Kabanata 25 - I'll Take Her With Me

Kabanata 25

I'll Take Her With Me


"UMALIS NA KAYO dito, Pa! Hindi ko kayo kailangan." mapride kong sabi sa aking tatay.


Sa tinagal-tagal ng panahon ay ngayon lamang siya ulit susulpot? At ano bang akala niya? Tumatakbo ko siyang sasalubungin ng may pagyakap.


"Sinong mag-aalaga sa'yo Hannah? Alam mong buntis ka." matigas na sabi niya.


"Kaya ko ang sarili ko pa, bata pa lang ako sinanay niyo na akong mag-isa." iniiwas ko ang aking tingin at lumayo ng bahagya sa kanya.


"Papaano na lang kung naging kapatid mo si Vince, Hannah? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao?"


"Wala ho akong pakielam sa sasabihin ng ibang tao, at kayo kailan pa kayo nagkaroon ng pakielam sa sasabihin ng iba?" pabalang kong sagot. Nakita ko rin ang pagpipigil niya ng galit.


"Nasaan ang Mama mo?" maya-maya'y tanong niya.


"Hindi niyo alam?" natatawa kong sagot, "Oo nga pala, ni hindi niyo nga madalaw." dugtong ko.


I got his full attention kaya naman hinarap na niya ako ng tuluyan. "Nasaan?" maikling tanong niya. Ramdam ko ang pagpipigil niya upang huwag magalit.


"Huwag niyo ng alamin dahil nagawa niyo ngang iwan," muli ay pabalang kong sagot.


He took a sigh and then started to prepare food for me. "Kumain ka na muna, kung ayaw mong sabihin sa akin kung nasaan ang mama mo. I'll find her myself." aniya. Sumisikip ang aking dibdib tuwing si Mama ang pinag-uusapan, bukod pa ron kung makapagtanong siya akala mo'y isa lang silang magkaibigan na matagal ng hindi nagkikita.


"Hayaan mo na si Mama, Pa. Hindi ka na niya kailangan. Kung talagang gusto mo siyang hanapin, sana noon mo pa ginawa." mapait kong winika. Aaminin kong masama ang loob ko sa aking ama, minsan ko na ring hiniling na tuluyan na siyang mawala ngunit hindi ko maitatago ang pananabik sa akin ngayong katabi ko siya. Pero hindi puwedeng basta-basta na lamang palagi ang mga gagawin niya pagdating kay Mama.


"I know it will be hard for you to understand, pero kinailangan kong gawin 'yon." malungkot niyang sinabi.


"Hindi niyo na ho kailangang magpaliwanag, bata pa lang ako alam ko na ang rason. Katanggap-tanggap man o hindi, wala akong pakielam." I said with full of bitterness. Sabik ako sa isang ama ngunit hindi sapat na dahilan 'yon para ipakita kong namimiss ko siya.


"Alam kong naging masama akong ama at asawa sa inyo, Hannah. Pero tao lang din ako, nagkakamali. That's why I am here now to guide you, lalo pa't nagdadalang-tao ka. Hindi ko hahayaang hindi ka panindigan ng ama niyang dinadala mo." nag-aalala niyang sinabi.


"Papaano kung ayaw niya? Hindi natin siya mapipilit, Pa! Hindi mo puwedeng utusan ang isang tao na gawin ang isang bagay nang labag sa kalooban niya."


"Kailangan ka niyang panindigan dahil may anak kayo." mariing sabi ni Papa. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya naman alam kong gagawin niya ang lahat upang mangyari ang gusto niya.


"Bakit si Mama, Pa? Iniwan mo kahit may anak kayo?" walang anu-ano'y tanong ko. Muling lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha nang tignan ako.


"Hannah, minahal ko ang mama mo. Pero sa buhay, palaging may isang tao tayong lubos na mamahalin na kahit pa maraming dumating, na kahit pa magmahal tayo ng magmahal ng iba upang matakpan at maitago ang pagmamahal na iyon para sa isang tao... wala pa ring saysay." puno ng pagpapangaral niyang sinabi. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan.


Kung may iba naman pala siyang minamahal ay bakit pa niya pinakasalan si Mama? Bakit pa niya pinaasa na kaya niya itong bigyan ng masaya at pang-habangbuhay na pagmamahal?


"Pangalawang pamilya ko lang kayo, Hannah. Si Christina ang una kong asawa at una kong pag-ibig. Maaga kaming nagkaanak pero itinago niya iyon sa akin, si Iris. Matagal kami bago muling nagkita, doon ay ipinagpatuloy namin ang naudlot naming relasyon. Nalaman lang ng Mama mo ang relasyon namin ng makita niya kaming kasama si Katelyn, ang kaedaran mo." mahabang kuwento niya. Alinman sa mga iyon ay hindi ko nais na marinig ngunit wala akong pagpipilian kung hindi maupo rito at hintayin siyang matapos.


Ilang oras din ang lumipas ng saglit itong nagpaalam upang umuwi at magpalit raw ng damit.


Naisip ko na naman si Vince, paninindigan niya kaya kami? Kung sana lamang ay mahal niya ako, hindi na sana magiging mahirap pa sa kanya na panindigan ako.


Masaya ako nang makumpirmang hindi kami magkapatid, ngunit nalulungkot ako tuwing maaalala ko ang kanyang mukha nang unang beses niyang marinig sa bibig mismo ng ina na ampon lang siya.


Muka ng komprontasyong iyon ay hindi ko na siya nakita, ilang oras din ang itatagal ko sa ospital na ito dahil ayon sa doktor ay maselan ang pagbubuntis ko.


