Kabanata 15 - Boyfriend

Kabanata 15

Boyfriend


GOOD MORNING FRIDAY! Weekends coming so dapat maganda ang araw ko ngayon kahit pa kinulang ako sa tulog itinatak ko sa isip ko na maganda ang araw ngayon.


Magana akong kumilos, naligo, nagluto, kumain at naghanda sa pagpasok sa eskuwelahan. Maging si manong driver ng jeep ay hindi nakaligtas na matamis kong ngiti.


Wala naman sigurong masama kung minsan ay magiging magaan ako. Abot tenga ang ngiti ni Rose ng salubungin ako na mas lalong lumawak ng ngitian ko siya pabalik.


"Iba awra natin ngayon sis ah! Parang masaya na maganda? Inlove na ba?" pang iintriga niya sa akin. Sinimangutan ko naman ito ng pabiro.


"Inlove agad? Hindi ba pwedeng pinili ko lang maging positibo sa araw na 'to?" wika ko atsaka naupo sa tabi niya.


Malapit na mag umpisa ang klase kaya halos kalahati na kaming mga estudyanteng naroon. Good thing na wala si Kailtyn sa usual niyang puwesto kaya naman hindi talaga masisira ang araw ko.


"Aysus, parang kagabi lang nagtatanong ka sa akin. Sino ba 'yan ha?" makulit niyang tanong.


"Ang kulit mo naman Rose! Wala nga hahaha," natatawa ko itong tinanggihan.


"Hay nako ewan ko sa'yo, hindi ka na talaga nagkekuwento." umakto pa itong nagtatampo at nasasaktan. Hindi talaga sasaya ang buhay kung wala tayong kaibigan.


Mabilis rin namang lumipas ang oras at ngayon ay dismissal na. Pero heto pa rin ako sa tapat ng gate, hindi ko alam kung tatawid ba ako o maghihintay ng himala. Natatakot akong tumambay ulit doon sa sakayan.


Luckily, mas isang grupo ng magkakaibigang tumawid at doon ay sumabay ako. Nang may humintong jeep ay agad agad akong sumakay na habang mahigpit ang hawak sa aking bag. Araw araw ba akong magiging ganito? Hassle.


Pagkauwi ko ay nagpahinga lang ako saglit, tapos ay naligo at naghanda na sa pagpasok. Hindi ko mapigilang mangiti dahil makikita ko na naman ang gwapo kong boss. At hindi ko rin maiwasang kabahan dahil sa mga kahihiyang nagawa ko sa harapan niya. Pero kung susumahin, masaya talaga ang sistema ko mula pa kaninang umaga kaya naman malaki ang ngiti ni Mara sa akin ng bumungad ito.


"Bago 'yan Hannah ah, parang inspired ka." pagbati niya sa akin. Tinawanan ko ito at saka dumiretso na sa locker room.


"Ang saya mo yata ngayon, Hannah. Anong meron?" pang uusisa ni Becca. Bakit ba lahat sila ay naninibago sa awra ko ngayon, pinili ko lang naman maging masaya sa araw na 'to para naman gumaan ang buhay ko paminsan-minsan.


Sinusulyap sulyapan ko ito habang kumukuha ng damit sa locker, "Hahaha, kailangan ba may dahilan?"


Sumandal naman ito sa katabing locker at hinarap ako. "Of course Hannah, there will always be a reason." she stated.


"Hmm, wala naman. I just feel light today." sabi ko at dumiretso na sa banyo. I don't really feel like talking to them because it's not my thing. Ayoko lang talaga maging rude so I have to.


"Magandang gabi, Hannah." tatlong salita lamang iyon ngunit nagdulot ng malakas na kabog sa aking puso.


Ganito ba 'yon kapag nagkakagusto ka? Magkahalong excitement at kaba?


Ngumiti ako pabalik kay Sir Vince at binati rin ito. "Magandang gabi rin ho, Sir." bati ko. Natawa na naman ito na para bang isang malaking joke ang pagsasalita ko, ngunit imbis na mainis ay napapatulala talaga ako sa kanyang tawa.


"I told you, Vince. Huwag na Sir." he reminded me.


"Ganito ka rin ba... sa lahat ng employees dito? You're letting them call you first name basis kahit na boss ka?"


"Hindi naman hahaha, sa mga kaibigan lang." napatango tango ako sa paliwanag niya at saka nagsimula ng maglinis.


Pinagpatuloy rin naman niya ang trabaho niya gaya ng naabutan ko, normal na normal sa kanya ang pagkilos, cool na cool at parang walang makakapagpaurong ng confidence na mayroon siya. Bagay na talagang hinahangaan ko sa kanya, dahil ang confidence ko ay umuurong kapag nandyan siya.


