Kabanata 20 - Forget It
Kabanata 20
Forget it
NANLALABO ANG PANINGIN ko nang babain ko ang taxi, the driver even asked me if I was okay. Of course, being one of the greatest pretender... I said yes.
Muling nalukot ang mukha ko nang makaramdam ng kirot mula doon, pilit ko mang kalimutan ang nangyari ... ipinararamdaman naman sa akin ng sarili kong katawan ang naging epekto nito. Para akong babaeng walang buhay ng marating ko ang bahay, halos gapangin ko pa ang hagdan para lamang makapunta sa kuwarto.
Parang isang bagay lamang ng ibagsak ko ang aking sarili sa kama at doon ibinuhos ang lahat ng luha na pilit kong pinipigilan kanina pa. Sobrang tanga mo, Hannah. Sagad sagaran na ang katangahan mo.
Malalim na ang gabi, hindi ko na nakuha pang kumain ng hapunan at ramdam ko pa rin ang epekto ng alak sa aking sistema. Hindi ko alam kung alin doon ang nakakapagpanatili ng gising kong diwa, I can't fucking sleep and I hate it.
Pagtulog na nga lang ang solusyon ko para takasan ang mapait na mundo, ipinagkakait pa sa akin. Napakadaya ng buhay.
Gaya ng madalas kong ginagawa kapag hindi ako nilalamon ng antok ay tinungo ko ang kwarto nila Mama. Ito lamang ang tanging kwarto na madalas kong pagtuunan ng pansin sa paglilinis, ang sarili kong kwarto ay napapabayaan kong makalat... pero ito hindi.
Dahil anu mang oras ay maaaring dumating si Mama... iyan ang nakatatak sa isip ko. Uuwi siya, babalikan niya ako at gagaling siya.
Humagulgol ako at mahigpit na niyakap ang unan niya ng maalala kong muli ang kanyang sinabi.
Sana naniwala ako sa'yo Ma, sana nga ay hindi kami magkasama.
Sa kabilang banda, hindi ko makuhang magalit kay Vince. Pareho kaming lasing, kung mayroon mang dapat na sisihin doon ay ako... dahil nasa matino pa akong pag-iisip. At hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya.
Did I take advantage? Ako na ang nawalan, ako pa ba ang oportunista?
Iniyak ko ang lahat ng sakit sa gabing 'yon, I can say that, that night is one of the longest night I'd ever stay awake. Hindi ko pinilit ang sarili kong matulok, hinayaan kong talunin ako ng antok, pagod at sakit hanggang sa sumuko ang katawan ko.
Kinabukasan, wala akong ganang bumangon o maligo. Mabuti na nga lang at linggo ngayon kaya hindi required na magkikilos ako.
Wala talaga akong balak umalis sa higaan kung hindi lang kumalam ang aking sikmura, kamalas malasang wala ng natirang stocks ng pagkain kaya kailangan kong bumili.
Nagdadalawang isip man ay tinungo ko ang karinderyang minsan ko lang din naman puntahan. Nag-alinlangan pa akong tumuloy dahil marami na namang construction worker ang naroon.
I examined myself, I am wearing an oversized tshirt and a black leggings. Sa ganitonh suot ay nakakapagtaka kung mababastos pa ako, pero higit sa lahat anuman ang suot ng isang babae... hindi kami mababastos kung walang bastos.
Taas noo kong pinasok ang karinderya at tinignan ang mga ulam doon, nagugutom na talaga ako. "Ano sa'yo?" tanong ng ale, nginitian ko ito at sinenyasang saglit lang.
Nakatingin lang ito sa akin, naghihintay. "Hija, ikaw ba yung nabastos dito noong nakaraan?" tanong niya.
Napatigil ako sa pagsilip ng mga lutong ulam at tinatapatan ang kanyang tingin, "Uh... opo ako nga po 'yon"
"Kamusta ka na? Pasensiya ka na sa nangyari ha, napagsabihan ko na ang mga 'yon noong una kaya lang ay hindi nakikinig." paghingi niya ng dispensa.
Nginitian ko ito at tinanguan, "Naku, hindi niyo naman po kasalanan. At ayos naman po ako mabuti nalang ay may dumating." nabura ang aking ngiti ng maalala ang pagkakataong iyon.
Ang unang pagkakataon na makita ko si Vince, kakatwang maganda ang unang impresyon na ibinigay niya sa akin ngunit sa huli ay masisira rin naman pala ng dahil sa isang pagkakamali. Pinilit kong burahin ito sa aking isip at muling tinignan ang ale.
"Oo nga, nabanggit ka sa akin ni Vincent. Mabait talaga ang batang 'yon." komento niya na siyang binalewala ko nalang.
"Isang order po ng kanin at saka pork steak," wika ko kaya naman agaran din ang pagkilos niya.
"Nga pala hija, ang bisikleta nandoon pa rin. Buti na lang at walang kumukuha, iniwanan mo kasi." aniya na minuwestra ang eksaktong lugar na pinagparkingan ko noon.
"Salamat ho," pagpapasalamat ko at tipid na binigyan ito ng ngiti.
Mabilis na lumipas ang oras, kung kahapon ng umaga ay tamad na tamad akong bumangon... ngayon ay wala akong mapagpipilian.
Pagpasok sa eskuwela ay parang kakaiba ang aking pakiramdam, para bang unang araw ko sa pagpasok... nakakapanibago.
"Ang ganda natin, Hannah ah," bungad ni Rose na nakaupo sa aking upuan.
"Ang aga aga binobola mo ako," limitado ang salita kong sinabi.