Nalulungkot rin akong isip na hindi na ako makakapasok sa eskuwelahan hanggat may dinadala ako. Mauudlot pa yata ang matagal ko nang pangarap.


Hindi bale, pinili kong gawin ito kaya dapat ay panindigan ko ito. At hindi ko dapat sisihin ang magiging anak ko dahil sa hindi pagkatupad ng aking pangarap.


Like what my Father did, I will not let my child feel that he/she is unwanted. Ngunit paano na lamang kung hindi siya panindigan ng kanyang ama? Lalaki bang may wasak na pamilya ang anak ko kagaya ko?


Mula sa pintuan ay napalingon ako nang makita kong bumukas ito ay inilabas si Iris. I'm surprised dahil siya yung tipo ng taong hindi mahilig makipagsocialize, bukod pa ron ay magaspang rin ang ugali niya kaya naman hindi ko aasahang papasok siya sa kwartong ito.


Mas lalo akong nagulat ng umupo ito sa kalapit na upuan.


Tumikhin ito at hinarap ako, kaya naman napadako ang aking paningin sa kanya.


"Sinadya mo bang kay Vince magpabuntis?" prangka niyang tanong. Bigla ay naramdaman ko ang namumuong galit sa akin. Ano ba ang pinagsasabi niya?


Bumangon ako at umayos ng upo. "Kung anong gusto mong paniwalaan, iyon nalang. Tutal ay dya'n kayo magaling." prangka ko ring sagot sa kanya.


She look amazed, napahawak pa sa kanyang dibdib na animo'y nasaktan.


"Alam mo ba kung gaano kamahal ni Vince si Gia? Na kahit kakakilala lang nila he became head over heels for her. Tapos masisira lang iyon dahil sa'yo, dahil dyan sa anak mo." wika niya habang nagngingitngit sa galit.


Magkahalong galit at konsensiya na ang nararamdaman ko sa aking dibdib. Walang sinuman ang may gusto na mangyari ito, pero hindi ko rin sinabing ayawan nila at ituring na parang basura ang magiging anak ko.


"Hindi niyo naman kailangang sabihin sa lahat na nagkaanak siya, at huwag kang mag-alala. Hindi ako maghahabol sa kapatid mo." matigas kong sabi. Hindi man iyon ang aking nasa isip ay pinilit kong sabihin, kahit pa magtalo ang puso't isipan ko.


Natawa siya sa paraang nakakainsulto, "Talaga lang ha? Eh anong ginagawa mo sa opisina niya ng maabutan namin kayo?" sarkastikong pagtanong niya.


I swallowed the lump in my throat at matatag na tinatapatan ang kanyang tingin.


"Masyado kang Maria Clara, isang beses lang may nangyari sa inyo gusto mo panindigan ka na agad?" pang-iinsulto niya.


Inaasahan ko iyon, sinabi ko ngang masyado akong overreacting dahil isang gabi lang naman iyon nangyari pero kung makahabol ako ay wagas.


Pero maiintindihan ba nila kapag sinabi kong mahal ko siya? Mahal ko siya kaya hindi ko siya basta-basta bibitawan.


Ngunit paano kung ayaw naman kumapit? Naisip ko.


"Layuan mo si Vince, Hannah. You'll be his destruction! Lahat ng pinaghirapan niya ay mawawala ng dahil sa'yo." she said in a gritted teeth. Ilang saglit lang ay umalis din siya.


Unti-unti kong naiintindihan ang mga sinasabi niya, at kahit naman hindi ko layuan si Vince ay kusa itong lalayo sa akin dahil sa kanya na mismo nanggaling na hindi niya ako mahal.


Bumalik si Papa upang muli akong bantayan kahit pa ipinipilit kong huwag na. Gusto ko na ring umuwi at umalis sa lugar na ito.


"Hannah, sa amin ka muna tumira." aniya. Tinapunan ko siya ng tinging hindi sumasang-ayon.


"Kaya ko nga hong mag-isa, bakit ba ang kulit niyo?" iritable kong sabi. Kung makaasta kasi ay akala mo sasama ako sa kanya.


"Sa ayaw at sa gusto mo, doon ka titira." he said with finality.


"I'll take her with me," wika ni Vince. Sabay kaming napalingon ni Papa rito. Hindi ko alam kung kanina pa siya naroon sa hamba ng pintuan.


He looked stress and worn out, ngunit hindi noon naitago ang gwapo niyang mukha.


"No," umiiling kong sabi."Hindi ako sasama sa kahit na sino sa inyo, pabayaan niyo ako mag-isa."


They both took a sigh and stared at me like I am some kind of a stubborn woman.


Tumayo ako sa pagkakahiga at hinagilap ang gamit ko. Mamaya pa dapat ang alis ko ngunit gusto kong mapaaga, naiirita ako sa mga taong nandito.


Umalis naman si Vince na nakaharang sa pintuan, para bang willing na willing itong hayaan akong umalis.


Kung sabagay, walang ka-amor amor ang pag-aaya niya sa aking sumama sa kanya. Hindi rin naman ako sasama kahit pa ipilit niya.


"Hannah,"aniya saka marahang pinigilan ang aking braso.


Galit akong tumingin sa kanya, "Wala kang aasahan sa akin at wala kang anak. Kalimutan mo na ako." matigas kong sabi atsaka sila iniwan roon.


Kung mayroon ng supling sa sinapupunan ko ay ito ang dapat kong mas pagtuunan ng pansin. Nagbago na ang isip ko ng sinabi kong hindi ko hahayaang mawala siya, dahil ayokong magaya sa aking ina na halos ikinabaliw na ang pag-iwan ng minamahal.


Magiging matatag ako para sa aking anak, kahit pa wala siyang kalalakihang ama.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top