9
Ito ang unang araw ng pasukan. Mabilis na natapos ang dalawa buwan na bakasyon. Kahit papaano’y nakapag ipon ako ng pera mula sa pagbebenta ng puto’t kutsinta. Kaya nakabili ako ng mga gamit para sa school tulad ng, papel, ballpen, at mga notebook.
Ang dati kong bag ang ginamit ko ngayon. Nasira kasi ang bag ni Lyka kaya siya na lamang ang binilhan ko. Matibay at maayos pa naman ang sa’kin at p’wede pa hanggang sa next year.
Nilapitan ko ang lahat ng room para sa mga grade 9, nagbabasakali akong mahanap ang pangalan ko. Tumigil ako sa tapat ng pinto sa pangatlong silid na napuntahan ko. May nakadikit na listahan kaya mabilis kong hinanap ang pangalan ko.
Sa bandang ibaba ako naghanap dahil nasa huling alpabito naman ang unahan ng apelyido ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil nakita ko na rin sa wakas ang pangalan.
Hindi na katulad ng dati na magkakasama ang mga may matataas na grado sa iisang section. Pinaghalo-halo nila ang lahat at saka pinangkat-pangkat.
Nalaman kong nasa Section B pala ako. Pumasok ako sa loob at dumeritso sa dulo. Inukupa ko ang upuan na nasa tabi ng bintana.
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago tiningnan ang mga magiging kaklase ko sa buong taon. Masaya silang nagkekwentuhan sa mga nangyare noong bakasyon nila. Ang iba ay kilala ko habang ang iba naman ay kilala ko lang sa mukha nila.
Patuloy na umingay ang buong silid habang tahimik akong nakamasid sa labas ng bintana. Pinanunuod ko ang ibang mga estudyanteng naghahagilap pa rin ng mga section nila. May tumatakbo, may naglalakad at may magbagal na naglalakad, tipong akala mo’y sa buwan humahakbang.
Inabala ko ang sarili sa pagtanaw sa labas ng silid. Pero nawala rin ang atensiyon ko sa labas nang may sumisigaw na pumasok sa lood ng room. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil parang pamilyar ang mga boses na sumisigaw.
Sumulyap ako sa pintuan. Natanaw ko si Roy at Mak na animo’y mga gangster dahil sa mga porma nila. Hindi nakabutones ang polo ni Roy kaya kitang-kita ang sando niya na panloob. Habang si Mak nama’y nakabukas ang tatlong butones ng polo. Litaw na litaw ang kaniyang maliliit na kadenang kwintas. Parehas pang na nakataas ang mga buhok nila.
Kumibot ang labi ko habang pinapanuod ang bawat pagyayabang nila sa mga kaklase ko. Kapwa sila nakangisi habang mayabang na naglakad papunta sa likuran.
Hindi nila ‘ko napansin dahil masyado silang abala sa mga kayabangan nila. Kaagad na bumalik ang tingin ko sa pintuan nang may malakas na humampas sa pinto. Ang iba ay bahagya pang napatalon dahil sa gulat.
Mas lalong kumibot ang labi ko nang makita si San Agustin. Kapansin-pansin ang matingkad niyang buhok na kulay pink. Katulad ni Mak, nakabukas rin ang tatlong butones ng polo niya. Kaya kitang-kita ang itim niyang sando sa loob.
Pinagmasdan ko si San Agustin. Mukhang marami ang nagbago sa mukha niya, mas lalong nakakagigil at nakakaasar.
Mayabang siyang naglakad palapit sa dalawa niyang kaibigan. Ni hindi nila ‘ko napansin dahil abala sila sa pagngisi-ngisi sa mga babaeng tumitingin sa kanila.
“Ano ba ‘yan? Bakit naging kaklase pa natin ang mga sakit sa ulong ‘yan? Mga basagulero naman,” rinig kong bulong ng nasa unahan ko. Panaka-naka silang lumilingon sa tatlo habang nag-uusap.
“Siguradong palaging mapapagalitan ang section natin dahil sa mga ‘yan, hayst,” sagot ng isa pa.