"Seryoso kasi, tignan mo ang blooming!" wika niya sabay haplos sa aking pisngi na kaagad ko namang hinawi. What the heck is she doing?
"Para kang tanga,"
"Arte nito, ikaw na nga sinasabihan ng maganda." she snapped. "Rose, wala ako sa mood." matamlay kong sinabi at saka sumandal sa upuan.
Medyo late na nga ang gising ko, late pa rin ang prof. Parang wala ring pinagbago.
"O-Okay, ano bang problema?" tanong niya na nakapangalumbaba sa aking harapan.
Umiling lang ako at hindi sumagot.
"Hannah, alam mo namang hindi ka nag-iisa." wika niya sabay sakbit ng kamay sa aking braso. Bumuntong hininga ako at hinarap siya, "Wala lang talaga ako sa mood, Rose."
"Ay, okay," aniya saka lumayo para umayos na ng upo dahil dumating na rin naman ang vip naming prof.
As much as possible, ginawa ko ang lahat para maging focus ako sa pag-aaral pero napupuno ang isip ko ng mga what if's.
Nag-ooverthink din ako tungkol sa pagpasok ko mamaya sa trabaho, o kung papasok ba ako.
To my horror, pagpasok ko palang sa opisina niya ay naroon siya. Seryoso ang itsura at tila malalim ang iniisip.
"Goodevening po, Sir." lakas loob kong bati.
Tinapunan naman niya ako ng tingin at tinanguan lang. Ganon ganon nalang 'yon?
Imbis na hayaan ko ang sarili ko na lamunin ng hiya at kahinaan ng loob, diniretso ko ang lamesa niya at hinarap siya.
Blangko itong nakatingin sa akin, "What?" bigla ay masungit niyang tanong. Bakit bumalik ang pagiging masungit niya sa akin?
"Pasensiya na, Sir. Hindi na ako nakapagpaalam kagabi. Ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising." walang preno kong sabi. Kung hahayaan kong makalimutan niya ang nangyari kagabi ay hindi ako papayag.
Napag-isip isip ko kanina bago ako pumasok dito, na hindi lang naman ako ang may kasalanan lalo pa't siya naman ang unang humalik.
His eyes widened at tila hindi na mapakali, "Uh... o-okay lang." wika niya saka muling itinuon ang atensyon sa binabasa.
"Nalasing ka ba, Sir?" sarkastiko kong tanong bago sinimulang walisin ang sahig.
"Hindi naman... sakto lang,"
"Kung gano'n ay natatandaan mo ang nangyari kagabi pati na rin ang ginawa mo?" tanong ko sa kanya matapos kong itigil ang pagwawalis para lingunin siya.
Tumikhim ito at banayad na tumingin sa akin, "That was a mistake, Hannah. We should forget it." he said looking apologetic.
Namuo ang galit at sakit sa aking dibdib, kung gan'on ay ganon ganon na nga lang talaga iyon? Ano ba ang tingin niya sa akin? Isang gamit? Pang trial and error? Gano'n ba?
"Seriously?" seryoso kong tanong sa kanila. His eyes looked down at my balling fist.
Tumayo ito at lumapit sa akin, "I'm sorry, Hannah." he apologized.
Kaagad na dumapo ang aking palad sa kanyang pisngi na nag iwan ng namumulang bakas dito.
"Kalimutan? Gano'n lang kadali sa'yo iyon? Parang hindi ka nasarapan ha?!" bulgar kong sumbat sa kanya. Nakayuko lang ito at hindi nagsasalita.
"It was a mistake okay! Hindi ko ginusto 'yon," nakikiusap na niyang sabi. He looked more desperate than he was.
Tinawanan ko siya, "Hindi mo ginusto? What do you think of me? Stupid?" I snapped back.
"Pareho nating ginusto 'yon, Vince." I simple commented. Namumuo na ang luha sa aking mga mata. This is too much. Dapat pala ay mas inihanda ko ang sarili ko sa usapang 'to.
"I thought you're—" I cutted him off.
"You thought I'm the woman you love huh? Ang sakit naman non!" I said sarcastically. Ang tanga tanga mo Vince, parehas tayong tanga.
"Sana ay hindi nalang ako sumama sa'yo," mapait kong sabi.
"I asked you, Hannah. Pumayag ka, kaya wag mo sa akin isisi lahat." lumunok siya bago nagsalitang muli. "I'm really sorry, I was just mistaken. Sobrang nasaktan lang talaga ako."
"Ah, kaya pinili mong saktan din ako? You'd go that low? Bakit ako?" galit kong tanong. Pinipigilan pa ring maluha.
"Huwag ka mag-alala, babawi ako. I wil promote you to a higher position, at.... at yung malayo sa akin para hindi na magkrus ang landas natin. Kung iyon ang gusto mo."
"Ayoko, dito lang ako. Ayokong mapromote."
Umiling ito ng umiling, "No Hannah, hayaan mo akong bumawi at ilayo ka sa akin. I'm really sorry. I'm sorry for using you."
"Ginamit mo na rin lang naman ako eh, bakit hindi mo nalang ituloy?" I desperately suggested. Kahit pa nagagalit ako ay may katiting na takot sa aking puso, ayokong malayo sa kanya.
Mahal ko na siya.
Kaya naman gagawin ko ang lahat para hindi kami magkalayo.
"No, Vince. Hindi ko kakalimutan 'yon! Tandaan mo 'yan!" I shouted at him before going out of his room. Sapo sapo ko ang aking mukha ng mapasandal ako sa pader, doon ko ibinuhos ang lahat ng aking nararamdaman.
Desperada na kung desperada, I've lost a lot in this life and this time... I will not let him slip away from me.
Not this time, when I am deeply and madly inlove.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top