Kabanata 6 - Last Person

Kabanata 7

Last Person


MATAPOS KONG MAGBREAK ay bumalik ako sa opisina ni Sir Vince, may isang oras pa ako para maglinis. Pagpasok ko doon ay wala akong naabutan, natawa ako ng isiping baka iniiwasan ako nito. Pero posible ring may meeting na naman siyang dinaluhan.


Gano'n ba siya kakalat para maghire ng janitress na apat na oras maglilinis na sa kanyang opisina? Hindi naman ganoon kakalat dito kaya bakit dito lang ako itinalaga para maglinis.


Nagtaka rin ako dahil bihira pa rin ang kompanyang 24/7 ang serbisyo at trabaho, siguro ay talagang nagshi-shift ang mga empleyado dito at halata ring abala ang bawat isa sa kanya kanyang trabaho.


Nalaman ko ito ng magdinner ako sa canteen ng kompanya, mapapansin mong pino ang pagkilos ng bawat empleyado na tila may binabantayang oras. Para bang bawal silang magpapetiks-petiks dahil bawat isang maling galaw ay apektado ang lahat.


Wala na akong dalang gamit nang bumalik ako sa opisina kaya naman mabilis lang din akong natapos. Ngayon ay pasakay na ako sa elevator at pababa na sa locker room para magbihis at maghanda paalis.


Nang magbukas ito ay nagulat din ako sa biglang pagpitlag ng lalaking nasa loob. Si Sir Vince ito, prenteng nakasandal ang kalahati ng katawan sa pader ng elevator habang ang isang kamay ay nakapeywang. Kaagad naman siyang umayos ng tayo ng makita ako.


Tinanguan ko lang ito at saka pumasok na rin sa loob, tuloy tuloy lang ang lakad ko sa pag aakalang lalabas na siya ng elevator. Ngunit nagtataka ko itong nilingon ng pinindot niya ang numero ng ground floor. Kaaakyat lang, bababa na agad?


Nagtataka naman akong nilingon nito kaya wala akong nagawa kung hindi bawiin ang tingin ko.


"May nakalimutan lang ako sa baba." masungit na sabi nito. Kinagat ko ang aking labi para magpigil ng ngiti, nagpapaliwanag pa. Parang halata namang wala siyang nakalimutan, siya pa? May makakalimutan?


Hilaw lamang akong ngumiti at tumango kahit na hindi ako nakatingin dito. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang paglingon nito.



"Uuwi ka na?" tanong niya. Kumunot ang aking noo. Ano't kinakausap na naman ako nito? Kanina ay para siyang inilagay sa freezer kung manigas, ngayon naman ay bumabalik na naman ang mga patanong tanong nito.


"Opo," magalang kong sagot. Diniinan ko ang pagkakasabi nito para maramdaman niya ang paggalang ko. Kid pala ha, ngayon ay career-in mo ang pagiging matanda.


"Saan ka nakatira?" nilingon ko na siyang muli sa kanyang tanong. Anong klaseng boss ba 'to? Hindi ba talaga nagreview ng resume? At ano bang pakielam niya?


"Bakit mo tinatanong... po?" his brows furrowed a bit. Like he was amazed by every word I'm saying.


"Wala, baka lang naman parehas tayo ng way. Maybe I can send you home." he offered, hindi ko naman mapigilang matawa. Ano bang ginagawa niya?


"Anything funny?" he curiously asked, kinagat ko ang aking labi at muling tumingin sa kanya. Pero hindi naman sa mga mata ko siya nakatingin, sa labi ko na naman.


Marahan lang akong umiling dito at tumungo. Bumabait ka naman yata.


"Kaya ko hong umuwi mag-isa." pagtanggi ko. I shifted my weight, kating kati na akong makalabas sa elevator na 'to pero bakit ba parang ang tagal naman yata.


"You think I didn't know that? I'm just offering you a ride, ayaw mo pa?" nauubos na ang pasensiya nitong tanong. Wow ha, parang sapilitan naman.


Nuknukan talaga ng kayabangan at kapreskuhan ang lalaking 'to. Pinipilit ba niya akong sumabay sa kanya? Eh kung ayaw ko? Ako pa daw nag iinarte? Tsk!


Eh kung paglaruan ko kaya isip neto? What do you guys think?


"What ride, Sir?" naglalaro ko ulit na tanong. I saw his eyes widened, then his jaw moved.