Tipid akong natawa dahil sa mga sinabi nila dahil hindi malayong mangyare ang sinasabi nila. Noong nakaraamg taon nga, pinarusahan ang section ng tatlong ‘yan dahil sa kanila. Ni hindi man lang nahiya dahil nadamay ang mga walang kinalaman.
“Pero ayos pa rin, kaklase naman natin ‘yong nagtop1 noong grade 8,” rinig kong dugtong niya.
Inabala ko na lang ulit ang sarili ko sa pagtanaw sa labas ng bintana habang naghihintay na dumating ang magiging adviser namin.
Ilang minuto lang bago siya dumating. Pinatayo niya kaming lahat papunta sa likuran ng silid para ayusin ang seating arrangement namin. Marami akong narinig na reklamo mula sa iba habang ang iba ay walang pakialam katulad ko. Pero mas gugustuhin ko pa rin na umupo sa dulo sa tapat ng bintana.
“San Agustin, dito ka!” sigaw ni Sir habang nakaturo sa ikalawang row ng upuan. Mayabang na naglakad si San Agustin sa upuan at umupo. Nakita ko ang pag-iling ni Sir bago tumingin sa hawak niyang listahan ng mga pangalan namin.
“Qalawacan, tumabi ka kay San Agustin,” malumanay niyang saad. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago naglakad palapit kay San Agustin.
Malawak ang nakakaloko niyang ngiti habang inaayos ko ang pagkakalagay ng bag sa upuan.
Nakuha pang kumindat nang magtama ang tingin namin. Kumunot ang noo ko habang nakatingin ng diretso sa blackboard.
Naramdaman ko ang pagsundot-sundot niya sa braso ko.
“Long time no see, mare,” pinagpatuloy niya ang ginagawa. Bahagya akong lumayo bago siya tiningnan.
Isang pekeng ngiti ang binigay ko sa kaniya. Malakas siyang humalakhak kaya napatigil si Sir sa pagtatawag at nagtatakang tumingin sa pwesto namin. Yumuko ako para iwasan ang tingin nila bago ko siniko si San Agustin.
“Aw,” pagrereklamo niya.
“May problema ba r’yan, Ms. Qalawacan?” tanong ni Sir.
“Wala po, Sir,” magalang kong sagot.
“Naniniko po si Ms. Qalawacan, Sir. Bad siya,” pinanlakihan ko ng mata si San Agustin. Nakasimangot siya na parang isang batang inaway.
“Hoy!” taranta kong untag.
Mabilis akong bumaling kay Sir at umiling-iling.
“Hindi po. Nagsisinungaling po siya,” pagtatanggol ko sa sarili.
“Tama na ‘yan, mga kids. Magmahalan at patawarin ang isa’t isa dahil isang taon kayong magkakasama. Kayo rin, lahat kayo,” wika ni Sir at tiningnan ang lahat ng mga kaklase ko.
“Magmahalan, big word,” rinig kong bulong nitong katabi ko.
“Magmahalan daw tayo,” bulong niya malapit sa tainga ko saka humalakhak ng mahina.
Naiirita kong tinulak ang mukha niya palayo.
“Hindi ako nagmamahal ng sisiw,” sambit ko, bago ko sinulyapan ang matingkad niyang buhok.
“Talaga ba, Qalawacan? Pwes, hindi rin ako nagmamahal ng space,”nanlalaki pa ang mata niya habang nakatingin sa’kin.
Hindi ko na lang siya pinansin. Saktong patapos na rin ang paseseating arrangement. Sinabi ni Sir na ito na ang magiging permanent seating arrangement namin.
Bahagyang tumaas ang kilay ko nang marinig ko ang pagbulong ni San Agustin.
“Unang araw pa lang, nagsasawa na ako sa pagmumukha ng katabi ko tapos may ilang buwan pa?” pagak siyang natawa na para bang hindi makapaniwala.
“Kapal ng mukha mo, kasing kapal ng desk na ‘to,” pa-ismir kong sambit.
“Eh di wow, Qalawacan. Walang nagtatanong,” sarkastiko niyang sagot.
Bumuntong hining ako upang pakalmahin ang isip. Baka masuntok ko siya kapag hindi ko pa naagapan ang sarili.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top