Kabanata 24 - Sudden Offspring
Kabanata 24
Sudden Offspring
MULING NAPAPIKIT ANG aking mga mata ng tumama ang liwanag ng ilaw sa aking mukha. Unti-unti ko itong idinilat na muli upang pagmasdan ang paligid.
I am laying in a white bed inside a white room, I must be in a hospital. Pero bakit?
Nakarinig ako ng tikhim sa aking gilid kaya nilingon ko ito. My face immediately crumpled when I saw who it was.
"Anong ginagawa mo rito, Katelyn? At bakit ako nandito?" magkasunod kong tanong.
She just smirked at me and continue playing with her fingers. Ni hindi manlang ako sinagot.
Kagigising ko lang ngunit nahihilo pa rin ako. I looked at the clock to check what time it is, and I found out that it is already midnight. Kaya siguro nahihilo ako at antok na antok. Hindi pa rin kasi ako kumakain.
Tulala lang ako doon habang iniisip kung ano ba ang nangyari. But then napabalikwas ako sa pagkakahiga ng muli kong maalala ang huling nangyari.
Vince is my stepbrother, he's Christina's son. Pero mas matanda siya sa akin so ibig sabihin kami ang pangalawang pamilya?
Pero bakit si Mama ang pinakasalan ni Papa? Ang gulo gulo ng buhay ko.
Napahagulgol ako ng maisip kung ano ang nangyari. Shit, I just had sex with my brother. Mali iyon hindi ba?
Pero hindi ko alam, paano na?
"Stop crying, Hannah. You look so ugly when you cry." wika ni Katelyn pero hindi ko siya pinansin.
Mas napahagulgol ako ng maisip kung gaano ako kasama sa kanya, nakokonsensiya ako sa isiping baka kami ang pangalawang pamilya.
"Nga pala, my mother decided na huwag ng kunin ang bahay sa'yo. Mas kailangan mo daw iyon ngayon." aniya.
I stopped crying and look at her, "Sa amin naman kasi talaga iyon, Katelyn." buo ang loob kong sabi. Ngunit siya naman ang hindi pumansin sa akin ngayon.
"Magpahinga ka na lang, para rin makauwi na ako. I'm so bored here." she said and stormed out of the room.
Tulala akong bumalik sa pagkakahiga. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatingin sa kisame hanggang sa nakatulog na ako.
Nagising lamang ako muli ng marinig ang bulungan malapit sa akin.
"Ano mo ba siya, Vince?" masungit na tanong ng isang tinig. Pinanatili kong nakapikit ang aking mga mata upang hindi sila maistorbo sa pag-uusap.
Ang boses na iyon ay natitiyak kong mula kay Iris. Sa kanilang magkapatid ay ito lamang ang may boses na masungit at animo'y palaging naghahamon ng away, kakaiba kumpara sa kapatid niyang si Katelyn na palaging maarte at may pakulot pa ang boses.
"She's my employee, and we... we," hindi niya matuloy-tuloy ang sinasabi.
"You what?" tila nauubusan ng pasensiyang singhal sa kanya ng kausap.
"Iris, you know how much I love Gia. Right?" pag-iiba niya ng usapan. Gusto kong magsisi kung bakit nakikinig pa ako, he's always vocal when it comes to his feelings towards Gia.
"Yeah, and so?"
"I made a mistake, Iris. I just had sex with this girl and now I know I'm doom." nagsisising wika ni Vince.
"Kahit naman gaano mo kamahal si Gia, hindi ka naman niya mamahalin. As you can see, kahit pa nasa ospital 'yong Ethan she keeps on visiting him consistently." diretsong sabi ni Iris. Ngayon ay pati ang sakit na dapat maramdaman ni Vince ay nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa na may ibang mahal si Gia.
"Yeah, alam ko 'yon. You don't have to say it in front of my face."
"Oh edi alam mo naman pala eh, which means alam mo rin na wala kang pag-asa sa kanya kaya kung ako sa'yo paninindigan ko ang babaeng 'yan." wika ni Iris. Gusto kong mangiti ngunit pinipigilan ko lang.
But then again, that can't change the fact that we are siblings. At hindi dapat ako magkasala pa. Gusto kong mandiri sa aking sarili dahil nakipagniig ako sa lalaking hindi naman dapat.
Kasalanan na nga na may nangyari sa amin kahit pa hindi naman kami nagmamahalahan, edi mas lalong kasalanan kung magkapatid kami.
"We are siblings," ani Vince. Naramdaman ko ang kirot sa aking dibdib, I just heard it from him. And it is confirmed.
"At naniwala ka naman kay Mommy? Kung hindi pa mahihimatay ang babaeng 'to ay hindi matatapos ang pagtatalo niyo sa opisina mo. Nakakahiya kayo." iritableng sabi ni Iris.
Gusto ko na lamang umalis sa pagkakahiga ngunit ayoko namang istorbohin ang kanilang pag-uusap.
"Bakit hindi ako maniniwala?" naguguluhang winika ni Vince. Tinawanan lamang ito ni Iris at narinig ko ang pagsarado ng pintuan.
Doon ay unti-unti kong iminulat ang aking mata ngunit gusto kong mapapikit muli dahil naroon pa rin si Vince at nakadungaw sa akin.
"Kamusta ka?" he gently asked. Umiwas ako ng tingin at umayos ng upo.
"Uuwi na ako," maikling sabi ko.
"Kumain ka muna, at itatanong pa natin sa doktor kung pu-puwede ka nang madischarge." sabi niya at saka inihanda ang pagkaing nasa katabing lamesa.
"Bakit naman hindi pa? Nahimatay lang ako dahil siguro sa gutom at pagod. Pasensiya na sa abala pero uuwi na ako." sabi ko saka tinanggal ang dextrose na nakakabit sa aking kamay.
