Kabanata 31 - Dream Come True

Kabanata 31

Dream Come True


MADILIM PA ANG langit ng magising ako dahil sa marahang pag-alog sa akin.


"Wake up, woman." mahinang bulong ng isang kilalang tinig sa aking tenga na nagpagising sa aking diwa.


Hindi pa man naididilat ang mata ay agad akong bumangon.


"Aw!" he almost shouted.


My eyes widened when I saw him caressing his forehead. Naku! Natamaan ko yata.


My forehead hurts too, kaso bakit late reaction. Napasapo rin ako sa aking noo ng maramdaman ang init at sakit rito.


"What are you doing?" iritang tanong ko. Biruin mo na ang lasing huwag lang ang bagong gising.


Ang aga-aga naman kasi niyang mangbulabog. Hindi ba niya alam na hindi niya ako nagawang patulugin sa kaiisip kagabi.


Lintik pa ang takot kong ipikit ang aking mga mata dahil baka paggising ko wala na siya at hindi totoo ang lahat.


"You see I'm waking you up, ikaw itong bumabangon kaagad-agad." masungit niyang sinabi saka lumayo ng bahagya sa akin.


Ang aga-aga ang sungit-sungit niya, daig pa niya ang babaeng may dalaw.


"Eh bakit naman kasi ang lapit-lapit mo?"


"Kanina pa kita ginigising, tulog-mantika ka. Tsk." wika niya na pumalatak pa.


"Eh bakit ba kasi? Ang aga mo naman manggising." sinuklian ko ang pagsusungit niya. Aba kung mayroon mang dapat magsungit dito ako iyon, hindi siya.


"Aalis ho tayo kamahalan, this will be a long day so if I were you babangon na ako para maghanda." oa niya itong sinabi na animo'y nauubusan na ng pasensiya.


"HAHAHAHAHA!" hindi ko na napigilang matawa. He looks cute doing that, aish. Epekto ba 'to ng bihira ko lang siyang makitang magbiro.


"What's funny, woman?" iritado na namang tanong niya. Hustisya naman sa kagwapuhan niya, ang aga-aga parang isang anghel na hulog ng langit para sa akin.


Hays, ano ba itong pinag-iiisip ko?


"HAHAHAHA... wala." pahina ng pahina kong sinabi ng unti-unti na naman siyang lumapit sa aking banda.


Doon ako napatahimik at tila nailang. Marami mang bagay ang nagbago, may iilan pa ring hindi.


Una, ang kasungitan niya. Pangalawa, itong mga galawan niya. Kaya ako nagkagusto sa siraulong ito dahil sa mga paganyan-ganyan niya. Iyong lalapit na para bang hahalikan ka ngunit hindi naman.


Kaya naman imbis na mailang ay matapang kong tinapatan ang kanyang tingin. One of his brows shot up like he was amazed by my reaction.


But when his lips suddenly touched mine, I felt myself froze.


That was unexpected!


I immediately pulled myself because of shame. Shit! Hindi pa ako nakakapagtoothbrush.


"What the hell, Vince!" sigaw ko saka hinampas siya.


He grinning like an idiot. "Don't challenge me, woman. Now get up before I, myself take you to the restroom." nakapamulsang wika niya saka lumabas na sa kwarto.


Mariin akong napapikit sa sobrang hiya. What does it taste like kapag hindi nagtoothbrush tapos hinalikan?


Fudge, stupid Hannah!


After my morning rituals, bumaba na rin ako. Naabutan kong naghahanda ng umagahan si Vince kasama ang aking anak. Pareho silang nakaligo na at tila handang-handa na sa pupuntahan. While I'm still clueless kung saan ba kami pupunta.


"Goodmorning Mama!" Resien shouted before running to me to give me a morning kiss.


"Goodmorning anak, ang sarap ng naman ng kiss." wika kong natatawa. Tumikhim si Vince kaya napatingin ako sa kanya only to see his grinning face maging ang mapaglaro niyang tingin.


"Kaninong kiss?" naglalarong tanong niya. Masama ko itong tinignan at umiling lamang itong natatawa.


"Papa cooked breakfast, Mama." masayang-masayang anunsyo ng aking anak.


Vince even pulled a chair for me. Kung puwede lamang sumigaw ay ginawa ko na. Isa na naman ito sa mga bagay na pangarap ko lamang noon.


Ang magising na kasama siya. Ipinagluto pa niya kami ng agahan at talaga namang alagang-alaga ang aking anak.


Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata ng maisip ang mga bagay na ito. Sobrang saya ko.


Nang tingalain ko si Vince ay wala na ang mapaglarong ngiti nito. He's back at it again with his serious, intimidating look.


"Thank you," I said almost inaudible. Pinanatili kong nakatingala ang aking tingin upang mapigilan ang luhang nagbabadya.


Ngunit tuluyan na itong tumulo ng maramdaman ko ang mumunting patak ng halik na ibinigay niya sa aking noo.


"Papa, ako din kiss!" my child demanded na nakapagpatawa sa akin.


Naging masaya ang umagang iyon para sa akin. Everything that happened felt like a dream, a dream come true.


Para akong isang reyna na pinagsisilbihan. Nakakapanibago pero ang sarap sa pakiramdam.


Kahit sa pagpasok sa sasakyan ay talagang pinanindigan ni Vince ang pag-alalay sa akin.


