5
Ilang beses akong lumilingon sa likuran ko upang tingnan si San Agustin na nagpresintang siya na ang magbubuhat sa kapatid ko palabas ng kanto. Hindi ako pumayag pero kapag kinukuha ko na si baby Lianne sa kaniya ay bigla itong iiyak habang pilit na inaabot ng maliliit niyang kamay si Davido.
Nginisian niya ‘ko bago muling kinarga ang kapatid ko. Hindi ko maiwasang mapasimangot habang naglalakad sa unahan nila.
Hindi palasama ang kapatid ko sa mga taong hindi pamilyar ang mukha sa kaniya. Kadalasan ay sa’min lang siya nagpapakarga. Ni mga kapitbahay ko nga hindi siya mabuhat. Anong inaarte-arte ni baby Lianne ngayon? Porque ba gwapo ‘tong San Agustin na ‘to?
Palihim akong napasinghal habang naglalakad. Naririnig ko na binibaby talk ni San Agustin ang kapatid ko. Tapos sasagot din si baby Lianne na para bang nakikipag-usap talaga siya.
“Salamat,” mahina kong sabi bago kinuha si baby Lianne sa kaniya. Hinatid niya kami hanggang sa sakayan ng jeepney.
Tumango siya saka hinawakan ang kamay ng kapatid ko.
“Byebye,” pinaliit niya ang boses katulaf kanina. Napabuntong hininga ako bago tuluyang sumakay sa jeep.
Lumipas ang ilang linggo na paulit-ulit lang ang naging takbo ng buhay ko. Natapos na rin ang intramurals. Hindi ako dumalo at piniling magtinda ng puto’t kutsinta katulad ng plano ko.
Ilang araw ng absent si Aldrin. Wala akong balita tungkol sa kaniya kung bakit siya palaging absent. Hanggang sa marinig ko sa usapan ng mga kaibigan niya na aalis na pala sila sa Pilipinas. Sa ibang bansa na sila maninirahan at nag-aasikaso na lang ng lilipatan niyang school.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaunting kalungkutan nang malaman ko ‘yon. Buong akala ko ay magkakaroon na ako ng kaibigan dahil sa kaniya.
Mag-isa akong naglalakad papunta sa canteen. Binigyan ako ni Nanay ng pera dahil binigyan siya ng malaking tip sa paglalabada.
Ito yata ang panglima kong punta sa canteen simula noong mag-aral ako rito. Bumili ako ng isang biscuit at juice. Magkapantay ang labi ko habang naglalakad palabas ng canteen.
“Ms. Qalawacan!” napatigil ako sa paghakbang. Malapit na akong makalabas pero may sumigaw sa apelyido ko.
Pumihit ako paharap sa lalaking tumawag sa’kin. Si Davido San Agustin pala na malapad ang ngisi sa mukha.
Nakaupo sa lamesa habang ang dalawang kaibigan ay nakaupo sa mga upuan. Sinenyasan niya akong lumapit kaya tumaas ang isa kong kilay.
Ano kayang kailangan ng San Agustin na ‘to?
Isang buwan na ang lumipas mula nang nakita niya ‘ko sa center. Sa loob ng isang buwan na ‘yon palagi akong nakakarinig ng masasmang balita tungkol sa grupo niya. Palaging may away na nagaganap, at palagi silang sangkot.
Lumapit ako sa kaniya. Walang emosyon ang mukha ko habang hawak-hawak ang binili ko.
“Bakit?” seryoso kong tanong.
Biglang naalis ang ngisi sa mukha niya at napalitan ng pagtulis ng nguso.
“Pwede ba kitang maging tutor?” aniya habang patuloy na nagpapacute. Gusto kong takpan ang mukha niya pero may hawak ako.
“May bayad,” saad ko. Tumango siya at nawala ang pagkakasimangot niya. Tipid akong napailing bago umalis. Sinabihan niya pa akong magkita raw kami mamaya pagkatapos ng klase.