Natutuwa man sa kanyang reaksyon ay pinanatili ko ang iritableng ekspresyon. Mahaba na ang gabi at mukha pa rin niya ang nakikita ko, nakakabwisit.


"Of course a ride home? What were you expecting?" hindi maitago ang amusement sa boses nito.


"Nothing, Sir," maikli at tipid ko muling sagot. Nakayuko pa rin ako kaya hindi niya makikita ang mga palihim na pag-irap ko.


"You are really playing with me, huh?" he moved closer to whisper that on my ear. Napapitlag ako at nanigas sa kinatatayuan.


"I'm... n-not." depensa ko, pilit tinatago ang panginginig sa boses. Hinarap kong muli ang tingin nito na siya namang titig na titig sa akin.


"Sorry to disappoint you miss, pero hindi mo ako makukuha sa paganyan-ganyan mo. Hindi ka naman maganda." his words tell me otherwise, hindi ganoon ang nakikita ko sa mga mata niya. Pero nagngitngit ako sa inis at halos kuyom na ang dalawa kong kamao sa narinig.


"Gusto sana kitang respetuhin, Sir. Kaya lang ay wala pang kahit sino ang nagsabi sa akin niyan." bastos kong sagot. Totoo 'yon, bawat lalaking nakakasalamuha ko ay walang lakas ng loob na sabihin 'yon dahil maganda ako. Magandang-maganda.


"Well, meron na." nakangising sagot nito. I swallowed the lump in my throat. Mapanakit 'tong gagong 'to ah.


"Tignan nalang natin, Sir." nanghahamon kong sabi.


"Wag ka nang umasa, you are the last person I'd fall inlove with." mahinang sabi niya at saktong bumukas ang elevator kaya't inunahan niya na akong lumabas.


His words shutted me. May kung anong kirot itong idinulot sa aking puso. Hindi ko naman sinabing mahalin niya ako, hinahamon ko lang siyang maakit sa ganda ko. Dapat nga ay matuwa ako dahil hindi nga naman daw niya ako mamahalin, pero bakit parang... medyo masakit?


Eh ano naman ngayon kung hindi niya ako mamahalin? As if namang mahal ko siya? Ang kapal!


Matamlay akong umuwi sa bahay, ngayon ay iniinda ko na naman ang pagiging mag-isa. Ano kaya ang pakiramdam na uuwi ka sa isang masayang pamilya? Yung tipong pagod ka sa kahabaan ng araw pero mapapawi ito dahil may pamilyang nag-iintay sa pag-uwi mo.


Tahimik lang akong kumain sa kusina gaya ng nakasanayan, nag-init lang ako ng ulam na niluto ko kaninang umaga.


I've never felt so empty and lonely before, kaya't hindi ko maintindihan ngayon kung bakit parang naninibago pa ako sa set up ng buhay ko. Pakiramdam ko ngayong gabi ay talagang mag-isa ako at hindi na muling makakaranas na magkaroon ng kasama.


Is it okay if the things aren't the same anymore? If it feels like everything's the first time and you'll have to sort them out just to get used to it? Is it okay to miss the things the way they used to be?


Kung ayos lang 'yon, hayaan niyo akong umiyak sa mga oras na'to. Dahil miss na miss ko na si Mama, at kahit nagagalit ako kay Papa. Palagi ko pa ring ipinapanalangin na sana... sana bumalik siya para makumpleto na kaming pamilya.


Totoo nga na kapag dis-oras na ng gabi, kung saan patulog ka na, nakahiga ka na at handa ng magpahinga... doon ka dadalawin ng mga isipin, ng mga malulungkot na ala-ala.


You are the last person I'd fall inlove with.


Hindi ko alam kung bakit may kirot sa aking puso tuwing umuulit-ulit ang salita ni Sir Vince sa akin. Dapat ay sanay akong nire-reject ng mga tao dahil bata pa lang ako, naramdaman ko na 'to sa tatay ko. Sa pamilya ko.


And why would I even be affected by his words? Hindi ko naman siya gusto. At hinding hindi ko siya magugustuhan kahit pa ang gwapo gwapo niya.


Doon pa rin ako sa lalaking may substance, hindi sa pulos itsura at kayabangan lang.


Then I fell asleep.

•••
Author's Note:

Happiest Birthday Avien_Celestine I LOVE YOUUUU❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top