Kabanata 7 - Fair
Kabanata 7
Fair
"YOU LOOK LIKE a walking eyebag, Hannah." ito ang bungad sa akin ni Rose, alas sais y' media ng umaga.
Naiirita ko siyang nilingon ngunit kalauna'y nangiti rin. "Hindi lang ako makatulog ng ayos kagabi." paliwanag ko.
"Baka naman may dahilan," pang-aasar niya. Nagtataka ko naman itong tinignan.
"Ha?"
"Eh bakit ba hindi nakakatulog ang isang dalaga? Hindi ba dahil sa lalaki? Pwede ring nagpapantasya ka, ganon." kuwento pa niya habang iminumuwestra ang kamay para mas maging epektibo ang pagpapaliwanag.
Natatawa akong napasinghal sa kanya, "Asa ka! Ako? Hindi makakatulog sa isang lalaki? Manigas sila." pagdepensa ko. Natatahimik akong humalukipkip sa gilid, kakatwang si Vince ay isa sa mga isiping hindi nakapagpatulog sa akin kagabi.
"Tama! Ganyan lang, tutal ay wala ka pa namang nagugustuhan at kung mayroon man. Aba't maswerte ang kung sino man yon dahil pumasa siya sa standards mo." biro ni Rose na dinunggol pa ako sa braso.
Ilang saglit pa ay dumating na rin ang prof namin kaya wala kaming nagawa kung hindi ang makinig at magfocus sa lecture.
Kung gaano kabagal ang pagtapos ng gabi kahapon ay siya namang bilis ng pagtakbo ng oras. Kasalukuyan akong nasa byahe papunta sa trabaho.
Minsan ay naiisip ko kung bakit kinakailangang ipanganak ako sa ganitong pagkakataon. Kinu-kuwestiyon ko kung bakit saglit lang ipinaranas sa akin ang karangyaan sa buhay, ipinatikim lang at basta bastang binawi.
Hindi ko maiwasang mainggit sa mga kaklase kong pag-aaral lang ang kailangang atupagin, minsan pa nga ay napagsasabay nila ang pag-aaral at ang mga kagustuhan nilang gawin sa buhay.
Lumilipad na naman ang aking isip. Normal lang ba na nasa jeep ka, habang nag-aagaw ang liwanag at dilim, hinahangin ang buhok mo palabas ng bintana at naglalakbay ang isip mo sa kung saan.
Huminto ang jeep sa tamang babaan, dahilan para magising ako mula sa malalim na pag-iisip.
Kaunti lamang ang distansya ng babaan sa mismong kompanya kaya bumaba na ako at nilakad nalang ito.
Pagpasok ko pa lang ay ayon na naman ang walang kupas na ngiti ni Mara. Kung ako siguro ang nasa posisyon niya ay baka iritadong mukha ang maisalubong ko sa bawat darating. Daig pa niya ang guard sa kanyang ginagawa, hindi ba't sekretarya ang posisyon niya?
"Magandang hapon, Hannah." magiliw niyang bati. Nginitian ko lang ito at saka dumiretso na sa locker room.
Sa araw na 'to ay marami akong nakasabay na kapwa ko maintenance sa locker room. Ang iba ay masama ang tingin sa akin, hindi ko nalang pinansin. Wala naman akong ginagawa.
Napapitlag ako sa pagkuha ng gamit sa aking locker ng may biglang umakbay sa akin.
"Hi, bago ka lang dito?" magiliw na tanong ng isang babae sa akin. Simple lang ito ngunit maganda, bukod pa ro'n ay hindi bagay sa kanya ang maging janitress sa gano'ng itsura. Masyado siyang maganda.
Naiilang kong inalis ang pagkakaakbay niya sa akin na siyang nakapagpaalis sa abot-tenga nitong ngiti ngunit agad din namang bumalik.
"Uh... pasensiya na. Ako nga pala si Becca. Ikaw na ba ang bagong tagalinis sa 10th floor?" kuryoso pa niyang tanong habang iniaalok ang kamay niya sa akin.
I uninterestingly accepted it, hindi talaga ako open sa pakikipagkaibigan. Hindi ko alam kung saan nakukuha ng babaeng ito ang lakas ng loob.
"Oo, ako nga." maikling sagot ko. Dumapo ang kanyang paningin sa aking name tag na nasa kaliwang bahagi ng aking uniporme.
"Ikaw pala si Hannah," magiliw pa rin ang kanyang boses sa kabila ng 'di kaaya-aya kong pagpapakilala.
"Suplada"
"Parang mahiyain naman."
"Hindi baka suplada lang talaga."
Rinig ko pang bulungan ng iba sa likod ni... Becca. Hindi ko na lang ito nilingon dahil sayang sa oras.
"Sino ang kasabay mo magbreak? Tayo nalang magsabay." aya ni Becca sa akin. Nahihiya ko siyang nilingon at tinanguan nalang.