Tulad ng sinabi niya, nagkita kami pagkatapos ng klase. Hinintay ko siya sa isa sa mga bench na nagkalat sa buong school malapit sa room nila. Ilang minuto akong naghintay bago sila pinalabas ng teacher.
Pinanuod ko kung paanong mag-unahan ang mga lalaki sa paglabas sa pintuan. Ang iba ay nagkasabay pa kaya bahagyang na-stuck. Mukha silang pinalayang mga preso.
Natanaw ko si San Agustin na binatukan muna ang isa niyang kaklaseng may suot na salamin bago patakbong lumapit sa’kin. Nakangisi na naman siya.
“Kanina ka pa?”
“Hindi, kakarating ko lang,” sagot ko.
Tiningnan niya ako na para bang hindi ako nagsasabi ng totoo. Hindi naman talaga ako naghintay ng matagal sa kaniya. Siguro mga limang minuto lang ako umupo rito.
“Talaga ba?” tumaas-baba ang kilay niya.
“Magkano ang ibabayad mo sa’kin?” tanong ko, hindi pinansin ang pang-aasar niya. Mukha pa lang, nakakapikon na.
“Bente,” mabilis niyang sagot. Kumunot ang noo ko saka ko sinakbit ang bag sa balikat.
“Kalimutan mo na lang,” pinagpantay ko ang labi saka akmang maglalakad paalis. Pero hinigit niya ang bag ko kaya napatigil ako sa akmang paghakbang. Binalanse ko ang sarili dahil muntik na akong ma-out of balance.
Sinamaan ko siya ng tingin pero siya ay may nakakalokong ngiti sa labi.
“Bilis mo namang maniwala. Uto-uto ka pala e,” mukha siya sayang-saya sa nangyayare.
Napaingos ako, “naalala kong may trabaho pala ako pagkatapos ng klase. Hanap ka na lang ng ibang magtututor sa’yo,” nagbago na ang isip ko. Baka kapag tumagal masabunutan ko ang buhok niyang naghahanap ng gunting.
“Lol, naka-oo ka na kaya,” aniya.
“E ‘di binabawi ko na,” sagot ko naman.
“250 kada tutor. Ano deal or no deal?” nagthumbs up ang kanan niyang kamay habang ang kaliwa nama’y nakathumbs down.
Mas malaki pa sa sinasahod ko kay Aling Lolita. Tiningnan ko ng seryoso ang mukha niya. Mukha siyang nagbibiro kaya nagdadalawang isip ako. Hindi katiwa-tiwala ang mukha niya ngayon.
“Paano ako makakasigurong susunod ka sa usapan?” tanong ko.
Napanguso siya at nag-isip.
“Easy lang ‘yan mare. Kapag hindi ako sumunod sa usapan, one call away lang ang magulang ko. Do’n mo singilin ang sahod mo,” tumawa siya na para bang nakakatawa ang sinabi niya.
“Uuwi na ‘ko, may trabaho pang naghihintay sa’kin,” anas ko. Pero bago pa ‘ko makalayo ay pinigilan niya na ‘ko sa braso.
“Bilis mo talagang maniwala. Joke ‘yon, tutupad ako sa usapan. Cross my heart, mamatay man si Cronos,” aniya, nagawa pa niyang hawakan ang kaliwang dibdib kung saan matatagpuan ang puso ng tao.
“Sinong cronos,”
“Alaga kong pusa,” balewala niyang sagot. Nauna pa siyang naglakad sa’kin habang nakapamulsa.
Napabuntong hininga ako bago sumunod sa kaniya. Naabutan ko siya sa hallway, sumabay ako sa paglalakad dahil ang bagal ng bawat hakbang niya.
“Kailan ako magsisimula?” tanong ko.
“Tuwing sabado lang naman, mare. Ayoko ng araw-araw dahil baka masanay ka sa kagwapuhan ko. Mahirap na,” nakita ko ang nakakaloko niyang ngisi sa labi.
Napasinghal ako at sinadyang lakasan para marinig niya. Ang kapal ng apog. Nakakairita talaga ang ugali niya.
“Okay sige,”
“Good bye, Miss Mare,”
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top