Napangiwi pa ako sa mumunting kirot na naramdaman ko rito.
"Pero sabi ng doktor magpahinga ka muna at kumain." wika niya atsaka ako pilit na itinutulak pabalik sa kama.
Marahas ko itong inalis sa akin at tinignan siya ng masama. "Stop acting like you care! Dahil mas nasasaktan lang ako knowing na nagpapanggap ka lang." mariin kong sabi.
Bumuntong hininga siya at umupo sa aking tabi. Hindi sobrang lapit ngunit sapat na para magkaharap kami.
"Hannah, makinig ka sa akin—"
"Anak ka ba ni Christina?" pagpuputol ko sa kanya. His eyes narrowed.
Tumango ito at pilit na kinuha ang aking kamay.
"Hannah, I-I don't know. I'm sorry." nahihiyang aniya. Binawi ko ang aking kamay at hinuli ang kanyang tingin.
"Hindi mo na naman alam? Sorry na naman? Kailan ba matatapos 'yan? At putangina! Magkapatid tayo?" naguguluhan ko nang tanong. Alam kong ilang beses ko na itong inisip kanina at narinig ko na rin ito sa kanya ngunit bakit sa mga oras na 'to ay hindi matanggap ng aking sistema ang katotohanang kapatid ko ang lalaking mahal ko.
Sabay kaming napalingon ng malakas na bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa nito ang lalaking ayaw ko na sanang makita.
Dire-diretso itong naglakad patungo sa amin at kaagad na inundayan ng suntok si Vince. Halos mahulog ito sa pagkakaupo sa kama habang sapu-sapo ang kanyang panga. Dumudugo ang kanyang labi.
"Hayop ka! Anong ginawa mo sa anak ko?" malakas na sigaw ng tatay ko. Masama rin ang tingin na ipinukol ko sa kanya.
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil hindi ito ang inaasahan kong mangyayari kapag nagkita kami.
"Ano hong ginagawa niyo rito?" malamig kong sabi, sa ibaba ang tingin.
"Hannah, anong ginawa sa'yo ng lalaking ito?" lumambot ang tinig ng aking ama. Ramdam ko ang pag-init ng aking mga mata maging ang nagbabadyang kuha rito.
Matagal tagal na rin mula ng huli tayong magkita, Papa. At hindi ko inaasahang sa ganitong pagkakataon pa.
Nang mag-angat ako ng tingin ay muli niyang sasapakin si Vince kung hindi lang ito pinigilan ni Christina.
"Huwag mong saktan ang anak mo, Roberto!" sigaw ni Christina habang mahigpit na hinahawakan ang braso ng aking ama.
Natawa si Papa at tumingin kay Vince. Dinuro niya ito at kulang na lamang ay tadyakan niya. Nanatili namang nakaupo sa sahig si Vince at animo'y sising-sisi sa nangyayari.
"Dad, I don't know! Hindi ko alam—"
"Inutil ka! Sa dinami-rami ng babae sa mundo anak ko pa ang binuntis mo!" my father's voice roared in the room. Nanlalaki ang mata ko ng tignan ko ito.
"A-Ano?" hindi makapaniwala kong sabi. Buntis ako? At sino ang ama? Ang kapatid ko? Putangina.
Umiiyak si Christina, sila Katelyn at Iris ay naroon lamang sa katabing sofa, nanonood. Ngunit mababakas mo ang lungkot at pag-aalala sa kanilang mga mukha.
"Hindi na kayo nahiya, magkapatid kayo!" singhal ni Christina. Miserable ang kanyang mukha at hindi na mapigilan ang paglandas ng luha sa kanyang mukha.
"Anong sinabi mo Pa? Buntis ako?" binalewala ko ang sinabi ni Christina. Ang gusto ko lamang ang makumpirma ang narinig ko.
Tumayo si Vince at hinarap ang aking tatay. Sasampalin sana ako ng aking ama ng pigilan ito ni Vince.
"Huwag niyo siyang sasaktan," aniya na tila nagbabanta.
"Gago ka! Bakit si Hannah pa?" galit na galit na winika ng aking ama. Ngayon ay gusto kong sisihin ang aking sarili, lahat ng galit ay si Vince ang sumasalo ngunit pareho naman namin itong kasalanan.
"Hindi namin alam!" umiiyak kong sagot. Ako na ang sumagot para sa kanya.
"Kung sana ay marunong kayong makuntento ay hindi nangyayari ito! Wala akong pakielam kung sino ang nauna pero sana nakuntento kayo Pa!" sigaw ko sa kanya. Tulala na ito at nakatingin sa akin.
Sinapak muli ni Papa si Vince na nagdulot ng pagtimbayang niya sa sahig. Umiiyak na pinipigilan ni Christina si Papa.
"Tama na, Roberto! Huwag mo saktan ang anak—"
"Alam nating hindi ko anak yan!" sigaw ni Papa na nagdulot ng katahimikan sa buong kwarto.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Katelyn. Napabuntong hininga naman si Iris na akala mo'y alam na niyang mangyayari ito.
Lahat kami ay nagugulat sa rebelasyong nabubunyag sa mga oras na 'to.
"Ma," nagsusumamong tawag ni Vince kay Christina.
"Ma, anong ibig sabihin nito?" dugtong pa niya.
Umiiyak na lumapit si Christina sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha. Nakita ko ang pagtutubig ng mga mata ni Vince.
Dapat ba akong matuwa na hindi siya anak ng tatay ko? Hindi ko alam.
"I'm so sorry, Son." hagulgol ni Christina sa anak. "You were adopted." she whispered that made everyone gasped.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top