Kabanata 11 - Intimidating Aura
Kabanata 11
Intimidating Aura
LALO AKONG TINAMAD na pumasok, kung magiging kaklase ko si Kaitlyn hanggang sa huling araw ng finals ay baka masayang lang ang lahat ng paghihirap ko.
Don't get me wrong, sadyang may mga tao lang talaga tayong kinamumuhian na kahit makasama sa isang lugar ay hindi natin matagalan. Gano'n si Kaitlyn para sa akin.
Hangga't maaari ay ayoko siyang makita, makasalamuha o makasama sa isang lugar. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng kapal ng mukha para iharap ang sarili niya sa akin.
Sa gutom ko ay sa canteen nalang ako tumambay, plano ko sanang umattend sa ibang subject pero malakas ang pakiramdam kong sa lahat ng subject ay kaklase ko ang bruhang 'yon.
Saka na lang ako papasok kapag handa ako. Kaya ko naman siyang huwag pansinin, kaya nga lang ay siya itong hindi kaya ang ignorahin ako.
Napaangat ako ng tingin ng may umupo sa aking harapan. That's when I knew na talagang aalog na naman ang tahimik kong mundo.
"Why are you avoiding me, Sis?" nagpapaawang sabi niya pa. Seriously? Saan ba nagmana sa kakapalan ng mukha ang babaeng ito? Sa nanay niya.
"At ikaw hindi mo ako kayang hindi pansinin?" naiiritang sabi ko sa kanya.Natawa ito at saka inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha.
"Hindi eh, syempre we're a family." she stated. My forehead creased because of exasperation. I can't stand this conversation, I have to leave now.
Tumayo ako at aalis na ngunit mahigpit nitong hinuli ang aking braso. Matalas ang tingin ko ng tinignan siya.
"Kaitlyn, layuan mo ako." mahinang sabi ko. I don't want to cause any commotion here.
"Gusto kitang kausapin ng masinsinan, Hannah. Hindi pwedeng sa'yo lang ang mansyon dahil kukunin namin 'yon sa'yo." wala na ang mapaglarong ngiti nito kanina. Malamig ang kanyang boses at seryosong-seryoso.
Namumuo na naman ang galit sa aking dibdib. Anong karapatan nilang bawiin ang natitirang ari-arian namin ni Mama?
Marahas kong inalis ang mahigpit na pagkakahawak niya sa aking braso. Sinuklian ko ang matalas nitong tingin, at saka ako ngumiti. "Kaitlyn, wala kayong karapatan. Kami man ang iniwan, kami pa rin ang legal." malamig kong sabi at saka siya iniwan doon.
Mas mabuti pang umuwi nalang dahil kahit saang parte yata ng eskuwelahang ito ay makikita ko ang kasuklam-suklam niyang pagmumukha. Tutal ay magdidismissal na rin naman dahil matagal yata akong napatambay sa canteen dahil sa pag-iisip.
Tamad na tamad akong gawin ang lahat ng dapat kong gawin, maging sa pagpasok sa trabaho ay parang ginagawa ko nalang out of habit.
"Good evening, Hannah." magiliw pa ring bati sa akin ni Mara pagkapasok ko. I just gave her an obligatory smile and walked pass by her. Nagtataka ko siyang nilingon ng pati sa locker room ay nakasunod siya sa akin.
"Bakit nakasunod ka sa akin?"
"Wala, pinasasabi lang ni Sir na dumiretso ka daw agad sa opisina niya. At ikaw na ang magdala ng kape niya, heto oh." wika niya sabay abot sa akin ng kape na kabibili lang yata niya sa labas.
"Okay, magbibihis lang ako." sabi ko at saka diniretso na ang locker room.
Maraming nandoon ay hayun na naman ang mga tingin nilang para akong makasalanang tao.
"Kaninong kape yan, Hannah?" palakaibigang tanong ni Becca sa akin. Hindi ko talaga mahulaan ang ugali nito, basta ang alam ko ay lumalapit ito sa kapwa kapag may kailangan.
"Uh... kay Sir Vince."
"Bigay mo?" interesanteng tanong niya.
"Hindi," maikling sagot ko atsaka dumiretso na sa banyo para magbihis.
