Last

Bumalik ako sa table para magpaalam kay Zira na aalis na ako. Pinaalam ko na rin kung bakit ko kailangang umalis. Pinalakas niya pa ang loob ko nang malaman ang dahilan ko. Ngumiti na lang ako sa kaniya bago pumunta sa kotse para roon maghintay sa mag-ama.

Ilang sandali lang ay nakita ko na papalabas na sila. Magkahawak ng kamay ang dalawa habang parehas na diretsong nakatingin sa’kin ng seryoso. Kahit kinakabahan ay nagawa ko pa ring makangiti dahil sa pagkakapareho nilang dalawa.

Mag-ama nga talaga sila. Walang duda.

Dahil kinakabahan, hindi ko nagawang pagbuksan ng pinto si Davies dahil nauna na ‘kong pumasok sa driver seat. Si San Agustin ang nag-asikaso sa anak niya sa back seat bago siya umupo sa passenger seat.

Parang nagkaroon ng karera sa dibdib ko nang manuot sa ilong ko ang panlalaki niyang amoy. Mahina akong tumikhim bago ini-start ang sasakyan.

“Saan mo gusto tayong mag-usap?” mahina kong tanong nang makalayo na kami mula sa restaurant.

“Sa Hotel na lang. Inaantok na ang anak ko,” sagot nito. Hindi ko siya nililingon dahil nanginginig ang labi ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Dahil ba sa kaba? Bakit ba parang ang OA naman ng mga nagiging reaksyon ko sa lalaking ‘to?

“Ah, sige...” mahina kong usal.

Pagkarating namin sa Hotel ay mabilis kong kinalas ang seatbelt na nakakabit sa‘kin bago bumaba. Pagkabukas ko ng backseat para tingnan si Davies ay sakto rin na bumukas ang kabilang pinto sa backseat.

Nagtama ang tingin namin ni San Agustin dahilan para magkagulo ang sistema sa buo kong katawan. Napakurap ako nang ilang beses bago marahan na sinara ang pinto ng sasakyan.

Walang salita na binuhat ni San Agustin ang anak at ganoon din nang maglakad siya palayo. Ni hindi niya ‘ko nilingon kaya nagkusa na akong sumunod sa kaniya.

Sinigurado kong ilang hakbang ang layo ko mula sa mag-ama habang sumusunod sa kanila. Hanggang sa marating namin ang elevator.

Inaasahan ko na may tao na sa loob ngunit nang bumukas ay wala kahit isang tao ang naroon. Napalunok na lang ako bago sumunod sa loob.

Parang noong isang buwan lang ay inaasam ko ang ganitong panggayare, na makasama ko siya at makita ulit. Pero bakit tila pinipiga ang puso ko sa tuwing iniisip ko na ito na talaga ang pagtatapos namin?

Kasi hindi naman ito ang inaasahan ko noon. Ang inaasahan ko’y magiging maayos ang lahat. Babalik ako at naghihintay siya, pero hindi ko naisip na magagawa niyang magmahal ng iba. Na magmamahal siya ng higit sa pagmamahal na binigay niya sa‘kin noon.

Gusto kong isipin na ang unfair niya. Unfair siya dahil wala naman akong minahal kun’di siya lang, walang naging laman ang puso ko kun’di siya lang.

Nabalik ako sa reyalidad nang tumunog ang elevator at bumukas. Muli akong sumunod sa mag-ama nang may ilang hakbang ang layo papunta sa kuwarto nila.

Nang tumapat sa kanilang room ay tumigil ako sa tapat ng pinto. Hindi naman niya sinarado pero wala siyang sinasabi na puwede akong pumasok sa loob. Kaya mas pinili kong maghintay sa gilid ng pintuan.

Sumandal ako sa dingding habang pinagmamasdan ang yellow sandals na suot ko ngayon. Bahagya kong sinipa ang hangin habang hinihintay sa San Agustin.

At halos mawalan ako ng ulirat nang biglang may magsalita sa gilid ko.

“Ano’ng ginagawa mo?” magkakrus ang braso niya habang kunot-noong nakatingin sa’kin. Wala sa sarili akong napaayos ng tayo at nagtatanong na napatitig sa mukha niya.

Mas lalong nagkasalubong ang kilay niya.

“Akala ko ba gusto mo na mag-usap tayo?” tanong niya pa.

Napatango ako. “Oo nga.”

Tinaasan niya ako ng kanan niyang kilay.

“E ano pa’ng ginagawa mo rito? Pumasok ka na.”

Bahagyang nanlaki ang mata ko habang gumilid siya para makaraan ako sa pintuan.

“Sa loob tayo mag-uusap?” nagugulat kong tanong.

“Gusto mo ba rito sa labas?” pilosopo niyang sagot. Napasimangot ako at hindi sinasadyang napairap.

Napapikit na lang ako nang mariin nang malagpasan ko siya. Narinig ko ang pagsarado ng pinto at... paglock?

Napatingin ako sa kabuuan ng room nila. Maganda at mukhang mahal ang bayad. Nasa maliit na living area kami, siguro ay nasa kuwarto si Davies ngayon, mahimbing na natutulog.