Unfair noh? Their world keeps on spinning and revolving around samantalang tayo ay pahinto-hinto dahil apektado tayo sa kanila.

Hindi ko naman hangad na magustuhan rin niya ako dahil bago lang din naman sa akin ang nararamdaman ko pero syempre, minsan hinihiling ko na rin na sana... sana may pag-asa. Kahit na alam ko sa sarili kong wala naman talaga.


He even told me about someone he likes, and I'm really sure it's not me so I shouldn't be expecting.


"Uh... Hannah free ka na ba bukas? Gusto ko lang sana mag unwind and ikaw ang gusto ko... kasama." napabuntong hininga ako sa kanyang sinabi. Mabuti na lamang ay nanatili ang kanyang mata sa kanyang ginagawa habang sinasabi ito.


Sa totoo lang ay masayang masaya ako sa pag-aya niya sa akin, ngunit mayroong pagtanggi sa aking isip dahil baka palalain lamang nito ang aking nararamdaman.


"May lakad kasi ako bukas, kung gusto mo naman ikaw ang sumama sa akin." pag aaya ko. Sabado bukas at balak kong dalawin si Mama. Noong nakaraang linggo pa kasi ang huling dalaw ko sa kanya.


"Where?" he asked and took a sip on his coffee.


"Sa Mama ko," maikli kong sagot. Umangat ang tingin niya sa akin, parang nagtataka.


Siya: "Where's your Mom?"


Ako: "Sa isang mental health facility, why?"

He blinked twice like he got back to his senses, "Oh, I'm sorry to hear that." he apologized.


"Okay lang, ano ka ba." I assured him.


"Sino kasama mo sa bahay? If you don't mind me asking it." pasulyap sulyap niyang tanong habang pumipirma. Ako naman ay nanatili lang na nakatayo at nakatingin sa kanya. Doon ko narealize na dapat ay tuloy pa rin ako sa trabaho at hindi puro daldal lang.


"Ako lang mag-isa," wika ko saka ipinagpatuloy ang pagwawalis-walis.


"Seryoso?" he said in disbelief. Prente na siyang sumandal sa kanyang swivel chair at tumingin sa akin, which made me nervous.


"Wala naman akong choice hahaha," magaan kong sabi. Deep inside, nalulungkot. Well, kahit gaano man natin kadalas gustuhing mag-isa para magkaroon ng oras sa sarili, malungkot pa rin kapag naging mag-isa tayo... ng pangmatagalan.


"No boyfriend? Friends?"


"Meron naman, but not enough to stay with me in the house though. Syempre may kanya kanya kaming buhay." wika ko saka muling tinapatan ang tingin niya.


"May boyfriend ka?" kumunot ang noo ko sa kanyang tanong. Is it really important to him? Tsk tsk! You better stop that, Sir. I might get the wrong idea.


"Wala hahaha," naiilang ko nang sagot. Bakit ba kasi tinatanong 'yon huhu.


"Bakit?" dugtong niya.


"Anong bakit?" tanong ko sa kanya, pilit na tinatago ang ngiting gumuguhit sa aking labi.


"Bakit wala kang boyfriend?" tanong pa niya na iminumuwestra ang kamay.


"Wala eh," natawa kong sagot. Umiling ito at nakitawa na rin.


"Oh, okay. I will not ask anymore, baka hindi ka na komportable. It should be private." he shrugged.


"Wala nga hahaha, seryoso." well magkakaroon, kung mago-offer ka. Charot. Humaharot ka Hannah, tsk tsk!


"Finish you work, sumabay ka sakin magdinner." he said and headed to the restroom.


Bakit may pagsabay sa dinner? Naku talaga, I'm starting to think of any other possible reasons. Pero mas maganda ang wag mag-assume. Kalma Hannah, kalma. It was just a friendly invitation.


Siyempre, dahil nga maganda ang buong araw ko, mabilis ko namang natapos ang trabaho ko at break time na. Idagdag mo pa na... inspired nga siguro at nae-excite din akong makasabay siya sa dinner. Hindi lahat pinapalad na makasabay ang tulad niya sa isang hapunan, hindi ba?


"Saan tayo?" magiliw kong tanong pagbalik niya. Sabi niya ay may kakausapin lang daw siyang empleyado sa ibaba.


"Anong saan? We'll eat here. May baon akong dinner." he smiled genuinely and arranged the chair in front of his table.


Nagulat naman ako sa ginawa niya, really? Magkaharap pa kaming kakain? Dito sa opisina niya? Nice.


"O-Okay," I replied and sat on the chair.


Nilingon ko siya ng hindi pa rin siya gumagalaw, only to find him staring at me intently, smiling.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top