Pagdating ko sa kanyang opisina ay nakaupo ito sa kanyang swivel chair gaya ng nakasanayan, matamis ang ngiting iginawad niya ng makita ako. Bagay na kakaiba dahil madalas ay malamig at masungit ang tingin nito sa akin.
"Uh... kape niyo daw po, Sir." wika ko sabay abot sa kanya ng nakaplastik pang kape. Iniingatan na huwag itong matapon.
"Malamig na ah, kanina ka pa?" tanong niya saka umayos ng pagkakaupo. Hinigop niya ang kape at saka muling tumingin sa akin, nakangiti.
"Nagbihis lang ho ako, Sir. Pasensiya na po kung lumamig na, inabot lang sa akin 'yan ni Mara." nakayukong paliwanag ko. Kung bakit naninibago pa rin ako sa tungo niya sa akin ay hindi ko alam, maging ang confidence ko bilang babae ay biglang nahihiya habang nandyan siya.
"No problem, you can always take your time." nakangiti pa rin siya ng sinabi ito. Tumikhim naman ako at humakbang paatras.
"S-Sige po, Sir... maglilinis na po ako." sabi ko. I don't understand myself who do I have to stutter. Bagong-bago.
"Wait a minute, Hannah. Why are you stuttering?" magiliw niyang tanong sa akin dahilan para muli kong tapatan ang kanyang tingin.
I swallowed the lump in my throat, he just called my by my first name and I don't understand why it felt different.
"W-Wala po, S-Sir." wika ko at saka yumuko. Damn this tongue, bakit ba ako nauutal?
"Alright, sige na pwede ka na maglinis. Don't mind my... presence." hindi ko alam bakit parang iba ang dating sa akin ng mga huli niyang sinabi. Bakas pa rin ang ngiti sa kanyang mga labi kahit pa kunot ang kanyang mga noo habang sinisimulan ang pagrereview ng mga pending na papel sa kanyang lamesa.
Hindi naman ako makapagfocus sa aking ginagawa dahil maya't maya ay sinusulyapan ko siya. Pakiramdam ko kasi ay may mga matang nakatingin sa akin, eh kaming dalawa lang naman ang tao dito kaya sa kanya ako tumitingin. Pero kapag tinitignan ko naman siya ay busy pa rin ito sa pagbabasa ng mga papel.
Wala namang mahirap sa trabaho ko dahil batikan na ako sa paglilinis ng kahit na anong madumi, sa katunayan niyan ay hindi naman 'yon isang talento dahil lahat ng tao ay kayang maglinis ng marumi.
Nagiging mahirap lang ito kapag may taong nanonood, o nakatingin sa'yo habang naglilinis ka sa isang lugar.
Gaya na lamang ng sitwasyon ko ngayon, hindi ko na naman alam kung paano ko sasabihin kay Sir Vince na lamesa na niya ang lilinisin ko. Tapos na ang lahat at palagi nalang ito ang nahuhuli dahil sa hiya kong magambala siya sa trabaho.
Naputol lang ang pag iisip ko ng marinig ko siyang tumikhim kaya naman nag-angat ako ng tingin.
"You done?" marahan niyang tanong. Obviously, Sir. Gusto ko sanang mamilosopo kaya lang ay parang nawala talaga ang ganoong ugali ko. Bigla ay naging payapa at akward ang atmosphere sa pagitan naming dalawa kaya pinanatili ko ang pagiging propesyunal.
"Table niyo nalang... po." matagal bago ko naidugtong ang huling salita dahil masyado akong lutang sa malalim at maganda niyang mga mata.
Hindi ko alam bakit hindi ko na kayang tagalan ang pagtitig dito, hindi katulad noong una.
Tumayo ito at lumapit sa akin, tapos ay ngumiti na naman ng pagkatamis-tamis. Hindi ko na naman maiwasang huwag magkumpara, noon ay nakakaasar ang mga ngiti niya. Ano't biglang natutulala ako dito.
"Ganon ba? Sige doon muna ako sa sofa." tanging sabi niya saka dumiretso sa sofa at nakadekwatrong panlalaki pa siyang umupo.
Pakiramdam ko ay napako na ako sa kinatatayuan at hindi ako makakilos. Oo, ando'n na tayo sa nakakaintimidate siya, nakakakaba talaga kapag nandyan siya dahil sa awra niya... pero bakit tila iba yata itong nararamdaman ko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top