaibigan ay magiliw ko itong tinanggap dahil una pa lang, alam ko na ang pakay niya sa akin.
Kaya naman hindi ako tanga para hindi malaman o mapansin ang dahilan kung bakit kinakaibigan ako ng Becca na 'to. And somehow, I wanted to give her the benefit of doubt. Let's see.
"Hindi eh, hindi ako nakikipagkaibigan sa amo. Kapag trabaho ay trabaho lang." pormal kong sagot dito. Ang malawak niyang ngiti ay unti-unti na namang nawawala.
Mahigpit ang kapit niya sa aking braso nago kami sumakay sa elevator, at nang sabihin kong hindi ko naman close si Sir Vince ay lumuwang ito.
Gusto kong matawa ngunit pinipigilan ko lang. Ang mga babae at ang kanilang kabaliwan sa mga lalaki.
Well, hindi ko sila masisisi. Sir Vince 'yon eh. Gwapo, bachelor, mayaman, kaya nga lang ay presko at mayabang. Gusto ko na sana siya, kung hindi ko lang sana siya nakasalamuha pa.
"May favor sana ako sa'yo Hannah," malambing na sabi ni Becca bago sumubo ng kanyang pagkain.
Napainom naman ako sa aking kape, heto na. Sinasabi ko na nga ba, lalapit lang talaga ang tao sa'yo kapag may kailangan.
"Ano 'yon?" taas ang kilay kong tanong. Nahihiya naman itong ngumiti sa akin at hinawakan ang isa kong kamay na nasa lamesa.
Kating-kati akong bawiin agad ito pero gusto ko munang marinig ang pabor niya. "Pwede bang irequest mo na magpalit tayo ng floor na lilinisan, hihi." kinikilig pa niyang sabi. Ang mga mata nito ay parang kaawa awang aso na walang tigil kakukurap.
Maganda sana siya kaya nga lang ay biglang nag-iba ang pagtingin ko sa kanya base sa mga kilos at pananalita niya.
"Bakit naman?" kunot noo kong tanong. Aba, kaybago bago ko palang dito lilipat na agad ako? At isa pa, kahit pa sobrang nakakabwisit makasalamuha ang bossabos na 'yon ay gusto ko pa rin siyang nakikita. Masarap na medyo masakit sa mata, 'yon bang katamtaman lang.
"Eh kasi ilang beses ko nang ni-request 'yon dati kaya lang hindi ako pinapayagan. At isa pa, matagal na rin ako dito kaya naman naninibago ako na sa lahat ng mga naging janitress na na-assign sa office ni Sir ay ikaw lang ay hinahayaan niyang maglinis kahit na nando'n siya. Plus, kinakausap ka oa niya kaya naisip ko na close kayo." mahabang sinabi niya. Ka-simple simple ng tanong ko, kung saan saan na napunta.
Napangiti naman ako sa nalaman, so ako lang pala ang kinakausap niyang taga-linis roon? Masungit siya sa iba kung gano'n?
"Eh bakit mo naman gustong ma-assign don?"
"Syempre gaya ng lahat, gusto kong mapalapit kay Sir Vince." eksaheradong sagot nito na lalo pang pinakahigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Lahat? Bakit parang hindi ako kasama?
Tumikhim ako at binawi ito. "Sige itatanong ko nalang muna." maikling wika ko. Tila kumislap naman ang mga mata nito.
"Talaga?" parang hugis puso ang mga mata tsk! Asa ka namang magugustuhan ka no'n 'di hamak na mas maganda ako sa'yo. Eh sabi niya 'di daw niya ako magugustuhan. Paano ka pa? Naasar na tanong ko sa isip.
Sa kabilang banda, naisip ko rin na mapapagaan ang trabaho ko kung hindi na ako sa 10th floor maaassign, payapang pagtatrabaho, walang asungot na among nakamasid sa'yo at walang mamemeste. Magandang pagkakataon din.
