50

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang nagmamaneho papunta sa binigay na address ni Zira. Para bang nakikipagsabayan ang tibok ng puso ko sa bilis ng takbo ng aking sasakyan.

Pilit kong inaalis sa isip ang mga namumuong pag-asa sa puso ko ngayon. Nakakapagod din palang umasa sa mga imposibleng mangyare. Ako lang din naman ang gumagawa ng mga bagay na ikinasasakit ng damdamin ko.

Pagkarating ko sa parking lot ng restaurant, huminga muna ako nang malalim bago ako lumabas mula sa sasakyan. Saglit ko munang inayos ang sarili bago naglakad palapit sa entrance ng restaurant.

Napalunok ako ng wala sa oras bago ko pa nagawang buksan ang pinto ng resto. Mabilis kong inilibot ang paningin sa loob nang makapasok ako. Hindi ganoon kadami ang tao na narito. Pakiramdam ko, nirentehan nila ang buong restaurant para sa event na ‘to.

“This way ma’am,” agad akong napalingon sa lumapit na waitress sa’kin na mukhang igigiya ako papunta sa table nila Zira.

Tipid akong ngumiti at saka sumunod nang talikuran niya na ‘ko.

Pumasok pa kami sa isang silid na mukhang para lang sa mga VIP’s costumers.

Bahagyang napataas ang kilay ko habang pumapasok sa loob ng silid. Mukhang may datung ang nabihag ni Zira para idaos ang kanilang engagement party sa ganitong uri ng lugar. Mabuti naman dahil deserve niya ang ganoong lalaki.

Inilibot kong muli ang paningin sa panibagong silid na pinasukan ko. Napagtanto ko na talagang VIP room ‘to base sa ganda ng mga interior design at sa mga muwebles na ginamit sa buong silid.

Napatango-tango ako habang pinapasadahan ng tingin ang mga painting at vase sa bawat gilid hanggang sa marinig ko ang sigaw ni Zira.

“Zelle!” Nakangiti akong lumingon sa pinanggalingan ng boses ngunit kaagad din iyong naglaho nang makita ko si San Agustin na nakaupo sa dulo ng mesa kasama ang anak niya.

Diretso itong nakatingin sa mata ko kaya naging doble ang kabang nararamdaman ko ngayon kaysa sa kanina. Wala sa sarili akong napalunok ng laway at saka nakangiwing-ngiti na lumapit sa table nila.

Nag-iwas ako ng tingin at bagkus ay bumaling kay Zira na malapad ang ngiting naglalakad palapit sa’kin. Pilit akong ngumiti para sumalubong sa kaniya.

“Congratulations, Zira. Deserve mo ‘to...” natutuwa kong saad pagkalapit namin sa isa’t isa.

“True, hiniling ko kaya ‘to kay Lord. And indeed, he’s listening to us,” masaya niyang aniya bago ako niyakap.

“Pero...sure ka bang ayos lang sa’yo na nandito si Davido?” bungad niyang tanong nang pakawalan ako.

Ang ngiti ko’y biglang naglaho. Napabuntong hininga ako saka tumango.

“Oo, ayos lang. Kaya ko ‘to.”

Ilang segundo niya akong tinitigan bago niya ‘ko nagawang hilahin papunta sa table nila. Naging seryoso ang emosyon ko habang papalapit kami, pero ang totoo’y nanginginig na ang mga binti ko dahil nararamdaman ko pa rin ang titig niya sa’kin.

Tipid akong ngumiti sa mga hindi pamilyar na mukha upang batiin sila. Ngumiti rin sila pabalik sa’kin hanggang sa dumako ang tingin ko kay San Agustin na seryosong kinakausap ang anak.

Umiwas na ‘ko ng tingin bago niya pa ako mahuli. Si Zira naman ay mabilis akong nilagyan ng pagkain sa plato. Napatingin ako sa kaniya para magtanong.

“Zira, nasaan ang fiancé mo?” bahagyang kumunot ang aking noo dahil halos lahat nang nandito sa table ay may mga partner kaya hindi ko alam kung sino rito ang papakasalan niya.

Ngumisi siya bago yumuko. “Nasa restroom lang,” bulong niya.

Napatango ako nang makalayo ang mukha niya. Mayamaya lang ay tila nagliwanag ang mundo para sa kaniya. Sa hula ko’y may nakikita siya mula sa likuran ko.

Wala sa sarili akong napalingon. Ang ngiti na sumusupil sa’king labi ay unti-unting naglaho nang makita ko ang pamilyar na lalaking papalapit sa puwesto namin. Maging ang lalaki’y napaawang din ang labi nang magtama ang tingin naming dalawa.

Naging mabilis ang paglalakad nito palapit sa’min.

“Lezelle?!” malakas niyang tawag kahit na ilang hakbang na lang ang layo niya. Imbis na ngumiti ay napangiwi ako.

Rinig ko ang mahinang tawa ni Zira bago niya nilapitan ang lalaki. Hindi na ako nagulat nung ikawit niya ang braso sa braso nito.

“Kayo? Nagkabalikan kayo?” naguguluhan kong untag.

Matamis na ngumiti si Zira bago tumango-tango. Samantalang si Mak ay mukhang nagugulat pa rin na makita ako ngayon rito. Napatakip pa nga ito sa kaniyang bibig habang nakatingin pa rin sa’kin.

