Kabanata 26 - One-Sided Love

Kabanata 26

One-Sided Love


LUMIPAS ANG MGA araw na hindi manlang nga ako nagawang dalawin ni Vince sa bahay. But of course I kept going, dahil gaya ng sinabi ko... I won't depend myself on him.


Nagpapasalamat na nga lang ako dahil nakapag-ipon ako noon kaya hindi ko kailangang mamroblema sa aking pagkain, ang ipinoproblema ko ay kung papaano na kapag nanganak ako.


"Bakit naman hindi mo agad sinabi sa akin? Alam mo namang handa akong tulungan ka palagi." nag-aalalang wika ni Rose sa kabilang linya.


Ngayon ko lang din siya naisipanv tawagan dahil gusto ko magkaroon ng kapayapaan sa aking sarili.


Isang ring pa lang ay sinagot niya ito at pinaulanan niya ako ng napakaraming tanong gaya na lamang ng bakit raw hindi ako pumapasok, may sakit daw ba ako, kamusta daw ako at kung anu-ano pa.


Natigil lamang ang lahat ng kanyang sentimyento ng sabihin kong buntis ako. Para siyang tinakasan ng mga salita at nagtagal bago siya muling nakahinga.


"Sino ang ama, Hannah? Hindi ba't wala ka namang boyfriend? Jusko ka, pupuntahan kita riyan mamaya kapag dismissal." natataranta pa rin niyang sinabi. Hindi ko naman siya masisisi, nakakagulat niya.


"Hindi na, Rose. Ayos lang ako at hindi mo kailangang mag-alala." I said assuring her. Bumuntong-hininga ito bago nagsalita.


"Osiya ikaw ang bahala, basta tawagan mo ako kapag kailangan mo ng tulong ha. Teka nandito na prof, ingat ka, babye!" natataranta niyang sinabi atsaka agarang ibinaba ang tawag.


Hinimas ko ang aking tiyan, hindi pa man ito kalakihan ay talagang labis ang pag-iingat ko. Gayunpaman, kailangan kong maghanap ng trabaho dahil hindi sapat ang ipon ko para sa lahat ng gastos.


Nakakaburyo pa lang manatili sa bahay ng buong araw, palakad-lakad lang ako, minsa'y nagwawalis o kaya naman ay manonood ng tv.


Pero kahit alinman sa mga gawaing iyon ay hindi nakapagpaalis ng lungkot na aking nararamdaman.


Is it ironic to be in your home and still feel lost?


And honestly, this place isn't a home for me. Wala si Mama, wala si Papa, there were no signs or even people that can mean home.


Iisang tao na nga lang ang nakapagparamdam sa akin nito, hindi pa ako makuhang mahalin pabalik.


My home has another home, and he is not mine to begin with.


I smiled sadly, still caressing my tummy. I'll make you feel loved and treasured, where you can say that you are not just protected, but you are in your home.


Lumipas na lang ang gabi ay nanatili akong mag-isa at pilit nilalabanan ang labis na lungkot na aking nararamdaman.


They were all right, in the end, you only got yourself. Wala kang ibang puwedeng asahan dahil ang bawat tao ay may kanya-kanyang dinadala at kinakaharap sa buhay.


Kung mayroon ka mang masasandalan, I guess you're lucky enough. And I hope you're not taking it for granted.


I made my decision, magpapakalayo-layo ako at hindi ko ipapakilala ang batang ito sa kanyang ama. He doesn't deserve him/her.


Ayoko rin namang panindigan niya ako out of pity, mas gugustuhin ko na lang na palakihing mag-isa ang anak ko kaysa lumaki siyang may pilit at hindi masayang pamilya.


Malungkot ngunit determinado kong inayos ang aking mga gamit. Tomorrow morning, I'll be gone in his world. Ako na ang lalayo para hindi masira at masayang ang lahat ng sinasabi ni Iris na pinaghirapan niya.


He doesn't even love me after all, so there is no use if I choose to fight for him.


I feel asleep with evident of tears in my eyes, my world was turned that easily, in just a snap.


However, I'm not regretting it. Meeting him and being with him in a very short span of time made me alive.


I will consider his child a blessing, a reason to live, a purpose.


