Kabanata 13 - Smitten Woman
Kabanata 13
Smitten Woman
NAGISING AKO DAHIL sa nararamdaman kong pagkalam ng aking sikmura. Nang libutin ng aking mata ang buong paligid ay doon ko narealize na nasa isang kwarto ako.
Kung saan, bakit at paano ay hindi ko alam. Kaagad akong napabangon sa pagkakahiga at sinuri ang aking katawan.
Ayos lang naman ako, walang masakit at hindi nagbago ang damit. Pinilit kong inisip ang nangyari, nag-aantay ako ng jeep, may mga lalaking lumapit sa akin, kumausap at—
hinila ako sa dilim? Dito na ba nila ako dinala matapos ako? Oh shit! No!
Naghanap ako ng orasan sa buong kwarto, nakita kong alas otso na ng gabi. Nasaan ba ako?
Hinanap ko ang mga gamit ko ngunit wala ito dito. Kahit na hindi ko alam ang kwartong ito ay pinili kong pasukin ang banyo para doon hanapin ang gamit ko.
Kaagad na napapikit ang aking mga mata ng bumungad sa akin ang hubo't hubad na lalaki. Hindi ko pa man din nakikita ang mukha niya ay bumaba ang paningin ko sa ibabang bahagi ng kanyang katawan kaya tumalikod na ako.
"What the hell!" the man shouted. Habol ko ang aking hininga ng magsalita ako.
"Sino ka? Bakit ako nandito?" sunod-sunod kong tanong.
"It's me, Hannah," mula sa marahas at baritonong boses ay naging marahan ito. Nanlaki ang mata ko ng marealize kung sino ito. Sir Vince!
"You can look at me now," dugtong niya kaya naman nilingon ko siya. Nakatapis na siya ng tuwalya sa ibabang bahagi ng kanyang katawan ngunit hayun pa rin ang nagsusumigaw niyang dibdib at tiyan. How can a man be so beautiful like this? Shit!
Napaangat muli ang tingin ko sa kanyang mukha ng tumikhim ito. Nakangisi ito sa akin at til nagpipigil matawa.
Lumunok muna ako at huminga bago nagsalita, "Bakit ako nandito Sir?" tanong ko, sabik na malaman kung bakit nga ba.
"Hindi mo ba natatandaan?" nakasandal ito sa sink ng kanyang banyo habang nakatingin sa akin.
Kumurap kurap pa ako dahil hindi ko talaga maiwasang hindi matulala. The heck! Why am I stuck here with my hot boss? Seriously? In a restroom?
Umaalingasaw rin ang kanyang amoy, masyadong mabango para sa isang lalaki. Nakahahalina at para akong hinihila sa antok.
Umiling lang ako dahil hindi ko talaga matandaan. Hindi ko rin alam kung paano ako naging unconscious. LOL I'm distracted again.
"You almost got rape, Hannah." my name sounds beautiful if it's coming from him. Imbis na ang sinabi niya ang alalahanin ko ay inatupag ko pang isipin ang paraan ng pagtawag niya sa akin.
It's his third time calling me by my first name.
"And," I asked waiting for more information. Like almost getting rape isn't a big blow.
"I saved you," simple niyang sabi. Naalala ko na ang pagdating ng isang lalaki habang nanlalabo ang aking paningin. So it's him? He saved me... again.
"Should I thank you, Sir?" mahina kong bulong. Tanga-tanga Hannah! Of course!
"Up to you," wika niya atsaka nilagpasan ako para siguro magbihis. Kabang kaba ko itong sinundad para rin makalabas na ng banyo.
His broad shoulders faced me. Hindi ko alam kung bakit kahit likod niya ay gwapo. What the heck is happening to me?
"Mauna ka muna sa kusina, may pagkain doon. Kumain ka na, wag ka na rin mag alala tungkol sa trabaho dahil inasikaso ko na 'yon." sabi niya habang naghahanap ng damit sa kanyang drawer. Napakaorganize nito, mula sa magkakaparehong kulay, pinakaminimal hanggang sa matingkad.
Tumango lang ako gaya ng madalas kong gawin, kahit pa hindi niya nakita. At saka lumabas ng kwarto.
Hinagilap ko ang kusina sa kanyang unit. Nalaman kong condo unit ito dahil sa design at features ng kanyang bahay. Hindi ako nakielam ng kahit anong gamit, umupo lang ako sa dining table at tila tinakasan ng wisyo.
Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na rin siya sa kanyang kwarto. Muling nanoot sa aking pang amoy ang kanyang bango.
Hindi ko mahanap ang salita na dapat kong sabihin. Right, I should thank him.
"Uh... thank you." tanging nasabi ko. Hindi ko alam kung bakit ba nahihiya ako o naghahalo ang ugali ko at pagiging mahiyain kapag nandyan siya.
"My pleasure," he replied. I gave him a shy smile and looked up to him.
"Why are you always there when I'm in danger?" dapat ay sa isip ko lang ito itatanong ngunit lumabas naman sa aking bibig.
"Nagkataon lang siguro, Hannah. Bakit hindi ka pa kumain? Gusto mo ba ay magsabay na tayo?" he just shrugged off my question. Right, it isn't important.
I may be liking him for being my savior but I'm sure he will not. I bet he's liking someone. Parang may lungkot na bumalot sa akin. Realizing that made me gloomy... and sad?
"Wala akong gana, Sir." malamig kong sambit. Nilingon ako nito at inilingan.
"You have to eat, ihahatid kita sa inyo pagkatapos." he insisted. Wala naman na akong nagawa dahil hinainan niya ako.
I don't want to sound mad, or even sad so I strike a conversation. "Mag-isa ka lang dito, Sir?" tila mapait na para sa akin ang bigkasin ang huling salita. I suddenly want to call him first name basis pero hindi naman niya sinasabi so, I should keep it that way.
"Yeps, not a bad thing isn't it? Being alone?" he attentively replied. Seems like I got him with that kaya naman ginanahan na akong kumain dahil mukhang interesado na siyang makipag-usap.
"Saan family mo, Sir?" I asked. Tumigil naman siya sa pagkain at tumingin sa akin. Pinagsisihan ko tuloy na tinanong ko ito. Parang tumabang muli ang timpla ng kanyang mukha.
"Kumain ka muna, Hannah," masungit na naman niyang sabi saka nagsimulang kumain. Lumaylay na muli ang aking balikat at mukhang nahalata niya ito kaya naman nag-angat siya ng tingin sa akin.
"One more thing, just call me Vince. We're now friends right?" pormal niyang sabi. Para bang hindi pagkakaibigan ang pinag uusapan dahil wala manlang mababakas na ngiti sa kanyang mukha.
Hindi ba dapat ay matuwa ako dahil gusto ko ang sinabi niya. Gusto ko na kaibigan ang turing niya sa akin at hindi basta bastang empleyado lang. Alam kong sobra na kung hihilingin iyon dahil swerte na akong maituturing dahil ang isang hamak na tagalinis at malapit sa manager.
"O-Okay.... Vince." tumango lang ito at ipinagpatuloy na ang pagkain.
Minutes had passed and we're already done eating. I insisted washing the dishes na hindi naman niya tinanggihan pa. Nakasandal lang ito sa kitchen counter habang nakapamulsang pinapanuod ang ginagawa ko. Bagay na madalas nakakapagdistract sa akin.
Tumikhim ako at nilingon siya habang binabanlawan ang pinagkainan namin, "Huwag mo na ako ihatid, Sir—I mean Vince. Kaya ko namang umuwi mag-isa. Just hand me my things." I suggested.
Kumunot naman ang noo nito at mas lumapit sa akin.
"No, I will send you home." he said authoritatively. Ilang beses ko itong inilingan at saka ko itinigil ang paghuhugas para harapin siya. Bagay na kaagad mong pinagsisihan dahil kinulong niya ako sa gitna ng mga braso niya.
Pigil ang aking hininga ng tingalain siya, "Ang tigas ng ulo mo, kaya ka napapahamak. I'll send you home so that I won't be worrying." mahinang sinabi niya, sapat na para marinig ko.
Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata ng unti-unti itong lumapit. Mas naestatwa ako sa aking kinatatayuan, unti-unting pumipikit ang aking mga mata dahil maduduling ako kung pananatilihin ko ang titig sa kanya.
Ngunit segundo ang lumipas ng walang paghalik na nangyari, napapahiya kong idinilat ang aking mata ng makitang iniabot niya ang basahan sa aking likuran para magpunas ng kamay. Mahina ko itong tinulak at tinalikuran siya para ituloy ang paghuhugas.
Shit, nakakahiya. I look like a smitten woman, I won't be doing that again. Never.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top