“Ikaw nga talaga si Lezelle? Grabe, lalo ka yatang gumanda. May boyfriend ka na siguro?” mula sa gulat na reaksyon ay naging mapangtukso ang tingin nito.

Napailing ako sa kaniya. “Wala akong boyfriend. I’m too busy for that,” sagot ko.

Napataas ang kilay niya, mukhang hindi naniniwala sa sinabi ko. Inalalayan niya muna si Zira paupo bago niya ‘ko binalingan, nakuha pang magsalong-baba habang nagtatanong.

“Nandito ka lang pala sa Switzerland. Ano’ng trabaho mo ngayon rito?” pagtatanong niya.

Ang pagkain na nasa harapan ko ay hindi ko magawang magalaw dahil sa kaniya. Hindi pa naman ako nagugutom pero mukhang masarap kaya natatakam ako.

“May maliit akong kompanya, sakto lang para mabuhay ako at ang dalawa kong kapatid,” wala sa sarili kong sagot bago ko tinikman ang pagkain.

Pansin kong may kaniya-kaniyang usapan ang bawat pares na nasa table at tila walang balak makipag-usap sa iba. Malaki rin kasi ang table kaya mahirap makipag-usap. Kailangan pa talagang lakasan ang boses para marinig ang sasabihin mo.

“Aba, goods ‘yan. Nga pala, nagka-usap na ba kayo ni Davido? For closure? Teka nga, kailangan niyo pa ba ‘yon?” nang sulyapan ko si Mak ay nakahawak na ito sa kaniyang baba at mukhang nag-iisip.

Kumunot ang noo ko. “Ano’ng closure?” taka kong tanong sa kaniya.

Napatingin siya sa’kin. “Closure...uhm parang ano...may malinaw na dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay para malinaw kung bakit gano’n ang nangyare. Gets?” pagpapaliwanag nito.

Napatango-tango ako.

“Saka closure para may peace of mind ang bawat side.” Dugtong pa niya.

***

Closure? Kailangan ba namin ‘yon? Pero mukhang kailangan ko...dahil kailangan kong umabante at iwanan ang lahat ng pinanghahawakan kong pagmamahal mula sa kaniya at sa’kin na iningatan ko sa loob ng mahabang panahon.

Kung iyong closure ang tanging sagot para matahimik at makapagmove ako. Then, kailangan kong makausap si San Agustin, ngunit ang isang malaking katanungan ay kaya ko ba?

Kaya ko ba siyang harapin? Kaya ko ba siyang kausapin kung sa tingin pa lang niya’y nanginginig na ang mga tuhod ko? Saka bakit ba may ganoong epekto sa’kin ang San Agustin na ‘yon? Dati-rati nama’y hindi ganito ang epekto niya. Ibang klase.

Ang tanga ko lang para maisip na may mababalikan pa ‘ko matapos kong umalis nang walang binibigay na dahilan. Matapos ko siyang iwanan kung kailan kailangan na kailangan niya ‘ko.

Ngunit kung ibabalik man ang panahon, pipiliin ko pa rin ang mga desisyon na ginawa ko. Para sa mga kapatid ko, para sa kanilang kinabukasan at para sa maayos na buhay na naghihintay sa’min dito sa Switzerland.

“Zelle, ayos ka lang?” Nagulat ako sa malamig na kamay na humawak sa akin.

“Ha?” napatingin ako kay Zira. “Ah, oo, ayos lang.” Pilit akong ngumiti bago nagpaalam sa kaniya para pumunta sa banyo.

Naghilamos at napatitig ako sa repleksiyon  ko mula sa salamin. Ilang minuto akong nagtagal sa banyo bago ko naisipang lumabas pero pagkalabas ko’y sakto ring bumukas ang kasalungat na pinto mula sa banyo ng mga babae. Napatigil ako sa akmang paghakbang dahil si San Agustin ang taong nagbukas noon.

Ang normal na tibok ng puso ko’y naging doble habang nakikipagtitigan sa kaniya.

Ngunit ilang saglit lang dahil bigla rin siyang naglakad paalis. Hindi ko alam kung bakit ako nataranta bigla at dahil doon ay nagawa ko siyang mahabol. Hinawakan ko ang dulo ng polo niya dahilan para mapatigil siya.

Nilingon niya ‘ko nang walang emosyon.

“Bakit?”

Napalunok ako at napaatras.

“P’wede ba tayong mag-usap?” mahina kong tanong.

Nakita ko kung paanong kumunoy ang kaniyang noo.

“Ano’ng pag-uusapan?”

“Tungkol sa...s-sa ano...sa d-dati. Sa atin.”

“Hindi na natin kailangang pag-usapan ‘yon.”

Nagkasalubong ang kilay ko. “Pero kailangan natin mag-usap.”

Napabuntong hininga si San Agustin at saglit na pumikit.

“Sige, sabihin mo na kung ano’ng sasabihin mo.”

Nakagat ko ang ibabang labi. “P’wede ba na hindi rito?”

Buong akala ko’y hindi siya papayag pero tumango siya kaso nga lang may kondisyon.

“Isasama ko ang anak ko.”

“S-sige.”

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top