Nagtatanong pa siya, eh parang wala naman akong mapagpilian sa mga desisyon niya. Hilaw na ngiti ang ibinigay ko rito. "Uh sige B-Becca, mauna na ako." wika ko at hindi na hinintay pa ang kanyang sasabihin.
Dumiretso na ako sa maintenance room at kinuha ang mga gagamitin ko.
Pagsakay ko ng elevator ay may nakasabay na naman akong magandang babae. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang babaeng nakita ko sa banyo kahapon.
Sabay lang din kaming lumabas ng elevator at sinalubong naman siya ni Mara, tinawag niya itong Ma'am Gia. Siya na siguro 'yon.
I'm always confident when it comes to boys, pero sa kauna-unahang pagkakataon ay kabado kong binuksan ang opisina ni Sir Vince sa pag-asang sana ay wala siya doon sa mga oras na 'to.
Nakaka-intimidate siya. Kahit pa may lakas ng loob akong paglaruan siya pa-minsan minsan, umaatras pa rin ang confidence ko. Lalo na tuwing naaalala ko ang mga salitang sinabi nito sa akin. You are the last person I'd fall inlove with.
Tsk! Oo na, ano bang pakielam ko?
Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala ito sa kanyang opisina. Kaya naman masaya at magaan ang atmosphere ng maglinis ako dito, ngunit napatalon ako sa aking kinatatayuan ng biglang malakas na nagbukas ang pinto ng opisina. Iniluwa nito si Sir Vince, kasunod ang babaeng nakasabay ko sa elevator. Si Ma'am Gia.
Binalewala ko nalang ang presensiya nila pero hindi ko maiwasang huwag makinig sa kanilang pag-uusap.
"I also wanted to congratulate you for successfully getting the deal. Mr. Bautista invested so much for the company, hindi pa man niya tayo kilala ng matagal ay pinagkatiwalaan na tayo. Thank you for the hardwork." masayang sabi nito sa kausap. Nang lingunin ko sila ay seryoso naman silang nag uusap.
So may iba pala siyang ugali? He can sound cheerful and welcoming naman pala, eh bakit pagdating sa akin ay palaging masungit? Kung hindi naman ay pilyo at nang-aasar?
He's unfair, iba-iba ang treatment. Tsk.
Para lang din naman akong hangin doon kaya hindi ko na muli pang pinag-aksayahan ng oras ang pag uusap nila.
Kung sino man ang Gia na 'yan sa buhay niya, wala akong pake. Magsama pa sila.
Tahimik ko lang na itinuloy ang trabaho ko, ilang minuto nalang naman ay break time na. Makakalabas na rin ako sa impyernong lugar na 'to.
Matapos nilang mag-usap ay lumabas na rin naman si Ma'am Gia. Sinserong ngumiti pa ito sa akin kahit na mababakas mo ang iritasyon sa kung anu mang pinag usapan nila. Hindi ko siya masisisi, kahit sino ay maiirita kapag si Sir Vince ang kausap.
Lahat naman ay nalinis ko na, maliban lang sa table niya na may halo halo na namang mga papel. Siguro ay gan'on talaga ka-stressfull magtrabaho bilang manager ng isang kompanya. Bukod pa ron ay inaabot sila palagi ng gabi kaya naman masakit talaga sa ulo.
Naiilang kong nilapitan ang table ni Sir Vince. Mayabang pa rin itong nakaupo sa kanyang swivel chair at sinisimsim ang kanyang wine.
"Pwede ko na ho ba 'tong linisin?" mahina kong tanong.
Nangiti ito sa tono ng aking boses. "Where's the playful and confident attitude Miss Celestine?" nakangising tanong niya, mahigpit ang hawak sa kanyang baso.
Blangko lamang ang tingin ko dito at hangga't maaari ay ayokong magpakita ng kahit na anong emosyon sa kanya. Baka isipin pa niya ay gusto ko siya, ang kapal naman niya.
"Pwede ko na ho ba kakong linisin ang lamesa niyo?" pag-uulit ko sa binalewala niyang tanong.
"Answer me first," aba't ang kulit naman talaga. Kasama ba sa trabaho ko ang ientertain palagi ang mga tanong niya? Kung oo, nagsisisi akong pumasok ako dito.
"Wala ako sa mood makipaglaro sayo, Sir Vince." nauubos na ang pasensiya kong sagot. The ghost of smile is still there on his lips. Matalas ang tinging ipinukol ko sa kanya.
"I thought you're always in the mood to play with me. You're backing out? Bakit? Dahil ba sinabi kong hindi kita magugustuhan?" nang aasar pang tanong niya. Mahigpit ang hawak ko sa mga kagamitang nasa kamay ko. Bigla ay gusto ko itong ipukpok at ibato lahat sa kanya, kaya lamang ay baka makasuhan pa ako. Wag nalang.
"Hindi rin naman kita magugustuhan, patas lang tayo. Babalik nalang ho ako pagtapos ng break time." malamig kong winika at saka nilisan ang nakakabwisit niyang opisina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top