Kabanata 5 - Only A Kid

Kabanata 5

Only A Kid


NAGMA-MOP NA AKO ng sahig ng opisina ng lumabas si Sir Vince sa banyo.


Mataman itong nakatingin sa akin ng sulyapan ko. "Next time pag maglilinis ka ng banyo, leave the door open para alam kong may tao." paalala niya bago naupo sa kanyang swivel chair.


"Pasensiya na po." labas sa ilong kong sabi, hindi manlang siya tinatapunan ng tingin. Palihim akong umirap, sana kasi ay kumakatok ka.


Tahimik na ang paligid, tanging tunog n g aircon lang ang maririnig. Bigla akong naconscious, nanlilinis ako dito habang siya ay nakatingin sa akin.


"Were you the girl I've encountered last Monday?" kuryoso nitong tanong, ramdam ko ang titig niya kahit pa hindi ako nakaharap dito.


Huminto ako sa paglilinis at hinarap siya. "Alin pong babae, Sir?" painosente kong tanong. Tumalim naman ang tingin nito sa akin at saka umirap.


Kalalaking-tao ang hilig umirap, ang sungit sungit at palaging mainit ang ulo.


"Iyong babae sa karinderya," naiirita nitong sagot. Tila nauubos ang kanyang pasensiya.


"Hindi ho ako 'yon," maikli kong sagot at nagpipigil na ngumiti. Bahala kang magtaka at maguluhan diyan, mapaglaro kong naisip bago tumalikod muli at tinuloy ang trabaho.


Natigil lang ako sa paglilinis ng maramdaman ko siya sa aking gilid, napakalapit. Hindi ba siya naturuan ang personal space?


I stiffened, aminado akong nakaka-intimidate ang lalaking ito pero hindi dapat ako magpakita ng kahinaan dito. Maaaring tagalinis ako dito pero hindi ibig sabihin no'n ay magiging dominante siya sa akin.


Buo ang loob at taas noo ko itong hinarap, hindi halos magpantay ang aming tingin dahil gaya nang una kong kita sa kanya ay matangkad dito, makisig at gwapong-gwapo.


Kapag nakita mo siya sa unang beses, maiisip mong isa nga niyang propesyonal na bachelor, mayaman at gwapo. Huwag nga lang makikita ang mapaglaro nitong ngisi at nakakabwisit na tingin, maging ang magaspang nitong ugali.


"Bakit, Sir?" taas ang kilay kong tanong, mahigpit ang pagkakahawak sa mop.


"Are you playing with me?" bigla ay nanghahamon nitong tanong. Umawang ang aking bibig sa diretsahang tanong nito, at bakit naman ako makikipaglaro sa'yo?


Sa lapit naming dalawa ay amoy na amoy ko ang umaalingasaw nitong pabango, parang hipnotismo na makakapagpatulog sayo at magdadala sa isang paraiso. Pero hindi ako nagpatinag, nanlalambot man ang tuhod ay hindi ko inaalis ang aking matalim na tingin sa kanya.


"Bakit naman ho ako makikipaglaro sa inyo, Sir?" may diin ang huling salita kong tanong sa kanya. Ngunit nang tignan ko muli ang mga mata nito ay nakatingin ito sa nakaawang kong labi. Bigla ay itinikom ko ito.


Humalukipkip ako at kumurap, iniwas ko ang aking tingin at pinilit na muling bumalik sa trabaho. Ngunit muling nanghina ang aking tuhod ng mahipit nitong hawakan ang aking braso.


Nakaiwas parin ang aking tingin sa kanya pero hindi 'yon hadlang para makita ko ang nakaigting nitong panga. "Don't you play with me, young lady. Pumapatol ako sa bata." nang-aasar nitong sabi atsaka bumalik sa prente niyan pagkakaupo sa swivel chair.


I let out an enourmous sigh, this intimidating bastard. Kung hindi ko lang 'to boss ay tinadyakan ko na ito sa paglapit sa akin. Dikit na dikit ang aming katawan at hindi ko gusto ang idinudulot nito sa akin. Parang ayoko ng muling magtagpo pa ang aming mga landas.


At ang kapal ng mukha para sabihing nakikipaglaro ako sa kanya, though ako nga iyong babae na niligtas niya sa karinderyang 'yon. Pero obvious naman diba? Bakit tinatanong niya pa? Gano'n na ba siya katanda para makalimutan ang mukha ko? Tsk.


I halfheartedly continued cleaning his whole office, wala naman kasi akong choice. Mas gusto ko nalang maglinis ng public restrooms ng kompanyang ito kaysa magsettle sa office niya at palagi ko pang makikita.