“Wala akong mai-aalok na inumin sa’yo. Sabihin mo na lang ang sasabihin at sasabihin ko rin ang dapat kong sabihin tapos okay na. Tapos na.” Napatingin ako kay San Agustin na naghuhubad ng necktie habang prenteng nakaupo sa isahang sofa.

Napakurap ako bago pumunta sa isa ring isahang sofa sa tapat niya.

“Hindi naman mahaba ang sasabihin ko.” Panimula ko.

Tipid siyang tumango. “Edi goods,” balewala niyang aniya.

Kumunot ang noo ko pero agad ko rin iyong inalis. Huminga ako nang malalim bago bumuga ng hangin. Kaya ko ‘to. For my peace of mind and so I can move on.

“Mahal mo pa ba ako?” tahasan kong pagtatanong na ikinalaki ng mga mata niya.

Napansin ko ang pagtaas-baba ng adam’s apple niya. Malakas siyang tumikhim.

“Ang alam ko lang, minahal kita, yun lang.”

Mapait akong ngumiti at tumikhim din nang mahina. Humugot ako nang malalim na paghinga.

“Naiintindihan k-ko. Uhm...gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng mga ginawa ko, San Agustin. Umalis ako nang walang dahilan, nakipaghiwalay ako nang hindi nagsasabi ng rason sa’yo. Pero binalikan kita sa parke, alam mo ba? Kasi...kasi gusto kong bawiin ang sinabi ko...” umiwas ako nang tingin mula sa matiim niyang titig. Tumingala ako para pigilan ang mga namumuong luha sa mga mata ko.

“Noong nakipaghiwalay ako sa’yo, aalis na kami ng araw na iyon. Ang totoo, wala talaga akong balak na magpaalam o magpakita sa’yo kasi baka magbago ang isip ko, pero hindi ko pa rin nagawa kasi pinuntahan kita, kasi mahal kita. Sa buong buhay ko...ikaw lang ang lalaking minahal ko ng sobra pa sa sarili ko bukod sa mga kapatid ko. Mahal kita e, kaya sobra akong nahihirapan sa mga desisyon na ginawa ko noon. Makasarili ako, San Agustin, naging makasarili ako mula sa relasyon natin para sa mga kapatid ko. Naging makasarili ako dahil hinangad ko ang magandang buhay para sa mga kapatid ko kapalit nang paglayo ko sa Pilipinas, palayo sa’yo.”

Hindi ko nagawang pigilan ang emosyon ko. Bumuhos ang mga luhang nais makawala sa pagkakagapos nito. Hindi ko mapigilang mapahikbi.

“Ang hirap pumili pero nagawa ko. Ilang taon akong nangulila sa’yo. Ilang taon kong pinagdusahan ang mga desisyon ko. Mahabang panahon bago ko nagawang umabante sa buhay rito sa bagong lugar. Mahabang panahon bago ko naisip na sumabay sa agos ng buhay rito. Maraming nagbago sa paglipas ng panahon pero...ang nararamdaman ko para sa’yo ang nanatili sa lumipas na taon. Baliw ba ‘ko kasi hanggang ngayon ay mahal pa rin kita? Baliw ba ako kasi umasa ako na may babalikan pa ‘ko sa lugar kung saan kita iniwan?” Tinakpan ko ang mukha ko para punasan ang mga luhang dumadaloy pababa sa aking pisnge.

Pagkatapos ay matapang kong sinalubong ang titig niya. Seryoso, walang emosyon niya ‘kong pinagmamasdan.

“Sorry kung hanggang ngayo’y may nararamdaman pa rin ako. Sorry kung ngayon ko lang sinabi ang mga ito. Sorry kung nasaktan ka noon dahil sa’kin. Sorry sa lahat-lahat, San Agustin. M-Mahal na mahal kita. Please, forgive me...” mula sa kinauupuang sofa ay lumuhod ako nang may pangungulila, pait, hiya at pagmamahal sa kaniya.

Tila ay nagulat siya sa ginawa ko dahil mabilis niya ‘kong dinaluhan. Nanlalaki ang matang hinawakan niya ang magkabila kong balikat.

“Hoy, matagal na kitang pinatawad mare. Promise. Hindi ako nagalit o nagtanim ng sama ng loob sa’yo dahil mahal kita noon. Sa sobra kong pagmamahal, hinanapan ko ng kamalian ang sarili ko kung bakit mo ako iniwan.” Napatingin ako sa kalmado niyang mukha.

Walang bahid ng kahit anong galit.

“Hiniling ko noon sa Panginoon na palagi kang gabayan sa bagong yugto ng buhay mo na wala ako. Ipinagdasal ko na maging maayos ka palagi.” Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge habang may ngiti sa labi. Ngiting may kalungkutan sa mata.

“Wala akong hinangad kun’di ang mapabuti ka. Pinatawad na kita pero ang pagmamahal ko, nabaon na sa kailaliman ng puso ko, mare.”

Tumango-tango ako habang patuloy na umaagos ang mga luha sa’king mata.

“S-Salamat... Sorry.”

***

Next update will be the Finale. Thank you for reading and I apologize for the errors. Hope u enjoy :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top