Kabanata 21 - Who's The Fucktard?

Kabanata 21

Who's the Fucktard?


THE NEXT FOLLOWING days can be considered as torture, tuwing papasok ako sa eskuwelahan ay ayos naman ako ngunit kapag oras na ng trabaho ay hindi ako mapakali.


Vince is getting rid of me, madalas ay hindi ko siya naaabutan sa kanyang opisina. It was a relief na hindi niya ako prinomote o di kaya ay nilipat sa ibang department.


I am heading back to the maintenance room to put back the things I have used for cleaning, may problema raw sa elevator kaya naman napagdesisyonan kong tahakin ang fire exit.


When I reached the floor where the conference room can be found, may ginagawa naman sa fire exit so I decided to take the other one as what the construction worker suggested me.


"Ma'am doon po muna kayo sa kabila dumaan, under renovation po dito dahil may inirequest ang admin." tinanguan ko lamang ito at lumiko na para sa kabila magtungo.


My mind was clouded while walking pero napabalik ako sa aking nalampasan ng madaanan ang office ni Ma'am Gia. Vince was inside and they are seriously talking.


Sa loob ng ilang linggo ay ngayon ko lamang siya ulit nasilayan, sa malayo pa. At ang masakit doon, kasama pa niya ang babaeng mahal niya.


I am taking my time gaping at them, kung hindi nga lang matigas ang cart na tulak ko ay baka nadurog na ito sa higpit ng aking pagkakahawak. Magkahalong muhi at lungkot ang tinging ibinigay ko sa kanila, may patawa tawa pa kayo dyan? Without knowing someone is hurting because of you?


Pag usap ko sa kanila sa aking isip, I felt I almost jumped in the air when someone bumped into me. Halatang sadya dahil malakas ngunit hindi sapat para matumba ako. Para bang isang pabirong dunggol.


"Hirap 'no? Pamasid masid na lang tayo sa malayo," nilingon ko ang babaeng nagsalita. It was Becca, she is smiling like an idiot. Nakatingin rin siya sa aking tinitignan.


I swallowed the lump in my throat, "May boyfriend ba si Gia? Ibig kong sabihin si... Ma'am Gia?" I suddenly asked her. Now I'm deeply interested to the woman he loves.

"Ang alam ko wala eh, pero may iba siyang gusto. And she's brokenhearted for years." wika niya saka ako nilingon.


"Bakit?" she added.


"Wala naman," simple kong sagot.


"Selos ka ba?" muli ay binangga niya ako gamit ang kanyang balikat na para bang nakikipagbiruan ako sa kanya. Hindi yata talaga alam ng babaeng ito ang tinatawag nilang personal space.


"H-uh? Bakit naman ako... magseselos?" pahina ng pahina kong sabi.


"Huwag mo na ideny, Hannah. Kitang kita ko sa mga mata mo habang tinitignan sila. Nakikita ko ang sarili ko sa'yo." mahabang sinabi niya, nababastusan ako sa walang habas niyang pagduduro-duro ng daliri niya sa aking mukha.


"Bakit? May gusto ka ba kay Vi–Sir Vince?" ngumiti ito na tila nang asar pa dahil sa maling pagkakabanggit ko.


"Syempre, sino bang hindi magkakagusto riyan?" she said now crossing her arms. Ubos na ang break time ko sa kakamasid at pakikipag usap dito.


"Alam mo Hannah, huwag mo na siyang pangarapin dahil masyado siyang mataas para maabot. Ako nga na mas maganda sa'yo ay hindi manlang tinapunan ng tingin, paano ka pa?" hindi kapani-paniwala niyang sinabi. Gusto kong matawa sa kakapalan ng mukha ng babaeng 'to. Hindi ko alam kung may saltik ba 'to sa utak o sadyang ganyan talaga ang ugali niya.


Kung alam mo lang, Becca.


"Makukuha ko rin 'yan, Becca." maikling tugon ko na nakapagpalaglag ng kanyang panga.


"Grabehan ka sa confidence ha, bakit kinausap ka na ba niya?" daldal niya habang sinasabayan akong maglakad, tinatahak ang malawak na hallway ng floor na 'to.


Nginisian ko ito at hindi nalang sinagot. She's so nosy, hindi naman kami close kung makipag usap siya sa akin akala mo'y alam na alam na ang ikot ng bituka ko.


Hanggang sa canteen ay hindi niya ako nilubayan, daldal siya ng daldal na parang walang bukas. Palakabigan naman siya kaya nga lang ay hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa kanya kaya pinili ko nalang na makisabay kahit pa hindi naman ako komportable.


Kukuha sana ako ng tubig sa water dispenser ng magkasalubong kami ng lalaking kagagaling lang dito. Kaagad na natapon ang dala dala niyang tubig sa kabuuan ng aking damit.


"Ano ba? Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?" naiinis na singhal ko rito. Mukha siyang kaedaran ko lang at ang angas angas niyang tignan.