Nagliligpit na ako ng mga ginamit ko ng marinig ko ulit na magsalita ito, kanina ay tahimik lang din siya at seryosong nagrereview siguro ng mga projects at proposal. I ca see that he's really committed to his work, halata naman dahil sa sobrang perfectionist niya.


"Anong oras out mo?" tanong nito. Muli akong napairap, syempre malakas ang loob kong umirap. Hindi naman kami magkaharap.


"9pm po, Sir," mahina kong sagot. Tsk! Ikaw ang amo hindi ba? Dapat alam mo. Mas mahina kong bulong.


"May sinasabi ka?" nanlalaki ang mata ko itong tinignan. Lintik! Narinig niya pa 'yon? Ilang beses kong iniling ang aking ulo, kabado.


"Wala po." ngumiti itong muli, hindi ko alam pero bwisit na bwisit ako sa ngiti niya. Gwapo sanang tignan kaso siraulo.


"Ilang taon ka na nga ulit?" tanong na naman niya, bakit ba kasi hindi mo ako in-interview? O nireview mo manlang ba ang resume ko? Tanong ka ng tanong, nakakairita.


"Tingin niyo, Sir?" hindi ko na napigilan ang aking bibig. Narealize ko lang kung gaano mapaglaro ang sinabi ko ng mas lalong lumaki ang kanyang ngiti. Hindi ko na mababawi.


"Around 22? 23." panghuhula niya. Hindi ko mapigilan ang matawa. Advantage nga naman talaga ng matured tignan.


"Bata na ba 'yon sayo, Sir?" pang eentertain ko dito, imbes na mainis ako sa mga kalokohan niya ay sasakyan ko nalang. Para naman kahit papaano ay ma-enjoy ko ang trabaho ko.


Wala manlang bang break? Gutom na ako, alas-otso na.


"Well, for someone who's age is 27 like me? Yes," sagot nito habang marahang nagsasalin ng wine sa kanyang baso.


Yumuko akong muli at napairap. Kaya pala masungit, gurang na. Mahinang bulong ko.


"Ano 'yon?" tanong nitong muli habang hinuhuli ang aking tingin.


"Wala Sir, ang sabi ko. Hindi halata." napangiti na naman siya sa sinabi ko, bigla ay nagsisi akong sinabi ko pa 'yon.


"You are really playing with me, Miss Hannah Avien Celestine." marahan ngunit mariin nitong sabi.


Hindi ko alam na gano'n pala kagandang marinig sa kanya na banggitin ang buo kong pangalan.


Sa unang pagkakataon ay ginantihan ko ang ngiti nito. "What if I really am, Sir?" nanunuya kong tanong.


His jaw moved a bit and I can see his eyes sparkling, but then it turned into a cold stare. Tumayo ito at muling lumapit sa akin.


"Do you like me kid?" mahinang bulong nito. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o maiinis. What did he just call me? A kid?


Nagngingitngit ang ngipin kong pinantayan ang tingin nito. Ngayon ko pa lamang ito gagawin kaya dapat kong makuha ang reaksiyong gusto kong makuha. Mariin kong inilapit at dinikit ang aking sarili sa kanyang dibdib, kaunti nalang ay malapit na niyang mahalikan ang aking ulo sa sobrang lapit ngunit hindi iyon ang inaalala ko.


Ramdam na ramdam ko ang katigasan ng kanyang dibdib na nakadikit sa akin. I felt him stiffened as he felt my curves. Kid, huh? Feel it, Sir. Feel the kid you're saying.


Saglit lang ay lumipas ng itulak ako nito. Nang titigan ko siya ay hindi ko mahuli ang kanyang tingin dahil malikot ang kanyang mga mata sa pag-iwas sa akin.


"What the fuck? Get off me!" malamig nitong singhal sa akin. Nginisian ko ito na siyang nakapagpakunot ng kanyang noo dahilan para magsalubong ang magaganda nitong kilay.


I am aware that my age does not proportional to my figure. I am confident that I'm a full grown woman now, huwag na huwag niya akong subukan.


Bwisit na bwisit ako sa lalaking ito kaya ang makitang apektado siya ay nagdudulot ng labis na kasiyahan sa akin.


Bakas pa rin ang iritasyon sa kanyang mukha ng tignan ko ito. "Mauuna na ako Sir," malambing ang boses kong paalam dito.


Matalim lang itong nakatingin sa akin bago ko siya tinalikuran at minartsa palabas ang daan paalis sa opisinang 'yon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top