"Vince, you don't have to." pagpoprotesta ko. Kahit gustong-gusto ko ang kanyang ginagawa, siyempre ayokong isipin niyang inaabuso ko ito.


"I like what I'm doing, babe." he replied that made me gasped.


What did he just call me? Babe? For real?


"Hey, you okay?" he asked waving his hand in front of my face. Saglit pa la akong napatigil dahil sa pagtawag niya sa akin ng nakakapanibagong endearment.


"Vince, anong... itinawag mo sa akin?" lutang kong itinanong.


"Babe? Bawal ba?" inosente niyang sinabi.


Wala sa sarili na lang akong napailing at itinago ang ngiting dulot ng kilig na nararamdaman.


Agad na lang akong pumasok sa sasakyan dahil naroon ang aking anak, nag-aabang.


Kasabay ng pagpasok ng kanyang ama ay siya namang wika nito ng nakakahiyang tanong.


"Mama, why are your cheeks are red?" maingay nitong sinabi.


Mariin akong pumikit at nakagat pa ang aking labi. Lalong nag-init ang aking pisngi ng marinig ko ang gwapong tawa ni Vince.


Buong byahe ay tahimik na ako. Si Resien ang maingay at tanong ng tanong sa kanyang amang abala sa pagmamaneho.


"Papa saan po ba tayo pupunta?" doon nakuha ang aking atensyon.


Oo nga naman, kanina pa kaming bumabyahe at hindi ko alam kung saan ang destinasyon namin.


"Pupunta tayo kina Grandma, baby." he gently said to Resien.


I throwed him a clueless look. Pasulyap-sulyap naman ito sa akin dahil nga nagmamaneho.


"To where?"


"Kina Mama, Hannah." nakangiti niyang sinabi. Wala naman na akong nagawa dahil ito na 'yon at mukhang excited na excited siya.


"Hannah, anak!" pasigaw na salubong sa akin ni Papa. Hindi ko alam kung anong tamang emosyon ang dapat kong ipakita ngunit sinalubong ko rin siya ng may nananabik na yakap.


"Pa," tanging nasabi ko.


"Saan ka ba nagpunta anak? Bakit basta-basta ka na lang nawala?" nag-aalalang tanong niya pa.


Napuno ng pagpapaliwanag at mga kuwento ang araw na iyon. Nakakapagod ngunit naisip ko, ito ang kapalit ng bigla kong pag-alis.


Naging maayos rin naman ang pakikitungo sa akin nila Katelyn at Iris maging ang kanilang ina.


Mula ng magkaroon ako ng anak, itinatak ko sa aking sarili na wala akong ibang iisipin kung hindi ang kapakanan niya.


Nakikita kong masaya siyang kasama ang pamilyang kinalakihan ng kanyang ama kaya wala akong nakikitang dahilan para hadlangan ang kasiyahang iyon.


Kahit pa hindi mabura sa aking isipan ang aming mga nakaraan.


"Congrats Hannah, and thank you for bringing Resien to us." magiliw na sabi ni Katelyn ng abutan niya akong nagmumuni-muni sa bakuran ng kanilang mansyon.


Outdoor ang family lunch na naganap kaya naman lasap na lasap ang sariwang hangin sa bandang ito ng kanilang bahay.


Masayang pagmasdan ang aking anak habang nilalaro ng bawat miyembro ng pamilya.


Ngiti lamang ang isinukli ko rito kaya naman pinili niya na lang na makisali rin sa kanila.


My head immediately turned when I felt a hand in my shoulder. It was Christina.


"I want to be mad at you for leaving Vince without a word pero I chose not to." aniya saka sumandal sa sliding door na nasa aking gilid.


We are not looking at each other's eyes pero ramdam ko ang intesidad ng bawat tingin nito.


"Kasi I know for some reason, may mga kasalanan kami sa'yo that pushed you to your limits. And I'm glad that you chose to come back." marahang winika pa niya at hinarap ako.


Tinatapan ko ang kanyang tingin at marahang tumango. "Salamat... po." I was hesitant at first ng banggitin ko ang huling salita.


But I have realized na hindi ako ganito pinalaki ng aking ina, so I should pay some respect for her.


Dati rati kasi ay malalim ang paniniwala ko sa respeto. Respect begets respect ika nga nila, kaya kung ano lang ang pinapakita sa akin ng aking kapwa ay iyon lang din ang binabalik ko.


Mali pala iyon. Sa bawat panahong lumipas, natutunan kong piliin na maging mabait. For it is one of the most unforgettable legacy that will mark everyone once you leave.


At iyon ang itinuturo ko sa aking anak. No matter how bad the world is, no matter how cruel people. Always choose to have sympathy, to be kind.


"You are a family, since then." Tita Christina stated that made my eyes teary.


Niyakap niya ako ng mahigpit at doon naramdaman ko ang init na dala nito. Her hug felt like a mother's hug.


Naisip ko si Mama, sana sa pagbabalik niya. Maayos na rin ang lahat.


Ang bawat pagbabagong ito sa takbo ng aking buhay ay talaga namang nakakagulat. Nakakapanibago. Pero hindi ko maitatangging masaya ako, dahil ang lahat ng ito ay tila isang pangarap lamang noon.



At unti-unti silang natutupad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top