Blangko ang ekspresyon ngunit kunot ang noo nito ng balingan ako. "Excuse me, ikaw ang nakabangga sa akin Miss." malamig niyang sabi.


It sent chills to my spine, he's got that intimidating aura na sa iisang tao ko pa lang nararamdaman.


Ngunit binalewala ko ito dahil nabasa ako, at pinagtitinginan kami ng mga tao. I even saw Becca's eyes widening in shock.


"Basta basta ka kasing naglalakad, at ako pa ang sinisi mo ha. Ikaw na nga itong nakaperwisyo," naiinis na sabi ko at saka piniga ang ibabang bahagi damit kong basang basa.


"Why would I say sorry? Hindi ko naman kasalanan." wika niya saka akmang aalis ng higitin ko ang braso niya. Halos hindi ko pa nga madakot dahil matigas at talaga namang nadedepina ang biceps niya.


Shit Hannah, umayos ka nga.


"Say sorry," I demanded. He looked at me in disbelief. "I won't," mapride niyang sagot.


Sinusubok ng lalaking ito ang pasensiya ko. Pagod ako sa trabaho at talaga namang masasampolan ko siya. Wala na akong pakielam kong hindi na ako makapasok sa huling oras ko sa paglilinis.


"Ayaw mo?" obvious kong sagot. Umaasang magbabago ang isip niya dahil sa oras na hindi, gagawin kong patas ang larong binubuo niya.


"Ayoko," parang bata niyang sabi. Saktong pagdaan ng isang babae na may hawak na tray, na may lamang baso ay kinuha ko ito at agarang itinapon sa kanyang mukha ang tubig.


"Oh my gosh!" narinig ko pang winika ni Becca. I can also hear people letting out their deep breath as if I'be done something wrong.


"What the fuck, woman!" he exclaimed. We are really creating a scene here.


I smirked at him and winked! Well-deserved fucktard! You are messing with an imposible woman.


"Bakit mo 'yon ginawa?" umiigting ang panga niyang tanong. My brows shot up while looking at him. eye to eye.


"Nakaharang ka kasi," I reasoned out and then walked past by him ngunit halos madulas ako ng hilahin niya ako pabalik.


Mariin akong napapikit. Hindi pa rin ba tapos? Pucha, late na ko.


"Pagbabayaran mo 'to," wika niya saka ako hinila palabas ng canteen.


"Teka bitawan mo nga ako, saan mo ba ako dadalhin?" naiiritang sabi ko sa kanya habang pilit na inaalis ang mahigpit na pagkakahawak niya sa aking braso.


He dragged me until we reached Gia's office. Nanlaki ang mata ko ng sabay na lumingon sina Vince at Gia sa banda namin.


Vince shifted on his seat and he look stunned when he saw me, and Gia's face is frowning. Their eyes are questioning, looking clueless.


Shit, it seems like I am the one messing with the wrong person. Ang baba baba ng posisyon ko dito ang lakas ng loob kong mang away. Goodbye work na ba?


They both stood up when we came closer. Hindi na ako mapakali, putek ano bang gulo ang pinasok mo, Hannah?


"What happened, Ezekiel?" Gia's authorative voice woke me up to my senses.


"Bakit basang basa kayo?" tanong ni Vince, ang mga mata niya ay nasa direksyon ng lalaking nasa tabi ko. I supposed he's Ezekiel ayon sa itinawag sa kanya ni Gia.


"And wait, why are you here Ezekiel?" she added.


"I came to meet Ate Yvette, I also didn't know that you work here. Tapos uminom lang ako ng tubig sa canteen, heto binasa ako ng walang modo niyong empleyado." iminuwestra pa niya ako sa dalawa para lamang malinaw na isummarize ang nangyari.


Wow, he didn't mentioned the part na siya ang may kasalanan. Seriously?


Yumuko ako habang kagat ang ibabang labi, inalis ko na rin ang pagkakahawak niya sa aking braso. Nang mag-angat ako ng tingin ay saktong kay Vince ito dumapo. Malamig ang kanyang mga mata habang nakatingin sa aking braso.


Nang sulyapan ko iyon ay namumula.


"How will you punish an impolite employee?" nagsalita ang katabi ko, masama ko itong tinignan bago binalik ang tingin kina Gia.


"We'll take care of this, I'm sorry, Ezekiel." malambing na sabi ni Gia at saka ito sinamahan palabas.


Masama pa ang tingin sa akin ni Ezekiel ng lingunin ako.


Nakatingin ako sa kawalan ng balutin ng katahimikan ang buong kwarto. Napakurap ako ng magsalita siya.


"Change your clothes Hannah, you can go home." aniya saka ako nilagpasan. Hindi ko na pinanood pa ang pag alis niya dahil hindi ito magandang tanawin.


Ngunit nagugulat ko siyang nilingon ng itabing niya ang coat niya sa aking dibdib.


"Your chest is visible. Hurry up and change." nakapamulsa niyang sabi saka tuluyang lumabas sa opisina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top