Kabanata 29 - Meet Thy Father

Kabanata 29

Meet Thy Father


"I AM MORE than willing to be your child's father, Hannah." buo ang loob na pagpiprisinta ni Ezekiel.


I looked at him in disbelief, "Hindi ganoon kadali iyon." wika ko saka bumalik na sa kinaroroonan ng anak. Sinundan naman niya ako habang cool pa ring nakapamulsa.


Napako ako sa aking kinatatayuan ng makita kung sino ang kausap ng aking anak. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o mananatiling dito na lang.


Kamuntikan pa akong masubsob ng mabangga ako ni Ezekiel mula sa aking likuran.


"What are you doing?" natatawa niyang tinanong saka tinignan ako. Nang sundan niya ang aking tingin ay natahimik rin siya.


"Bakit nanonood ka lang diyan? Your child's talking to strangers, ayos lang iyon sayo?" he stated and took his way to get closer to them.


Gustuhin ko man siyang pigilan ay hindi ko na nagawa. Masyado akong nahalina sa tanawing nakita.


Mabagal akong sumunod sa kanya, nakapako pa rin ang tingin sa dalawang taong kasama ng aking anak.


"Mama!" masayang salubong ng aking anak ng makita ako. Ibinaling ko ang tingin sa kanya at iniwasang magtama ang tingin namin ng kanyang kausap.


"Mama, I have a-a... new friend!" masaya niyang sabi habang hinahatak ang ibabang bahagi ng aking suot na damit.


I looked at Ezekiel before looking at him. Ngayon ko lang ulit siya nakita ng malapitan and it cause a slight pain in my chest.


He was just looking at us intently, pabalik-balik sa akin at kay Ezekiel. Minsang susulyap rin sa aking anak.


I took all the courage to speak and not to sound affected. I smiled at him casually before uttering a word.


"Vince," nakangiti kong pagbati pagtapos ay tinanguan siya.


His face remain emotionless. I smiled slightly with bitterness. Ganito ba talaga siya? Heto ako nag-iipon pa ng tapang para lamang hindi magmukhang apektado sa kanyang presensiya samantalang siya parang normal na normal.


"Dada, who is she?" inosenteng tanong ng batang lalaking nakahawak sa kanyang kamay.


I saw how Vince' jaw moved. He didn't answer the young boy's question, instead he faced me, looking so tough and merciless.


"Ezekiel, look after the children. We'll just talk." bilin niya kay Ezekiel na hindi na nakaapila pa. He even looked startled ngunit hindi na ako nakapagsalita pa ng hatakin ni Vince ang aking kamay.


"Saan mo ba ako dadalhin?"


"Mag-uusap lang tayo," malamig niyang sabi. Malakas akong natawa bago marahas na hinila ang aking kamay mula sa kanya dahilan para matigil siya sa paglalakad ng mabilis.


"Iyan na naman tayo sa mga usap-usap na 'yan." natatawa kong tinuran. He looked serious and sharply looking at me.


I straightened my face upon realizing that he is really serious and he even looked mad.


"Where have you been?" nanuot sa aking pandinig ang mariin at baritono nitong boses. Tila ba nagpipigil siya at pinananatiling kalmado ang sarili.


"Do you even care?" puno ng sarkasmo kong sagot. "How can you act like this? Na parang wala lang sa'yo ang nangyari? Are you even real?" nagpipigil ko ring sinabi.


Huwag niya akong subukan sa mga paganyan-ganyan niya. I am not intimidated anymore, not even scared. No, he does not rule me.


"Bakit bigla kang nawala, Hannah? Without even saying a word. Nag-alala kami." ngayon ay kalmado niyang sinabi. His face softened.


"Alam nating pareho na hindi ko kailangan magpaliwanag sa'yo."


"Nasaan ang anak ko? Siya ba?" wika niya saka nilingon ang kinaroroonan ng mga bata.


"Wala kang anak sa akin Vince," mapait kong sinabi. What the hell is wrong with him? Kung makapagtanong siya animo'y isang laruan o isang bagay lang ang itinatanong.


"Anak ko siya Hannah, I can feel it." mariin niyang sinabi saka nagmartsa papalapit sa kinaroroonan nila Ezekiel.


Kunot naman ang noo nito ng makita ang hindi magandang awra ni Vince.


Walang anu-ano niyang binuhat si Resien at mahigpit na niyakap. Halata naman ang pagkailang sa mukha ng aking anak.


"Vince ano ba? You're scaring her!" I said panicking.


"She is my daughter so I have rights for her! Ganyan ka ba kawalang kuwenta? Pinagkakaitan mo ng karapatan ang anak mong magkaroon ng ama?" galit niyang sinabi habang tinatakpan ang tainga ng aking anak at pilit na huwag humarap sa amin.


Ngunit hindi ito ang nagpigil sa akin para gawin ang ninais. Mabilis na dumapo ang aking palad sa kanyang pisngi dahilan para mamula ito at mapayuko siya.


"Wala kang karapatang husgahan ako bilang ina dahil wala kang alam. At huwag kang umastang isa kang responsableng ama dahil kung talagang gusto mong magpakaama, edi sana noon pa hinahanap mo na kami!" mariin at naluluha kong sinabi.


"Bitawan mo ang anak ko at aalis na kami." malamig ang boses ko pang idinugtong. Tila tinakasan naman ito ng tapang at marahang ibinaba ang aking anak na siyang tumakbo papalapit upang yumakap sa aking binti.