Nang sumikat ang araw ay masigla akong kumilos at naghanda sa pag-alis. I am really determined to leave this place, but before that. I want to visit my mother.


Dala-dala ko ang isang may kalakihan ngunit hindi kabigatan na bag, nilalaman nito ang mahahalagang papeles na kakailanganin ko at kakaunting mga damit.


Before finally leaving our house, nilingon ko itong muli upang saglit na pagmasdan. Even if this house doesn't feel home, maraming ala-ala ang nakaukit rito na sadyang doon lamang maaalala. And I want to remember that over and over again, so yeah, I'm sure I'll be back.


Bago ko narating ang facility na kinaroroonan ni Mama, nakita ko pa si Gia na bumaba ng kanyang kotse at huminto sa isang maliit na tindahan upang bumili ng bulaklak.


But she isn't that important and I can still feel the bitterness in me so I shrugged that off.


Iniwan ko ang gamit ko sa labas ng kwarto ni Mama bago sana ito pasukin ngunit bahagya itong nakabukas.


That took my curiosity yet I stayed outside.


"Roberto? Roberto ikaw ba 'yan?" the evident of enthusiasm is in her voice.


So my father found her? At may lakas pa siya ng loob na pumunta rito at bisitahin si Mama?


"ROBERTO BAKIT NGAYON KA LANG?! Roberto huwag ka nang aalis. Ang anak natin, s-si Hannah! Nasaan?" my mom suddenly exclaimed. I can now imagine her panicking, nagwawala at halos manakit na naman.


I remain in my spot, eavesdropping.


"Belle! Hush, keep calm. Nandito na ako." I heard my father's comforting voice. Siguro ay naaawa lang siya kay Mama, kaya niya ito ginagawa. I rolled my eyes.


Sa kanya na mismo nanggaling na si Christina ang mahal niya, ang una niyang pag-ibig. And nothing can ever defeat that, unless he really did love my mother, which I believe he didn't. Dahil kung minahal niya si Mama, hindi niya ito iiwan. Hindi niya kami iiwan.


"Saan ka ba nanggaling? Bakit mo ako iniwan?" naiiyak na sabi ni Mama, mula sa aking kinatatayuan ay damang-dama ko ang hinanakit niya.


Hindi ko kayang tagalan na marinig ang mga pagsusumamo ni Mama kaya napagdesisyonan kong huwag na lamang magpaalam sa kanya. No matter how much I wanted to come near her, I can't. Nandoon si Papa at ayoko na siyang makaharap, baka pilitin niya lang akong sumama pa sa kanya.


Maraming bagay ang pumasok sa aking isipan bago ko napagdesisyonang lisanin ang kinalakhan kong siyudad.


Pupunta akong probinsya, malayo sa magulong siyudad, malayo sa kapahamakan at kung ano pa man.


Sa lahat ng iyon ay halos si Vince ang aking iniisip, hindi manlang kami nakapag-usap pa ng masinsinan. I don't even know if he believes that it is his child. Talaga namang madaragdagan ang galit ko kung pati ang batang ito ay itatanggi niya.


I know I didn't lend an ear to hear his side, there is a possibility that he may be overwhelmed, or suprised in everything that is happening right now.


I felt a pang in my chest when I remember Iris' words. He loves Gia that much, now I wonder kung sa papaanong paraan ba siya tignan ni Gia.


If I were her, I'll teach my heart to love him. Kaso hindi naman din kasi ganoon kadali iyon. I also wonder if Gia knows that Vince got someone pregnant.


However, I cleared my mind before the bus pulled off to leave. Dapat ay lahat ng mga isiping iyon ay tuluyan ko ring iwanan sa lugar na ito para sa pagdating ko sa bagong lugar na aking patutunguhan, malinis ang aking puso at isip.


One-sided love isn't love. It's torture. A heartbreak.


I smiled sadly as I thought of myself... someone unloveable. Mula ng ipinanganak ako sa mundong ito ay walang taong tumagal sa akin, lahat binabawi. Lahat ipinapatikim lamang ng tadhana.


It feels like I will never be loved because no one was able to love me back. And how I wish, that this child I'm bearing would love me the way I wanted to be.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top