Kabanata 22 - Home Wreckers Visit
Kabanata 22
Home Wreckers Visit
"MISS CELESTINE, ARE you with us?" wika ng aming professor sa aking harapan. Dalawang beses akong kumurap at saka tinapunan siya ng tingin.
"Uh... Y-Yes Ma'am," nahihiya kong sabi. Halata ang inis sa kanyang mukha dahil magkasalubong ang kanyang kilay.
Tumango tango ito at ngumiti, "Stand up," she commanded. "P-Po?" I absent mindedly asked.
Kinurot naman ako ni Rose, nang tignan ko siya ay kinukumbinsi niya akong tumango sa pamamagitan ng kanyang kilay at nguso.
"Ang sabi ko tumayo ka," masungit na sabi ng professor. Sa totoo lang ay hindi ko siya kilala, sub lang siya sa araw na 'to dahil may sakit ang talagang nagtuturo sa amin.
I immediately stood up, hiyang hiya na. Ilang oras na yata akong tulala at tila hindi maganda ang mangyayari.
"Define Ethnocentrism," wika niya saka naglakad pabalik sa harapan habang nagpapaypay gamit ang lumang luma na niyang abaniko. Mukhang isa siya sa mga terror na professor dito sa campus na hindi ko pa nameet.
Kumunot ang noo ko sa kanyang tanong, "Excuse me, Ma'am but that topic isn't even... connected to our course." alanganin kong sabi. Wala naman talaga itong kinalaman sa course namin, we are more on balancing and computing numbers. Why do I have to define that?
"Because I said so, kaya naman whether you like it or not. Answer it or I'll drop you out." she said in gritted teeth. Nagugulat ko itong tinignan, it's like she have read my mind. What the hell?
I looked down and think of an answer. I even saw Katelyn look on my way to give me a smirk.
Tumikhim muna ako bago sumagot, " Ethnocentrism is a perception that arises from the fact that culture differ and each culture defines reality differently." I proudly stated. Good thing that I am a book worm way back in highschool that's why it broaden my knowledge about a lot of things.
"And what about Xenocentrism?" meron pa? I looked at her in disbelief ngunit matayog pa rin ang kanyang pagkakatayo at ngayo'y magkakrus na ang kanyang mga braso.
"That is what you get for not listening attentively in my class," she added. Pinapahiya ba niya ako? I get that I'm at fault pero sapat ba na dahilan 'yon.
"Uh... Xenocentrism is..." shit! Wala akong masabi, hindi ko na maalala. "It is... uh the opposite of Ethnocentrism." wika ko.
"Sit down, you're answers aren't enough. Anyone?" she called for volunteers. Napairap ako sa kawalan. I know that, I know that I will never be enough.
Rose leaned to whisper something, "Anyare sa'yo teh? Kanina ka pa kasi tinatawag ni Ma'am." aniya. Blangko ko lamang siyang tinignan at itinaas ang aking mga balikat, nagpapahiwatig na hindi ko rin alam.
Katelyn attentively raised her hand to answer the question. Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang pagpapakitang gilas niya dahil maiirita lang ako.
The professor left later in time, nagparinig pa ito about sa mga walang interes a estudyanteng hindi raw nakikinig. She said that she'll report it to our proffesor. Inilingan ko na lamang ito at inayos ang gamit ko.
The class is now dismissed, everyone's fixing their things. Ang iba naman ay nagmamadali pang lumabas dahil nananabik na sigurong makauwi.
"Hannah, mauna na ako ha. I'm meeting someone." wika ni Rose saka humalik sa pisngi ko na agad ko namang pinunasan.
"Kadiri ka! Ingat," pahabol kong sabi bago pa siya makalabas ng pinto.
I was about to stand up when Katelyn blocked my way. Masama agad ang tingin ko sa nakangisi nitong mukha.
"Anong kailangan mo?" walang interes kong tanong.
"Well, I came here to remind you that we're still planning to get the mansion from you. Plus the fact that you're slowly losing, soon in time I'll be on top at babagsak ka." she stated, grinning.
Hilaw ko itong nginitian, "Ah talaga? Goodluck," wika ko saka siya nilagpasan, binangga ko pa ang kanyang balikat para naman mas mainis siya.
I am on my way home when I received a message. It was from Mara.
From: Mara
Hannah, Sir Vince asked me to tell you that you are now assigned to clean the Conference Room's floor. Doon ka na dumiretso pagdating mo. Have a good day!
I took a deep sigh. Bakit pa niya ako inassign sa iba kung hindi ko rin naman siya naaabutan sa kanyang opisina?
At isa pa, hindi ba't iniiwasan niya nga ako? Bakit doon niya ako inassign? Kasama sa mga lilinisin kong lugar ay ang opisina ni Gia, eh hindi ba ay palagi siyang nandoon?
