Finale

After two year and nine months.

“Ladies and gentlemen, SkyAsia welcomes you to Manila, Philippines. The local time is seven thirty in the evening. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle clear until we are parked at the gate.”

Saglit kong itinigil ang pagbabasa ng brochure para magseat belt. Humugot ako nang malalim na paghinga bago isinandal ang ulo sa upuan. Napapikit ako at tipid na ngumiti.

It's been decades. Ang tagal na pala mula nang umalis ako rito sa Pilipinas.

Pagkalabas ko mula sa airport, mabilis kong nakita sina Lilac at Zira na may hawak-hawak na puting banner.

'Welcome back, Zelle.' Tapos may picture naming tatlo na nakacollage.

Lumawak ang pagkakangiti ko habang papalapit sa kanila. Kapwa sila may kargang baby habang nakangiting kumakaway sa’kin.

“Group hug!” sigaw nilang dalawa nang tuluyan akong makalapit sa kanila. I giggled as I embrace their warmth. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang yakap-yakap sila.

“Mommies na kayo,” komento ko matapos naming kumalas mula sa yakapan. Nilaro-laro ko ang maliit na kamay ng baby ni Zira na may cute na cute na headband sa ulo nito.

“Tularan mo na kasi kami,” natatawang saad ni Lilac.

Mahina akong natawa at napailing. Kung alam lang nila kung bakit hanggang ngayo’y single pa rin ako. Although, I tried my best to enter relationships back then when I had cleared everything with San Agustin, but unfortunately, it didn’t work out.

Hindi ko alam kung ako ba ang may problema o yung mga lalaking lumalapit sa’kin. Everything was just not matched. I got tired and so, I focused my all attention on expanding and growth of my company.

“Dadating din si Zelle r’yan. Baka may target na nga ‘yan e,” nakangising wika ni Zira habang naniningkit ang matang nakatingin sa’kin.

“Bongga, ‘yan ang gusto ko sa’yo, Zelle. Target locked na pala,” pagsakay ni Lilac sa sinabi ni Zira.

Napailing na lamang ako habang hindi mapuknat ang ngiti sa labi.

Kina Lilac ako nagpalipas ng buong gabi tapos kinabukasan ay dumeritso ako sa bahay ni ate Heart dito sa Pilipinas. Inayos ko ang mga dala kong gamit dahil tatlong buwan akong maglalagi rito sa bansa.

Aasikasuhin ko kasi rito ang magiging branch ng company namin dito. Katulad ng sinabi ko, ibinuhos ko ang lahat ng atensiyon ko sa kompanya and the outcomes were all worth it.

Pagkatapos kong makapag-ayos, I took a quick nap dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang pagod at puyat mula sa naging biyahe ko. Almost six in the morning na ako nagising kinahapunan.

Nagluto lang ako ng tinolang manok para sa hapunan bago ko naisipang tawagan sina Lianne at Lyka na nasa Switzerland.

“Ate, kumusta na ang Pilipinas?” excited na bungad ni Lyka pagkasagot niyang tawag ko.

Nasa labas ako ng bahay kaya ipinakita ko sa kaniya ang mga nakikita ko sa labas. Marami na rin ang nagbago sa kabahayan dito.

“Gusto ko rin magbakasyon,” nakanguso niyang sabi dahilan para mapangiti ako.

“Sino ba’ng nagbabawal sa’yo na umuwi rito?” natatawa kong tanong.

Napangiwi siya. “Dapat kasi sinama mo ako e,” himutok niya.

Napangiwi ako saka napailing. “Trabaho ang ipinunta ko rito, hindi para magbakasyon.”

“Okay, fine.”

***

Isang sinserong ngiti ang nakapaskil sa labi ko habang nilalapag ang mga dala kong bulaklak para kay Nanay at Tatay. Inalis ko rin ang mangilan-ngilan na dahon sa lapida nila bago ako tuluyang umupo sa nilatag kong panyo sa damuhan.

Ilang segundo akong nakatitig sa mga pangalan nila bago ako huminga nang malalim.

“Kumusta Nay, Tay?” panimula ko. Hinawakan ko ang pangalan ni Nanay na nakaukit sa lapida niya. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak habang bumabalik sa isip ko ang mga alaala nila.

Gaano man kahaba ang lumipas na taon, hindi pa rin talaga mawawala ang lungkot sa puso ko dahil sa pagkawala nila. Pero tinanggap ko na ang katotohanang hindi na sila makakabalik pa, iniisip ko na lang na palagi nila kaming sinusubaybayan mula sa taas upang gabayan.

I’ll be forever grateful to them for bringing me into this world.

“Mahigit sampung taon kaming nawala sa Pilipinas kaya ngayon ko lang nagawang makabisita sa inyo. Pasensiya na dahil natagalan, sasabihan ko rin sina Lyka at Lianne na dalawin kayo kapag makakauwi na sila rito. Miss na miss ko na kayo, Nay, Tay.” Sunod kong hinawakan ang mga pangalan ni Tatay na nakaukit sa lapida niya.

Muli akong ngumiti habang pinagmamasdan ang dalawang puntod ng dalawang taong nagbigay sa’kin ng buhay.

