Kabanata 14 - Nightmare
Kabanata 14
Nightmare
"YOU WON'T INVITE me inside, Hannah?" nagtatakang tanong ni Vince sa akin. Nasa loob kami ng kanyang sasakyan na nakaparada sa tapat ng aming bahay.
Natatawa ako ng tingnan siya, matapos akong mapahiya, tingin mo iimbitahin pa kita sa loob? Huwag na.
"Gabi na rin kasi, at baka... masyado na akong nakakaabala." I explained. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela ng sasakyan. That lighted his biceps. Lol bakit ko ba tinitignan?
"Hindi naman, actually half day nga lang ang napasok ko sa trabaho dahil sayo." hindi ko alam kung sarkasmo ba 'yon o sadyang kinokonsensiya niya ako.
Mas nalubog tuloy ako sa hiya dahil sa kanyang sinabi, "Pasensiya na talaga," paumanhin ko.
Malakas naman itong natawa habang mabilis na sinuklay patalikod ang kanyang buhok, cool na cool niya itong ginawa kaya naiwan na namang nakanganga ang aking bibig. Ang gwapo.
"That was just a joke, Hannah. Ikaw talaga, sige na. Go inside and rest." wika niya at iminuwestra sa akin ang paglabas. Hindi mo manlang ba ako pagbubuksan ng pinto? Gaya ng ginawa mo kanina?
Hilaw akong ngumiti at pinilit na matawa rin. "Akala ko ay kinokonsensiya mo ako hahaha, sige mauuna na ako. Salamat ulit." sabi ko saka mabilisang nilabas ang kanyang kotse. Kanina pa ako nakakahiya sa lalaking 'to ah. Nalintikan na.
Hindi ko na nagawang lingunin ang kotse niya dahil pakiramdam ko pulang pula na ang aking mukha. Baka isipin niya na masyado akong assuming at... slow. Assuming dahil akala ko hahalikan niya ako kanina, slow dahil hindi ko agad nagets ang joke niya. Kakaiba pa naman ang takbo ng isip ng lalaking 'yon.
Mabilis kong binuksan ang aming gate ngunit napalingon ako ng marinig ko muli ang pagsara ng pinto ng kanyang sasakyan. Bumaba siya.
"Would you mind if I invite you for lunch tomorrow?" tanong niya sa akin. Kumunot ang noo ko, bakit?
Nalungkot ako ng maisip na may pasok ako. Biyernes bukas at hindi ako puwedeng umabsent. Malungkot akong ngumiti sa kanya.
"Hindi pwede eh, may pasok ako."
"Right, sorry I didn't know. You're still studying?" wika niya habang nilalaro ang susi sa kanyang kamay. Tinanguan ko ito at nilaro nalang din ang aking mga daliri.
"Uh... sige sige, I should go now. See you tomorrow night,"
"B-Bakit?" agad kong tanong. Natawa ito ng tignan ako.
"Of course, we'll see each other at work." mariin akong napapikit ng marealize 'yon. Shit, bingo na! Nakakahiya talaga. Ano bang nangyayari sa akin.
"Ah! Yon! Oo nga pala hehehe, sige sige! Goodnight!" napapahiya kong sabi saka mabilis ng pumasok sa gate. Hiyang hiya na ako, ano pa bang maihaharap kong mukha bukas.
Pagpasok ko sa bahay ay dumiretso nalang ako sa aking kwarto, as usual masyadong malaki ang espasyo ng sala para sa nag-iisang gaya ko. Naligo nalang ako at nagtagal sa banyo dahil sa pag-iisip.
Bakit kaya ganoon ang epekto ni Vince sa akin? I mean, alam ko naman na gwapo siya, kagusto-gusto pero gusto ko na ba siya?
I need to consult the expert friend. I immediately searched for my phone and called Rose.
She answered after three rings, "Hello goodevening my dearest friend!" maingay niyang bati sa akin. Kinailangan ko pang ilayo sa akin ang cellphone dahil masyadong masakit sa tenga.
"Goodeve, may tatanong lang ako."
"What is that?" atentibo niyang sagot. Parang hindi mauubusan ng energy ang babaeng 'to.