Eksakto namang pabalik ako sa 10th floor ng makasalubong ko si Mara. Hindi pa rin naaalis ang welcoming nitong mukha at ang matamis nitong ngiti ng salubungin ko siya.
"Yes, Hannah? How may I help you?"
"Pwede bang sa ibang floor na lang ako maglinis? May papalit naman sa akin kung sakali." diretso kong tanong.
Nanlaki naman ang mata nito at agad na umiling. "Hannah, magpaalam ka muna kay Sir. Baka kasi magalit 'yon kapag biglang naiba ang tagalinis niya do'n." may pag aalala sa tono ng kanyang boses ng sabihin ito.
Ngumiti ako dito. "Ano ka ba, yung kapalit ko na ang bahala doon. Magsiswitch lang naman kami. Si Becca, kilala mo 'yon panigurado."
"Pero kasi baka..." nag aalinlangan pa rin ang kanyang boses.
"Wag ka na mag-alala, sige doon ko nalang uubusin ang oras ko bago ako mag-out. Salamat Mara!" masayang paalam ko rito at saka dumiretso na sa elevator. Para naman siyang tuod na naiwang tulala doon, binalewala ko nalang.
Pakanta-kanta pa ako habang nililinis ang 9th floor, nandito ang conference room at iba pang team offices ng bawat department. Kahit medyo marami-raming lilinisin ay masaya ako, dahil sa wakas malalayo sa bossabos na 'yon. Hahaha.
Nililinis ko ang kabuuan ng conference room ng magulat na naman ako sa biglaang malakas na pagbubukas nito. Tsk, kailan ba magiging marahan ang mga tao dito?
Iniluwa ng pinto si Sir Vince, kunot na kunot ang noo neto at nakapameywang pa ang isang kamay. Para siyang iritang irita pero walang magawa dahil sa pagod na nararamdaman.
Mag-aalas nuwebe na ng gabi pero ang mukha ko kanina ay parang alas nuwebe ng umaga sa saya, ang muka naman niya ay parang sinakluban ng langit at lupa. Samahan mo pa ng impyerno.
"Sinong nagsabi sa'yo na dito ka maglinis?" masungit na tanong niya, ramdam na ramdam ko ang inis sa kanyang tinig.
"Nagpaalam naman ho ako kay Mara, Sir." nakayukong sabi ko, pinipigilan ang ngiti.
"At bakit ka kay Mara nagpapaalam? I am the boss here, so I can rule you, I can control you... no one can!" malamig na sinabi nito, diretso pa rin ang tingin sa akin.
Hindi ko alam kung ikatutuwa ko pa ba ang narinig ko sa kanya, boss ko lang siya pero hindi ibig sabihin non na kaya niya akong kontrolin sa lahat ng pagkakataon. Oo mali ako dahil hindi ako nagpaalam sa kanya, pero siguro naman may kalayaan pa rin kaming mamili ng lugar na gusto naming linisin, hindi ba?
"Hindi naman ho yata tama 'yon, Sir." pigil na rin ang inis kong sabi. Kagat kagat ko ang aking dila para mapigilan ang sariling magsalita pa.
"At ang ginawa mo tama?" nangunguwestyon ang kanyang boses.
"Pasensiya na ho—"
"Hindi ako matanda, wag mo akong maho- ho." gusto ko na namang matawa, walangya ano bang takbo ng utak ang mayroon ang lalaking 'to.
"Eh diba Sir, kid ako? Ibig sabihin, matanda ka sa akin. Gumagalang lang." balewala kong sabi. Gusto ko na talagang matawa.
"Stop playing around Miss Celestine, go back to your assigned floor. Now." that's the only thing he said before he stormed out of the room.
Nagpakawala naman ako ng malalim na buntong hininga atsaka mahinang natawa. Gago talaga.
Ano pa nga bang magagawa ko? Siya nga daw ang boss diba? Edi sumunod.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top