Tumagal ako nang halos tatlong oras dahil ikinuwento ko pa ang lahat ng mga nangyare sa’ming magkakapatid sa Switzerland. Lahat ng mga pinagdaanan at mga naging tagumpay namin. Ipinaalam ko rin sa kanila na maayos na ang buhay namin, nakakakain na kami ng masasarap na pagkain, nagagawa na naming magcelebrate ng birthday tuwing may birthday namin, at nagagawa na naming mamasyal sa magagandang lugar.

Pagkatapos kong dumalaw sa puntod nina Nanay at Tatay ay dumeritso muna ako sa magiging office ko sa loob ng tatlong buwan dito.

Hindi pa ako nakakapag-ayos at mukhang bukas ko pa magagawa iyon dahil malapit na ring dumilim. Bibisitahin ko lang saglit para makita ko at para malaman ko kung ano pa ang mga dapat kong bilhin na gamit.

Kinabukasan, maaga akong nagising at nagluto ng hotdog at ham para sa umagahan. Pupuntahan ko ngayon ang N’N Cafe para saglit na bumisita bago ako didiretso kina Zira para roon maglunch.

Pagkarating ko sa N’N Cafe, sinalubong ako ni Miss Shasha. Kinamusta niya ‘ko at si ate Heart at may kaunti na ring kwentuhan sa opisina niya habang umiinom ng kape.

Hindi rin ako nagtagal sa Cafe. Nagmaneho ako papunta sa bahay ni Zira. Nandoon na si Lilac pagkarating ko at siya nga mismo ang nagbukas ng gate para sa akin.

Nakapaghanda na si Zira ng pagkain at nakahain na iyon sa hapag kainan. Ang mga anak nila ay may kaniya-kaniyang upuan na for babies talaga.

Masaya kaming nagkukuwentuhan habang kumakain nang dumating si Mak na mukhang galing sa trabaho. Hindi siya nagulat nang madatnan niya kaming tatlo dahil mukhang sinabi na ni Zira sa kaniya na dito kami magla-lunch sa kanila.

“Welcome back to the Philippines, Lezelle. For good ka na ba rito?” untag niya habang karga-karga ang anak na kinuha niya mula sa kinauupuan nito.

Nilunok ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago ako umiling sa kaniya.

“Three months lang, may aasikasuhin lang ako rito,” sagot ko.

“Bakit hindi na lang dito tumira? Malay mo, nandito lang pala ang the right man na para sa’yo.” ngumiti siya nang nakakaloko habang tumataas-baba ang kilay.

Umingos ako. “Bahala na. Marami pa akong ginagawa sa buhay.”

Siya naman ngayon ang napaingos.

“Kaya ka hindi nakakalovelife kasi marami ka palaging ginagawa. Gusto mo ba ireto kita sa tropa ko?”

“Thanks but no thanks.”

***

Halos isang buwan na ang lumipas mula nang dumating ako rito sa Pilipinas. Naging abala ako sa trabaho nitong mga nakaraang linggo at halos hindi ko na magawang makadalo sa birthday party ng anak ni Zira. Nagpadala na lang ako ng regalo dahil saktong nasa Cebu ako noon para i-meet ang isang kliyente.

Nasa office kanina nang makaramdam ako ng gutom. May kainan naman na malapit pero mas pinili kong tumawid ng kalsada para bumili ng makakain sa isang convenient store.

Doon ko na rin kinain ang mga binili ko at saglit na nagpalipas ng oras bago ko naisipang bumalik. Nang marating ko ang pedestrial ay naka-stop signal pa ang traffic light. Halos sampu ang kasama ko sa paghihintay na mag-green ang traffic light habang sa kabilang side naman ay mayroon din.

Habang hinihintay, nagmamasid lang ako sa buong paligid hanggang sa dumako ang tingin ko sa kabilang side ng pedestrial.

A familiar man caught my attention. Nanliit ang dalawa kong mata habang sinisipat ang lalaking nakapamulsa na tila naghihintay rin ng go signal.

Parang may bumundol sa dibdib ko nang mag-go signal ang traffic light at nagsimula na silang tumawid. Samantalang ako’y napako sa kinatatayuan habang nakatitig sa lalaking naglalakad palapit sa direksyon ko.

Napalunok ako nang magtama ang tingin namin. Kumunot ang noo niya habang nakikipagtitigan sa’kin.

Pareho kaming walang emosyon habang nakikipagtagisan ng tingin sa isa’t isa. Walang umiwas hanggang sa tumapat siya sa akin.

“It's been a while, mare.” Mula sa seryoso ay matamis siyang ngumiti.

I nodded and smiled, too

“Hmm, it's been a while. You look great and happy,” mahina kong sabi.

Tumango rin siya. “Oo. Ikaw?”

“I guess, yes.” Nagkibit balikat ako. Tumango-tango siya.

“Mabuti naman. Masaya akong makita ka ulit, mare. Lalo kang gumanda.”

Isang malakas na tambol ang humampas sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano’ng ire-react ko. Tipid na lang akong ngumiti habang malakas ang kabog ng aking dibdib.

Iba pa rin ang epekto niya sa’kin.

“Masaya rin akong makita ka ulit, San Agustin.”

***

The End.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top