"How do you know if you like someone?" I asked, ineexpect ko na ang reaksyon niya dahil siya si Rose.
"OMG!!! You did like someone??? Sino 'yaaaaan? May kinalaman ba yan sa tanong mo sa akin kaninang umaga?" sunod sunod niyang sabi. Tuluyan ko nang nilayo ang cellphone sa aking tenga at inilagay nalang sa loud speaker ang tawag.
"Bukas ko nalang ikekwento, hindi mo naman nasagot ang tanong ko." pinal kong sabi atsaka ibinaba nalang ang tawag. Tinignan ko naman ng nagtext ito.
From: Rose
Gaga ka talaga, hindi mo nalang ako pinagpaalam. Osiya, bukas ah magkuwento ka. We'll figure that out. Goodnight hihi
Bakit ba ganito ang naiisip at nararamdaman ko, I am so fool for confidently saying that I'm not stupid when it comes to emotional things like this.
Tulala lang ako sa kisama at hinayaan ang sariling makatulog ngunit hindi pa man ako tuluyang nalulunod sa pagkakatulog ay nanaginip na ako. Hinahabol ako ng maraming lalaki na may mga nakakadiring tingin at ngiti sa akin.
Labis ang kabang nararamdaman ko at hinahabol ko ang aking hininga habang tumatakbo. Nang malapit ko nang maratong ang dulo ay saka ko lamang naaninag na isa itong bangin at mahuhulog ako kung patuloy na tatakbo ngunit kung hihinto naman ako ay mahahabol ako ng mga nakakatakot na lalaki.
Sa takot na maabutan ako ng mga humahabol sa akin ay lakas loob kong tinalon anh bangin, kung saan malapit nang magdikit ang aking balat at ang sahig ay doon ako napabangon sa pagkakatulog.
What a nightmare! Ngayon ay hindi ko alam kung kakayanin ko bang magcommute pa at makasalamuha ng mga lalaki. Ilang beses na akong inaabuso, at parang ayos lang sa kanilang paulit-ulitin iyon.
Una, sa karinderya. Sa pagkakatanda ko ay ayos naman ang pananamit ko noong araw na 'yon. But that doesn't mean na may kinalaman ang pananamit ko sa pangbabastos sa akin.
Pangalawa, sa jeep. Malakas ang loob kong pahiyain ang lalaki ngunit takot pa rin akong isipin ang gano'ng pangyayari.
At 'yong kahapon, nag-aabang lang naman ako ng masasakyan pero malakas ang loob ng mga lalaking 'yon na abusuhin ako. Kung hindi ang dumating Vince, malamang sa malamang ay may masama ng nagyari sa akin.
Nakakatawa lang talaga na sa mundong ito, babae nalang palagi ang naaabuso. Babae nalang palagi ang nakakaranas ng hirap dahil iniisip nilang mahina at kayang-kaya nilang kontrolin.
At nakakalungkot isiping hindi na pwedeng lumabas ang mga babae, maglakad sa daan ng malaya, ng walang takot na nararamdaman na baka may biglang mang abuso sa kanila. Sadyang nakakalungkot na isipin.
Hindi ako pinatulog ng takot at pag-iisip sa pangyayaring 'yon. Maaaring nakalimutan ko iyon habang kasama si Vince ngunit ngayong wala siya sa tabi ko ay pakiramdam ko, malapit lang ang kapahamakan.
Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, sa kanya ko pa naramdaman ang kaligtasan? Bakit sa taong may iba pang gusto?
Ilang oras na ang lumipas ay dilat pa rin ang aking mga mata, at gising na gising pa rin ang aking diwa. Natatakot ako pero wala naman akong choice, hindi pwedeng manatili lang ako sa bahay at magkulong para matakasan ang mga gano'ng klaseng kapahamakan.
Hindi yata ako magigising ng maaga or mas worst hindi ako makatulog. Kaya ang ginawa ko ay pumunta ako sa kwarto nila Mama, niyakap ko ang unan niya at doon ako nahiga.
Tuwing nalulungkot ako at nasasaktan, o di kaya ay natatakot ay pinipili kong dito matulog. Dahil kahit mag isa ako, ramdam ko na may kasama ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top