Naramdaman ko ang init at basang likidong dumapo sa aking binti at doon ko napagtantong tahimik na umiiyak ang aking anak. Her shoulders are even shaking.

Yumuko ako upang maging pantay ang lebel namin.


"Nak, why are you crying?" maingat kong tanong sa kanya kasabay ng marahang paghaplos sa mahaba nitong buhok.


Kumikislap ang mga mata nito dahil sa luha at namumula pa ang ilong. "Mama, i-is he... my Pap-pa?" humihikbi nitong tanong.


Napatigil ang marahang paghaplos ko sa kanyang buhok at malungkot itong tinignan. I know I've been so unfair to her, sinamantala ko ang kamusmusan niya para hindi ipaalam sa kanya ang tungkol sa kanyang ama.


Masyado rin siyang bata para magtanong pa at hindi kami yung tipo ng taong lumalabas madalas kaya hindi niya alam na nag-eexist ang ganoong bagay. Kaya nalulungkot ako at nasasaktan ng marinig ko ang salitang Papa na sa bibig niya mismo nagmula.


I immediately pulled her to hug her. Doon ay malakas niyang inilabas ang iyak na kanina'y pinipigilan.


"He is, anak." mahina kong bulong sa kanya. Kaagad itong umayos ng tayo upang harapin ang amang nasa likuran.


Nagtitigan lamang sila ng ilang saglit bago nagdikit at nagyakapan na parang wala ng bukas.


"Papa!" hagulgol na sigaw ni Resien. Mahigpit naman siyang niyakap pabalik ni Vince. Ako, si Ezekiel at ang batang kasama ni Vince ay nakatingin lamang sa kanila.


Parang sila ang bida, ang sentro ng atraksyon. Maging ang mga mata ni Ezekiel ay nakitaan ko ng labis na saya.


That scene broke my heart but mended it at the same time. Kahit pa masama ang tinging ipinupukol sa akin ni Vince ay hindi ko maitago ang ngiting dulot ng saya dahil sa nakikita.


Sinusulit ko ang magkahalong kirot at sayang nararamdaman ko dahil wala pa ring kasiguruhan ang lahat sa akin.


He has his own family now at magmumukha lamang kaming sampid sa kanyang buhay. Mga taong pinagpipilitan ang sarili maging parte lamang nito.


Kung ako lang sa aking sarili ay hindi ko na iyon gagawin muli. I have lived my entire life trying to fit in everyone's life. Parang palaging kailangan kong manlimos kahit katiting na pagmamahal, at ayokong danasin ito ng aking anak.


Pero sa nakikita kong saya sa kanya ng malamang si Vince ang ama niya, agad na dumapo ang kaba at takot sa akin.


Walang ina ang hindi gagawin ang lahat para sa kanyang anak. At kung kinakailangangang magmakaawa ako para sa atensyon ng lalaking pamilyado na kapalit ng kaligayahan ng aking anak ay gagawin ko.


"Omg Vince, look what I have fou—" pahina ng pahina ang boses ng babaeng dumating matapos naming sabay sabay na lingunin siya.


Gia.


The luckiest girl. Ang babaeng tanging minamahal ng nag-iisang lalaking minahal ko.


She looked cluesless. Nagtataka nitong pinalipat lipat ang tingin sa akin, kay Ezekiel at sa mag-amang magkayakap.


"Mama, my friend called Dada Vince Papa." masayang sinabi ng bata.


Gia's eyes narrowed. I am still in my position and not even minding her presence. Bahala na, she can be angry or what pero sana naman ay hayaan niyang magsama kahit sandali ang mag-ama.


"Uh Vince, you can stay here. Mauuna na kami sa sasakyan. Let's go baby," nagmamadali niyang sinabi saka hinila ang anak. Tinanguan lang ito ni Vince saka ako hinarap.


"What now?" aniya. Igting ang panga at malalim pa rin ang boses. Walang pagbabago.


"Are you with him?" tanong pa niya saka saglit na tinapunan ng tingin si Ezekiel na nagtataka na naman.


"No-"


"Ano naman sa'yo?" naputol ang aking sagot ng biglang nagsalita si Ezekiel. Kunot-noo ko itong tinignan, nagtataka.


What is he saying?


"Back off, kid." malamig na sabi ni Vince atsaka naglakad na palayo, akay-akay ang aking anak.


I was left dumbfounded with Ezekiel.


"It's now clear. He had a child with you at hinayaan kang umalis. Tapos ngayon aastang walang nangyari? What an asshole!" he muttered.


I looked at him in awe. "Huwag ka ng sumali sa gulo namin, hindi ka pa ba uuwi?"


"No, I can offer you help." he suggested.


"What?"


"Use me." he said with determination.


"For?"


"Wala ka man lang bang gagawin para makaganti sa lalaking iyon?" hindi makapaniwala niyang sinabi.


Hindi rin ako makapaniwala sa mga inaasta niya, masyado siyang madaldal para sa isang lalaki ngunit wala rin namang nagbabawal na maging madaldal ang mga lalaki kaya palalampasin ko na.


"I can be a fake boyfriend." aniya saka nakapamulsang hinuli ang aking tingin.


I immediately shook my head. "Ayoko, salamat na lang." I replied at saka sumunod na sa aking mag-ama.


That's so immature. Wala rin namang mangyayari kahit pa magkaroon ako ng boyfriend at malaman ni Vince iyon.


He doesn't care at all.


Dahil hindi naman niya ako mahal.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top