I just shrugged the thought out of my mind. I need to focus on studying, pakiramdam ko ay nawawala ako sa madalas kong ginagawa. I am always distracted and my mind is clouded.
At kahit ano namang iwas ni Vince sa akin, hindi ko siya titigilan. He had already set my entire being on fire and now he's refusing to burn with me? No, I will not let him.
Kung inaakala niya ay isa akong uto-uto at sunud-sunurang babae ay nagkakamali siya.
Habang naglalakad ako papasok sa village namin, nakita ko ang isang pamilyar na sasakyang kaaalis lamang mula sa aming bahay. Anong ginawa niya doon? Is he looking for me?
Ngunit kaagad na mas kumunot ang noo ko ng makitang may isa pang sasakyan ang naroon. I immediately headed inside only to found the gate's lock wrecked.
Para bang sinadya itong sirain para makapasok. May... magnanakaw ba?
Eh bakit narito pa ang sasakyan? Hindi na dpaat ay hindi sila magpapaabot sa may ari?
Without thinking twice, tumuloy ako sa pagpasok. Dinampot ko rin ang pala na nakita ko sa sulok. Kung sino man ang pumasok rito ay makakatikim.
Ngunit naibaba ko ang nakataas na kamay na may hawak hawak na pala nang makita ko si Katelyn na relax na relax na nakaupo sa sofa sa aming living room.
What is she doing here?
Dumapo ang aking paningin sa babaeng nakatayo sa gilid, animo'y pinagmamasdan ang mga gamit sa aming bahay.
Sa sobrang tagal naming hindi nagkita ay wala pa rin itong pinagbago. I can smell the mixture of desperation and sluttishness.
"Anong ginagawa niyo rito?" malamig ang boses kong sabi. Natawa ang ginang ng malakas at tinignan ako.
"Hi, stepdaughter," she greeted. Ni hindi ko manlang ito nginitian.
Unti unting namumuo ang galit sa aking sistema. Talagang itutuloy nila ang pagkuha ng mansyon sa akin? Ang kakapal ng mukha.
Mas lalong nag alab ang galit na nararamdaman ko sa aking dibdib ng mula sa itaas ay dumungaw ang isa pang babae.
Iris.
"Your room's amazing. I want to occupy that when you leave, Sis." she shouted. I eyed her sharply. Ngunit hindi sila natitinag.
Marahang naglakad ang pinakamalandi sa lahat ng malandi papalapit sa akin. Nanatili lamang ako sa aking kinatatayuan, masama ang tinging ipinupukol sa kanila.
Iniiwas ko ang aking mukha ng sinimulan niyang laruin ang aking buhok.
"Umalis na kayo," simple kong sabi. Gusto kong magpahinga at sinisira nila ang plano ko. Isa pa, may pasok ako sa trabaho.
"Live here with us or leave, you choose." Christina suggested. I gave her a glaring look.
"Wala kayong karapatan dito, umalis na kayo." wika ko.
"Hindi ako ang aalis kaya naman umpisahan niyo nang lisanin ang teritoryo ko," mariin kong sabi.
Nilingon ko si Katelyn na nakaupo sa sofa, animo'y bahay niya ang kinasasadlakan.
"I informed you, diba?" she commented.
"Dear, I am now the legal wife kaya naman may karapatan talaga ako rito. Mamili ka, aalis ka rito o titira kasama kami? O kaya naman gusto mo, kami na ang magpalayas sa'yo. Marami kang choices," natatawang sabi niya saka tinabihan ang anak.
Sa sobrang galit ay hinawi ko ang malaking vase sa kalapit na side table. Pare-pareho silang nagulat sa ingay na idinulot ng pagkakabasag nito.
"What the hell!" impit na tili ni Katelyn.
"Aalis kayo, or I will resort to violence to get you out of here?" mariin kong tanong sa mukha mismo ni Christina.
Nagugulat nito akong tinignan. "Wala ka talagang modo, Hannah. Manang mana ka sa—" gamit ang pinakamalakas na puwersa ay sinampal ko ito.
"Huwag na huwag mong idadamay ang nanay ko rito." nanggigigil kong sagot. Mas nanlaki ang kanyang mata habang nakatingin sa akin, hawak hawak niya ang pisnging nakatikim ng hagupit ng aking palad.
"Hindi pa tayo tapos, Hannah. Babalik kami." wika niya saka tumayo.
"Katelyn, Iris! Let's go!" tawag niya sa mga anak at nagpatiuna nang lumabas sa bahay.
Hindi ko alam kung saan sila kumukuha ng kapal ng mukha, hindi ako papayag na makuha nila sa akin ang dapat na sa amin. Hindi lang sa tatay ko ang bahay na 'to kaya naman wala silang karapatang angkinin ito.
They have already destroyed my family, and I won't let them destroy me. Maging ang bahay na pagmamay ari rin ni Mama.
Sa amin ito, at hinding hindi nila makukuha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top